CHAPTER 15- PERMISSION

MAKALIPAS ang isang linggo, sa wakas ay nakalabas na rin ng hospital si Senyorito. Pinayagan na siya ni Doc Isaak na makalabas pero may benda parin ang ulo niya.

Mabuti na rin at maayos na si Senyorito. Binabalak ko kasing umuwi muna sa probinsiya kahit isang linggo lang.

Dalawang taon na din kasi akong hindi nakakauwi.

Miss ko na sila Mama at Papa.

“Sky, aalis na ako” tinig iyon ni Senyorito Kian na gumising sa diwa ko. “Darating na yung nurse bukas, hintayin mo nalang” anito at tuloyan ng lumabas ng bahay.

Salamat naman, hindi din kasi ako mapapanatag kung iiwan kong magisa dito si Senyorito.

“Panda” biglang tawag sa akin ni Senyorito. Binalingan ko siya sa may sofa. Komportable itong nakaupo habang nakakunot ang noo. “Anong nurse yung pinagsasabi ni Kian?” kunot noong tanong nito

Humugot ako ng malalim na hininga.

Hindi pa kasi alam ni Senyorito na gusto kong umuwi sa probinsiya.

“Aahhm, ano kasi…. ano…. yung ano kasi…gusto ko sanang ano—”

“Ano ba talaga?” putol nito.

“At pwede ba, umupo ka nga dito Panda. Baki ka ba nakatayo jan?” kunot noong tanong nito.

Kagat labi naman akong lumapit sa sofa at tumabi sa kanya. Hinarap ko si Senyorito. “Ano kasi, yung nurse na sinasabi ni Senyorito Kian. Yun yung pansamantalang magaalaga muna sayo. Mga isang linggo lang nam—”

“T-teka, hindi ko na kakailanganin ang nurse na yan” putol sa akin ni Senyorito. “Andito ka naman, at sapat na yun sa akin” anito habang hinahawakan ang kamay ko.

Tinitigan ko si Senyorito.

Bakas ang pangamba sa mata niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

“Senyorito” mahinahong saad ko.

“Gusto ko sanang umuwi muna sa probinsiya”

“Iiwan mo ako?” biglang tanong nito habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Bakit ba biglang nagkakaganito si Senyorito? Uuwi lang naman ako sa probinsiya.

“Isang linggo lang naman akong mawawala. Tapos babalik din ak—”

Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang akong niyakap ng mahigpit ni Senyorito.

“Please Panda, huwag ka munang umalis. Kung gusto mo sasamahan nalang kita sa probinsiya niyo kapag magaling na ako” may pagmamakaawang saad nito.

“Bakit ka ba nagkakaganyan?” buntong hiningang tanong ko.

“Natatakot lang ako” biglang sagot nito.

“Tsk! Ano bang kinakatakot mo?”

“Natatakot lang ako na baka hindi ka na bumalik. Paano kung mawili ka dun—” Napatigil sa pagsasalita si Senyorito ng bigla nalang akong pumiglas sa pagkakayakpap at tinitigan siya sa mata.

“Senyorito. Babalik ako.

Babalikan kit—”

“Sige. Hindi ako kakain hanggat hindI ka nakakauwi dito sa bahay” biglang pananakot nito sa akin.

“Tinatakot mo ba ako, Senyorito?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“Kung yan ang tawag mo” nakangising saad nito.

Napabuntong hininga nalang ako.

“Senyorito, seryoso ak—”

“Seryoso din ako Panda. Hindi ko talaga papapasukin ang nurse na yun dito sa bahay ko” seryosong saad nito.

Tsk! Ang tigas ng ulo!

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Aalis na sana ako ng bigla nalang akong hinila ni Senyorito dahilan upang napaupo ako sa kandungan niya!

Ganun nalang ang pagsinghap ko ng maramdamang biglang ipinulupot ni Senyorito ang kamay niya sa beywang ko. “Galit ka?” tanong nito habang ipinapatong ang baba niya sa balikat ko. “Sorry na Panda. Huwag ka na kasi munang umalis. Sasamahan naman kita kapag magaling na ako”

Malambing na ungot nito.

Napabuntong hininga nalang ako.

“Panda, kausapin mo naman ak—”

Naputol ito sa pagsasalita ng bigla nalang akong umikot, at umupo paharap sa kanya.

May pagkawalang hiya din kasi ako minsan. “Oo na, hindi na ako aalis.

Masaya ka na?” tanong ko na ikinangisi ng kupal.

“Sobra” nakangising saad ng kupal.

“Iwan ko sayo”

“May gusto ka bang itanong sa akin?” biglang tanong ni Senyorito na ikinakunot ng noo ko.

“Itatanong?” kunot noong tanong ko habang nakaupo parin sa kandungan niya.

Bigla naman itong tumango.

“Ayaw ko na kasing may tinatago mula sayo. Kaya magtanong ka na” anito.

Kaagad naman akong umiling.

“Wala akong maisip na—”

“Pwede ding maglaro nalang tayo para fair” nakangising saad nito.

Tsk! Kahit ano ano nalang talaga ang pumapasok sa ulo nitong si Senyorito.

Umalis ako mula sa pagkakandong sa kanya at umupo sa sofa.

“Ano na namang kabaliwan yang sinasabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.

Mas lalo pang lumapad ang ngisi ng kupal habang inaakbayan ako.

“Naku Panda, hindi kabaliwan ang tawag sa laro nato. Ang tawag sa laro nato ay TELL ME HONESTLY” anito na ikinasira ng pagmumukha ko.

“Tell me honestly? May laro bang ganun?” kunot noong tanong ko.

Ngayon ko lang narinig ang laro na yan.

Binalingan ko siya. “Sinong Abnormal na naman ba ang nagturo sayo ng laro na yan?”

Natatawang hinalikan ni Senyorito ang noo ko. “Si Kios” sagot nito sa pagitan ng noo ko.

Kios? Mukhang hindi pa naman ganun kaabnormal si Kios para makaisip ng ganun ka weirdong laro.

“Dahil sa laro na yan, napagalaman niyang may ibang lalaki pala ang girlfriend niya dati” saad ni Senyorito na ikinagulat ko.

Talaga?

“Nangaliwa ang girlfriend ni Kios dati!?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Bakit parang gulat na gulat ka ata Panda?” nakataas ang kilay na tanong nito.

“Ang gwapo lang kasi ni Kios para—”

“Mas gwapo pa kaysa sa akin?” biglang putol nito sa pagsasalita ko.

Lihim naman akong napangisi.

Pagtripan ko kaya tong si Senyorito.

“Oo mas gwapo pa sayo” nakangiting sagot ko. “Para sa akin wala talagang makakapantay sa kagwapohan ni Kios” pagsisinungaling ko.

Syempre para sa akin. Walang makakapantay sa kagwapohan ni Senyorito.

“Is that so” biglang malungkot na sambit ni Senyorito.

Kaagad ko siyang binalingan.

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Napasobra ata ako.

Kaagad kong hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

“Nagbibiro lang naman ak—”

“Nakangiti ka habang sinasabi mo na gwapo si Kios” nagtatampong putol nito sa akin.

“Binibiro lang naman kita” mahinahong saad ko. “Syempre para sa akin, mas gwapo ka”

Bigla namang tinanggal ni Senyorito ang kamay ko sa pinsngi niya at tinalikoran ako.

“Hindi ako naniniwala” madilim na saad nito.

Napabuntong hininga nalang ako.

“Senyorito, huwag ka ng magtampo” saad ko habang sinusundot ang tagiliran niya. “Oyyy, Senyorito”

Parang bato lang ito sa kinauupoan niya at hindi ako kinikibo.

Tsk! Ayaw mo akong pansinin ha.

Tumigil ako sa pagsusundot sa tagiliran niya at kinuha ang cellphone ko sa may bulsa. Dinial ko ang number ni Senyorito Kian.

Pagkatapos ng ilang ring sa wakas ay sumagot din ito. Sinadya ko talaga na I on ang speaker para marinig ni Senyorito.

“Hello, Sky. Missed me?” biglang tanong ni Senyorito Kian sa kabilang linya. Binalingan ko si Senyorito at nakita kong natigilan ito.

Jockpot!

“By the way. Gusto mong lumabas tayo sa—” Ganun nalang ang pagsinghap ko ng biglang hinablot ni Senyorito ang cellphone ko!

“Isasako na talaga kitang tsunggo ka!” Nanggagalaiting saad nito at bigla nalang tinapon sa sahig ang cellphone ko!

Napanganga nalang ako ng makitang wasak na wasak na ang screen ng minamahal kong cellphone sa sahig!

Hindi ko mapigilang mamalisbis sa sariling luha.

Abnormal na din siguro ako kasi pati cellphone iniiyakan ko na.

“Shit!” narinig kong biglang mura ni Senyorito. At kapagkuwan bigla kong naramdamang tinutuyo niya ang luha sa pisngi ko.

“I’m sorry baby, hindi ko sinasadyang itapon ang---”

“Mahal ko yun eh!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa cellphone kong wasak na

Galing pa naman sa ipon ko yung pinambili ko nung cellphone na’yun.

“Mas mahal mo kaysa sa akin?” biglang tanong nito na ikinatigil ko.

Binalingan ko ng iritadong tingin si Senyorito. “Walang hiya ka talaga”

Napatawa nalang ito at hinapit ako palapit sa kanya.

“I love you, Panda”