Chapter 28
“Niam?” Humakbang papalapit ang pinsan ni Byron sa kanila ng nobya.
Ibinaba na lang niya ang dalaga at nakatayo na ito ngayon sa tabi niya. Napabaling-baling siya ng tingin sa dalawa. Magkakilala pala ang mga ito at hindi niya alam kung paano at kung kailan pa. At bakit hindi niya ito alam?
“Uh, baby, siya ‘yong sinasabi nina Lala sa ‘yo kanina. P-pero… teka lang. Siya ang pinsan mong nagka-crash dito sa condo unit mo?” ani Niam na nagulat sa rebelasyong ito.
Tumango siya.
Napatawa nang mapakla si Charlie. “Huh! Baby?” Napatingin sa kanya ang pinsan. “So, you’re Niam’s boyfriend, Byron?” Napailing pa itong nalilito. May halong pait iyon.
Siya man ay hindi inasahan ang eksenang ito. “Ako nga. Pero hindi ko alam na magkakilala kayo. Kung gano’n, ikaw pala ang ikinuwento nila, Charlie?”
Napakurap-kurap ito. “Anong kuwento?”
Napabaling siya sa nobya. “No need for the introduction, baby. Nandito ang hinahanap n’yo, ‘di ba? Si Charlie?”
Napaawang ng mga labi ang babae nang saglit at napatingin kay Charlie. “Uh… ‘yong dish na ginawa mo bago kita pinaalis… nagustuhan ng kustomer. Ngayon, gusto niya ulit ‘yon para sa isa pa niyang ipina-book sa ‘min na party nila. So, kung sasabihin mo sa ‘kin kung ano ang pangalan ng dish na ‘yon, hindi kita gagambalain.”
Napatawa ulit ito nang mapakla sa narinig. Sinuklay ng mga daliri nito ang buhok. Pagkatapos ay nagtungo ito sa dining area para ilagay sa mesa ang pinamiling ingredients, sa tingin niya. Kapag hindi kasi ito lasing ay nagluluto ito. Bagay na mas maigi kaysa magpapakalasing ito nang dahil sa nabigo ito sa isang babae. At girlfriend pala niya iyon.
Sumunod silang magkasintahan kay Charlie. Matama niyang tiningnan ang pinsan na tila hindi pa rin makapaniwala sa nadiskubre ngayon. Siya man ay parang hindi pa rin makapaniwala kung gaano kaliit ang mundo. Nagkakilala ang dalawa nang hindi niya inasahan. Kahit papaano ay natutuwa siya dahil sa ang gustong babae ng pinsan ay nobya niya pala. Hindi man isang patimpalak ay siya ang nagwagi sa pagitan nilang dalawa. Kahit papaano ay pakiramdam niyang napakasuwerte niya dahil siya ang pinili ni Niam sa pagitan nilang dalawang magpinsan.
Napatingin nang maigi kay Niam si Charlie na may mapait na ngiti sa mga labi. “Hindi ka nakipag-deal sa ‘kin. Wala tayong usapan, Niam.”
“Ano’ng sinabi mo?” tanong niya sa pinsan. Gusto niyang malaman ang usapan ng dalawa. Ayaw niyang maiwan sa dilim.
“It was just between us, Byron,” baling ng pinsan sa kanya na tila nag-aapoy ang mga mata. He seemed to want Byron left in the dark.
Hinawakan naman siya ng dalaga sa braso. “Tama siya.” Pero bumaling itong muli sa pinsan niya. “Kung… kung sasabihin ko sa ‘yong papayag ako sa gusto mong mangyari, ano’ng magiging pasya mo ngayon, Charlie?”
His cousin snorted. “You really need my help, Niam? Are you desperate?”
Napalunok ang dalaga. Mukhang nahihirapan sa pagkakataong ito. “Ayaw ko mang aminin, ayaw man sana kitang abusuhin o mapakinabangan, wala akong choice sa ngayon. Nakasalalay sa mga kamay mo ang catering service ko ngayon, Charlie. Pero… kung ayaw mo akong tulungan, ayos lang. Desisyon mo naman ‘yon. And… I’m sorry if I hurt you. I really didn’t mean to hurt you. I was just being honest with you about my feelings. I love someone else, and you know now who it is. Besides, how could I even imagine who…?” Hindi na nito alam pa kung ano ang mga salitang makapagbigay ng kaluwagan sa puso ng pinsan kung nasaktan nga ba ito ng dalaga.
Umiling naman ang pinsan niya. “No. No. Don’t say that, Niam. It’s just that… Well… I’ll be fine. Don’t worry.” Charlie put on his brave face.
Alam ni Byron na ginagawa ito ng pinsan para hindi lalong mapapahiya. Nasaktan man ngayon ang puso o ang ego nito, hindi na iyon importante. Batid niyang makapag-move on din ito sa anumang paraan. Kilala niya ang pinsan. Hindi naman talaga ito nagtatanim ng galit sa kung sinuman.
“Charlie…” nausal na lang ng dalaga.
Tumalikod ang tisoy. Humakbang ito papunta sa labas ng pinto nang tumigil ito ngunit nanatiling nakatalikod.
“I’ll think this over. Gusto ko pang… i-process ang lahat ng ito,” sabay kumpas nitong sabi.
Batid ni Byron na hindi nito kayang makita silang magkasama ng nobya sa mga oras na iyon. That was understandable. Amanos lang din silang tatlo dahil ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa isa’t isa. It was quite awkward.
Kaya naman alam nila ng nobya ang ibig nitong sabihin. Ang relasyon nilang dalawa ni Niam nang hindi nito inasahan ang tinutukoy nito. Sigurado siyang nagkaka-dilemma rin ang nobya niya ngayon dahil nalaman na nitong pinsan niya ang taong may kagagawan sa mahirap na sitwasyong hinaharap nito ngayon. He just wished that everything would work out well between his cousin and his girlfriend, in terms of her business. Alam niya kasing napakaimportante ng bagay na ito para kay Niam. Subalit hindi rin lingid sa kanyang naapektuhang masyado ang dalaga nang dahil sa ginawa ng kanyang pinsan. Siguro naman ay mapagtanto rin iyon ni Charlie dahil ito ang ugat sa lahat.
Hinawakan na lang niya ang kamay ng nobya nang makaalis na sa condo ang pinsan. Kahit papaano ay naaawa siya kay Charlie. Pero hindi niya alam kung paano ito aaluin pagkatapos ng eksenang ito. Alam niyang awkward iyon. Subalit sa kabilang banda, siguro naman ay malampasan lang nito ang bagay na ito nang hindi man lang nila malalaman. Baka bukas o sa makalawa ay ayos na ito pagkatapos ng eksenang ito. Si Charlie ay isang taong hindi masyadong nagpapadala ng emosyon. Kung ano ang nararamdaman nito ngayon ay hindi iyon magtatagal lalo na’t involved siya. Alam niyang hindi rin siya matitiis ng kanyang pinsan at lalong hindi dahil sa isang babae ay magkakasiraan silang dalawa. They were family, after all.
Sa ngayon ay naisip ni Byron na kailangan lang ni Charlie ng oras at espasyo.
“Magiging okay lang ba si Charlie?” alalang tanong ng kasintahan.