Chapter 19

Tumuloy sila sa panonood ng sine. Sa pagitan niyon ay hinahalikan ni Byron sa pisngi o sa leeg ang dalaga. And he could not get enough of her. Ilang beses din niya itong hinalikan sa labi na hindi naman nag-alis o nagpabawas ng pagnanasa niya kay Niam. Sa halip ay kabaliktaran ang nangyayari. He wanted more. And more.

Lumalim nang lumalim ang paghalik niya rito. Wala siyang pakialam sa ibang mga nanonood na kasama nila sa sinehan. Hindi naman masyadong matao dahil weekday. Kung weekend iyon, malamang mas maraming tao ang nandoon.

Rinig niya ang mas bumigat na hininga ng dalaga habang hinahalikan niya ito. Siya man ay ganoon din. Naglikot ang kanyang kamay at dumantay ito sa hita ng dalagang naka-bestida lang. Hindi man niya nililis ang laylayan nito ay dumako ang palad niya sa tiyan nito at marahang hinimas-himas iyon.

Gumala papunta sa itaas ang kanyang kamay upang damhin ang isa nitong dibdib. Napasinghap ito sa ginawa niya pero hindi siya pinigilan kaya nagpatuloy lang siya sa paghimas sa dibdib ng dalaga at nagustuhan kung paano iyon nagkasya sa kanyang kamay.

Ramdam niya ang paninigas ng kanyang pagkalalaki at sumikip ito sa suot niyang pants. Parang gusto na nitong kumawala roon. Gayunpaman ay pinigilan niya ang sarili. Hanggang halik at himas lang muna siya sa dalaga. Kapwa naman sila nasisiyahan sa ganito kaya ipinagpatuloy niya lang.

Ipinasok niya ang kanyang dila sa bibig ng dalaga at lalo niyang nalasahan ang matamis na lasang Niam. To him, she was like chocolate. Addictive.

Naroroong kinagat-kagat niya ang ibabang labi nito at sinimsim ito. Pagkatapos ay marahan niya itong nilamukos ng malalim na halik saka mabining pinisil-pisil ang tuktok ng dibdib sa kabila ng suot nitong damit at bra.

Hindi ito mapalagay sa kinauupuan at ang isang kamay ay nakakapit sa kanyang batok at napasabunot sa kanyang buhok. Nai-imagine na lang niyang ganito rin ang gagawin nito kapag tuluyan na niya itong inangkin.

“Byron, stop,” mahinang anas nito sa kanya na nagbawi.

Kapwa sila naghahabulan ng hininga.

“I’m not sorry, though,” ang aniya sa babae. Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi.

“Ako rin. Kaya lang… marami na tayong na-miss na eksena,” palusot nito.

Marahan siyang napatawa sa sinabi nito. Batid niyang hindi iyon ang tunay na rason nito. Who cared if they missed the whole movie? All he wanted was to kiss this attractive girl that always seemed to blow his mind every single time.

***

Kumain sila sa labas pagkatapos nilang manood ng sine. Ilang oras silang nagkuwentuhan bago sila natapos sa pagkain at inihatid ni Byron ang dalaga sa bahay nito.

“I should go, shouldn’t I?” sabi niya rito nang pabulong habang nasa labas lang ng pinto. Ayaw niya kasing matukso. Ayaw niyang isipin ng dalaga na iisa lang ang pakay niya rito. At iyon ay ang angkinin ito nang tuluyan.

“Sige. Goodnight.”

Lumapit siya upang yakapin ang nobya sa baywang. Binigyan niya ito ng isang marubdob na halik.

“Goodnight, baby,” bulong niya. Ilang saglit pa ang lumipas bago siya alinlangang bumitiw rito.

***

Hindi inantok si Niam kahit kanina pa siya nakahiga sa kama niya. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ang mga eksena nilang dalawa ni Byron sa maghapon⸺lalo na yaong nasa loob sila ng sinehan⸺hanggang kanina bago ito umalis pagkahatid sa kanya. Parang ayaw pa nga niya itong umalis. Pero mabuti na rin lang at iyon ang ginawa nito. Baka hindi naman niya kasi mapigilan ang sarili at hindi ito pauwiin. Ngayon lang siya nagkaroon ng matinding pagnanasa sa isang lalaki at iyon ay dahil alam niya na sa sariling mahal niya ito.

“Wow, mukhang ang sarap ng gising natin, ah,” pansin ni Lala sa kanya nang makita siyang may ginagawang heart-shaped chocolates. Inilagay niya ang mga iyon sa isang magandang gold-colored box na may printa ng pangalan at logo ng kanyang catering service.

“Siyanga pala, dumating si Charlie. Nandiyan sa labas at hinahanap ka na naman, Nini,” sabi ni Roda na pumasok sa kitchen.

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi ng assistant. “Ano? At bakit na naman? Ano na naman ang sadya ng hilaw na British na ‘yan?” Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Bakit hilaw, eh British naman talaga ‘yan?” taray ni Lala.

Inirapan niya ito. “Eh, ‘yon ang gusto kong itawag sa kanya. Paki mo?”

Kumibit si Roda habang kinagat ang labi. Mukhang kinikilig dahil sa nakita nitong muli ang lalaki. Sumunod naman sa kanya ang dalawang empleyado na lumabas.

“O, nandito ka na naman. Mangungulit ka na naman ba, Charlie?” matabang na sabi niya sa tisoy na nakatalikod. Wala siyang choice kundi ang harapin ito.

Nang humarap ito ay may dala itong pumpon ng bulaklak at nakangiti sa kanya nang malapad. Kitang-kita ang pang-endorsong pantay-pantay na mapuputing ngipin nito.

“Hi, Niam! For you,” sabi nitong iniabot ang bulaklak na rosas sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak? Kung sa akala mo ay madadaan mo ako sa mga bulaklak na ‘yan para pumayag na maging investor ko, nagkakamali ka. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa ‘yo.”

Hinawakan nito ang kamay niya at pinahawakan sa kanya ang maganda at halatang mamahaling pumpon ng bulaklak. Nakangisi pa rin ito at tila hindi natinag sa pagtataray niya. Humugot ito ng hininga bago sumagot.

“It’s not about business. This is personal,” pahayag ng tisoy.

Napaawang ang mga labi niya at at napatingin sa bulaklak bago ibinalik ang paningin sa mukha ng lalaki.

“A-ano?”

“Narinig mo ang sinabi ko. So, nanliligaw ako sa ‘yo,” walang gatol na turan nito.

“Ayii!” halos sabay pang sabi nina Lala at Roda na nasa likuran niya lang. Kinikilig ang mga ito para sa kanya.

Napakurap-kurap siya ng kanyang mga mata. Ipinasa niya ang pumpon ng bulaklak kay Lala. Halos mapaubo ito dahil sa lakas ng pagkatama ng kamay niya sa dibdib nito.

“Hindi puwede,” sabi ni Niam kay Charlie.

Napasimangot ang tisoy. “Ha? Bakit hindi puwede?”

“May boyfriend na ako,” turan niya at ngumuso sabay kuros ng mga braso niya.

“Ano?” sabay na bulalas nina Roda at Lala. Ngayon ay pinagitnaan ng mga ito ang tisoy para harapin siya. “Sino? Bakit hindi namin alam?” sabay ulit na tanong ng dalawa. Namilog ang mga mata ng tatlo.

Kinikilig naman siyang napapaisip kay Byron. Naalala niya pa ang maiinit nilang halik. Napatitig naman sa kanya nang husto ang tisoy na hindi nakakibo.

“Well, alam n’yo na pero hindi n’yo kilala. Bakit, ‘di ba puwedeng itago ko muna siya sa inyo?” Inismiran pa niya ang mga ito at iniwan na para bumalik sa kusina at ipagpatuloy ang gawain.

“No!”

Narinig pa niya ang pagsalungat ng manliligaw niya pero binalewala niya lang.