CHAPTER 40

Pag gising ko nagbihis lang ako pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ng mga anak ko.

Ngunit wala akong nadatnan sa loob ng kwarto nila.

Ah baka kumain na sila. Bumaba ako at tumuloy sa kusina ngunit wala din sila doon.

Bigla nalang akong binundol ng kaba. What if tinakbo ni Zeke ang mga anak ko palayo saakin?

Napatakbo ako sa labas ng bahay.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong masayang nag kukulitan ang mga anak ko kasama ang daddy nila sa garden.

Pasan pasan ni Zeke si Zayne sa likuran nya. Habang si Zeus ay hinahabol niya ang dalawa.

Pigil pa ing ngiti ni Zayne kahit halata naman na masaya sya.

Mukhang nakuha na ni Zeke ang kiliti ni Zayne. Napangiti ako ng malawak dahil sa masayang pamilya na meron ako ngayon.

Di naman mahirap makuha ang loob ng mga anak ko.

Sana lang ay tuloy tuloy na ang masayang pangyayari sa buhay ko.

Napagpasyahan ko nalang mag luto para sakanila. Gusto ni Zeke ay kumuha kami ng Maids pero ayaw ko. Gusto kong maging hands on sa mga anak ko kahit malalaki na sila.

Nagluto ako ng bacon, hotdog, gumawa ng sandwhich at fried rice.

Sakto namang naayos ang hapagkainan ng dumating ang tatlo.

"Si daddy talaga!" Natatawang sambit ni Zayne.

Pasan pasan pa din ni Zeke si Zayne sa likuran nya.

Lumapit ako sakanila.

"Pawis na pawis kayo. Halikat magpalit muna kayo ng damit"

Dahan dahang ibinaba ni Zeke si Zayne. Nag iwas ako ng tingin dahil sa nakaka lunod nitong tingin.

Ano nana mang problema nito?

"Y-ou sh-ould cha-nge y-our clothes too" nauutal na sambit ko bago ko sya talikuran.

"Mommy look Zayne loves daddy!" Pagbibida ni Zayne habang paakyat kami sa taas.

"I told you mommy magugustuhan din ni Zayne si Daddy" masayang sabi din ni Zeus.

Sobrang lawak ng ngiti nilang dalawa kaya pati ako ay napangiti na din ng tuluyan.

"Be good girl Zayne huh?" Paalala ko pa sakanya.

Tumango naman ito "Yes po mommy!"

Walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Unti unti nang nabubuo ang masayang pamilya na pinapangarap ko noon pa.

"Lets go baka naghihintay na ang daddy nyo"

Sabay sabay kaming bumaba. Nadatnan naman namin doon si Zeke na naka upo.

Nagmamadaling tumakbo si Zayne sa daddy nya.

"Daddy!"

Binuhat ni Zeke si Zayne at inilagay sa lap nya.

"Kunwari pa si Zayne mommy look at her right now para syang kitikiti." Natatawang sabi ni Zeus.

Kinurot ko ang pisngi nito "Selos ka lang eh" asar ko na ikinanguso nya.

"No mommy. Im happy for her because she already accept daddy"

Kung maka pagsalita ang anak ko parang nasa wastong gulang na.

Nilagyan ko ng pagkain ang plato ng kambal. Walang tigil sa pagtawa si Zayne dahil sa pag kukwento ng daddy nya.

"Daddy labas tayo mamaya ah?" Paglalambing ni Zayne sa daddy nya.

Naging malikot ang mga mata ni Zeke.

"Can we re-sched our date baby? May work kasi si daddy eh"

Ngumuso si Zayne at umalis sa pagkakaupo sa lap ni Zeke. Tumabi ito kay Zeus na busy sa pagkain ng paborito nyang hotdog.

"Okey" nagtatampong sagot ni Zayne.

Nilingon ko si Zeke. Napa buntong hininga ito.

"Zayne may work si daddy pwedi naman tayo lumabas next time eh" pag checheer up ni Zeus sa kapatid nya.

"Promise?" Paninigurado pa ni Zayne sa kapatid nya.

"Sorry princess I have a lot of stuff to do. Dont worry I will make it up to you."

Nagkibit balikat lang si Zayne at pinagpatuloy ang pagkain nya.

Tipid na nginitian ko lang si Zeus.

"So what is your favorite toys princess?" Malambing na tanong ni Zeke sa anak nya.

Ang kaninang matamlay na mukha ni Zayne ay mabilis na napalitan.

"Minions!" Bibong sagot nito.

"Daddy he likes that weird toys. Banana" poker face na sagot ni Zeus.

"NO KUYA! THEY ARE CUTE!" Depensa naman ni Zayne

Natawa kaming pareho ni Zeke dahil sa bangayan ng anak namin.

"Bye daddy! Takecare!" Humalik sa pisngi ni Zeke si Zayne.

"Okey! Alis nako" paalam saakin ni Zeke na tinanguan ko naman.

Di pa rin ako sanay sakanya. Naiilang pa rin ako sa tuwing tititigan nya ako. Sa tuwing magkakalapit kami yung puso ko parang lalabas sa dibdib ko

"Anong gusto nyong gawin mga anak?" Naka ngiting tanong ko sakanilang dalawa.

Umupo sa sofa si Zeus si Zayne naman ay yumakap sa mga binti ko.

"Can we visit Daddy kiro?" Mahinang sambit nito.

Bigla nalang nilukob ng lungkot ang dibdib ko. Di pa rin mawala sa sistema ni Zayne si Kiro. Naiintindihan ko naman iyon dahil si Kiro ang nagpalaki sakanila.

"Zayne" Ginamit ni Zeus ang warning tone nya.

Lalo tuloy dumikit saakin si Zayne marahil ayaw nyang mapagalitan sya ng kuya nya.

Lumuhod ako sa harapan ni Zayne. "Okey we will" pag papagaan ko ng loob nito.

Mabilis namang kumontra si Zeus "No mommy! Baka ano nana man gawin nya saatin!"

"Zeus! His part of your life!" Depensa ko na mabilis nyang inilingan.

"No mommy!" Galit na akusa nito.

"Zeus. Dont be mean to your Daddy Kiro I know you're mad but you still grew up with him. 6 long years baby sya yung nakasama nyo. I understand kung bakit ganyan yung naging reaksyon nya. Normal lang iyon dahil mahal nya kayo" pagpapaintindi ko sakanila

"Kung di mo lang sana kami inilayo kay Daddy Zeke hindi sana nahihirapan ng ganito si Daddy Kiro." Sumbat saakin ni Zeus na ikina tameme ko. Di ako naka sagot.

"Kuya! Thats enough! You're being harsh to mommy!" Pagtatangol ni Zayne saakin.

Hinawakan ko ang kamay ni Zayne at humarap kay Zeus na sobrang lukot na lukot ang mukha.

"Its for your own good anak. I decided to leave him because he hurt me. I was hurt anak"

Umiling si Zeus "Because you never gave him the chance to stay"

Saan ba pinanghuhugutan ng batang ito ang sinasabi nya?

"Baby. Its not what you think okay? Please stop this nonsense. You're still too young to think about our problem" Pagpapaintindi ko sakanya.

Ayoko kasing pagalitan si Zeus dahil pag yan nagtampo. Sobrang tagal bago ka kausapin

"Even if you ask for forgivness mommy it wouldn't change the fact that you leave him. You dont give him the chance to be with us on our birthdays. Sobrang laki ng kulang sa pagtao ko mommy."