Kabanata 29

“OO!” kumpirma ni Jules kay Finna.

Binuklat ng dalaga ang itim na mga pahina. Nakasulat sa pula ang lahat ng letra sa mga pahina. Medyo mahirap basahin kapag madilim. Pinadilat niya nang maigi ang mga mata upang mabasa ang mga salitang nakasulat doon.

“How to conjure a neuter demon… Hindi ito… How to call Asag… Asag?” Saka napatingin siya kay Jules.

“Hindi ko siya kilala,” ang kumibit na anang binatang mabilis na umiling.

Naiiling din ang dalaga. “Kung bakit kasi hindi mo ‘to pinag-aralan, eh,” ang sisi pa niya rito. “You had a whole year, Jules.” Ngunit pinandilatan siya ng lalaki. “Or almost a year,” kumibit na aniya rito bago muling nagsalita, “to check what’s in this book! God!” Pinakli-pakli pa rin niya ang pahina ng aklat habang sinisisi ang binata. “A-ang dami namang demonyo rito,” ang aniyang nakasimangot. Hindi alam kung ano ang pipiliin. “Si… Satanas lang yata ang kilala ko,” maktol pa niya at napasinghap siya nang makaramdam siya ng malamig na hangin mula sa likuran.

Pinigilan niya ang sariling huwag matakot kahit kumabog na nang husto ang puso niya. Sa paglingon pa niya ay naroon na naman ang babaeng nakaputi na nakita niya minsan sa kanyang panaginip. Hinablot niya ang crucifix mula sa kamay ni Jules at iniharap iyon doon. Napaatras ito.

“Huwag… kayong magulo kung gusto n’yo ng tulong!” ang tiim-bagang na babala niya rito at medyo dumistansiya ang anino at ang babaeng nakaputi habang napatitig naman si Jules sa huli. “Saling, hawakan mo ‘to.” Ipinasa niya ang krus sa katulong na nanginginig ang kamay na nakahawak nito.

Halos sumisiksik na sa kanila ni Jules ang tiyahin at katulong samantalang nagpatuloy siya sa pagbuklat sa mga pahina ng aklat.

“H-hindi ko pa rin makita ang succubus o incubus na orasyon,” ang reklamo ni Jules.

“God… h-hindi ko man lang… t-teka… How to conjure Kokabiel…” Saka bigla siyang may naaalala. She read this name somewhere. “That’s it! Angel of Stars at isang Fallen Angel siya, Jules!”

“You lost me. Hindi ko siya kilala,” ang pakli ng lalaking napatigil sa pagbuklat. May pag-aalala pa rin sa mga mata nito. Pag-aalala dahil hindi nila alam kung tama nga ba itong pinili nila.

“Hello? Siya ang fourth mentioned angel sa 200 fallen angels sa Book of Enoch. And it’s said that he commanded an army of 365, 000 spirits, Jules!” Saka napatawa siyang parang ulol habang nakatingin sa kanya ang lalaking hindi siya maintindihan. “Tatawagin natin siya!” parang wala sa sariling dagdag niya.

Napamaang ang lalaki. “Are you crazy? Tatawagin mo ang isang fallen angel? And you read the Book of Enoch?” hindi makapaniwalang anito. “Tapos, ano’ng mangyayari sa ‘tin kapag tinawag na ang isang fallen angel, ha?” tarantang dagdag-tanong ng binata.

“Well, I thought that we could buy some time while he’s fighting off the demon that you saw… ‘di ba? Habang… habang… Oh, sh*t! Mag-aalas tres na ng umaga?” manghang aniya nang sulyapan ang relong pambisig ng lalaki. “Bakit napakabilis ng oras?” Nakakunot ang kanyang noong napatingin sa lalaki.

“Hindi kaya…?” umpisa ng lalaki at natigil nang may naisip itong bigla.

She somehow knew what was going on. “May incantation para mapabilis ang oras. Somebody is so desperate to make something happen, don’t you think?” ang wika niya sa binata.

Nagkatitigan silang dalawa nang walang salita.

“At bakit parang nag-uusap kayo ng tungkol sa mga kababalaghan?” tanong ng tiyahin niyang nangangatal ang boses.

Ewan na lang ni Finna kung ano ang nasa isip ngayon ng tiyahin. Sobra yatang na-shock kaya hindi maproseso ng utak na halatang nasa hindi magandang senaryo sila.

“Dahil ito ang nangyayari ngayon, Tita!” ang matigas niyang sabi rito. “’Di ba? Nakikita n’yo ang dalawang ‘yan?” sabay turo niya sa anino at sa babaeng nakaputi.

“O-oo!” tugon nitong tumango at napuna niya ang panginginig ng katawan nito.

Napalunok ang dalaga. Siya man ay natatakot din sa nangyayari ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa kanilang lahat.

“Umalis na tayo sa bahay na ito, Finna!” pakiusap ni Saling na nanginginig pa ring nakahawak sa krus na iniharap sa dalawang elemento.

“It’s not going to happen, Saling. Hindi na tayo makakalabas ng bahay sa ganitong oras,” ang pagpaalam niya rito.

“A-ano?” ang lalong natatakot na ani katulong kaya mas nataranta na rin ang kanyang tiyahin.

“Don’t even think about it, Tita,” ang babala niya sa tiyahin na mukhang may pinaplano. Kilalang-kilala niya ito.

“Sisiguraduhin ko lang naman kung hindi nga tayo makakalabas ng bahay,” ang tugon naman nito, tinutukoy ang pinto.

Umiling siya rito at saka huminga nang malalim. She was going to die rather than to just wait and see what was going to happen to them after this night.

“Gagawin mo ba talaga ang incantation?” paninigurado ni Jules at tumango siya rito.

“Buo na ang pasya ko, Jules!” matigas na saad niya at tiningnan ang aklat. “K-kandila. Kailangan natin ‘yon,” ang dagdag niya pa.

“Heto, o,” ang sabi ni Saling na hinugot iyon mula sa suot nitong mahabang saya.

Napamaang siya rito. “Bakit may dala kang kandila?” tanong niya rito.

“Kasi nga patay-sindi iyong ilaw ko sa kuwarto. Nakakatakot! Tapos, pinatay mo ‘yong ilaw ko kagabi,” ang sagot nito sa kanyang iniabot ang kandila at tinanggap niya iyon.

“Hindi nga ako ang pumatay sa ilaw mo, okay?” inis na aniya rito at ibinigay niya ang kandila sa lalaki. Sinindihan naman iyon ng binata gamit ang extra lighter nito.

“Kailangan natin ng salamin ayon dito sa libro,” ang aniya sa binata.

Itinuro naman ng binata ang bintana. Napakiling siya nang saglit at tumangong humarap doon. Puwede na siguro iyon.

“Okay. Mag-uumpisa na tayo at huwag kayong magulo,” ang babala na naman niya sa lahat pati na sa anino at sa babaeng nakaputi. Naka-focus na siya sa aklat na hawak at nag-umpisa na siyang basahin ang engkantasyon:

“I evoke and conjure thee, O Angel Kokabiel, by the Supreme Majesty—the true God who is known by the names of Kôkabîêl, Kôkhabîêl, Kakabel, Kochbiel, Kokbiel, Kabaiel, and Kochab to appear before me in this mirror in a fair and comely shape. In peace I welcome thee, O Angel Kokabiel, and in the name of the Most High, I command thee to stay within this mirror until thou art dismissed, to speak honestly and to answer all questions truthfully that I put before thee, and to do what I ask of thee.” Inulit niya iyon nang tatlong beses.

Habang binibigkas ang engkantasyong iyon ay lumalakas ang vibration ng buong kabahayan na tila may lindol. Lalong natakot ang kanyang tiyahin at katulong dahil doon at mas lalo na nang may nakita silang nilalang na unti-unting lumilitaw…