CHAPTER 41

"Mommy bakit parang may tao sa labas?"

Sumilip ako sa binta, tama si Zeus maraming tao sa labas. Bigla nalang akong kinutuban ng hindi maganda.

"Did you lock the door outside?" Tanong ko kay Zeus.

Tumango naman ito.

"Zayne. Come here baby" kinuha ko ang mga anak ko at niyakap.

Masama ang pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Zeke.

"Oh geez! I've been calling you." Kinakabang salubong nya na labis kong ikinabahala. Sa tono ng boses nya parang may mangyayari.

"Zeke may mga tao sa labas" naiiyak na sumbong ko sakanya.

Ayokong may mangyaring masama sa mga anak ko.

"Relax okey? Pauwi na ako. Listen to me Ayen. Remember where's my room?"

"Yes" naiiyak sa sagot ko.

"Good. Go there. Isama mo ang kambal. Sa likod ng headboard ng kama ko may makikita kang switch doon. Press it. Bubukas ang ilalim ng kama ko. May underground doon. Pumasok kayo doon. Pag pasok nyo sisindi lahat ng ilaw. Again may makikita ka ulit na switch doon press it at magsasara iyon. Stay there. Wag kayong lalabas hanggat di ako dumadating. Naiintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?" Pang uulit nito.

"Oo" maikling tugon ko.

Kinakabahan man ay lumabas kami ng kwarto ng mga anak ko at tumuloy sa sinasabi ni Zeke.

Narinig ko ang iilang kalampag mula sa labas.

Lalo akong kinabahan.

Hinanap ko sa likuran ng headboard ang sinasabi nya.

"What are you looking mommy? Whats happening?" Tanong ni Zayne saakin.

"HANAPIN NYO SILA!" Rinig kong sigaw mula sa labas.

"Mommy who's that?" Kinakabahang tanong ni Zeus.

"Shhh"

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa. "Mamaya ko na sasabihin baby ah?" Pag lalambing ko sakanila.

Pagkakita ko ng switch na sinasabi ni Zeke pinindot ko iyon at tama sya. Bumukas iyon at sumalubong saamin ang isang hagdan.

Underground.

"Wow!" Namamanghang tugon ni Zayne.

"Lets go" niyaya ko silang pumasok sa ibaba.

Pagpasok nila. I press the red botton at sumara iyon.

Parang isang maliit na kwarto ang nasa ibaba. So all this time may ganito para sa bahay ni Zeke dahil alam nyang darating ang araw na ito.

"Mommy can you tell me what's happening here?" Zeus ask me.

Pinaupo ko sila sa sofa.

"See those bad guys na nasa labas? They plan something bad para sa daddy nyo. So kailangan nating magtago dito" pag papaintindi ko sakanya.

"Why mommy? May ginawa ba si Daddy sakanila?" Nalilitong tanong ni Zayne.

Huminga ako ng malalim "Mayaman kasi ang daddy nyo kaya maraming may gustong pumatay sakanya. You know bad guys naman diba? They will do everything just to hurt you're dad" pagpapaliwanag ko.

"NASAAN SILA? MGA TANGA HANAPIN NYO!" Rinig na rinig ang sigawan sa taas.

Tinakpan ko ang bibig ng mga anak ko para hindi sila makalikha ng ano mang tunog.

Sunod sunod ang mga kalampag at mga nababasag na bagay. Marahil hinahanap talaga nila kami.

Lord, gabayan nyo po ang mga anak ko. Di ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sakanila.

Unti unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Ito na ba ang sinasabi ko kaya ayokong ipakita kay Zeke ang mga anak ko.

Mapapahamak lang sila.

I recieve a message from Zeke wag muna daw kaming lalabas dahil hindi pa umaalis ang mga lalaki.

Nasa labas na daw ito pero di sya makapasok dahil marami ang kalaban nya.

Pinunasan ni Zayne ang basang pisngi ko "Dont cry mommy" mahinang bulong nito.

Hinawakan naman ni Zeus ang kamay ko "Im sorry mommy for hurting you're feelings yesterday. Now I understand everything. Why did you hide us from daddy because its dangerous" seryoso ang mukha ni Zeus habang sinasabi iyon.

Lalo tuloy akong naiyak. Wala akong masabi kaya niyakap ko nalang ang mga anak ko.

"STUPID! FCK!" Patuloy pa rin ang iilang sigaw na naririnig ko mula sa itaas.

"BOSS! NASA LABAS SI MR. JADELANIA!" Sigaw naman ang isang lalaki.

"PUNTAHAN NYO MGA TANGA!" Sya marahil ang boss nila.

Sunod sunod ang putok na narinig ko mula sa labas. Niyakap ko lalo ng mahigpit ang mga anak ko.

Makalipas ang ilang minuto bumukas ang underground.

"My ghad!" Buladas ko.

"Daddy!" Sigaw ng dalawa.

Nilapitan ko si Zeke. May dugo ito sa gilid ng kilay at labi.

"Daddy you're bleeding!" Umiiyak na tugon ni Zayne ng makita nya ang dugo sa braso ni Zeke.

"May tama ka" mahinang bulong ko.

"Its okey. Are you okey babies?" Tanong nya sa dalawa.

Pinunit ko ang tshirt na suot ko at itinali sa braso ni Zeke para tumigil ang pag dugo.

Di ko alintana ang nakalitaw kong tyan.

"You dont need to do this baka lamigin ka"

Di ko sya pinansin.

"May tao paba sa labas?"

Umiling ito. Namumutla ang mukha nya marahil dahil sa naaalis na dugo sakanya.

Inalalayan ko sya palabas.

Sumalubong saamin ang napaka ruming bahay puno ng bubog at nag kalat na gamit.

"Mommy! They mess all my stuff toys!" Umiiyak na tugon ni Zayne.

"Hey baby. Bibili nalang kita ng bago okey?" Paglalambing nang daddy nya.

"Damn it! Gamutin mo muna yung sugat mo!" Sigaw ko kay Zeke.

Kinuha ko ang telepono nya at tinawagan ng doctor nya.

Makalipas ang ilang minuto dumating naman ito.

"What happend?" Tanong ni Doc. Suarez.

"Just ask him Doc" pag iiwas ko.

Lumabas kami ng mga anak ko. Ipinasok ko sila sa magulo kong silid.

I start packing my things.

"Where are we going mommy?" Tanong saakin ni Zeus.

"Uuwi muna tayo sa Nani nyo"

Pumasok si Zeke na may benda sa kaliwang braso. Napalingon sya sa maleta na hawak ko.

"Where are you going?" Mahinahon nyang tanong.

"Akala ko magiging masaya ang mga anak ko kapag nakasama ka nila. Lalo lang palang malalagay sa paligro ang buhay nila. Zeke, di ko matataya ang buhay ng mga anak ko. Natatakot ako na may mangyaring masama sakanila. If you want to be with us iwan mo lahat ng bagay na ginagawa mo na maaaring mag pahamak sa mga anak mo. Zeke please. Ama ka na alam mo na dapat ang obligasyon mo sa mga anak mo. Maatim mo ba na may mangyaring masama sakanila? Gusto mo bang mapahamak muna sila bago mo iwan lahat yan"

Di ko kayang itaya ang buhay ng mga anak ko. Tinignan nya ako. Akala ko ay anong gagawin nya

"Come here Zeus and Zayne" tawag ni Zeke sakanila. Lumunod ito sa harapan namin.

"Baby" malambing na tawag nya sa mga bata.

May alinlangan man ay lumapit ang dalawa sakanya.

Niyakap nya ito ng mahigpit. Di naka takas sa paningin ko ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Be a good girl baby and good boy babies ah? I promise susunod ako sainyo kahit saan man kayo pumunta. Aayusin ko lang lahat. I will settle everything and when the times come. Kung mahal pa ako ng mommy nyo papakasalan ko sya. We will live happily ever after. I love you. Please take care. Im so sorry for putting your life in danger. I will make it up to you"

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata. May anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib.

"Daddy! Promise me susunod ka ah?" Umiiyak na yumakap ulit si Zayne sakanya.

"I will take good care of them Dad I promise" sabi ni Zeus.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Di ko akalain na magiging ganito kahirap ang lahat para saamin.

Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng simple at masaya kapiling sya at ang mga anak ko.

"Mag iingat kayo. I love you Ayen. Till we meet again"