Chapter 1

*****First Meet*****

Takahashi Hotel and Restaurant...

" Hello bes, nasaan ka na? " tanong ng bestfriend ni Mona Luis Armstrong or mas kilala sa nickname nito bilang Mon na si Yuki, habang kausap n'ya ito sa cellphone. Naglalakad si Mon papunta sa exit ng hotel.

" Palabas na ng hotel bes. Fortunately, the meeting ended quickly. "

" That's good, so you can rest somehow. Hindi 'yong puro na lang trabaho ang inaatupag mo. Ni hindi ka nga nagdeday-off eh. "

" Oo, uuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. By the way bes, first time kong makapunta dito sa Takahashi Hotel and Restaurant. It's really nice here, the whole place is amazing. "

" Ay oo naman bes, this hotel is very beautiful and famous. Besides, the owner is very famous too, si Ms. Samantha Freen Takahashi. "

" Sino 'yon? Sorry bes, hindi ko s'ya kilala eh. "

" Ano ka ba naman bes, ikaw lang yata hindi nakakakilala kay Samantha Freen Takahashi , s'ya ang leader ng village natin. Palibhasa kasi puro na lang trabaho ang inatupag mo. Nag-iisang s'yang tagapagmana ng mga Takahashi, a billionaire. Sa sobrang yaman n'ya yata pati buhay ng tao kaya n'yang bilhin saka kilala s'ya bilang si Ms. three seconds. "

" Ms. three seconds? Bakit? "

" Because in just three seconds, she gets everything she wants. "

" Parang ang OA naman na yata no'n bes? Mayro'n ba talagang gano'ng klase ng tao? "

" Sa maniwala ka man o hindi, totoo talaga bes. And that's not all huh, did you know that Samantha is known as heartless and evil especially among her people kaso bes napakaganda n'ya kasi at sobrang cool kaya sa kabila ng pag-uugali eh marami pa ring nagkakagusto at umiidolo sa kanya. Na-iimagine ko nga sa kanya ang mga pinapanood kong drama at pelikula sa TV, 'yong mga bidang mafia boss na babae o hindi naman kaya ay leader ng Yakuza, perfect na perfect ang character na 'yon para sa itsura ni Samantha Freen Takahashi. "

" Tsk! Hay naku! Ewan ko sa 'yo bes, kakanood mo 'yan ng mga drama sa TV at movie, ang lawak na ng imagination mo. Oh sige na, bye na muna. Tatawag ako sa 'yo kapag nakauwi na ko sa bahay. "

" Okay bes, bye. "

Pagkatapos sumagot ni Yuki ay off na tunog ng cellphone ang narinig ni Mon sa kabilang linya. Inilagay n'ya ang hawak na cellphone sa loob ng bag at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa exit ng hotel ngunit bago pa man din s'ya makarating ay naaninag n'ya sa nakauwang na malaking pinto ang mga tao sa loob nito na natataranta at nagtatakbuhan.

Napakunot noo s'ya, unti-unti s'yang lumapit at sumilip sa maliit na siwang ng malaking pintuan. Nakita n'ya na parang may ginaganap na kasiyahan sa loob dahil sa ayos ngunit nagkakagulo nga sa di n'ya malaman na dahilan.

Sinubukan uling aninagin ni Mon ang loob at biglang nanlaki ang mga mata n'ya. Mon saw a woman lying on the floor, unconscious. She immediately ran inside to help the woman who was lying on the floor and she didn't even notice the people looking at her and wondering because of what she did.

" She needs an open air. Huwag n'yo s'yang harangan, move to the side first, " sabi ni Mon, pagkatapos ay umupo sa sahig sa harapan ng babae upang i-examine ito. She took off her thick and soft jacket to make it a pillow for the woman. She also adjusted the woman's lying position so that the blood in her body would flow properly, then Mon took the plastic bottle water from the table.

" Miss, naririnig mo ba ako? Pwede mo bang iangat ang kaliwang kamay mo nang dahan-dahan? " pakiusap na utos ni Mon sa babae. Tumango ang babae at dahan-dahang iniangat ang kaliwang kamay n'ya pero nahihirapan ito.

" Subukan mo naman ngayong itaas ang kanang kamay mo, " sabi ulit ni Mon na sinunod naman ng babae, naiangat n'ya ito.

" Tingnan mo 'to, sundan mo nang dahan-dahan. "

Kinuha ni Mon ang hawak na plastic bottle water na hawak n'ya at dahan-dahang pinapasundan sa babae pakanan at pakaliwa pero hindi nagre-response ang babae at tila ba hirap na hirap ito. Nahihirapan din s'yang huminga dahil naninikip ang dibdib at sa tingin ni Mon ay malapit na itong maubusan ng hininga.

" Nita! Anong nangyari sa kanya! " sigaw nang isang boses ng babae, ang biglang nagpatindig ng balahibo ni Mon. Hindi n'ya alam kung bakit pero para bang bigla s'yang nangilabot.

" Boss! " sabi ng mga tao sa paligid n'ya, pagkatapos ay sabay-sabay silang gumilid upang bigyan ito ng daan.

" Nita! "

Hahawakan sana ito ng babaeng kaharap n'ya pero mabilis s'yang pinigilan ni Mon.

" Wait! Don't touch her! " pigil ni Mon, ngunit nagkunot noo lang ang babaeng kaharap kaya naman lalo lang kinabahan si Mon. Nag-iwas din s'ya ng tingin nang maka eye-to-eye ito dahil hind n'ya kaya.

" And who are you? How did you get in here? "

" Look Miss, I'm here to help. Her situation is very dangerous. She needs to be taken to the hospital as soon as possible. "

" Sino nagpapasok sa kanya dito! sumagot kayo! " anas ng babae, tumayo ito at matalim na tinitigan isa-isa ang mga taong naroon.

" B-boss, bigla nalang s'yang pumasok, " nauutal na sagot ng isa.

" Really? In this situation, nakukuha mo pang magtanong kung sino ang nagpapasok sa'kin dito? " saba't ni Mon, pagkatapos ay tumayo s'ya.

" Mas kailangan mong tumawag ng ambulansya kaysa itanong kung sino ang nagpapasok sa'kin dito. Hindi mo ba nakikita nasa peligro ang buhay n'ya! "

" Sino ka para utusan ako at manduhan kung ano ang gagawin ko! "

" Tulad ng sinabi ko kanina, nandito ako para tumulong! "

" I don't need your help, get out! "

Pinuntahan ng babae ang tinawag nitong Nita, pero pinigilan s'ya ni Mon.

" Please, makinig ka naman sa'kin! "

" Who do you think you are? Why should I listen to you? "

Hindi pinansin nito ang sinabi ni Mon, bagkus ay itinulak s'ya nito nang malakas dahilan nang pagkabalandra n'ya. Tumama ang balakang n'ya sa bakal na lamesa. Nasaktan s'ya dahil dito, malakas ang pwersa ng pagkakatulak sa kanya na sa tingin n'ya ay mukhang nabalian pa ata s'ya.

Unti-unting bumangon si Mon na namimilipit sa sakit habang hawak ang parte ng katawan na nasaktan.

" Makinig ka kung sino ka man! " sabi ni Mon sa babaeng kaharap n'ya dahil napipikon na s'ya dito.

" I'm a doctor! I know what will be good for her or not! "

******************