Chapter 11

-Khyra POV-

"Khyra!" Pagtawag ni Zach sa pangalan ko, nang makapunta siya rito sa flower shop na pag-aari ko.

Nag padala kasi ako ng mensahe sa kaniya na pumunta siya rito, dahil may pag-uusapan kami.

"Let's go to the garden." Anas ko sa kaniya, bago ako naglakad. Buti nalang sumunod din siya sa akin.

Mas mabuti kasing sa garden kami mag-usap, dahil walang sino man ang magtatangkang pumasok.

"Khyra are you okay?" May pag-aalala naman ang tono sa tanong sa akin ni Zach.

Paano ako maniniwala sa mga sinabi ni Spencer kung napakabait sa akin ni Zach?

Sinulyapan ko naman siya, "Zach." Mahinang sambit ko sa pangalan niya, nang makarating kami rito sa garden.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong pa rin niya sa akin. Napansin ko rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Zach are you lying to me all this time?" Pilit na tanong ko, habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.

Napa-atras naman siya sa aking sinabi, kita rin sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

"Zach answer me! Please?" Pagmamakaawa ko pa sa kaniya.

Sana hindi totoo ang mga sinabi ni Spencer sa akin.

Napayuko naman siya sa aking harapan, "I'm sorry." Tipid niyang sagot sa akin.

"So nag sinungaling ka nga sa akin? Kailan pa Zach?!" Galit na tanong ko sa kaniya at hinayaan ko nalang na tumulo ang aking luha sa gilid ng aking mga mata.

"Matagal na." Tipid pa rin niyang sagot sa akin, habang nanatili siyang nakayuko.

"Noong pinahanap ako ni Spencer sa'yo, bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit Zach? Akala ko pa naman matalik ka niyang kaibigan?!"

Tumingin naman siya sa akin, "Oo, matalik niya akong kaibigan Khyra. Pero trinaydor niya ako!" Galit na sumbat niya sa akin. Agad naman akong kinabahan at napa-atras sa kaniyang pagsigaw.

"Khyra I'm sorry if shouted at you. I can't control my anger right now." Paghingi naman agad niya ng tawad sa akin.

"Trinaydor ka ni Spencer? Really coming from you?! Hindi ba't si Spencer ang trinaydor mo?!" Pilit na sumbat ko sa kaniya, habang napapa-atras ako. Nanginig tuloy ako sa takot dahil naglalakad siya palapit sa akin.

"Wala ka pa palang alam." Singhal niya.

Patuloy naman siyang naglalakad palapit sa akin, "Noong iniwan ka ni Spencer naroon ako at alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo noon. Kaya nga tinulungan kitang umalis sa bahay niyo hindi ba?!"

"Dahil plano mo ang lahat ng iyon! Ang sama mo Zach! Napakasama mo!" Sigaw ko naman agad sa kaniya. Bigla naman akong natigil sa pag-atras dahil naramdaman ko na ang pader sa likuran ko.

Wala na akong maa-atrasan pa.

Pinanood ko naman siyang kumuha ng upuan tsaka umupo sa aking harapan.

Ngumisi naman siya sa akin, "Masama? Ako masama? Khyra, kung masama ako. Edi hindi dapat kita pinigilang ipalaglag ang anak mo. Hindi mo ba naaalala noon na gusto mong ipalaglag ang anak mo dahil wala ng silbi ang lahat ng 'yon? Dahil iniwan ka naman na ng ama ng dinadala mo?! Khyra, ginawa ko ang lahat para lang kumbinsihin kang hindi ipalaglag ang batang nasa sinapupunan mo! Ngayon sabihin mo sa akin. Masama ba ako ha? Napakasama ko ba?!" Sumbat naman niya sa akin. Bigla naman akong na tahimik sa kaniyang sinabi.

Tama siya, siya yung rason kung bakit matatag na ako ngayon. Siya yung rason kung bakit nandito pa rin ang anak ko at ako. Siya yung rason kung bakit hindi ako sumuko.

"Siguro nagtataka ka sa akin kung bakit ko sinisiraan sa'yo si Spencer noon." Sambit pa niya, nanatili naman akong tahimik habang hinahayaang tumulo ang aking luha.

"Siniraan ko siya para patuloy mo siyang kamuhian. Para hindi mo na siya mapatawad. Para hindi kana maging marupok pag nagkita kayo. Pero nagkamali ako, kasi noong nagkita kayo naging marupok ka! Akala mo ba hindi ko napansin sa mga mata mo na mahal mo pa rin siya?! Tsk! Walang silbi ang mga ginawa ko Khyra! Gusto kong kamuhian mo si Spencer dahil sa pananakit niya sa damdamin mo noon. Gusto kong maranasan rin niya ang sakit na naranasan mo noon!" Pagpapatuloy naman niya.

Napansin ko naman ang nagbabadyang luha sa gilid ng kaniyang mga mata, "Noong pinahanap ka niya sa akin, gusto ko siyang suntukin. Dahil pinapahanap ka niya sa akin pagkatapos ka niyang saktan at paiyakin. Gusto kong saktan siya pero kaibigan ko pa rin siya Khyra. Kaya nanatili akong kalmado at hindi ko sinabi kung nasaan ka. Kahit alam kong may chance na magkita kayo dahil malapit lang kayo sa isa't isa. Hindi kk sinabi kung nasaan ka dahil gusto ko rin siyang pahirapan tulad ng ginawa niya sa'yo."

Bigla naman akong na konsensya sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko man lang inisip ang mga tulong na ginawa niya sa akin noon.

"Ngayon sabihin mo sa akin Khyra. Sabihin mo sa akin na napakasama ko, sige magalit ka sa akin. Alam ko namang wala lang sa'yo ang lahat ng iyon. Masama ba ang ginawa ko Khyra? Masama ba na ayaw ko kayong pagtagpuin ng taong dahil kung bakit gusto mong magpalaglag at magpakamatay?"

Hindi ko naman namalayan na naglakad na pala ako papunta sa kaniya, tsaka ko hinahaplos ang mukha niyang puno ng luha.

"Sorry, hindi ko man lang inalam kung ano ang mga rason mo. Nagpadalos-dalos ako sa pagsasalita ng mga masasama sa'yo. I'm sorry." Saad ko naman sa kaniya. Ngunit nanatili naman siyang tahimik.

"Pero bakit mo ginawa ang lahat ng iyon Zach? Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko pa sa kaniya.

Tumitig naman siya sa akin mata, kaya nanlaban din ako ng pakikipagtitigan sa kaniya.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong masaktan ng masaktan si Spencer? Hindi lang dahil sa sinaktan ka niya, kundi trinaydor din niya ako." Pag-iiba naman niya ng usapan.

"At iyang tanong mo kung mahal nga ba talaga kita? Hindi, hindi kita kailan man minahal. Dahil isang babae lang ang minahal ko." Sagot pa niya sa katanungan ko.

"Trinaydor ka niya? Paano? Tsaka hindi mo ako mahal pero bakit gusto mo akong maging girlfriend?" Pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Trinaydor niya ako, dahil pinatos niya ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto ko lang na maging girlfriend ka para pag nalaman ni Zach na tayo na masasaktan siya, at iyon ang gusto ko. Gusto kong masaktan siya!"

"Pinatos? Bakit? Sino ang babaeng pinakamamahal mo?"

"Noong kami pa ng babaeng mahal ko, masaya naman kami eh. Ayos lang sa amin na wala kaming kaya sa buhay. Yes, hindi ako mayaman noon pero nagsikap ako upang makamit ang yaman na gusto ko." Pagku-kwento naman niya upang maiba yung usapan.

"Mahal ko ang babaeng 'yon at alam kong mahal na mahal din niya ako. Ngunit noong naghahanap buhay ako upang magkaroon ng pera, yun yung araw na hindi ko inaasahan. Yung araw na wala ako sa tabi ng taong mahal ko at yung araw na may nangyari sa asawa mo at sa taong mahal ko. Pero buti nalang at ako ang nakauna sa asawa ko, ngunit yung sakit dahil sa nalaman kong may nangyari sa taong mahal ko at sa kaibigan ko ay dala ko pa rin hanggang ngayon. Yeah! Hindi alam ni Spencer na yung taong mahal ko ang pinatos niya! Hindi niya alam iyon!"

Natahimik naman agad ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi rin ako makagalaw ngayon.

"Nasaktan ako noon lalo na at sinabi ng taong mahal ko na hindi na niya ako mahal. Na wala akong maipapabuhay sa kaniya. At alam mo pa yung masakit? Sinabi niya sa akin na nabuntis siya ni Spencer! Tangina gusto ko ring magpakamatay noon Khyra! Gustong gusto ko. Tinangka ko ring patayin si Spencer noon. Pero noong narinig ko ang pag-aawayan niyo. Noong narinig ko na pinapapirma niya sa'yo ang divorce paper niyo, naawa ako sa'yo kasi nadamay ka pa. Oo khyra! Naroon ako nung araw na 'yon. Yun yung araw na tinangka kong patayin si Spencer pero nanlumo ako ng makita ang kalagayan mo. Kaya naman noong umalis ka sa bahay ninyo ay hindi ako nagdalawang isip na samahan ka. Kasi parehas yung sakit na nararamdaman natin noon." Mas lalo namang dumami ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Hindi ko rin namalayan na napapahagulhol na pala ako ngayon.

Hindi ko alam na nasaktan din pala siya. Hinusgahan ko pa siya kahit hindi ko pa alam ang mga rason niya.

"Alam mo pa yung masakit Khyra? Yung nanahimik ako kahit na lagi kong kasama si Spencer noon. Nanahimik ako, kumalma ako. At yung masakit pa ay sinabi sa akin ni Spencer na hindi siya ang ama. Kaya naman napagtanto ko na baka ako ang ama ng dinadala ng mahal ko. At ang pinakamasakit sa lahat ay yung malaman na nasa America na ang mahal ko. Nilayo ni Spencer sa akin ang mahal ko, kaya naman nilayo rin kita. Nilayo ko rin kay Spencer ang taong mahal niya."

Hindi kaya si Camille ang mahal niya?

"Kanina tinatanong mo kung sino yung babaeng 'yon? Siya lang naman si Camille ang bestfriend mo na minahal ko." Sagot pa niya na ikinagulat ko.

Bakit? Bakit ang liit ng mundo para sa amin?

"Bakit Khyra? Bakit kaya tayo pa ang nasaktan, samantalang wala tayong masamang ginagawa. Samantalang nagmahal lang naman tayo." Singhal pa niya.

Humikbi naman muna ako bago magsalita, "Zach." Sambit ko sa pangalan niya.

Hindi ko kayang magsalita ngayon.

"Siguro kung hindi nila ginawa ang mga iyon, siguro may kaniya-kaniya na tayong pamilya ngayon. Siguro masaya na ang bawat isa sa atin. Siguro kung hindi nalang ako nag trabaho noon, siguro walang nangyari sa kanila. Kung nabantayan ko lang siguro ang taong mahal ko." Anas pa niya.

Pinigilan ko naman ang pagtulo ulit ng luha ko, "Siguro nga Zach. Siguro nga kung nalaman ko rin ng maaga na buntis ako. Siguro masaya narin kami ng asawa ko ngayon." Singhal ko pa.

"Pero nangyari na eh. Nangyari na ang lahat Khyra. Alam mo hindi kita masisisi kung bakit gusto mo pa ring balikan si Spencer ngayon. Hindi kita masisisi kung bakit mahal mo pa siya ngayon. Dahil parehas lang tayo. Kahit na nag sinungaling si Camille sa akin, mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya kahit tinago niya na ako ang tunay na ama ng dinadala niya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, nag ipon ako ng maraming pera upang puntahan sana siya. Kaso paano kung huli na ako sa buhay niya Khyra?" Bigla ko naman siyang niyakap upang pagaanin ang loob niya.

"Khyra totoo ba yung sinabi mo na masama akong tao? Masama ba talaga ako? Masama ba ako kaya ako iniwan ng taong mahal ko?" Bulong niyang tanong sa akin.

Shezz! Ang sakit din pala na marinig na umiiyak siya sa akin.

"Hindi! Hindi ka masama Zach! Nagmahal ka lang. Hindi ka masama dahil matapang ka. Ang tapang mo dahil hindi ka sumuko, samantalang noon ay sumusuko na ako pero tinulungan mo ako kahit na parehas lang pala tayo ng nararamdaman noon. Sorry ha? Kung nasabi ko na masama ka. I judge you without knowing your reasons." Tugon ko naman sa kaniya.

"Khyra masaya ka na ba?" Tanong naman ulit niya.

"Huh?"

"Masaya ka na ba kay Spencer ngayon?"

"Oo, sa tingin ko nagbago naman na siya eh." Sagot ko, at kumalas na sa pagkayakap sa kaniya.

"Good for you. Masaya na rin ako para sa'yo dahil masaya kana." Pinisil naman niya ang matangos kong ilong, "Kung sasaktan ka ulit niya magpakatatag kana ha? H'wag kang maging weak!" Dagdag pa niya.

"Oo naman!" Sagot ko naman sa kaniya.

"Para tayong tangang umiiyak hahahha." Sambit naman ni Zach kaya naman pareho kaming nagtawanan.

"I wish Spencer and you will have a happy ending." Saad niya pa, ngunit may lungkot sa kaniyang mga mata. "Sana maging happy ending ang sa inyo, dahil sa amin ni Camille masyado ng malabo." Dagdag pa niya.

"Sumusuko kana ba kay Camille?" Malungkot kong tanong sa kaniya.

"Ten years narin Khyra. Kung mahal niya ako, sana nag paramdam man lang siya sa akin. Kaso hindi eh, panahon na siguro upang sukuan ko siya. Sige alis na ako may client pa ako." Pamamaalam naman niya sa akin.

"Wow ha! Yaman na ah!"

"Gano'n talaga pag nag sipag hahaha, sige alis na ako. Naka-hihiya tuloy 'tong mugto kong mata hahahha."

"Sige hahhaha ingat. Pero susuko kana talaga sa kaibigan ko?" Pag-uulit ko naman na tanong sa kaniya.

"Yeah! It's my to move on. Bye!" Sambit pa niya tsaka siya tumakbo paalis.

Naistorbo ko tuloy siya, hindi naman kasi niya sinabi na may client siya.

Hmp! Hindi ako papayag na ako lang ang may happy ending! Hindi rin ako papayag na susuko nalang ng gano'n si Zach.

Gagawa ako ng paraan para maging masaya na rin siya. Ayaw kong maging makasarili. Gusto kong makamit naming pareho ang kaligayahan.