CHAPTER FOUR

“Where are they?”tanong ko agad nang makarating ako.

“Speed ‘tong bestfriend mo, Tine,”

“Yes, Dy yata yan.”

“Tigilan niyo akong dalawa. Nasaan sila?” Pero imbes na sumagot ay tumawa lang silang dalawa. Tawang mapang-asar at talagang ang lakas na parang may nasaksihan na katangahan. “Pakyu kayo.”

“Na-realised mo?” Celestine asks.

“Dimwit.” And I sat beside her. Ang tanga ko pala talaga. Paano pala sila magsasama ee ayaw ni Enrique na puntahan siya ng kung sinu-sino lang dito sa bahay niya. Maliban na lang doon sa forbidden room pero as far as I know may araw ng bisita doon.

“Habol nang habol sa lalaki kaya natatanga.”

“Wow, Celestine, coming from you na nilayasan ng asawa. Pero nagmakaawang balikan.”

“Coming from you, also. A. SA. WA. at hello may anak na kami noon alangan naman habulin ko kuya mo. Malamang yong asawa ko ang hahabulin ko.”

“Oh di ikaw na.”

“Nag-aaway kayo?”

“Hindi!” Napaatras si Ervic dahil sabay kaming napasigaw ni Celestine.

“Highblood, may mga regla kayo?”

“Wag ka na magtanong. Hanggang pangarap ka na lang na magkakaroon.”

“Bastos yang bunganga mo, Daze.” Pero inirapan ko lang siya.

Ervic is Enrique’s younger brother. His as same as our age. And take note, he is a gay. But a closet one. Hindi niya masabi sa kuya niyang bakla siya dahil ayaw niyang madissapoint ito sa kanya.

At first, I thought he only tricked us dahil may gusto siya sa isa sa amin. But he admit that the reason that he be-friend us because he likes kuya Dylan. Well, kaya ko lang din naman siya kinaibigan ay dahil gusto kong mapalapit kay Enrique. So it’s a win-win.

But that was before, dahil sa paglipas ng panahon ay lumalim ang samahan namin tatlo. Kahit pa nasira kami minsan ni Celestine nang patulan niya si kuya. It not that I don’t want her, pero parang ganoon na nga. I want someone for my kuya ay iyong kaya siyang hawakan. Yong siya ang napapasunod at hindi siya ang nasusunod at hindi si Celestine iyon.

“Ervic----” sabay-sabay kaming napalingon kay Enrique. Napakunot naman ang noo niya nang makiya ako.

“Yes kuya?”

“What are you doing here?” Inis niyang tanong sa akin. Pikon yurn?

“Visiting your brother, and you also.”

“Tss!” Ervic, double check this later, and if everything is fine forward it to the owner of Brother’s Code Printing Press Mr. Blaze Gonzales para ma-line up na sa printing. Also forward it to Diana Dane Dy for the advertisement.”

“I can help.” Presenta ko pero hindi niya ako pinansin.

“Did you check the stall in Phoenix’s mall?”

“Yes, kuya? He signed it. They just wait for the schedule.”

“Good. Asikasuhin mo na yan at mamaya ka na makipag-usap kung kani-kanino lalo pa kung hindi importante.”

“So, alam mo na Celestine, umalis ka na at busy si Ervic, hindi ka naman importante.” I said but Celestine chuckles.

“Sorry to keep you waiting Celestine, I am ready.” Napataas ang kilay ko nang tumayo si Celestine at nagpipigil ng tawa.

“No, it’s fine. I am ok. Shall we?”

“Sure. After you.” Nilahad niya ang kamay para bigyan daan si Celestine. But before they left ay binalingan niya muna si Ervic. “Do it now, prioritise what’s important and stop talking to nonsense.”

“I will kuya.” Napaturo ako sa sarili ko nang makaalis si Enrique. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Ervic habang nakatingin sa akin.

“Ako ba ang tinutukoy niya?” parang tangang tumatango-tango si Ervic? “Huh! Ako nonsense? Nonsense?”

“Oh kalma.” He even pressed my shoulder habang nagpipigil ng tawa. “I told you, wala kang pag-asa sa kapatid ko.”

“Makukuha ko rin yang kapatid mo.”

“Sabi mo ee. But I have to go, I have to finish this. Mahirap na, alam mo naman na menaupausal na yata yang kapatid ko kahit nasa trenta pa lang. Bilis uminit ng ulo ee.”

“Paiinitin ko pa lalo yan.”

“Goodluck.” He left me dahil inuna niyang tapsuin ang utos sa kanya ng kapatid niyang gwapo.

I have nothing to do. Hindi ko alam kung aalis ako o mag-stay hanggang sa matapos si Ervic. Mahirap din kasi storbohin yon dahil kapag kaharap na niya ang laptop niya ay wala na siiyang ibang pinapansin.

I wanted to go Enrique’s office at alamin kung anong nangyayari doon. It is not that I don’t trust them pero curious lang ako. Isa pa, alam kong faithful ang bff ko sa asawa niyang abnormal.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. I am a Dy at ang isang Dy ay hindi naghahabol kundi hinahabol.

‘Oh cmon self, don’t lie to us. Your ate Dane and kuya Dylan is a living proof na pag nagmahal ang isang Dy ay nababaliw.’

Hindi lang sila, lahat kami ay ganoon sa iba’t ibang paraan nga lang.

Hindi ako umalis. Sinandal ko lang likod ko sa upuan at pinatong ang paa sa lamesa. I want to stay here hanggang sa matapos sila at makita ako ni Enrique. Tapos ay ipagtatabuyan ako at iiwanan. At dahil martyr ako ay babalik ako sa kanya ng paulit-ulit. Everyday same routine.

Ganoon talaga pag tanga. Gustong-gusto ang nasasaktan. Ang sarap kayang masaktan at magmukhang kawawa. Tapos feeling neglected at walang nagmamahal samantalang kasalanan mo naman bakit ka tanga.

“Nice dealing with you Enrique.”

“Thanks for accepting my offer, Celestine, the pleasure is mine to be your business partner.” Nag-uusap sila habang naglalakad.

“Maliit na bagay. Gusto kong mag-iba ng pagkakaabalahan. Sawa na ako sa puro cosmetics na namana ko sa parents ko, so I’ll try my luck in agriculture.”

“Wag ka mag-alala, masaya sa business na ito. Hindi ka lang kikita, makakatulong ka pa. Lalo na doon sa mga maliliit na magsasaka na halos hindi na kumikita dahil sa patuloy na pagtaas ng fertilizers.”

“Well, the truth is hindi ko rin na-experience ang ganoon. I grew up surrounded in luxury stuff, at kung may tutulungan ang family it’s a charity. So, thank you for helping me into this. For a change, I guess.”

“You love this business for sure.”

“Ehem!” Napatingin sila kaya tumayo ako. “Bakit siya kinuha mong partner tapos ako inayawan mo?” May pagtatampo kong tanong.

“Should I answer that?”

“Of course, ang tagal na kitang nililigawan para makapasok sa business mo. Kahit nga maging supplier ka sa itatayo ko ring flower shop.”

“Don’t waste your time, you know nothing about plants.”

“That’s why you’re there to teach me.”

“I am not a teacher.”

“Ee bakit si Celestine, tinanggap mo?”

“Wanna know the answer?”

“Yes.”

“Because I don’t like you around me. Satisfied?”

“Bess.” Celestine hold my arms na parang naaawa sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. At tinanggal ko ang kamay niya saka lumapit kay Enrique.

“No, dahil wala kang choice. Kahit anong gawin mo susundan at susundan kita. Akin ka lang. You are my knight in shining armour. Kaya wala kang choice.”

“I have a choice. One of this days, magugulat ka na lang na ikakasal na ako sa ibang babae.”

“What?” I was shocked. Anong ibang babae? May hindi ba ako alam? May na missed ba akong bigla.

“I choose to marry strangers than to be with you. Mark that.” And he look at Celestine. “My apology for being rude.”

“Sanay na ako kaya maliit na bagay.”

“See you at the Locsin firm tomorrow.” He nod at left nang hindi na ako pinansin.

“Bess.”

“Bakit?”

“Masyado mo nang binaba---“

“Tigilan mo ako at baka isampal ko tong heels kong mas mahal pa sa makeup mo.”

“Where you go?!”

“Uuwi at matutulog dahil bukas bagong kalandian na naman para akitin si mylabs.”