Chapter 18 Second Part LOVING MY BESTFRIEND
Nang matapos ni Bianca ang huling pasyente niya, tinanggal na niya ang coat na suot saka inabala ang pag-aayos sa sarili. Patapos na siya sa paglalagay ng lipstick sa kaniyang labi ng may tumawag sa kaniya. Tiningnan niya kung sino ang caller, at si Ian iyon. Anim na buwan na niya itong manliligaw at ayaw ni Vincent na ligawan siya nito dahil baka lokohin lang daw siya nito. Nakilala niya si Ian sa isang birthday party na dinaluhan niya kasama niya ang kaibigan na si Trina na isa ring dentista. Mabait ito at maginoo kaya walang dahilan na tanggihan niya ang balak nitong panliligaw sa kaniya. Mabait ito at maalalahanin. Mabuti na rin iyon baka sakali kapag nagkaroon siya ng kasintahan ay makalimutan na niya ang nararamdaman para sa kaibigan. Sinagot niya ang tawag nito.
"Ian!" sabi niya.
"Good afternoon, Ms. Beautiful," bati nito sa kaniya. Iyon na kasi ang laging tawag sa kaniya. Tumikhim ito. Tatanungin pa lang sana niya kung bakit ito napatawag ng maunahan siya nito. "Pwede ba kitang sunduin ngayon?" tanong nito na mahihimigan ang pag-aalinlangan sa boses. Natatakot marahil na baka hindi niya paunlakan ang imbitasyon nito.
"Sure! Bakit naman hindi? Hihintayin kita," aniya na may ngiti sa mga labi. Nakahinga ito ng maluwag.
"Akala ko tatanggi ka," anito na ikinatawa niya.
"Wala namang dahilan para tanggihan kita no," aniya at sabay silang natawa hanggang sa magpaalam na ito kaya ibinaba na niya ang cellphone at naupo sa couch.
Nagpaalam na siya rito. Sinabi naman nito na maghintay lamang daw siya ng labimlimang minuto. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang isipin si Vincent. Kanina tumatawag ito pero hindi niya sinasagot. Siguro ito na tamang pagkakataon para iwasan niya ito. Hindi na kasi nakakabuti na lagi silang magkasama at may balak na rin siyang sagutin si Ian. Nang makarating si Ian sa kaniyang klinika ay agad na silang nagtungo sa motor nito. Mas gusto niya kasi sumakay sa motor kaysa sa kotse nito dahil mas feel niya ang byahe kapag ganoon. Napatingin siya sa gawing kaliwa ng kaniyang klinika ng makitang may kotse roon na kamukha ng kotse ni Vincent. Hindi niya alam pero binundol siya ng kaba.
"Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo," tanong ni Ian sa kaniya habang nasa daan na sila.
"Ah, wala," aniya.
Hindi na nagtanong pa si Ian. Lumingon siya at nakitang nakasunod sa kanila ang pulang kotse. Mas lalo siyang kinabahan. Baka nga si Vincent iyon! Isinawalang-bahala na lamang niya iyon para hindi mag-alala si Ian. Napagkasunduan nila na kumain muna sa Dale's Reastaurant.
"Bianca, may pag-asa ba ako sa'yo?" tanong nito sa kaniya habang kumakain na sila.
"Oo naman. Ituloy mo lang panliligaw mo. Malay mo one of these days sagutin kita," aniya na may ngiti sa mga labi. Nagliwanag ang mukha nito saka ginagap ang ang kaniyang kamay.
"Salamat. Ipinapangako ko na magiging mabuti akong kasintahan sa iyo," anito. Ngiti lamang ang iginawad niya dahil ng mga sandaling iyon ay gumugulo sa isipan niya ang kotse na kamukha ng kotse ni Vincent.
Nang matapos silang kumain ay inihatid na siya nito sa kaniyang bahay at agad din itong nagpaalalam. Papasok na sana siya sa gate ng may biglang magsalita sa kaniyang tagiliran.
"Mukhang nag-eenjoy ka kay Ian ah,"
Boses iyon ni Vincent. Nilingon niya kung nasaan ito. Nakasandal ito sa gate at nakahalukipkip habang nakatitig sa kaniya. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
"Masaya kasama si Ian kaya walang dahilan para hindi ako mag-enjoy na kasama siya," pagdadahilan niya pero ang totoo mas masarap kasama si Vincent.
Mas nararamdaman niya na hindi siya nag-iisa pero kailangan na niyang itigil kung anuman itong nararamdaman niya dahil hindi ito nakabubuti sa kaniya. At isa pa, may kasintahan ito. Nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin ni Vincent.
"Ano ba ang kailangan kong gawin para manatili ka sa tabi ko, Bianca?" tanong nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim at pilit kumawala sa yakap nito.
"Mas maganda siguro na huwag muna tayo magkita, Vincent. May girlfriend ka na dapat inaasikaso mo at hindi ako. Nagpapaligaw na ako kay Ian at balak ko na siyang sagutin," aniya at pumasok na sa loob.
Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang luhang tumulo roon. Masakit para sa kaniya ang desisyon niya pero iyon ang nakakabuti sa kanila. Babae siya at alam niya ang pakiramdam na nasasaktan.
HIndi maiwasang mapasuntok sa pader ni Vincent ng makaalis ni Bianca. Nagdulot iyon ng sugat sa kaniyang kamao pero hindi niya maramdaman ang sakit dahil mas masakit ang kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Sobra siyang nasasaktan dahil sa mga nangyayari. Sa isiping magpapaligaw si Bianca kay Ian ay sobra siyang nasasaktan. In love na nga ba siya sa kaibigan? Baka nga. Ngayon ang kailangan niyang gawin ay makipaghiwalay kay Cindy. Hindi na rin kasi siya masaya sa babae. Pumasok siya sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon patungo kina Cindy.
"Kung ito ang tanging paraan para maging akin ka. Gagawin ko," aniya sa determinadong boses. Gagawin niya ang lahat para hindi mapunta si Bianca kay Ian. Siya ang nararapat para rito.
Nang marating ni Ian ang bahay ng kasintahan na si Cindy. Ipinark niya ang sasakyan sa gilid lamang ng gate at lumabas saka nagdoorbell. Ilang sandali lamang ang hinintay niya ng bumukas ang gate at lumabas mula roon si Cindy na may masayang ngiti sa mga labi. Agad na naglambitin ito sa kaniyang leeg at hinalikan siya. Humalik din siya pabalik hanggang sa siya na ang pumutol niyon. Wala na siyang nararamdamang kilig sa halikan na namagitan sa kanila.
"Pwede ba tayo mag-usap, Cindy?" tanong niya. Ngumiti ito ng matamis.
"Sure, halika pasok ka," anito at niluwangan ang pagkakabukas ng gate. Nagtungo sila sa loob ng bahay nito. Umalis muna si Cindy para magtimpla ng juice. Nang makabalik ito ay agad na naupo sa kaniyang tabi at niyakap siya.
"Sorry kung nasungitan kita nitong mga nakaraang araw, ah? HIndi lang siguro maganda ang mood ko kaya ganoon," anito. Huminga siya ng malalim saka siya tiningnan.
"Nandito ako para pormal na makipaghiwalay sa'yo, Cindy. Sorry," aniya. Kitang-kita niya ang luhang dumaosdos sa pisngi nito na kaagad naman nitong pinunasan.
"Ano kamo? Tama ba ang narinig ko? Makikipaghiwalay ka sa'kin?" anito habang kagat ang labi. Tumango siya.
"Oo, im sorry—" kaagad siya nitong niyakap at isiniksik ang katawan sa kaniyang katawan.
"No! Hindi pwede, Vincent! Ayaw ko. Promise hindi na ako magseselos kay Bianca. Tatanggapin ko siya ng buong puso huwag ka lang makipaghiwalay sa'kin," anito at ramdam niya ang pagkabasa ng kaniyang damit. Hinayaan na lamang niya ito. Binaklas niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya saka tumayo. Kitang-kita niya ang pagsusumamo sa mukha nito na huwag siyang umalis.
"I'm sorry to tell you pero in love ako sa kaibigan ko," aniya at lumabas na.
Dinig niya ang hagulhol ni Cindy. Paglabas niya ay doon lamang gumaan ang pakiramdam niya dahil ngayon wala ng makakahadlang sa pagmamahal niya para sa kaibigan. Gagawin niya ang lahat para makuha ito kay Ian by hook or by crook.
Narito si Bianca ngayon sa Dale's Restaurant kasama si Ian at nagsasalo sa inorder ng binata. Ngunit ang atensiyon ni Bianca ay wala sa kinakain bagkus na kay Vincent. Isang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang usapan nila ng binata at namimiss niya ito. Pero buo na ang desisyon niya na sagutin ngayon si Ian. Sana hindi siya magkamali ng desisyon. Baka nga ngayon magkasama sila ni Cindy eh.
"Ang lalim ng iniisip mo," puna ni Ian. Napaangat siya ng tingin sa binata. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sino ba naman ang hindi malulungkot? Kasama nga siya nito pero naglalayag ang isip niya sa ibang lalaki.
"Sorry, may naalala lang ako," aniya. Ngumiti ito.
"Ayos lang. Naiintindihan ko," anito at bahagyang ngumiti.
"Ian, kaya kita niyaya ngayon ay dahil may mahalaga akong sasabihin sa'yo," aniya at nginitian ang binata.
"Ano iyon?" Kitang-kita niya ang pamimilog ng mga mata nito sa excitement. Ngumiti siya rito.
"Sinasagot na kita ngayon," anunsyo niya. Mas lalong namilog ang mga mata niya.
"Ibig mong sabihin tayo na?" hindi-makapaniwala na sabi nito. Tumango-tango siya. Lumipat ito ng upo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya saka siya tinitigan ng buong pagsuyo at pamamahal.
"Salamat, Bianca. Ipinapangako ko na hindi kita sasaktan. Mamahalin kita sa abot ng aking makakaya," anito at hinalikan ang likod ng kaniyang palad.
Ngumiti lamang siya at nagpatuloy na sila sa pagkain. Hindi nila napansin ang isang pares ng mata na nasa labas ng restaurant na nakatingin sa kanila at kuyom ang kamao.