CHAPTER 20- MILAGRO

“Mahal ko pa yun eh! Kaso pinagpalit niya ako sa mukhang Gorilyang Unggoy! Kaya heto ako, natuto na ng leksyon. Hindi na ako magseseryoso sa babae. Baboy nalang ang mamahalin ko” Lasing na lasing na na saad ni Kaito habang lumalagok na sa mismog bote ng beer.

Mga dalawang oras palang ang nakalilipas magmula nung ng nagsimulang naginoman ang mga to—pasimumo ni Papa.

Hindi ko pinayagang uminom si Senyorito, may gamot kasi siyang iniinom. Kaya heto, nakaupo lang kami sa isang tabi habang pinagmamasdan ang kadramahan ng mga kaibigan niya.

“Alam mong bata ka, tama yan, tama yan” Lasing na din na pagsangayon ni Papa.

Lagot talaga kay Mama tong si Papa mamaya.

“Tamang Baboy nalang ang mahalin mo. Mukha ka namang lalaking baboy, kaya bagay na bagay kayo ng biik na yan” pagpapatuloy ni Papa.

“Senyorito” bigla kong kuha sa attensyon niya.

“Hmmm?” sagot nito habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. Nakasandal kasi ang ulo ko sa balikat niya habang nakaupo kaming dalawa sa duyan.

“Sa tingin ko grabeng heart break ang naranasan niyang si Kaito” puna ko.

Bigla namang napatawa ng mahina si Senyorito. “Huwag mo ng alamin, Panda. Baka kasi madepressed ka pa” natatawang saad nito.

Ganun ba talaga ka grabe ang naranasan ni Kaito para magmahal nalang siya ngayon ng Baboy?

“Kung titingnan mo sa kinikilos at panlabas nilang anyo, masasabi mong baliw ang mga kaibigan ko.

But deep inside of them, there are millions of stories that are untold” biglang saad ni Senyorito.

“Talaga?” tanong ko habang nakatingin sa gawi nila Papa.

“Kaito has his own reason kung bakit siya ganyan. Isaak? No one knows what kind of battle he’s fighting inside of him. Hindi kasi niya sinasabi sa amin, wala din naman kaming lakas ng loob para magtanong. Pero kahit ganun, alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya” seryosong saad nito. Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kanya.

“Nakulong si Markus dati for Three years sa salang hindi naman niya ginawa” saad ni Senyorito na ikinagulat ko!

Nangyari ang ganung bagay kay Markus!?

“Nung makalabas siya, dun namin siya nakilala” pagpapatuloy nito. “Yang si Max, baliw lang yan. Pero walang ni isang lalaki ang makakapantay sa pagmamahal niya sa kapatid niyang babae. Silang dalawa nalang kasi ang naiwan, both their parents died in a plain crash nung Six palang siya at Four naman ang kapatid niya” anito.

“Wow” biglang saad ko. “May ganun pala silang pinagdadaanan? Grabe, ang tatag nila” manghang sambit ko.

Bigla naman akong niyakap ni Senyorito. “Yeah, they are” pagsangayon nito.

“Si Kios, Jake, at Senyorito Kian?” tanong ko.

Napakachismosa ko talaga.

“Gusto mo talagang malaman?” Seryosong tanong nito.

Kaagad naman akong tumango.

Hinalikan muna ni Senyorito ang noo ko bago siya nagsalita.

“We can say that Kios and Jake are living an opposite life.

Lumaki si Kios na walang kinilala at nag aalaga na pamilya sa kaniya. Kung ikukwento natin ang buhay niya, pwede na itong matanggap sa MMK” natatawang saad nito pero wala namang kabuhay buhay ang tawa niya.

“In short, lumaking magisa si Kios.

Masasabi nating naging palaboy siya sa kalye nung musmos palang siya.

Si Jake? Tinatawanan lang namin ang pagiging ignorante niyan. Pero hindi naman talaga totoong nakatira siya sa Mars” natatawang saad ni Senyorito.

“Nakatira siya dati sa America kasama ang mga magulang niya.

Jake was living with a golden spoon in his mouth. What he wants, what he gets. Pero nung magbinata siya, nagsawa siya sa buhay na meron siya. Bawat ginagawa kasi niya ay bantay sarado. He need to act appropriately para hindi madungisan ang pangalan ng pamilya niya.

Bawal siyang lumabas ng bahay kapag walang kasama na guards. Hindi nga niya nasubokang maglaro sa labas nung bata pa siya. Kaya ayan ang kinalabasan, naging ignorante siya sa mga bagay sa labas”

“Paano siya nakarating dito sa Pilipinas?” Singit ko.

“Lumayas siya” deretsyahang sagot ni Senyorito.

Napatango tango nalang ako.

“Si Senyorito Kian?” tanong ko.

Kaagad naman akong napasinghap ng bigla nalang niyang pinanggigilan ang pisngi ko!

“Wala akong alam tungkol sa kanya” anito na ikinataas ng kilay ko.

“Pwede ba yun?” Nakataas ang kilay na tanong ko kay Senyorito.

“Magkakambal kayo pero wala kang alam tungkol sa kanya?”

Napabuntong hininga nalang ito.

“Fine” buntong hiningang saad ni Senyorito.

“Ang alam ko lang pinalayas siya sa bahay, yun lang”

Pinalayas?

May ganun palang eksena?

“Pinalayas si Senyorito Kian?” tanong ko.

Napakachismosa ko talaga.

Tumango naman si Senyorito.

“Binasag niya kasi ang paboritong vase ni Mommy” natatawang saad ng kupal! “But, seriously, hindi ko talaga alam kung bakit ayaw niyang tumira sa bahay” anito.

Bigla naman akong naghikab.

“Inaantok ka na?” Natatawang tanong nito.

Kaagad naman akong tumango habang nakasandal parin sa balikat niya.

Tiningnan ni Senyorito ang relo niyang pambisig.

“8:39 p. m.” anito.

“Matulog ka lang, bubuhatin nalang kita mamaya”

NAALIMPONGATAN ako nang maramdamang para akong dinuduyan. Pasimple kong binuksan ang mata ko.

At ganun nalang ang paglukso ng puso ko ng makitang buhat buhat ako ni Senyorito papasok sa kwarto.

Tinotoo niya nga ang sinabi niya kanina. Hindi ko rin alam kong ilang oras na akong nakatulog. Naramdaman kong dahan dahan niya akong inipag sa kama. Ramdam ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa mukha ko.

Natutukso akong imulat ang mata ko!

Napatigil ako sa pagiisip ng maramdamang kinumotan ako ni Senyorito.

Gentle Dog.

Makalipas ang ilang minuto, ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng maramdamang wala ng ingay sa loob ng kwarto ko. Lumabas na na si Senyorito? Pero hindi ko narinig ang yabag niya.

Imumulat ko na sana ang mata ko nang biglang may naramdamang kung anong malambot na bagay na dumampi sa aking noo.

“Alam kong gising ka na, Panda” biglang saad ni Senyorito.

Shit! Nakakahiya!

Dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang gwapong mukha nito. Nahigit ako sa kinahihigaan ko ng makitang halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa.

“P-paano mo pala nalaman na ito ang kwarto ko?” Nauutal na tanong ko habang hindi makatingin ng deretso.

“Tinanong ko si Mama” anito.

Kaagad ko siyang binalingan ng hindi makapaniwala na tingin.

“Alam ni Mama na nandidito ka sa kwarto ko?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tango lang ang isinagot nito habang hinahawi ang iilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mukha.

“P-pumayag talaga si Mama?” tanong ko ulit.

“Sabi ng Mama mo, okay lang daw na nandidito ako sa kwarto mo basta hindi lang daw ako gagawa ng kapilyohan” anito.

Iba talaga tong si Mama.

“Pero hindi naman ako nangako na gagawin ko” anito na ikinakunot ng noo ko.

“Gagawin ang alin?” Kunot noong tanong ko.

“Gagawin ang hindi gumawa ng kapilyohan” nakangising saad ng kupal.

“Bakit? Ano bang pinaplano m—” Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nalang itong umayos ng higa sa tabi ko at pumasok din sa kumot.

“Huwag mong sasabihin na dito ka matutulog?” Nakataas ang kilay na tanong ko.

“Kung ganun hindi ko sasabihin” nakangising saad ng kupal habang pinupulot ang braso niya sa beywang ko.

“Gusto mo bang maitak ni Papa?”

“Naku, knockdown na yung Papa mo, hindi na ako maiitak nun” nakangising saad nito.

Napailing nalang ako.

Ang tigas talaga ng ulo.

“Sige” buntong hiningang saad ko.

“Papayagan kitang tumabi sa akin basta huwag ka lang gumawa ng kapilyo—” Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang ipinasok ni Senyorito ang kamay niya sa loob ng pangitaas kong damit!

Pota!

“Diba masasabi ko lang na—” Napatigil na naman ako sa pagsasalita ng bigla niyang iniunhook ang bra ko!

“I found my comfort zone” nakangising saad nito at bigla nalang hinawakan ang dibdib ko!

“Senyorito—”

“Goodnight Panda” biglang saad nito at nakangising ipinikit ang mata niya.

“Matulog ka na rin ulit”

“Paano ako makakatulog kong nakahawak yang kamay mo sa dibdib ko!?” Pabulong na sigaw ko.

Baka kasi marinig ako ni Mama.

“I love you Panda, matutulog na ako” anito.

Ang tigas talaga ng ulo!

Paano ako makakatulog nito kung nakahawak yung kamay niya sa dibdib ko!?