CHAPTER THREE
“Lorelei, can I call you later? I have something to deal with Miss Dy.” Nginitian niya ang malandi na ngumiti din sa kanya. Akala mo ang ganda. Pweh!
“Sure babe.” Babe? Talagang pinanindigan niya ang kakatihan niya. And she even kiss mylabs on the cheeks. Konti na lang talaga at ipapasalvage ko na ang panget na ‘to.
When the truecrab left ay kumuha ako ng wet tissue at pinunas sa pisngi ni Enrique. Dimwit, ang kapal ng mukha niyang halikan ang mylabs ko sa harap ko.
“What the fuck!”
“May laway, don’t worry it’s-----”
“Stop it!” He removed my hands at masama akong tiningnan. Iniwan niya ako at mabilis na pumasok sa opisina niya kaya sumunod ako. Bakit maganda ako ee kaya dapat nakasunod ako sa mylabs ko.
“What are you doing here?” He sat on his chair kaya umupo na rin sa tapat niya.
“Isn’t it obvious? Visiting you.”
“How many times did I tell you not to come here?”
“Hindi ko na mabilang.”
“And why you’re still here?”
“Kasi wala akong pakialam sa sinasabi mo, at ang pakialam ko lang ay ang nararamdaman ko.”
“You’re desperate.”
“Ngayon mo lang nalaman? Matagal na, but no, I am not desperate. I can say that I am obsessed. Bakit mo pala kasama ang babaeng yon?”
“None of your business.”
“Nag-sex kayo?”
“What if I will tell you yes?” Ouch, tanginang panget na yon talaga. Akala niya ba maganda na siya dahil kinama siya ng mylabs ko. Asa, panget pa rin siya kahit nakatayo o nakatuwad pa sila.
“Ang straightforward. At nasasaktan ako. Pero ok lang, ganyan talaga bida, nahi-hurt sa umpisa tapos babawi na.”
“What?”
“Waley, sabi ko ako na lang kasi ikama mo.”
“You’re out of your mind.”
“Ngayon mo lang ulit nalaman? Simula nang makilala kita I am already out of my mind.”
“Tss.”
“Bakit, umaasa ka pa rin sa kaibigan mong may pito ng anak?”
“None of your business.”
“Pagdating sayo, I am always a part of that fucking business.”
I met Hailey at the company event once. Bagong mag-asawa pa lang sila ni kuya Phoenix noon and I admit that I like her. Madalas ko na kasing marinig ang pangalan niya kay Enrique kaya naisip kong kaibiganin siya noon dahil nagkataon na war kami ng bff kong chinurva ek-ek ni kuya Dylan.
Kaso nalaman ko kay Ervic na siya pala ang first love ni mylabs at kaya hindi ako kayang mahalin ni mylabs ay dahil sa kanya. So I change my mind at ayaw ko na siyang maging kaibigan. Binalikan ko na lang si Celesetine dahil iniwan din niya ang kuya ko at nagpakasal kay Cluster. Yuck! Sila-sila na lang nagtitirahan pa.
Tumayo bigla si Enrique at inayos ang mga gamit.
“Where you go?”
“Where do you think I am going?”
“Aalis ka na, kadarating mo lang?” tumayo rin ako at hinarangan siya.
“What are you doing?”
“Spend more time with me.”
“Move.”
“Ayoko.
“I said move.”
“Bakit ba pakipot ka? Ako na nga itong humahabol sayo ang arte mo pa.”
“Because I don’t like you.”
“Sa ganda kong ‘to?”
“I don’t like your behaviour.”
“So gusto mo pa hard to get ako?”
“Still. I don’t like you so move.” Malakas niya akong hinawi kaya natalisod ako at muntik ng bumagsak. But he didn’t even care to look at me at mabilis nang lumabas.
I took my LV dauphine east west bag para sundan si Enrique. Halos matatapilok na ako dahil sa suot kong heels. Kung bakit ba kasi itong opyum 110mm YSL heel sandals pa ang sinuot ko. Hindi talaga siya advisable isuot kapag nagmamadali ka lalo na kung lalaking mahal mo ang hinahabol mo.
“Enrique!” Nasa loob na siya ng elevator at hindi pa rin ako pinansin. He pushed na button na akala ko ay hihintayin ako pero bigla itong sumara. “Fuck!” Hinampas ko ang pintuan nang tuluyan na itong sumara at umandar pababa.
Lumipat ako sa isang elevator. Sakto nang pindutin ko ay wala itong laman. Pinagsabay kong pindutin ang G for groundfloor at ang closed button. Hacked daw yon sabi ni kuya Dylan para hindi mag-stop sa ibang floor kapag may gustong sumakay. Dire-diretso lang sa destinasyon mo bago balikan ang ibang pumindot. I am not sure if legit o nagkataon lang, but so far ay hindi pa ako nag-stop sa ibang floor at laging dire-diretso ang pagsakay ko.
When I arrived at the ground floor ay nakita ko agad ang likod na Enrique na naglakad patungo sa parking. Hinubad ko na ang heels at saka binitbit para maabutan siya. But unfortunately, pag labas ko ng buiding ay nakasakay na siya at iniwan ako.
“DIMWIT!” Hinagis ko ang heels at umupo sa gilid. This is not the first time it happened but everytime he did it to me ay hindi maiwasan na hindi sumama ang loob ko. Naiiyak ako sa inis dahil sa pabebeng hayop.
But what should I do? I love him, kahit mukha na akong tanga ay sige pa rin. Kahit nga pinagmukha niya akong tanga nang hindi siya dumating sa 18th birthday ko. I am expecting him to be my last dance and he already included in the program but he did come. Kaya si kuya Dylan na lang ang last dance ko.
Kaya gagawin ko lahat para sa kanya kasi nga tanga ako. He’s my knight in shining armour kaya kahit anong mangyari he’s mine. Mine alone.
I don’t know how many minutes akong nakaupo sa hagdanan. Nadaanan na nga ako ni Magnolia at pinagtawanan pero mabait pa rin naman siya dahil nilagay niya sa tabi ko ang heels at saka ako pinagtawanan ulit bago umalis.
My phone suddenly rang and when I check who calls. I saw Ervic name appear on screen.
“Ano?!”
“Hulaan ko, iniwan ka ni kuya no?” And I heard two annoying voices laughing. One for him and one for Celestine.”
“Oh tapos may nakakatuwa?”
“Wala naman, gusto ko lang sabihin sayo na nandito si kuya at may kasamang chix, hulaan mo kung sino at nasaan sila?” Napatayo ako dahil sa sinabi niya.
“Sino at nasaan?”
“Hulaan mo nga ee.” And again, they both laugh.
“Isa pa, Ervic, malilintekan ka sa akin.”
“Tss, hot-headed. Si Lorelei, ang kasama niya at nasa kwarto sila. Sasabihin ko pa ba kung anong nangyayari sa loob?”
“Fuck!” Wala akong inaksayang oras at sumakay agad ako. I drive as fast as I can. Hindi pwedeng may mangyari sa kanila. Malandi talagang babaeng yon. Ang kapal ng mukha niya. Magkasama na nga sila hindi pa siya nakontento. Nakakainis.
Ano ba talagang wala sa akin na meron ang panget na yon? Anong kulang sa ganda ko at hindi ako pinapansin ni Enrique? My God, ini-stress niya ako masyado. At ang haliparot naman masyadong pabibo.