CHAPTER 19- HABOLAN NG BIIK

“Saan ba kayo nanggaling na dalawa?” nakapameywang na tanong ni Papa ng makabalik na kami sa kinaruruonan namin kanina.

“Naglibot libot lang kami ng sandali Pa—”

“Akala ko’y tinanan ka na ng lalaking yan, Bethanie” putol ni Papa sa akin.

“Papa, wala akong balak na itanan ang anak niyo, pakakasalan ko muna siya bago—”

“Bakit ba panay ang tawag mo ng Papa sa akin bata ka? Hindi naman kita anak” nakapameywang na putol ni Papa.

“Tito, bakit ba napakihilig mong sumingit sa taong nagsasalit—”

“Pinapangaralan mo ba akong bata ka?” putol na naman ni Papa kay Max.

“O siya, hali na kayo at magsisimula na ang habolan ng baboy, kapag hindi kayo ang nakahuli sa baboy na yan, kayo mismo ang lelechonin ko” may babalang saad nito.

“Yes sir!” halos sabay sabay na saad ng mga Abnormal sabay saludo.

Nauna ng maglakad si Papa patungo sa pagdadaosan ng hulihan ng baboy.

At sumunod naman kami sa kanya.

“Galingan niyo para mapakinanabangan naman ang sinasabi niyong Moral at Physical support” biglang saad ni Senyorito habang nakaakbay sa akin.

“Huwag kang mag alala, L” puno ng kompyansang saad ni Senyorito Kian.

“Babae nga kaya naming habolin, baboy pa kaya” nakangising saad nito.

“Sak” biglang tawag ni Markus kay Isaak. “May dala ka bang injection jan?” biglang tanong nito.

“Why?” bored na tanong ni Doc.

“I-injectionan nalang natin ang Baboy para madali nating mahuli”

“Gusto mo utak mo ang injectionan ko?” malamig na tanong ni Doc Isaak na ikinatahimik ni Markus.

“Bakit ba napakabagal niyong maglakad?” kaagad na tanong ni Papa ng makarating na kami sa pagdadaosan ng hulihan ng baboy.

Para itong boxing ring na wari sa kawayan, na puno ng putik habang may isang malikot na baboy na tumatakbo sa loob.

“Ang cute ng biik” biglang puna ni Kaito.

“Ano pang hinihintay niyo” singit na naman ni Papa. “Pumasok na kayo sa loob at hulihin niyo na yang biik na yan” anito na parang Amo.

“Yes sir!” sabay na sabay na naman na saad ng mga Abnormal.

At ganun nalang ang paglaki ng mga makasalanan kong mata ng isa isang naghubad ng damit pangitaas ang mga Abnormal!

May papandesal ang mga—

“Ehem!” kaagad na napukaw ang diwa ko ng marinig na tumikhim si Senyorito.

Binalingan ko siya at nakita kong nakataas ang kilay niya.

“Baka naman tumulo na yang laway mo, Panda” nakataas ang kilay na saad nito.

“Ha? Bakit naman tutulo ang laway ko?” patay malisyang tanong ko.

Nakita kong napabuntong hininga si Senyorito at hindi nalang ito sumagot.

Hinawakan nito ang laylayan ng damit niya at naghubad rin.

“Akin na yang damit mo” saad ko ng tuloyan na niyang nahubad ang damit niya.

“Bakit nung sila ang naghubad halos tumulo yang laway mo. Pero nung ako, parang wala lang” parang nagtatampong saad nito.

Napailing nalang ako at biglang yumakap sa braso niya. “Nasanay na kasi akong palaging nakikita yang katawan mo” pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nasanay na akong palaging pinagnanasaan ang katawan ni Senyorito.

Ang halay ko!

“L!, Pumasok ka na dito!”

Biglang tawag ni Senyorito Kian na nakapasok na pala sa loob.

“Wow! Ito pala ang putik!” parang manghang saad ni Jake.

“Papasok na ako Panda” pagpapaalam ni Senyorito. “Huwag kang magalala, huhulihin ko ang biik na yan!”

“Go, Senyorito!” Pag cheer ko sa kanya ng makapasok siya sa loob.

Flying kiss lang ang isinagot sa akin ng kupal.

“OH MY GOD! Ang gugwapo at ang mamacho nila?”

Ganun nalang ang pagkasira ng pagmumukha ko ng biglang marinig ang malalanding tili ng mga babaeng nasa tabi ko!

“Oo nga!” pagsangayon pa ng isang babae. “Lalo na yung bagong pasok, ang gwapo niya!”

“Magkamukha sila nung isa ding gwapo! Kambal ba sila?”

“Gosh! Lapitan natin sila mamaya.

Nakatitiyak akong single pa ang mga ya—”

“Paano kayo nakakasigurado?” nagpipigil sa galit na singit ko sa kanila.

“Alam lang namin” parang kinikilig na sagot ng babae.

Humugot ako ng malalim na hininga at ibinalik ang attensyon ko kina Senyorito. Baka makalbo ko pa ang malalanding mga babae nato!

“Jake! Huwag mong sasaktan ang cute na biik!” biglang sigaw ni Kaito ng mahuhuli na sana ni Jake ang biik.

Binalingan ni Jake si Kaito ng nakamamatay na tingin.

“Mahuhuli ko na sana yung biik, kung hindi ka lang sana umepal!”

“Sasaktan mo yung cute na bii—”

“Kaito! Umilag ka!” biglang siyaw ni Kios.

“Ba—ARRAAYY!” napasalampak ng upo sa putikan si Kaito ng bigla siyang nabundol ng tumatakbong biik.

Lihim akong napatawa habang pinagmamasdan siya.

“Mahal na Mahal ka talaga ng biik na yan, Kai” natatawang saad ni Max.

“Sa dinami rami natin dito, ikaw talaga ang naisipan niyang banggain!”

“I’m broken” nagdadramang saad ni Kaito habang kinakapa ang dibdib niya.

Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang binato ng putik ni Senyorito si Kaito. “Tumayo ka na jan, Kai! Hindi bagay sayo ang magdrama!” anito.

Hindi rin nagpatalo si Kaito at binato rin ng putik si Senyorito, pero embes na si Senyorito ang matamaan, naduling ata si Kaito dahil si Senyorito Kian ang natamaan ng binato niya.

“The fuck!” malutong na mura ni Senyorito number 2. “Bakit mo ako binato Kaito na talaga pluto!?” nanggagalaiting tanong nito.

“Magkamukha kasi kayo ni Liam, akala ko ikaw siya” natatawang saad ni Kai.

“Sige, Sak! Habolin mo!” napatigil sila sa pagsasalita ng marinig ang boses ni Markus.

Halos sabay sabay silang napabaling sa gawi nila Isaak at Markus.

Lihim akong napanganga.

Hinahabol ni Doc Isaak ang biik.

Pero kahit na puno na siya ng putik.

Napakagwapo parin niya!

Napakaseryoso ni—Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang nadapa si Doc!

Jusko! Lagot kang baboy ka!

“Nahuli ko na!” biglang sigaw ni Kios.

Sa wakas ay nahuli na din ni Kios ang biik.

“Good Job, Kios!” nakangising saad ni Senyorito. At kapagkuwan, bigla siyang bumaling sa gawi ni Papa.

“Papa! Nahuli na namin!” biglang sigaw nito.

Thumbs up lang ang isinagot ni Papa.

“Panda!” tawag din sa akin nito. “I love you” pabulong na saad nito.

Napailing nalang ako.

Pota! Kinilig ako dun!

“Kios” biglang malamig na saad ni Doc na ngayon ay nakatayo na.

“Akin na yang lintik na biik na ya—”

“Kios, huwag mong ibibigay” biglang singit ni Kaito.

“Kanino ko ba talaga to ibibiga—”

Napatigil ito sa pagsasalita ng bigla nalang hinablot ni Kaito ang biik mula sa kanya at itinakbo ito.

“Hindi mo masasaktan ang baby ko Sak!” anito habang tumatakbo.

“Ayan na sila!” biglang malalanding tili na naman ng mga babaeng nasa tabi ko.

“Gosh! Papalapit sila sa gawi natin!” tili din ng isang babae ng makitang naglalakad papalapit sa gawi namin sina Senyorito.

One dot! Kakalbohin ko tong mga higad nato!

“Lapitan natin sila” saad ng mga malalandi at isa isang nagsilapitan kina Senyorito.

Kapag yang si Senyorito lumandi rin, kakalbohin ko rin ang lalaki na yan!

“Hi!” Kiming saad ng isang higad kay Senyorito. “Single ka pa dib—”

“Itong mga kasama ko single pa” biglang putol ni Senyorito sa higad. “Pero ako, may Panda na ako” anito at bigla nalang nilampasan yung kiming babae.

“Hey, Panda” nakangiting saad ni Senyorito ng makalapit siya sa akin.

Inirapan ko lang siya.

“Panda, huwag ka namang ganyan.

Kausapin mo naman ako” mahabang ngusong saad nito.

“Mukhang may gusto sayo yung isang babae na yun” nagpipigil sa selos na imporma ko sa kanya.

“Talaga?” nakangiting tanong ng kupal na ikinakulo ng dugo ko!

Masaya talaga siya!?

“Bakit parang masaya ka!?” nakataas ang kilay na tanong ko.

Mas lalo namang ngumiti ang kupal!

“Masaya ako kasi—”

“Bahala ka na nga jan!” putol ko sa kanya. May pangiti ngiti pang nalalaman!

Tinalikoran ko siya. Aalis na sana ako ng bigla nalang niya akong niyakap muka sa likoran!

“Senyorito, mapuputikan ako!” pagtili ko sabay pagpupumiglas.

“Nagseselos ba ang Panda ko?” biglang tanong nito na ikinatigil ko.

“Hindi nuh. Bakit naman ako magseselos sa higad na yun! Kahit pa makipaglandian ka sa babaeng yun, hindi ako magseselos—”

“Halata nga na hindi ka nagseselos” natatawang putol nito sa akin habang pinipihit ako paharap. “Wala ka namang dapat ipagselos, Panda. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ko” anito habang matiim na nakatitig sa akin.

“Hindi nga ako nagseselos” pagtanggi ko na naman. “At tingnan mo ang ginawa mo, naputikan na din ako” mahabang ngusong saad ko.

“Sabay nalang tayong maligo” nakangising suhestiyon ng kupal.

“Gusto mong maitak? Nakahanda na yung itak ni Pa—”

“Anong itak?” biglang pagsingit ni Papa.

Kanina pa ba nandiyan si Papa sa likod!? Sana naman hindi.

“Umuwi na tayo, ang dungis dungis niyo na” saad ni Papa. “Ikaw rin Bethanie, may payakap yakap pa kasing nalalaman” pagmamaktol nito.

“Tito!” biglang sigaw ni Kaito.

“Akin na po tong si Kelly!” anito na ikinakunot ng noo ni Papa.

“Sinong Kelly?” Kunot noong tanong ni Papa.

“Itong cute na biik” nakangiting sagot ni Kaito.

Malala natong si Kaito.

KELLY THE BIIK