Chapter 33 The Truth
Jarred'sPOV
Nang makalabas ako ng kwarto, tinungo ko ang gilid ng terrace sa may tabi ng sliding glass door ng kwarto na komokonekta sa terasa. May maliit na cabinet roon na nkaasabit na may lamang sigarilyo. Kumuha ako ng isa at tinungo ang dulong bahagi ng teresa. Sinindihan ko ang sigarilyo at sinimulang hithitin iyon.
Ito ang madalas kong ginagawa kapag sobrang na-sstress ako, pero madalang lang akong mastress ng sobra. Kung sa kompanya naman ay hindi ako gaanong na-sstress dahil mapagkakatiwalaan ang empleyado ko at maganda ang takbo ng kompanya.
Higit sa lahat, magaling ang mga empleyado. Hindi naman ako basta-basta nag-hihire ng kung sino-sino lang. Binabackground check ko rin, baka mamaya lalaban pala iyon na may balak magmanman.
Huminga ako ng malalim, hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina. Dahil sa pagkalito, pagkainis at selos na lumukob sa aking pagkatao. Ang sekretong inililihim ko at hindi pa dapat sabihin kay Jasmine, ay nasabi ko. Bumuga ako ng usok, nangyari na eh. Ang dapat ko nalang isipin ngayon ay kung paano ko mapapatunayan kay Jasmine na ako ang dapat niyang piliin at hindi si Vince.
Sabagay, mas mabuti na rin na nasabi ko ang nararamdaman ko sa kaniya para gumaan na rin ang pakiramdam ko at maliwanagan din siya, dahil alam ko na naguguluhan din siya sa mga ikinikilos ko. Nang maubos ko ang sigarilyo, pumasok ako sa kwarto at tinungo ang kusina para kumuha ng malamig na tubig.
Naabutan kong naghahanda si Ate Tessa at Jasmine nang hapunan. Tiningnan ako ni Jasmine na agad ring nag-iwas ng tingin tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa. Tinungo ko ang refrigerator at kinuha ang isang pitsel na may lamang juice. Nagsalin ako sa baso at ininom iyon habang nakatingin kay Jasmine.
"Ate Tessa, pwede po ba kayong mag-stay rito para may kasama si Jasmine sa mga gawaing-bahay?" tanong ko. Tumingin sakin si Ate Tessa na may lungkot sa mga mata.
"Gustuhin ko man, kaso kailangan ako ng asawa ko, Sir Jarred." aniya. Tumango ako. Naiintindihan ko siya. Hindi ko naisip na kailangan pala siya ng asawa niya.
"Sige po, Ate Tessa. Naiintindihan ko po." ani ko.
"Salamat, Sir Jarred." aniya. Sinabi ko na sa kaniya noon na huwag niya na akong i-Sir kaso tumanggi siya. Kawalan respeto daw iyon na hinayaan ko nalang.
Nang maubos ko ang juice ay nilapitan ko si Jasmine. Natigilan siya ng makalapit ako sa kaniya. Naghihiwa siya ng patatas.
"Anong lulutuin mo?" tanong ko sa kaniya at umupo sa silya na nasa tapat niya.
Tiningnan niya ako at muli nagbaba ng tingin. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Ano ibig sabihin nun? Naaapektuhan ba siya sa ipinagtapat ko? May posibilidad ba na parehas kami ng nararamdaman? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan dahil sa naisip ko.
"Pork Giniling, diba isa rin iyon sa gusto mo?" tanong niya. Napangiti ako dahil sa tanong niya. Hindi pa rin nakakalimutan ang mga gusto ko.
"Hindi ko akalain na natatandaan mo pa ang mga gusto kong pagkain, Jasmine." ani ko. Natigilan siya pero ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.
"Bakit ko naman makakalimutan iyon? Isa ka sa mga taong magbigay kasiyahan sa nakaraan ko." aniya at umalis sa aking harapan at nagtungo sa stove dala-dala ang patatas para magluto.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa mga sinabi niya. Hanggang nakaraan lang ba ako sa kaniya? Hindi ba pwedeng maging kasalukuyan din ako? Pero, darating din iyon. Gagawin ko ang lahat. I will be her past, present and future.
PABABA ako ng hagdan ng makita si Jasmine na abala sa pagpunas ng mga picture frames na nakasabit sa dingding. Napatingin ako sa maumbok niyang pang-upo. She has a nice ass. F*ck! Ano ba itong iniisip ko? Hindi ko siya dapat pinagnanasahan at baka may magawa ako sa kaniya. Huminga ako ng malalim at tumikhim. Lumingon sa gawi ko si Jasmine at ngumiti.
"Good Morning, Jarred." aniya.
Hinagod ako ng tingin mula ako hanggang paa. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha na kaagad niyang iniwas at itinuon ang pansin sa ginagawa. Hindi ko maiwasang mapangiti, alam kong nagwapuhan siya sakin. Nakasuot ako ng black tuxedo dahil papunta na ako sa kompanya.
"Good Morning din, Jasmine. Pwede bang ipaghanda mo ako ng pananghalian mamaya? Gusto kong ulam ay Kalderetang Baboy , ipapasuyo ko nalang kay Ashon na ihatid ka niya." ani ko.
"Sige." tipid niyang sagot na may kasamang pagtango. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa kaniyang likuran. Natigil siya sa ginagawa. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tainga.
"I will make you mine again, Jasmine. No matter what." ani ko at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. "Aalis na ako. Hihintayin kita mamayang lunch. Make it for two, sabay tayong kakain." ani ko at umalis sa kaniyang likuran at naglakad palabas ng bahay patungo sa garahe at sumakay sa Ferrari.
Pasado quarter to eleven ng umaga ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Ms. Ferran na Sekretarya ko. Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasang dokumento.
"Yes, Ms. Ferran? Need anything else?" tanong ko.
"Ahm. Nandito po si Sir Dante, Sir Jarred. Gusto ka raw po makausap." aniya na parang kinakabahan.
Sino ba naman ang hindi maiintimidate sa aking Ama. Sa edad na singkwenta'y uno ay naroon pa rin ang tikas ng tindig, lakas ng awra at ang awtotidad sa kaniyang pagsasalita. Hindi siya magiging matagumpay na negosyante kung Hindi niya taglay ang ganoong katangian. Tumango ako.
"Okay. Papasukin mo si Dad." ani ko.
Kung tutuusin pwede naman siya pumasok sa opisina ko nang hindi nagpapaalam sa Sekretarya ko pero Professional siyang tao at alam niya ang salitang 'privacy'. Pumasok si Dad sa loob ng opisina at umupo sa mahabang sofa na naroon. Iwenestra niya nag katapat ng sofa na kinauupuan niya.
"Sit there. May pag-uusapan tayo. Tungkol ito kay Jasmine." aniya. Sabi na nga ba, yun ang pag-uusapan namin. Pwede naman niya akong tawagan kung hindi ganoon kaimportante ang sasabihin niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang sofa at umupo ako. Pumasok si Ms. Ferran na may dalang tray na may lamang dalawang tasang kape. Nang mailapag niya ang tray, ngumiti siya kay Dad.
"Nice meeting you again, Mr. Racqueza." aniya.
Tumingin lamang si Dad rito at tumango, ni hindi man lang binigyan ng ngiti si Ms. Ferran. Nang makaalis si Ms. Ferran, nginisihan ko si Dad.
"Napakasuplado mo, Dad. Hindi mo man lang nginitian si Ms. Ferran." ani ko. Napasimangot si Dad.
"Alam mo naman na may gusto siya sakin, mabuti nga at hindi siya pinagselosan ni Celeste noong Sekretarya ko pa siya. Dahil malaki daw ang tiwala niya sakin." may pagmamalaking wika ni Dad.
Natawa ako sa sinabi niya. Sabagay, mala-dyosa kasi ang ganda ni Tita Celeste, at madalas magselos si Dad kapag may kausap na lalaki si Tita Celeste, kaya madalas si Dad ang nakikipag-pulong sa mga investors. Naging seryuso na ang awra ni Dad, katunayan na magsisimula na ang usapan namin.
"Ano ang dahilan kung bakit mo ini-hire si Jasmine Saderra bilang katulong mo?" tanong niya sakin.
Tiningnan ko si Dad, kitang-kita ko ang kuryusidad sa kaniyang mga mata. Huminga ako ng malalim, siguro ito na ang tamang panahon para malaman nila ang tungkol sa relasyon namin noon ni Jasmine.
"Si Jasmine po ay ex-girlfriend ko noong college ako, Dad. Iniwan niya ako na hindi nagpapaalam sakin. Umalis siya na durog ang puso ko. Kaya gumawa ako ng paraan para magtrabaho siya sakin at maghiganti."—tiningnan ko si Dad na mataman lang nakikinig sakin, kaya ipinagpatuloy ko ang pagkwekwento.— "Pero, sa paglipas ng mga araw at linggo. Habang tumatagal siya sa mansiyon, naguguilty ako sa ginagawa ko dahil nakikita ko na nagdurusa siya at nahihirapan sa mga pinapagawa at sinasabi ko. Mahal ko pa rin siya Dad, at kahapon lang, Ipinagtapat ko sa kaniya na mahal ko pa rin siya." ani ko. Bumuntong-hininga si Dad.
"Hindi ko akalain na may nakaraan kayo ni Jasmine. Pero, hindi imposibleng magkagusto ka sa kaniya. Maganda si Jasmine at matalino. Kahit sinong lalaki magkakagusto sa kaniya. Ito ang isa ko pang tanong. Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi sila nakahiram sa kompanya na kasosyo nila at sa iba pang kompanya? Maging sa mga bangko na pwedeng hiraman ng pera?" tanong ni Dad.
Tama ang mga sinabi ni Dad. Jasmine is a godsent. Walang lalaki na hindi magkakagusto sa kaniya. She's beautiful inside and out. Kahit naman nasa bahay nalang si Dad, alam pa rin niya ang mga nangyayari sa kompanya. Tumango ako bilang tugon sa tanong ni Dad.
"Yes Dad, at natatakot ako na malaman niya ang ginawa ko. Tiyak na kamumuhian niya ako, kung sakali man na mabawi ko siya kay Vince, siguradong kapopootan niya ako sa ginawa ko sa kompanya nila. Gulong-gulo ako, Dad. Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kaniya.
"Anak, mali talaga ang ginawa mo. Kahit nakagawa man ng Mali si Jasmine, hindi yun basehan para maghiganti ka. Malay mo may dahilan si Jasmine kaya ka niya iniwan. Kahit may nagawa man na mali sayo ang kapwa mo, marunong kang magpatawad. Mali ang magkimkim ng sama ng loob. Dahil tiyak na hindi ka mamumuhay ng payapa. Pero naiintindihan ko ang pinagdaanan mo anak. At nagpapasalamat ako dahil narealize mo na mali ang ginawa mo. Yun naman ang mahalaga eh. Natuto tayo sa pagkakamali natin.
Hindi ko tiyak ang magiging reaksiyon ni Jasmine kapag nalaman niya ang sekreto mong iyan. Pwedeng magalit siya ulit sayo, o pwede naman na patawarin ka niya. Dahil kapag mahal mo ang isang tao, matututunan mo siyang patawarin at kalimutan lahat iyon. Pwedeng ganiyan ang mangyari. Isa lang ang sasabihin ko. Sabihin mo sa kaniya ng maaga ang sekreto mo, huwag mong hayaan na malaman pa niya iyon sa iba." aniya at tumayo. Lumapit sakin at tinapik ang balikat ko.
"Kaya mo yan. Matapang at malakas ka. Iyon lang ang pinunta ko rito, aalis na ako. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Nandito lang ako sa likod mo, handang umalalay sayo." aniya at humakbang na patungo sa pintuan tsaka lumabas.
Naiwan akong gulong-gulo ang isipan. Paano ako magiging matapang at malakas kung pagdating kay Jasmine ay nagiging duwag at mahina ako? Kung gagawin ko ngayon ang sinabi ni Dad.
Baka lumayo sakin si Jasmine, lalo ngayon walang lasiguraduhan kung may pagtingin siya sakin. Hahanap ako ng tyempo para doon. Hindi ako pwedeng sumugod sa laban ng walang armas. Tumayo ako at tinungo ang mesa para tapusin ang ginagawa.
Pasado alas onse ng matapos ako sa ginagawa. Bakit wala pa si Jasmine? Aabutin ko sana ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa para tawagan siya ng tumunog ang telepono. Iniangat ko iyon.
"Hi Sir, Sharia speaking. Nandito po si Ms. Jasmine po, pwede ko po bang papasukin siya diyan sa opisina niyo?" aniya. Hindi ko maiwasang mainis. Ilang beses bang dapat pumunta rito si Jasmine para makilala siya at hayaang pumunta rito?
"At bakit kailangan mo pang ipaalam sakin?" naiinis kong tanong. Mukhang naramdaman niya ang inis sa tono ng boses ko.
"Eh Sir, ahm— baka kasi busy kayo kaya— pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.
"Kapag siya ang pumasok, you don't need to ask me. Okay? Kung hindi mo nagawa iyan sa susunod na punta niya rito. I'll fire you!" ani ko sa nanggagalaiting boses tsaka binabaan siya ng telepono. Napahilot ako sa aking sentido dahil biglang sumakit iyon. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Ms. Ferran.
"Sir, nandito po si Ma'am Jasmine, papasukin ko po ba?" tanong niya. Tumango nalang ako.
"Ma'am, pasok na po kayo." ani Ms. Ferran.
"Salamat."
Nang marinig ko ang boses ni Jasmine, biglang nawala ang pananakit ng ulo ko. Tumingin ako sa pintuan tsaka tumayo at nakangiting tiningnan si Jasmine. Iginiya ko siya sa mesa na nasa kaliwang bahagi ng mesa. Nang mailapag niya ang dalang dalawang paper bag, tiningnan ako ni Jasmine.
"Ahm, mukhang pinagalitan mo ang receptionist. Himihingi siya sakin ng sorry sakin. Baka daw tanggalin mo siya sa trabaho." ani Jasmine. Doon humalagpos ang tinitimpi kong galit.
"Bakit kailangan pa niya akong tawagan kung pwede kang pumasok? Diba dapat alam niya na yun? Nilapitan mo ba siya o siya ang pumigil sayo papunta rito?" tanong ko sa kaniya. Napakagat-labi siya.
"Pinigilan niya ako. Pero ayos lang iyon, huwag mo siyang tanggalan ng trabaho. Kawawa naman. Baka may mga taong umaasa sa kaniya. Mahirap pa man din makahanap ng trabaho ngayon kahit may pinag-aralan ka." ani Jasmine.
Punong-puno ng awa ang kaniyang mga mata. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Dahil sa mga pinapakita niyang magandang katangian, mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Napakabuti ng puso niya. Kung tutuusin hindi ako karapat-dapat sa kaniya. Pero, gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa kaniya.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya sakin. Mula sa malalim na pag-iisip, napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tanong niya. Umiling ako.
"Wala. Napakaganda mo kasi, tsaka ang sarap mong pagmasdan Jasmine." ani ko. Nagbaba siya ng tingin dahil namulang muli ang kaniyang pisngi.
"Salamat, Jarred. Ikaw rin naman eh. Ang gwapo mo ngayon." aniya habang nakayuko.
"Look at me, Jasmine." ani ko na agad naman niyang ginawa.
"Bakit?" tanong niya.
"I love you, Jasmine." buong-puso kong sabi. Kaysarap sabihin ang mga katagang iyon sa kaniya.