CHAPTER TWO
Bitbit ang kape na ‘Kalinga ni Dylan’ na lasang ewan mula sa coffee shop ni ate at nang mga kaibigan niya na may franchise din ako ay naglalakad ang magandang ako papunta sa opisina ng aking mylabs na si Enrique. Kung hindi lang ‘to pangalan ng mabait kong kuya ay hindi ko ‘to iinumin. Ang tapang, kasing tapang niyang ipaglaban ang ex niyang ayaw sa kanya.
Pero in fairness naman sa kape. May tama naman siya. Literal na may tama. Dahil sa tapang ay tatamaan ka talaga na daig mo pa naka-drugs sa bangang at tama rin sa pangalan na ‘kalinga ni Dylan’ dahil masarap kumalinga ang aking kapatid.
“Hi, nandiyan ba si mylabs?” tanong ko sa sexytary niyang si Magnolia na lamang pa rin ako ng height pero lamang siya ng puwet dahil nagji-jiggle jiggle ang wetpaks niya pag naglalakad.
“Ma’am as usual, ano sa tingin mo ang sagot sa tanong mo?” sagot niyang patanong sa akin na as usual din ay babarahin na naman ako. Pero mabait siya at mas gusto ko siya kaysa sa mga naunang secretay ni mylabs na halatang inaagawan ako.
“As usual, banned ako, pero as usual din----” I heard her sighed at yumuko na parang nawalan ng pag-asa.
“As usual din maam walang makakapagal sa inyo.” Ngumiti siya ng pilit na halatang disappointed. “So pasok na po kayo para mag-away na kayo.”
“Don’t worry, Magnolia, kapag nawalan ka ng trabaho mas maganda pa dito ang ibibigay ko sayo. Hindi lang trabaho ang ibibigay ko, bibigyan kita ng sariling negosyo na ikaw ang amo.”
“May choice ba ako, maam?”
“Wala, kaya smile ka na lang, ganda ng pangalan mo, Magnolia, isang bulaklak na nabuhay na bago pa ang bees and instead of nectar, pollen ang nakukuha sayo. Saka tayo dapat magkakampi kasi pareho tayong bulaklak.”
“Oo na lang po.”
“Smile ka na.” Pero imbes na ngumiti ay mas lalong lumungkot ang mukha niya. “Alam mo Magnolia sayo lang ako mabait kasi mukha kang mabait at innocent. Pero sige mukhang stress na stress ka na sa akin kaya dito na lang ako at hindi na ako papasok.”
“Tapos magpaparinig ka naman sa akin. Sasabihin mong may kapatid kang kayang gawin lahat kahit pa magtanggal ng empleyado lalo na pagdating sayo.”
Honestly, I didn’t mean it. But of course, para lang makita si Enrique mylabs ay gagawin ko lahat.
“Ewan ko sa inyong mayayaman kung saan kaming mahihirap lulugar.” I say the sad in her face. Oh the fuck I care. I am not affected kasi hindi ko naman naranasan maghirap at hindi ko alam ang pakiramdam niya. Pero nakakaawa siya.
“Papasukin mo ba ako?”
“Oo, goodluck na lang din kung makikita mo si boss sa loob.”
“What do you mean?”
“Wala si amo, kasama yong isang kliyenteng mahadera. Halata naman nag-iinvest lang dito para makita si boss.”
“Yong mukhang pusit?”
“Hindi, yong mukhang alimasag.”
“Alimasag? Ano yon?”
“Yaman-yaman mo hindi ka pa nakakita ng alimasag. Hindi ka rin nakakain noon?”
“Hindi ko nga alam kung ano yon. Ano ba sa English yon?”
“Kawawa ka naman.”
“Kawawa? Ako?”
“Oo kasi ang yaman-yaman mo hindi ka pa nakakain ng alimasag. At kawawa dahil hindi mo alam kung ano ang alimasag.”
“Kaya nga tinatanong kita.”
“Alimasag, maliit na parang alimango.”
“Oh, crablet.”
“True crab maam, magkaiba sila. Wag tayong bobo dito.”
“Alam mo hindi ko alam kung nirerespesto mo ako o binabastos. Maam ka nang maam sa akin tapos binabara mo naman ako. Ano ba talaga ha?”
“Both para fair.”
“What?”
“Naiba na ang usapan maam, ang sabi ko, ang kasama ni boss yong mukhang alimasag.”
“Si Hanna?”
“True crab na nga.”
“Ano ba kasi pinagkaiba ng true crab sa crablet?”
“Yong crablet maliit na alimango na plain ang bahay, yong true crab maliit na alimango pero may white spot sa bahay. Tatagalugin ko pa yong white spot maam?”
“So sinasabi mong ang kasama ni Enrique ay Lorelie?”
“Matalino ka sa part na yan maam.”
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. At bakit sila magkasama ng babaeng yon? Ok na akong karibal ang may pitong anak sa puso ng mylabs ko. Tapos may eepal pang panget na hulas-hulas ang make up kapag naiinitan na halatang fake ang gamit.
“Maam napipikon ka na?”
“What do you think?”
“Nangingitim ka na sa galit.”
“Ano?”
“Kidding aside maam. Pero may milagro ang dalawang yon lagi. Pag talaga pumupunta yang mukhang alimasag na yan dito nag-aamoy Clorox ang office ni sir.”
“Anong amoy Clorox?” takang tanong ko. “Naglilinis ang gaga sa loob?”
“Virgin ka pa maam?” Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya. Anong akala niya sa akin easy to get dahil brat?
“Hoy, ang purity ko ay nakalaan lang para sa amo mo.”
“Ang tanong papatulan ka ba ng amo ko?”
“Nakakarami ka na Magnolia.”
“Bakit kasi hindi na lang si sir Ervic ang jowain mo. Halata naman patay na patay sayo yon.
“Si Ervic?”
“Oo, si sir Ervic. Pogi rin naman siya at kasing-edad mo lang. Si amo may edad na para sayo. Kahit baby face siya ay hindi maipagkakailala na matanda pa rin siya sayo.”
“Bakit ba? Si mylabs gusto ee. Siguro may gusto ka kay Enrique no?”
“Ako maam?” Sabay pakita ng singsing niya. “Two months happily married na ako.”
“Eh di congrats. Pero mabalik tayo sa mylabs ko. Kanina pa ba sila umalis?”
“Mga more than five hours na. Pupunta daw silang farm dahil harvest ng mga mangga at kukunin daw ni madam true crab ang share niya. Pero duda ako dahil mukhang nabitin sila kanina dahil dumating si pusit at umalis din naman.”
Enrique has two business. Isa ay ang farm na plantation ng mangga at nagbe-bread din siya ng mga kabayo, at ang isa naman ay may agriculture stuffs and supply. Nagbebenta sila ng kemikal, abuno, fertilizer, at kahit anong gamit sa pananim o pagbebread ng hayop.
I offered him that I wanted to be a part of his business but he refused. My God, palagay niya sa akin? Poor? Mas mayaman pa nga ako sa Lorelie na yon kung tutuusin. Pero alam ko na kung bakit ayaw niya akong maging business partner. Dahil ako ang magiging soon to be his life partner. Naks! Ang ganda ko sa part na yon.
“Dimwit!” Inis kong sabi. Vakit ba kasi ang daming naghahabol sa Enrique ko. Binakuran ko na nga simula highschool ako may mga umaaligid pa rin. Hindi na nakakatuwa. Mukhang kailangan ko nang gumawa ng paraan.
“Maam naiinis ka na?”
“Oo, at gusto ko ng pasabugin tong building ng amo mo.”
“Inform mo ako maam ha? Para makaalis ako at hindi madamay.”
“Gaga. Oh siya, wala naman pala dito ang amo mo pinatagal mo pa usapan natin.”
“Nag-enjoy ka naman. Bye Maam.”
“Byers.” Pero saktong pag-ikot ko ay nakita ko naman na dumating ni Enrique kasama ang alimasag na nakahawak pa sa braso niya. Inirapan ako ng gaga at mas kumapit pa sa mahal ko. Ang kapal ng mukha. Ipa-terorista ko kaya negosyo niya o kaya ipa-boycott? Ang gaga, hindi kinikilala kung sino binabangga.
“Hi, mylabs.”
“Magnolia, do I have a meeting later?” tanong niya kay Magnolia pero diretso lang ang tingin at hindi ako pinansin. Mas lumapad pa ang ngiti ng gagang alimasag dahil inignore ako ni mylabs.
‘Ah ganoon ha!’
“Papansin mo ako o magwawala ako sa labas ng building mo?” I saw him close his eyes at matalim akong tiningnan. Why is he fucking hot? The way he look at me ay para na akong hinuburan at gustong-gusto ko naman. Subukan mo akong isnabin at headlines tong building niyo bukas.