Chapter 3

*****Ten most powerful families*****

Mon's House ...

Pag-uwi ni Mon ay sinalubong kaagad s'ya ng isang cute na pug at matabang aso.

" Hi Baby Bonbon, " tawag ni Mon dito, mabilis na lumapit ito sa kanya, tumahol tahol at nilaro-laro s'ya nito.

" Napakain ko na at napaliguan ko na si Bonbon," sabi ng kasambahay n'yang si Perla.

" Thank you Ate Perla, " sagot ni Mon. Napansin ni Perla na hirap sa paglalakad ni Mon kaya naman tinanong n'ya ito.

" Anong nangyari? Mukhang masakit yata ang balakang mo? "

" Oo Ate Perla, tumama kasi sa lamesa kanina. "

" Patingin nga ako. "

Lumapit si Perla sa kanya at, marahan n'yang binuksan ang zipper sa likod ng dress ni Mon. Silang dalawa lang rin naman ang tao sa loob, dahil ang Daddy ni Mon ay bihirang-bihira n'ya lang na ma-tiyempuhan na umuwi ng bahay.

" Naku Mon! Magang-maga na ang balakang mo, kulay ube na nga halos, " gulat na sabi ni Perla. Paano ba naman ang buong paligid ng balakang ni Mon ay halos magkulay ube na sa sobrang maga.

" Napaano ba 'to? "

" May tumulak kasi sa'kin kanina. "

" Napakalakas naman ng tulak n'ya na halos nagkaganito na 'tong balakang mo? Sinabi ko naman sa'yo, ingatan mo 'yang katawan mo masyado pa namang sensitive ang balat mo. "

" Kaya nga Ate Perla eh, hindi ko nga alam kung paano ako papasok nito. I'm sure, I'll have to wait one to two more weeks before it heals. "

" Kailangan mo muna palang mag-leave sa trabaho mo para makapagpahinga. "

" Ganon na nga Ate Perla, by the way si Daddy pala? Umuwi ba s'ya ng bahay? "

" Kaninang umaga, nagmamadali pa ngang umalis ng bahay. "

Napansin ni Mon na biglang yumuko si Perla at para bang biglang nakonsensya ito.

" Bakit Ate Perla? May nangyari ba? "

" Kasi Mon... "

" Sige sabihin mo Ate Perla, I will not be angry, what happened? "

" Sinira kasi ng Daddy mo ang lock ng kwarto mo. Huwag daw akong makikiilam, para nga s'yang balisang-balisa pagkatapos kinuha n'ya 'yong mga pera sa cabinet mo at ang titulo ng lupa ng bahay. "

Dahil sa sinabi ni Perla, nanlulumong naupo sa sofa si Mon. Wala naman s'yang pakiilam sa pera, maliit na halaga lang 'yon. Isa pa, nasa banko ang ipon n'ya. Ang kinasasama ng loob n'ya ay ang titulo ng lupa nila, kilala n'ya ang Daddy n'ya malamang natalo na naman 'to sa sugal o hindi naman kaya ay nakita ng pinagkakautangan n'ya kaya gagawa at gagawa s'ya ng paraan upang mabayaran ang mga ito.

" Huwag naman sana itong bahay Ate Perla, " naluluhang sabi ni Mon kay Perla.

" Sumosobra na si Daddy, grabe na ang pagkalulong n'ya sa sugal. Ilang beses na kong nakiusap at nagmakaawa sa kanya na huwag 'tong bahay. Napakahalaga sa'kin nito, lahat ng memories ni Mommy nandito! "

Hindi na napigilan ni Mon ang mga luhang kanina pang gustong mag-unahan dahil sa sobrang sama ng loob n'ya sa Daddy n'ya.

" Mon... "

Niyakap ni Perla si Mon para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nito, pagkatapos ay inakay n'ya na ito sa kwarto para makapagpahinga na rin.

Cojuangco Hospital...

" Stable na po si Nita, Ms. Sam. Anytime po ay pwede na s'yang lumabas, " sabi ng isang Doctor sa kaharap n'yang si Sam. Samantalang si Nita naman ay nakaupo na sa bed at nakasandal habang nakikinig sa kanila.

" Thank you po Doc, " sabi ni Nita.

" Don't thank me, kay Dr. Armstrong ka dapat magpasalamat s'ya ang nagligtas ng buhay mo. "

Tinitigan ni Nita si Sam pero nag-iwas lang ito ng tingin.

" Nasaan po ba si Dr. Armstrong? " tanong ni Nita.

" Sa ngayon, naka-leave s'ya ng one to week. Depende sa kanya kung kailan n'ya kayang pumasok. "

" D-dahil po ba d'on sa balakang n'ya? "

" Gan'on na nga, namamaga kasi. Hindi naman s'ya makakapagtrabaho ng gan'on ang sitwasyon n'ya. "

" Okay sige po, babalik na lang ako dito kapag nakapasok na po s'ya ulit para makapagpasalamat ng personal. " Tumango lang ang doctor at umalis na ito. Hinarap naman ni Nita si Sam na naka-pout ang lips na nakatitig sa kanya.

" Nakita mo na ang epekto ng ginawa mo? "

" Hindi ko naman alam na doktor s'ya? Isa pa, kasalanan n'ya naman talaga kung bakit ko s'ya tinulak! "

" 'Yan, ganyan ka kapag may nagagawang kasalanan, ikaw pa 'yong galit. "

" Nita naman, sesermonan mo pa ba ako? Alam mo namang nagawa ko lang 'yon dahil sobrang pag-aalala ako sa'yo. "

Kinuha ni Sam ang kamay ni Nita at marahang pinipisil-pisil ito.

" Alam ko naman kung gaano ako kahalaga sa'yo Sam, pero sana alam mo din na may naaagrabyado kang tao nang dahil sa'kin. "

" Sorry, " sabi ni Sam at nginitian si Nita.

" Apology accepted, kung hindi ka lang cute kapag nanghihingi ka ng sorry, hindi talaga kita patatawarin. "

" Hindi mo rin naman ako matitis, " sabi ni Sam sabay ngiti ng malaki kay Nita.

" Palibhasa alam mo talaga na ganyan ang mangyayari, " sabi ni Nita sabay pinisil ang pisngi ni Sam.

" Dapat ganyan ka na lang palagi hindi 'yong lahat ng tao eh natatakot sa'yo. Sana makita rin nila 'yong side mo na ganyan. "

Hawak ni Nita ang pisngi ni Sam habang pinipisil-pisil ito at nagtatawanan sila nang bigla namang bumukas ang pintuan.

" Boss! "

Napatingin silang dalawa rito, mabilis na nagbago ang expression ng mukha ni Sam. Tumayo s'ya para puntahan ang tumawag sa kanya na si Kirk, isa sa mga tauhan n'ya at kanang kamay n'ya. Nagpaalam s'ya saglit kay Nita upang mag-usap sila sa labas. Tumango naman si Nita sa kanya biglang pagsang-ayon.

" Anong balita? Nakita na ba 'yong bangkay? Sino raw ang gumawa? " seryosong tanong ni Sam kay Kirk.

" Sa ilalim ng dagat nakita y'ong bangkay, Boss. Nakasako, may mabibigat na bato na nakatali kaya nahirapan talaga silang mahanap dahil malalim na ang pagkakalubog nito. "

" Kailan ba huling nakitang buhay 'yong biktima? "

" Two weeks ago pa. "

" Kirk, nalaman na ba nila kung sino ang may gawa? "

" Iniimbistigahan pa ng mga pulis Boss, pero may hinala sila na baka ang Nakahara Mamoru family ang may gawa. Nanghihingi ng tulong ang mga pulis Boss, para matigil ang ginagawang pagpatay ng mga ito. Ang pamilya Takahashi lang daw po ang makakatulong sa kanila. "

" Hindi ko rin naman hahayaan na ipagpatuloy nila ang pagpatay at illegal na mga gawain nila. Kung kinakailangan na ubusin ko lahat ng miyembro ng pamilya nila, gagawin ko.

Matapos lang ang kasamaan nila. "

" Anong plano, Boss? "

" Makipag-ugnayan ka muna sa mga pulis. Sabihin mo handang tumulong ang Takahashi family para magbayad sa kasalanan nila. Ang Nakahara Mamoru family, ako na mismo ang bahala na mag-imbestiga sa pamilya nila. "

" Sige Boss, masusunod, " sagot ni Kirk, sabay yuko upang magbigay nang galang kay Sam.

" S'ya nga pala Kirk, bago ka umalis tawagan mo si Capt. Nam papuntahin mo sa office ko. "

" Yes Boss, " sagot ni Kirk pagkatapos ay umalis na ito.

Naiwan naman si Sam na nag-iisip habang nilalaro ang pisngi nya. Pinapalobo n'ya ito kaliwa't kanan pagkatapos babasain ang labi n'ya at kakagatin.

" Saan kaya ako mag-uumpisa? " kausap n'ya sa sarili at nagbuntong-hininga.

Mukhang mahihirapan s'yang tibagin ang Nakahara Mamoru family dahil katulad n'ya isa ang pamilya nila sa pinakamakapangyarihan at kilala sa kanilang lugar.

Sa bayan nila ay may sampung kinikilalang pamilya at kinatatakutan ng lahat. Sa village nila ay may sampung district na pinamumunuan nila base na rin sa ranggo nila. Una ay ang kinabibilangang pamilya ni Sam, ang Takahashi family na s'yang namumuno sa sampung district. Pangalawa ay ang Tadamasa family, pangatlo ay ang Yasunari family, pang-apat ang Kurokawa family, pang-lima ang Yoshitaka family, pang-anim ang Shishido family, pang-pito ang Nakahara Mamoru family, pang-walo ang Kanzaburo family, pang siyam ang Kenichi family at ang pang huli ay ang Sotatsu family.

Ang mga pamilyang ito ay ang mga makapangyarihan at kumokontrol sa bayan ng Abundant Harvest Village. Kilala sila dahil sa masasarap at masaganang mga ani tulad ng mga prutas at gulay, at mga sariwang lamang-dagat kaya naman kinikilala sila bilang pinakamayamang bayan lalo pa't kasama pa rito ang mga kilalang pamilya. Ngunit hindi maiiwasan ang mga gulo at agawan ng teritoryo dahil nagpapataasan ang bawat pamilya ng ranggo sa kapangyarihan kaya naman ang mga residente rito ay lubhang maaapektuhan.

**********