Chapter 34 Deuce Fight

Jasmine'sPOV

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jarred sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganun ang epekto ng tatlong katagang iyon. Kailan lang noong hiniling ko na sana marinig ko iyon mula sa kaniya.

Ngayon, paulit-ulit ko na naririnig mula sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng aking puso ko ng mga sandaling iyon. Para bang hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Sh*t! Tumikhim si Jarred at ipinaghila ako ng upuan.

"Maupo ka, Jasmine." aniya. Doon lang bumalik ang aking kamalayan sa kasalukuyan. Nginitian ko siya.

"Salamat." ani ko at umupo sa upuan.

"Walang anuman." aniya at hinila ang upuan niya patungo sa tabi ko.

Kumuha siya ng dalawang plato na nasa gilid ng mesa. May disk cabinet roon na may katamtamang laki. Inilapag niya ang isa niyon sa harapan ko at ang isa naman ay sa harapan niya. Kinuha niya ang lunch box na naglalaman ng kanin at nilagyan ang plato ko, ganun din ang plato niya. Tinitingnan ko lang ang ginagawa niya.

Nang matapos siya sa ginagawa, kinuha niya ang Kalderetang Baboy na nasa isang stainless lunch box. Nasa isa pang stainless lunch box naman ang niluto kong pork shanghai na may kasamang sawsawan for appetizer. Naglagay siya ng ulam sa aking plato.

"Salamat, Jarred." ani ko at akmang lalagyan niya ng kalderetang baboy ang kaniyang plato nang agawin ko iyon sa kaniya. Napatingin siya sakin. Nginitian ko siya.

"Ako na, ikaw naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Kaya, ako naman ang gagawa niyon sayo." ani ko.

Nakita ko ang pagtaaas ng sulok ng labi ni Jarred. Nang malagyan ko ang plato niya ng ulam. Kinuha ko ang stainless lunch box na kinalalagyan ng siomai tsaka binuksan iyon.

"Ang bango!" ani Jarred nang malanghap niya ang amoy ng pork siomai.

"Oo, nag-iisip kasi ako kanina ng pwedeng lutuing appetizer ng makita ko iyan, kaya niluto ko na." ani ko.

Kumuha si Jarred ng siomai gamit ang toothpick at isinawsaw iyon sa sawsawang soy na may kalamansi na penaresan ng sili. Iniumang niya iyon sakin. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ako sa kaniya.

"Ja— pinutol na niya ang iba ko pang sasabihin.

"Just open your mouth, Jasmine." aniya sa paraang nag-uutos habang matiim na nakatitig sakin.

Bumuka ang bibig ko at unti-unti niyang inilapit ang siomai, nginuya ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakatitig siya sa aking labi.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ko.

Kumuha siya ng tissue na nasa mesa at ipinunas iyon sa gilid ng aking labi. Napakalapit ng kaniyang mukha sa akin. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga dahil ilang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa akin. Nagkatitigan kami.

"May dumi kasi sa gilid ng iyong labi." paanas niya na mas lalong nagpadarang sakin dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako. Ano ang binabalak niya? Lumipat ang tingin niya sa mga mata ko. Punong-puno iyon ng pagnanasa. Hinawakan niya ang baba ko.

"Can I kiss you, Jasmine?" tanong niya sakin, makikita sa kaniyang mga mata ang pagsusumamo.

Pauunlakan ko ba siya? Payag ba akong halikan niya muli? Wala naman masama kung hahalikan niya ako, diba? Gusto ko rin naman na halikan niya ako. Tumango ako bilang pagtugon sa tanong niya. Ngumiti siya. Punong-puno ng kasiyahan ang bakas ng kaniyang mukha.

"Say it, Heart." aniya sa paraang nang-aakit.

Did he called me 'Heart?' Napakagat-labi ako. Kaysarap pakinggan ang endearment na iyon. Sobrang na-miss ko ang pagtawag niya sakin ng Heart. Kumunot ang noo ni Jarred at idinampi ang hinlalaki sa aking pisngi para punasan ang luhang nakatakas pala sa aking kaliwang mata.

"Bakit ka umiyak? Did I hurt you?" tanong niya na puno ng pag-aalala ang kaniyang boses. Umiling ako.

"Nothing. Yes, Jarred. You can kiss me. Now. Kasi gusto ko ng kumain, gutom na ako." pagmamaktol ko na ikinatawa niya.

At sa isang iglap lang naglapat na ang aming mga labi. Hinalikan niya ako na para bang nasasabik sa aking halik na buong puso kong tinugon. Ipinalibot niya ang kaniyang mga braso sa aking bewang at hinila ako paupo sa kaniyang kandungan. Saglit na naghiwalay ang mga labi dahil sa pagkagulat ko sa ginawa niya.

"Jarred!" singhal ko at pinandilatan siya.

Ngumisi lang siya at sinapo ang mukha ko tsaka muli akong hinalikan. Nakaharap ako sa kaniya. Mabuti nalang medyo maluwang ang dress na suot ko at naka flat shoes lang ako. Kusa kong iniyakap ang mga braso sa kaniyang leeg at mas pinalalim pa ang halik na aming pinagsasaluhan.

Naramdaman kong dumako ang kamay ni Jarred sa aking hita at inililis ang laylayan niyon. Napapitlag ako sa ginawa niya. Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga nang itinaas niya ang kamay sa aking hita at bahagyang hinimas.

"Jarred. Oh!" daing ko na hindi ko namalayan kumawala na pala sa aking bibig.

"F*ck! I miss you, Jasmine." aniya at bumaba ang labi niya sa king leeg at hinalikan iyon.

Napapikit ako dahil sa sensayon na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Napasabunot ako sa kaniyang buhok nang bumaba ang labi niya sa aking dibdib na natatakpan pa ng dress. Ibinaba niya ang manggas ng aking off-shoulder dress.

Lumitaw ang makinis at maputi kong dibdib. Hinalikan niya iyon na ikinaliyad ng katawan ko. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na humawak sa aking pagkababae at bahagyang minasahe iyon. Napapitlag ako sa ginawa niya.

"Uhm." daing ko habang nakapikit.

Huminto sa ginagawang paghalik si Jarred sa aking dibdib at tiningnan ako na parang nakagawa ng kasalanan dahil sa ekspresyon ng kaniyang mga mata. Tiyak na pinagsisisihan na naman niya ang ginawa niya sakin.

"I'm sorry, Jasmine. Hindi ko sinasadya." aniya na punong-puno ng guilt ang mukha. Sinikap kong ngumiti, pero sa ang puso ko ay durog na durog na. Parang sinaksak iyon ng libo-libong kutsilyo. Tumango ako.

"Naiintindihan ko." ani ko at mula sa pagkakaupo sa kaniyang hita, bumaba ako at umupo sa upuan na inukopa ko kanina. Tiningnan ko si Jarred, nakatingin siya sakin na may lungkot sa mga mata. Itinaas ko ng bahagya ang kutsara.

"Kumain na tayo, malipasan pa tayo." ani ko at nagsimula ng kumain.

Pinilit kong kumain, kahit nawalan na ako ng gana. Napakasakit, akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit ganun? Sa tuwing nasa ganoon kaming sitwasyon. Para bang isang napakalaking kasalanan ang ginawa niya? Huminga ako ng malalim at pinilit na ituon ang pansin sa kinakain.

PAGKATAPOS kong iligpit ang pinagkainan, hinugasan ko iyon sa sink na nasa gilid ng office. Pagkatapos mahugasan, isinalansan ko ang mga ginamit namin sa dish rack at pinatuyo ko muna sa mesa ang mga lunch box.

Umupo muna ako sa sofa at binuklat ang dyaryo na nasa center table. Nasa pulong si Jarred kasama ang mga Board of Directors at mga nasa Kagawaran. Hihintayin ko nalang siya para makapagpaalaam ako. Habang nagbabasa ako hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako na iba na ang posisyon ko. May unan at nakumutan ako. Bumangon ako at iginala ang paningin sa opisina. Nasaan si Jarred? Bumukas ang pinto ng CR at lumabas roon si Jarred, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya.

"Gising ka na pala. Inihiga kita kasi nadatnan ko na hindi maayos ang pagkakahilig mo sa sofa, para makatulog ka rin ng maayos." aniya habang naglalakad palapit sakin.

"Salamat. Aalis na ako. Marami pa akong gagawin sa mansiyon." ani ko at tumayo na. Akmang maglalakad na ako patungo sa mesa para iligpit ang mga lunch box nang bigla pumalibot sa aking bewang ang kaniyang matitipunong braso.

"Jarred. Bakit?" tanong ko. Ayun na naman ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa pagkakalapit ng aming katawan. Idinantay niya ang baba sa aking balikat.

"Nagalit ka ba dahil sa kapangahasan ko? Sorry, kung lumampas ako sa boundary." aniya.

Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya. Kailangan ba niya talagang ulit-ulitin iyon? Kailangan ba niya ipamukha sakin na natukso siya at hindi niya ginusto ang nangyari. Pakiramdam ko naapakan ang ego ko bilang isang babae. Humarap ako sa kaniya at nanlilisik ang mga matang tinitigan ko siya. Hindi ko na kayang pigilan ang inis at galit ngga sandaling iyon.

"Lagi ka nalang nagsosorry! Kelan ko maririnig sayo na.. na gusto mo ang ginawa mo? Na bukal sa loob mo ang ginawa natin? Hindi ko ba deserve iyong mga ginawa mo sakin, Jarred? Pakiramdam ko para akong maysakit na nakakahawa! Kung nagsisisi ka pala, edi sana hindi mo nalang itinuloy! Nasasaktan a—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sapuin niya ang aking mukha at hinalikan ako ng mapusok. Gusto kong kumawala, pero hindi ko magawa. Natantangay ako, dahil sa halik na iginagawad niya sakin. Napakasuyo niyon. Punong-puno ng emosyon. Nang maghiwalay ang aming mga labi. Tinitigan niya ako sa mga mata at pinagdikit ang aming noo. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Hindi ko alam na ganiyan pala ang iniisip mo kung bakit ako himihingi ng sorry sayo."—huming siya ng malalim na parang nahihirapang magsalita.—"Mali ang nasa isip mo. Hindi mo lang alam kung anong pagtitimpi ang ginagawa ko para hindi kita angkinin, Jasmine. Kung alam mo lang na kapag nasa malapit ka, bumibilis ang pintig ng aking puso at hindi gumagana ng maayos ang isip ko. Dahil kapag nasa malapit ka, natutuliro ako, nawawala ako sa sarili."— hinaplos niya ang aking pisngi.—"Nagsosorry ako hindi dahil sa labag ang loob ko na gawin iyon sa iyo. Kundi nag-sosorry ako dahil pakiramdam ko binabastos kita o kaya hindi kita nirerespeto. Mahal kita, Jasmine at malaki ang respeto ko sayo. Ayaw kong gawin ang bagay na iyon ng dahil lang sa gusto natin.

Gagawin ko iyon, kapag alam ko na pag-aari na kita. At hindi ko gagawin yun para masabi lang na pag-aari na kita at para maging akin ka. Gusto kong maging patas sa laban na ito. Ayaw kong abusuhin ang kahinaan mo. Gusto ko, kung magiging akin ka ay dahil sa mahal mo talaga ako hindi dahil sa may nangyari sa atin." aniya habang titig na titig sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm speechless! Hindi ko alam na yun pala ang rason niya kaya siya himihingi ng sorry. Hinusgahan ko agad siya na hindi ko man lang pinapakinggan ang paliwanag niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Nagbaba ako ng tingin.

"I'm sorry Jarred. Hindi ko sinasadyang husgahan ka, hindi ko lang maiwasan na ganun ang isipin ko. Nahihiya ako, I'm sorry. I'm really really sorry." ani ko. Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon. Nagtama ang aming mga mata.

"It's okay. I understand, Jasmine. Babae ka, at hindi mo maiiwasang isipin yun. Paalis na rin ako, wait me. Sabay na tayo uuwi." aniya at binigyan ako ng halik sa noo. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya.

"Huh? Alas tres pa lang ng hapon, Jarred. Okay lang ako. Tatawagan ko si Ashon para sunduin ako." ani ko. Pinangigilan niya ang pisngi ko na agad kong tinampal. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.

"Don't do that to my cheek, Jarred!" ani ko. Yun pa man din ang ayaw ko, ang kinukurot ang pisngi ko. Tumawa siya ng malakas at may kasamang pag-iling.

"Hanggang ngayon, ayaw mo parin talaga na pinipisil o kinukurot ang pisngi mo." aniya na may ngisi sa mga labi.

Tiningnan ko siya ng masama tsaka tumalikod at tinungo ang mesa para kunin ang mga lunch box at inilagay iyon sa paper bag. Nang mailagay ko lahat iyon, kinuha ni Jarred ang paper bag sa aking kamay at siya na ang nagbitbit niyon. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng opisiina.

Dahil walang tao sa hallway. Magkahawak-kamay parin kami na tinungo ang elevator. Masaya ako ng mga sandaling iyon. Masarap sa pakiramdam na magkahawak ang aming mga kamay.

Nang marating namin ang lobby tsaka lang namin pinaghiwalay ang magkahawak naming kamay. Ang mga empleyado na papasok sa gusali dahil katatapos lang ng Break Time, ay nakatingin samin, lalo na sakin sa nang-uuyan na tingin. Maging ang mga empleyado na nasa ibaba ay nakatingin sa akin.

"Nahihiya ako sa mga tinging ipinupukol nila, Jarred." ani ko.

"Don't. Walk like a princess, hayaan mo sila, Jasmine." ani Jarred na ginawa ko naman.

Taas-noo akong naglakad palabas. Kitang-kita ko ang inggit sa kanilang mga mata. Sino ba naman ang hindi? Kasama ko si Jarred Racqueza. The most richest, handsome Bachelor in town. At wala akong dapat ikahiya.