Kabanata 27
“I didn’t think of checking it out. I took it at face value,” ang turan naman ni Jules na mababa rin ang tono ng boses.
Napabuntong-hininga si Finna. “Baka naman ay puwede nating tingnan iyon ngayon?” ang taas-kilay na hinging-permiso niya rito. “Saan mo ‘yon itinatago?”
Kumibit naman itong nakaismid. “Somewhere in my room upstairs. Kukunin ko lang,” ang maagap nitong sabi at saka tinalikuran na siya.
Napamaang naman siya sa bilis niyon bago pa man siya makasagot. Kung kaya’t hinintay na lang niya ang lalaking bumalik sa sala.
Ilang saglit lang ay nakita niyang bumaba ulit ang tiyo ng binata. Nakatitig ito sa kanya nang maigi na gustong umatras ng dalaga at tumakbo. But she held her ground. Sa halip ay tumayo na lang siya mula sa kinauupuang sofa kung saka-sakali.
Ayaw man niyang isipin ay may pagdududa siya sa tiyuhin ni Jules. Ewan ba niya dahil si Jules lang ang tanging pinagkakatiwalaan niya sa ngayon. Not because she was beginning to get attracted to him kundi ay iyon ang ibinubulong ng kanyang survival instincts.
Tuloy ay wala sa sariling inikot-ikot niya ang singsing na bigay sa kanya ni Bryan habang iniiwas ang mga mata mula sa may edad na lalaki.
“Mukhang… may itinatago kayong dalawa mula sa ‘kin,” ang bungad pa nitong nakatitig sa kanya nang husto.
Parang nakikita niyang pumula ng isang saglit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Ngunit baka ay guni-guni niya lang iyon. Hindi malayong imahinasyon niya lang iyon dahil nga sa mga pangyayaring ito.
Mabilis siyang umiling dito. “H-hindi po. Wala naman po kaming itinatago ni Jules. May itinanong lang ako sa kanya ukol sa… sa bagay… isang bagay.” Tumikhim siya at napahinga nang maluwag nang makitang pababa na si Jules dala ang itim na aklat na sinasabi nito na nais nilang tingnan para masolusyunan ang malagim na problemang hinaharap nila. Iyon kung iyon nga ang aklat na kailangan nila. May tsansang hindi rin naman iyon ang kasagutan sa lahat ng ito.
Sumenyas siya ritong itago iyon sa likuran nito pero hindi naman iyon ma-gets ng lalaki kaagad. Kung kaya’t bago pa man makabaling ng tingin si Mike sa pamangkin nito ay kinuha na naman niya ang atensiyon ng may edad na lalaki.
Ngumiti siya rito nang alanganin. “W-what do you think about… black magic?” giglang tanong niya na wala sa plano.
Nakita niyang sumingkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at nakita niyang tumango si Jules. Itinago nito ang aklat sa loob ng jacket nito, sa may likuran, at tahimik na nanaog ng hagdan.
“Black magic? Bakit, may ganoon bang klaseng mahika?” ang panunukat naman ni Mike sa kanya at saka ikinuros ang mga braso sa dibdib.
She did notice he was one good-looking middle-aged man. Kung mahilig lang siya sa mature men, siguro ay natitipuhan na niya ito. Sakto rin ang height nito, in fairness. And she would bet that her Tita Rina would love to know this man better if she would have the chance. Dahil ito ang tipo ng kanyang tiyahin sa isang lalaki. Just that there was something kind of unspoken mystery about him⸺nang hindi naman niya maipaliwanag sa sarili. Siguro ay dahil iyon sa pagkukuwento ni Jules sa kanya ukol sa nangyari sa pamilya nito nitong nakaraang tatlong taon? Baka guni-guni niya rin lang itong pagdududang itong wala naman sa lugar?
“’Di ba, may sinasabi ang iba tungkol sa dark magic? Ibig sabihin, may masama at mabuting mahika, hindi po ba?” Pinilit niyang salubungin ang mga mata ni Mike samantalang tahimik lang si Jules na nasa likuran nito. Mukhang hindi nito napansin ang pamangking nakatayo roon.
“Hindi mo siguro naiintindihan ang mahika, hija. But you know what? I can discuss it with you in a short and simple way though. Magic is as old as time. The world needs it. The world has it.” Kumukumpas pa sa ere ang tiyuhin ng lalaki. “Ngunit hindi ito ginagamit ng mga tao. At kapag may gumagamit naman nito ay iniisip na kaagad ng mga taong masama iyon.”
“Ah-huh…” mahinang aniya lang.
Napailing-iling ito. “Kailangang gawin mo iyon para maintindihan mo. Para maintindihan mo kung bakit tayo naririto sa mundo at kung bakit tayo parang ikinukulong dito. Because of social limitations, people are not free! Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Finna? Do you get what I mean here?”
Napalunok ang dalaga at saka tumango nang marahan. “H-hindi masama ang mahika. T-that… it’s neutral?” ang aniya rito nang dahan-dahan. Napasulyap siya nang pasimple kay Jules na hating napapaisip.
“Neutral and natural. Oo, nakuha mo nga.” Tila masayang tumingin sa kanya ang kausap na tiyuhin ng lalaki. Medyo sumilay ang ngiti nito sa labi.
Finna found it eerie, though.
‘What’s his deal… with magic?’