CHAPTER 39

"Mommy umuwi na tayo. Daddy kiro is alone. Kailangan nya tayo wala syang kasama sa bahay" Paulit ulit na sinasabi ni Zayne iyon.

Buti nalang ay wala si Zeke kung hindi magagalit nana man sya kay Zayne dahil sa pangungulit nito. Umalis ito kasama si Zeus ewan ko kung saan sila pumunta. Nahihiya naman akong mag tanong.

Its been 1 week since tumira kami sa bahay ni Zeke. Nangangapa pa rin ako pero alam kong masasanay din kami.

Malamig pa rin ang pakikitungo saakin ni Zeke. Kakausapin nya lang ako sa tuwing mag tatanong sya kung ano ba ang paboritong pagkain ni Zeus at Zayne.

Sa loob ng isang linggo walang bukang bibig si Zayne kung di si Kiro.

Mailap pa rin ito sa kanyang tunay na ama. Di katulad ni Zeus palagay na palagay na ang loob nya kay Zeke.

"Zayne nandito na si Daddy Zeke mo. Ayaw mo ba sakanya?" Malambing na tanong ko sakanya.

Umiling ito "Bad sya! May gun pa sya mommy. Sabi ni Daddy kiro mamamatay tao sya! Diba bad yun?!" Himutok pa ni Zayne.

Di ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag sakanya ang nangyayari.

"Zayne. Kiro is not your dad okey? Kahit pagbalibaligtarin mo pa ang mundo si Zeke pa rin ang daddy mo. Dont be to hard to your dad nakikita mo naman yung mga efforts nya para maka bawi sainyo diba? Besides, hindi mamamatay tao ang daddy nyo. Ayaw nya lang ng bad people kaya tinuturuan nya ng leksyon." Pag papaintindi ko pa.

Ngumuso si Zayne at napa buntong hininga.

"Do you love him mommy?"

Natigilan ako sa tanong ni Zayne. Mahal ko nga ba si Zeke?

Oo mahal ko pa sya. Kahit anong mangyari sya pa rin ang laman ng puso ko.

"Yes. I love your dad. But Im scared that he might hurt me again"

Hinaplos ko ang ulo ni Zayne para makatulog na ito.

"How did you met him?" Tanong pa nya saakin.

"I will tell you one story baby" Malambing na bulong ko sakanya.

Tuwang tuwa naman ito

"Once upon a time in a very very far away land there was a poor girl who fell in love with the bad guy. The girl hate the guy so much because the guy is bad. But destiny takes them together and they fell in love with each other. Times goes by, God gave them a two little babies."

Itutuloy ko pa sana yung kwento ko ng makita kong humihilik na si Zayne. Marahil ay pagod na ito kakaiyak dahil namimiss nya si Kiro.

Kahit ako man ay lagi ko syang iniisip tuwing gabi. Kung kumusta na ba sya, kumakain ba sya.

Di ganoon kadali para kalimutan si Kiro. 6 years ko syang nakasama noon panahon na wala si Zeke.

Kaya alam kong masakit sa part nya ang nangyari.

Nasasaktan din ako ngunit alam ko ito ang tama.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Zayne hinalikan ko sya sa noo bago ako lumabas ng kwarto nya.

Pagbaba ko sobrang tahimik, napaka laki ng bahay na ito para sa aming apat.

Nakarinig ako ng sunod sunod na busina sa labas. Marahil ay nakauwi na sila Zeke.

Bumaba ako para salubungin ang mag ama ko.

Mag ama. Sobrang sarap pakinggan ngunit nakaka hiyang sabihin.

"MOMMY!" Masayang tumakbo papalapit saakin si Zeus at yumakap saakin. Ginantihan ko naman ang yakap nya

"Where is Zayne?" Tanong nya saakin.

"Tulog na" naka ngiting sagot ko

Nahihiya akong tumingin kay Zeke.

"Ah- K-umain naba kayo?" Naiilang na tanong ko

"Yeah. By the way Lock the door may pupuntahan lang ako saglit" paalam nito saakin.

Di ko na sya magawang tanungin. Lagi syang ganyan tuwing gabi umaalis sya. Nahihiya naman akong mag tanong dahil baka akala nya ay pinipigilan ko sya sa mga ginagawa nya. Di ko maiwasan ang di mag alala dahil alam ko kung ano ang ginagawa nya.

Hangga ngayon pala ay ginagawa nya pa rin iyon

"Let go baby" yaya ko kay Zeus

Kwento lang ng kwento si Zeus habang paakyat kami sa kwarto nila Zayne.

"Mommy daddy is super cool!" Napa palakpak pa si Zeus sa sobrang saya.

Napangiti nalang din ako dahil sa reaksyon nya.

"Shhh. Be quiet baby magigising si Zayne"

Tinakpan nya ang bibig nya.

"Sleep na okey?" Bilin ko sakanya bago ko sya iwan sa kwarto.

Naligo na ako at nagpatuyo ng buhok. May sarili akong kwarto dito sa bahay, gusto ko sanang matulog sa tabi ng mga anak ko.

Kaso ang gusto ni Zeke ay hayaan ko silang matulog mag kasama.

Gusto ko sanang tanungin si Zeke tungkol sa batang babae na tumatawag sakanya ng daddy.

Anak nya kaya yon oh ano?

Bakit ba hangga ngayon napaka misteryoso parin ng pagkatao nya. Di ko magawang basahin ang mukha nya kapag nasa harapan ko sya.

Laging blanko ang expression na ipinapakita nya sa tuwing nasa harapan ko sya.

Maalas dos na ng madaling araw ngunit di pa rin ako dinadalaw ng antok.

Dahil hindi ako maka tulog bumaba nalang ako para uminom ng gatas.

"Why are you still awake?"

"Ay kabayo!" Napasigaw ako dahil sa biglang pagsulpot ni Zeke sa likuran ko.

Nanlaki ang maliit kong mata dahil may pasa ito sa gilid ng mata.

"Its getting late you need to sleep" malamig na tugon nito.

Napayuko nalang ako, di ko na tinapos ang gatas na ginagawa ko. Humakbang na ako patalikod sakanya.

Ngunit di pa man ako nakaka ilang hakbang ng magsalita sya na ikinagulat ko ng husto.

"Im glad because you decide to stay here with our child. Je t'aime mon amour"

Yung puso ko nagwawala na.

Kahit di ko maintindihan kung anong sinabi nya bakit kinikilig ako?

"Here. Drink your milk. It wil help you to fall asleep"

Di ko pa rin magawang lumingon dahil sa pamumula ng mukha ko.

Ginawan nya ako ng gatas na maiinom. Sheet. Kailan pa naging sweet ang lalaking to?

Nauntog ba ang ulo nya at narealize nya na mahal na pa rin ako?

Bat parang kumapal na ata ang mukha mo ngayon Ayen? Sermon ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Zeke. Kumuha ito ng wine na nasa taas ng cabinet.

Kinuha ko ang gatas na gawa nya

"Thankyou" nahihiyang pasasalamat ko.

Aalis na sana ako ng magsalita sya ulit.

"Can you stay for a little while?"

Pagod na pagod at mukhang problemado ang mukha nya ngayon.

May kung anong humatak saakin para lumapit sakanya at samahan sya.

Sumunod lang ako sakanya papunta sa Veranda.

"Kailan ang birthday ng kambal?"

Nabigla ako sa tanong nya kaya di ako nakasagot agad.

Kinondisyon ko muna ang sarili ko sa mga tanong na ibabato nya.

"Sa Oct. 4 na." Maikling sagot ko

Ininom ko ang gatas na gawa nya. Masarap iyon malinamnam.

Tumango tango si Zeke at uminom ng wine na hawak nya.

"Ah zeke"

"Hm?" Sagot nya.

Yumuko pa ako at pinaglaruan ang basong hawak ko.

"Anak mo ba yung batang babae na kasama mo non?"

Ano ba yan Ayen! Ang tanga mo talaga bakit tinanong mo pa?!

"Hahaha"

Napalingon ako dahil sa pagtawa nya.

Bakit tumatawa to? Nasisiraan naba sya ng ulo?

"No. She's not my daughter. She is my brother's daughter."

Ewan ko bakit pero nakaramdam ako ng konting saya sa dibdib ko dahil sa nalaman ko.

"Im sorry"

Sorry? Para saan?

"Hah?" Nalilitong tanong ko.

"Im sorry I wasn't there when you're having a hard time with our kids. Im sorry If I wasn't there in their first crawl. Im sorry If I wasn't there when they are celebrating there birthday. Im so sorry If I wasn't there in their first walk. Im so sorry if I could just turn back the time I will be there with you. If I could ..."

Di ko na natiis tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit.

Lahat ng sama ng loob ko at galit na nararamdaman ko sakanya naglaho lahat.

Totoo nga siguro na mas matimbang ang pagmamahal sa pait at puot na nararamdaman ko sakanya.

"Im sorry If I hide them to you. Im so sorry"