Chapter 18

“Huh! Why do you care, Dad? Just when did you start to care about me, anyways? Wala ka namang pakialam sa ‘kin simula nang mamatay si Mommy sa cancer seven years ago! Wala ka namang inaatupag kundi ang palaguin ang negosyo mo at wala kang pakialam kung ako man ang kapalit noon o hindi basta’t matupad lang ang gusto mong mangyari,” sagot ni Byron sa ama.

“I am doing all of this for you! Para sa ‘yo ang lahat ng ito! Hindi mo ba nakikita kung bakit ko ito ginagawa? Ikaw rin ang magmamana sa lahat ng pinaghihirapan ko ngayon!” Halos pasigaw na balik ng ama.

His eyes wavered. Umiling siya rito. “I didn’t want all of this! Hindi ko hangad ang lahat ng ito, Dad. I just happened to be your son!” Hindi man tumaas ang boses niya ay may riin ang kanyang mga salita.

“Sa gusto mo man o hindi, magiging sa ‘yo ang lahat ng sa ‘kin, Byron. Why? Because you’re my only son!”

“I don’t want it, if the price I have to pay is my freedom and my happiness, Dad.” Mahina ang pagkasabi niyang naiiling sa ama. Sinalubong niya ang paningin nito.

“Cynthia is the perfect woman for you, Byron,” giit ng ama.

Napailing siya sa may edad na lalaki. “Iyan ba ang tingin niya sa ‘kin, Dad? Perpekto ba ako para sa kanya?”

Hindi ito nakakibo.

“Baka nakalimutan ninyo ni Mrs. Deneres na tanungin kung gusto nga ba talaga ito ni Cynthia. Baka kayo lang ang nag-a-assume na magkakagustuhan din kami kapag naisagawa na ang engagement party.”

“Well, she’s here, isn’t she?” punto ng ama.

“That’s not enough a reason, Dad, and you know it!” Tinalikuran na niya ang amang parang itinulos sa kinatatayuan nito. Inalalayan na niyang tumayo si Niam para umalis. “Please excuse us, but enjoy your lunch with my dad,” sabi naman niyang bumaling sa mag-inang Deneres. “Let’s go, Niam.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito. Gusto na niyang ilayo mula roon si Niam. Lalo na sa ama niya.

***

“Okay, what just happened back there?” mahinang tanong ni Niam nang nasa loob na sila ng kotse niya.

Mabilis na pinasibad ng binata ang sasakyan papalayo sa magarang restorang iyon.

Napailing ang lalaki. “Ipinagkasundo kami ni Cynthia ng dalawang ‘yon na magpakasal, as you have witnessed. We don’t even know each other after we met a couple times before.”

“Pero… mukhang gusto ka naman ni Cynthia. Nakikita ko kung paano siya tumingin sa ‘yo,” saad niya.

Napakunot-noo pa itong napasulyap sa kanya. “Ano? No! Wala siyang gusto sa ‘kin. No, Niam. I don’t think so. You’re wrong,” iling na sabi nito sa kanya. “Kung may gusto pa sana siya sa ‘kin, hindi lang siya tatahimik nang gano’n kanina at disin sana’y palagi siyang umaali-aligid sa ‘kin.”

Nakita niya ang bahagyang paghigpit ng panga ng lalaki. Nakapokus na ngayon ang kulay-tsokolateng mga mata nito sa daang binabaybay.

Natahimik na lang ang dalaga. Ilang minuto rin ang namagitan sa kanila. Binuksan na lang niya ang FM radio ng kotse nito. “Chocolate” na kanta ni Kylie Minogue ang nakatugtog at kapwa na lang sila nakikinig sa lyrics nito.

Napalunok siya at napatingin sa labas ng bintana. Hindi nagtagal ay itinabi ng binata ang kotse. Napalingon siya rito dahil hindi pa naman iyon ang bahay niya o ang catering service shop. Nakita niya ang tila nagigiliw na mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“This is one hell of a coincidence, isn’t it?” nasa mababang tonong sabi nito sa kanya.

“What? The song?”

Alam man niya o hindi ang ibig sabihin nito ay tila nararamdaman ng puso niya ang gustong iparating nito sa kanya. At gusto naman niya yaon. Ngunit todo ang kaba ng puso niya lalo na’t lumapit ito sa kanya.

“Maybe that… and… baby?” May panunukso pa sa mga mata nito.

Napakurap-kurap siya at naramdaman ang mainit na bagay na gumapang sa mukha niya. Kung mananalamin man siya ngayon ay siguro over-over na ang kanyang “blush on.”

“I-I just… Well, alam mo na kung bakit. Hindi ba?” palusot naman niyang nagkandautal-utal. Sa isip niya ay binatukan ang sarili.

“Baby… it’s not really original. Pero gusto ko ang tunog kapag ikaw ang nagsasabi.” Ibinalanggo ng dalawang kamay nito ang mukha niya.

‘Oh, my God! He’s going to kiss me. Again!’ sigaw agad ng utak niya. Napapikit pa siya ng mga mata.

“Niam, can I officially call you ‘baby’?” marahang tanong ng lalaki.

Ramdam niya ang medyo mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Langhap niya ang amoy preskong hininga nitong parang mint.

Kung logic ang pag-uusapan, dapat ay hindi siya sumang-ayon. Dapat ay mag-isip pa siya nang mabuti. Hindi pa niya masyadong kilala ang binata kahit ilang buwan na rin silang lumalabas. Pero ang puso naman niya ang kumontra nito. Sumasayaw pa nga ito sa narinig mula sa binata. Parang baliw lang.

‘Maano ba naman ‘yon? You’ll get to know him better along the way,’ debate ng isipan niya.

Marahan niyang idinilat muli ang mga mata at sinalubong ang maganda nitong mga globo na parang lumulunod sa kanya sa isang magandang lugar.

“Yes, Byron,” tugon niya bago pa niya namalayan ang sinabing tila awtomatikong lumabas sa bibig niya.

Masayang napangiti sa kanya ang binata at ngayon ay lalo pang lumapit ang mukha nito sa kanya. Kaya naman ay napapikit siyang muli at naramdaman na ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon.

Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Basta’t magical moment lang ang naisip niyang puwedeng ilarawan dito, samantalang sa background ay nagpatuloy ang tugtog ng seksing kanta ni Kylie Minogue. Lalo pang lumalim ang paghalik ng lalaki sa labi niya na naghatid ng kakaibang init sa katawan niya.

‘Oo, gusto ko ito! Haharot na nga ako!’