Chapter 2

*****Doctor Armstrong*****

" I'm a doctor! I know what will be good for her or not! " malakas na sabi ni Mon, pagkatapos ay natulala ang babaeng kaharap n'ya.

" Sabi ko sa 'yo tumawag ka na ng ambulansya, mas makakatulong y'on kaysa d'yan sa pag-asta mo na akala mo kung sino ka! Hindi na maganda ang sitwasyon n'ya! "

Natulala lang ang babae na narinig ni Mon kanina na tinawag nila na boss.

Hindi na n'ya ito pinansin, pinuntahan n'ya ang babae dahil nawalan na ito ng malay. Idinikit n'ya ang tenga sa dibdib nito upang pakinggan ang paghinga nito. Nagulat si Mon dahil hindi na ito humihinga kaya naman ay nag-ready na s'ya para mag-perform ng Cardiopulmonary Resuscitation or (CPR).

Lumuhod si Mon sa harapan ng babae at binigyan ito ng 30 compression, push hard and fast. Mon's tilting the head backward and lifting the chin of the woman pagkatapos ay binigyan n'ya ng hangin ito sa pamamagitan ng pagpisil ng ilong and giving mouth to mouth breaths.

Mon perform set of compression and rescue breaths until the woman shows signs of life. She doesn't stop eventhough her face is dripping with sweat and her hip hurts. Tinitiis n'ya ito, ang gusto kasi ni Mon ay maisalba ang buhay ng babae.

Nakahinga si Mon nang maluwag ng maramdaman n'ya na unti-unti ng bumabalik ang paghinga ng babae maging ang maputla n'yang kulay kahit paano ay nagiging normal na ulit, pero hindi ibig sabihin nito ay tuluyan na s'yang magiging maayos. Kailangan na n'yang madala sa hospital upang ma-examine ng tama at mabigyan ng nararapat na kagamutan.

Kinakailangan n'ya ring dumaan sa maraming test para malaman kung ano ba talagang pinagmulan kung bakit bigla na lang s'yang nahirapan huminga at nawalan ng malay.

" Y-yo'ng ambulansya nand'yan na, " nauutal na sabi ng babaeng kaharap ni Mon. Bigla n'ya tuloy naalala ang pagtulak nito sa kanya kanina. Hangggang ngayon kasi nararamdaman pa rin n'ya ang sakit nito, kaya naman ay bigla tuloy n'yang sinimangutan ito.

Pumasok ang mga rescuer kaya naman ay pareho silang napatingin sa mga ito. Mon lead them upang dahan-dahan na mabuhat si Nita pasakay sa stretcher at maisakay na sa ambulansya. Pumasok si Mon at ang babae sa loob ng ambulansya. Napansin rin ni Mon na maraming mga van at kotse na nakasunod sa kanila kaya naman muli ay napakunot noo na naman s'ya.

Tumingin s'ya sa babaeng kaharap pero hindi s'ya pinapansin nito. Nakahawak lang ito sa kamay ni Nita at marahang pinipisil-pisil ito. Kitang-kita ni Mon ang lubos na pag-aalala sa mukha n'ya.

" Ngayon naman mukha s'yang maamong tupa samantalang kanina kulang na lang sakalin n'ya ko sa sobrang galit n'ya, " Mon's thought.

Napabaling s'ya ng tingin nang makita ang pagsulyap nito sa kanya.

Nabasag lang ang katahimikan sa loob ng magtanong ang isang staff ng rescuer.

" Saang hospital po ba s'ya dadalhin? "

" Sa Cojuangco Hospital po tayo, " sagot ni Mon.

" Sige po. "

Pagkatapos ay katahimikan na ulit ang bumalot sa paligid hanggang makarating sila sa Cojuangco Hospital kung saan nagtatrabaho si Mon.

Cojuangco Hospital...

Pagbaba ay inaasikaso kaagad sila ng mga staffs ng hospital upang dalhin sa emergency room ang pasyente. Bahagyang napatingin pa nga ang mga ito sa kasama ni Mon at nanlaki ang mga mata.

" Why? " tanong nito na nakataas ang isang kilay nang makita na nakatingin sila sa kanya. Dali-dali naman silang yumuko at umiling. Lalo lang tuloy na-curious si Mon kung sino ba talaga ang babaeng kaharap n'ya.

Pagpasok sa loob ay hinayaan na ni Mon ang mga ito ang mag-asikaso sa pasyente. Gusto n'ya na rin kasing umuwi dahil pagod na pagod na s'ya. Isa pa, sobrang sakit talaga ng balakang n'ya dahil sa nangyari kanina, pakiramdam n'ya nga eh namamaga na ito.

" Ms. Sam! " narinig pa ni Mon ang pagtawag ng isang nurse sa babaeng kasama n'ya kanina. Ang dahilan kung bakit s'ya nagdurusa sa sakit ng balakang n'ya ngayon, ramdam na ramdam na n'ya ito.

" Sam pala ang pangalan n'ya, sana hindi na ulit kami magkita, nakakainis s'ya, " bulong ni Mon.

" Aray ko po! " biglang sigaw n'ya dahil sa sakit ng balakang, pagkatapos ay dahan-dahang naglakad para makalabas na ng hospital.

" Bes! "

*****

Sam suddenly looked around because of a woman's voice close to her,

" Bes! " ulit pa nito.

Magmula kasi ng maipasok sa emergency room si Nita ay naiisip ni Sam na maglakad-lakad muna para pakalmahin ang sarili n'ya. Isa pa, hinahanap n'ya ang doctor na tumulong sa kanya kanina para madala sa hospital si Nita, but she couldn't see it.

" Where is she? Is it true that she's really a doctor? " bulong na tanong ni Sam sa sarili n'ya.

Paliko na s'ya sa hallway nang mapatigil dahil nakita n'ya ito na dahan-dahang naglalakad. Nakakapit ito sa pader para gawing pang-suporta, kita n'ya ang nararamdamang sakit nito base na rin sa expression ng mukha nito.

" Bes, ano ka ba naman, bingi ka ba? kanina pa ko tawag ng tawag sa'yo. " Narinig ni Sam ang isa pang boses ng babae kaya naman ay nagtago s'ya sa gilid. Sinilip n'ya na lamang ito habang pinakikinggan ang pinag-uusapan nila.

" Yuki, ikaw pala, " sabi ni Mon.

" Kanina pa nga kita tinatawag, hindi mo naman ako pinapansin. By the way, ano nga pa lang ginagawa mo rito? You told me earlier while I was talking to you on the phone that you're going home? "

" May hinatid kasi akong pasyente pero pauwi na rin ako ng bahay. "

Tango lang ang isinagot sa kanya ni Yuki.

" Pero teka lang Bes, kanina ko pa kasi napapansin parang hirap ka yatang maglakad? Okay ka lang ba? "

" Okay lang ako Bes, don't worry about me. Masakit kasi ang balakang ko, pakiramdam ko nga namamaga na eh, tumama kasi sa lamesa 'yong tinulungan ko 'yong pasyente na dinala ko, may tumulak kasi sa'kin. "

Dahil dito muli na namang napasimangot si Mon, naalala n'ya kasi ang nangyari kanina.

" Tumulak sa'yo? Sino? "

" Huwag na natin s'yang pag-usapan Bes, naiinis lang ako kapag naiisip ko s'ya, " sagot ni Mon habang naka-pout s'ya ng lips. Kitang-kita naman ito ni Sam.

" S'ya pa talaga ang nainis huh, s'ya nga to'ng bigla na lang pumasok nang hindi nagpapakilala kung sino s'ya, " nakakunot noong bulong ni Sam habang kausap ang sarili.

" Kaya mo bang umuwi ng ganyan Bes? Magpahatid ka kaya kay Nop? "

" Hindi na Bes, kaya ko naman, saka Nop texted me. He said they had an emergency meeting, ayaw ko naman na abalahin pa s'ya. "

" Eh paano ka uuwi n'yan? "

" Kaya ko naman, huwag ka nang mag-alala. "

" Dr. Armstrong! "

Parehong napatingin sila Yuki at Mon sa humahangos na isang nurse papunta sa kanya, maging si Sam na nagtatago sa gilid eh napatingin din at sinundan s'ya ng tingin habang papalapit sa kanila.

" Why? Is there a problem? "

" Buti nalang nandito ka Dr. Armstrong. "

" Bakit nga? "

" May pasyente pong nag-collapse sa room 20, wala po akong mahagilap na doctor na available. Lahat po ay nasa operation room, 'yong iba naman po nasa emergency meeting hindi ko na po alam ang gagawin ko! " natatarantang sabi nito. "

" Ano pang hinihintay natin! Let's go! " sabi ni Mon sabay takbo pero bigla din s'yang napahinto.

" Ahhhhh! Sh*t ang sakit! "

" Bes, kala ko ba okay ka lang? "

" Kaya ko basta dahan-dahan lang. "

Inalalayan s'ya ng nurse papunta sa pasyente. Baguhan pa lang kasi ito kaya naman ay medyo natataranta pa kapag sa mga ganitong sitwasyon. Si Yuki naman ay hindi rin pwedeng makiilam sa mga ganito dahil laboratory doctor s'ya.

Dahil sa nasaksihan ni Sam, nakaramdam s'ya ng guilt pero ayaw n'yang aminin ito sa sarili n'ya. Kaya naman bahagya na s'yang naglakad pabalik ng emergency room habang kinukumbinse ang sarili n'ya na wala s'yang ginawang mali, na dapat lang 'yong ginawa n'ya. Isa pa, ano namang malay n'ya na doctor pala ito.

" Why should I feel guilty? It's her fault why that happened to her. " kausap ni Sam sa sarili pagkatapos ay dumiretso na sa emergency room.

Habang papalapit si Sam sa emergency room, she noticed a large tarpaulin on display in the hallway of the hospital.

" Medical top team, " basa ni Sam dito. Nakita n'ya ang larawan ng doctor na tumulong kay Nita.

" Mona Luis Armstrong, 'yon pala ang pangalan mo. "

Curious n'yang tinitigan ito.

" Mon, " ulit pa ni Sam dahil nakita n'ya ang nickname nito na nakasulat sa ibaba ng pangalan n'ya.

" Kilala ka pa lang doctor? " binasa pang muli ni Sam ang mga nakasulat sa ibaba ng pangalan ni Mon. Isa s'yang magaling na surgeon, kasama s'ya sa medical top team ng Cojuangco Hospital at pumapangalawa s'ya sa top 10. Sandali pang tinitigan ito ni Sam pagkatapos ay umalis na rin.

Sino nga ba si Mon?

Mona Luis Armstrong is a well-known famous doctor because of her skill as a surgeon. She is top 2 in the medical top team of Cojuangco Hospital. They are the best doctors in the hospital, while Mon's boyfriend Nop Cruz, is in the top 5.

Mon is the only child of her parents. Her mother is British and her father is Filipino. Nakuha ni Mon sa mother n'ya ang napakatangos na ilong nito, ang maputi at makinis na balat , maamong mukha at mapuputing mga ngipin kaya naman sadyang napakaganda ni Mon na para bang iniukit na isang perpektong nilalang. Higit sa lahat ay mayro'n s'yang mabuting puso.

Mon grew up in a broken family, her parents separated when she was only 10 years old, she was left in her father. At first it was okay, they had a business and a good life but since her mother left them, everything changed. Maagang namulat si Mon kung gaano kahirap ang buhay. Bumagsak ang business nila dahil nalulong sa bisyo at sugal ang Daddy n'ya, mag-isa n'yang tinaguyod ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos at maging isang ganap na doctor, dahil ito naman talaga ang pangarap n'ya.

Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila ng Daddy n'ya sa bahay, pero palagi itong nagtatago dahil sa dami ng utang pati ang business nila ay tuluyan ng nawala dahil sa kasusugal nito. Maging s'ya ay natatakot dahil nadadamay na s'ya dahil hindi na biro ang utang ng Daddy n'ya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagsusugal.

**********