Chapter 19: Feelings
Rumored 19:
( Feelings )
{ Special Chapter }
From:
Connor Anderson
[ Point of View ]
"Oh, may sulat ka nanaman," nakangising usal ni Ivan na siya pa mismo ang kumuha mula sa locker ko. Pakialamero.
"Crush ka ni Kaylle?" Hindi makapaniwalang sambit niya noong tiningnan kung kanino galing ang love letter na 'yon.
"Oh? E', ano naman sa'yo ngayon? Crush mo?" Balik na tanong ko sa kanya. Noong kinuha ko yung sulat na 'yon mula sa kamay niya at inilagay 'yon sa bag ko. Hindi naman niya totally binasa yung loob tiningnan niya lang kung sino ang nagbigay. Tsk.
"Wala lang. Are you up for looks ba, tol?" Kumunot-noo ko sa tanong niya.
"Ano?" halos magsalubong ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Ano ba ibig niyang sabihin?
"Look matters ba sayo kako?" Tanong niya ulit kaya umiling ako habang naka-kunot pa rin ang noo.
"Hindi naman bakit?" Sagot ko.
"Wala lang. Simple lang kasi 'yang si Kaylle, at alam ko malayo siya sa mga tipo mong babae," Si Ivan kaya napa-iling ako.
Wala naman ako ideal type sa babae. Nagiging crush ko lang naman sila pag same vibes kami at same yung interes namin sa mga bagay. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga gusto ko sa babae bukod sa matalino. Pero okay na rin sa akin yung taong gusto ako.
"Ayaw mo ligawan?" Tanong ni Ivan kaya hindi ko nalamang siya kinibo. High school pa lamang kami pero ang dami niya na nagiging girlfriend. Halos kasi karamihan ng target niya yung mga transferee na babae.
"Saka na 'yon, mga bata pa tayo," sabi ko sa kanya.
"Iyon na nga! Kaya enjoy life, enjoy goya!" Napabuga ako ng hangin at iling sa turan niya.
Wala pa kasi sa isip ko ang manligaw at wala rin sa isip ko na pumasok sa isang relasyon lalo na at masyado pa akong bata para sa mga ganyang bagay. Gusto ko kasi na kilalanin muna ang babae bago ko pormahan. 'yon din kasi ang sabi ng Papa ko, na kilalanin ko muna raw yung tao na gusto ko.
"Iba talaga pag gwapo! Iba ka, tol!" Katyaw ni Ivan sa akin matapos niyang tapikin ang kaliwang balikat ko kaya tinaas ko ng ang middle finger ko bago ako maglakad palayo sa kanya.
Were grade 9 that time when Kaylle, confessed na may gusto siya sa akin. At simula rin noong umamin siya ipinagkalat 'yon ni Ivan sa buong school at akala ng lahat nililigawan ko na siya. Kaya naman yung iba kinakatyawan kami pag nagsasalubong kami ng daan. Simula rin no'n naging aloof si Kaylle sa akin.
Hindi sa nagmamayabang ako pero, isa din akong campus crush sa school namin sa St. Claire dahil suki ako sa pagiging escort at ranking din ako sa honors.
I tried to reach her pero nakakatuwa lang na nahihiya siya pag kinakausap ko siya kaya ako rin minsan nahihiya sa kanya pag hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin.
Nagiging madaldal lang siya pag tumatagal yung pag-uusap namin. And I noticed na madali siya mamula sa mga simpleng banat at joke ko. Her face was red at kitang-kita 'yon kahit na morena siya. Kahit nga maarawan lang siya namumula na siya agad.
We became friends kahit na medyo awkward kami sa isat-isa tuwing magkasama. I can say that she's really fun to be with. Ang cute niya kasi pag nahihiya siya.
"Ang hina mo tol, sige baka mamaya sa kakaganiyan mo may mauna pa sa'yong iba," si Ivan kaya napangiwi ako dahil doon. Huwag muna sana. Kasi habang tumatagal na-ri-realized ko na may gusto na rin ako sa kanya.
Noong nag grade 10 na kami gano'n pa rin. Wala pa ring improvement. Pero masaya ako kasi kahit papaano may gusto pa rin siya sa akin. Sabi nila pangit daw ma-in-love pag ganitong bata pa, kasi nga puppy love lang daw 'to. Iniisip ko, puppy love lang yung nararamdaman niya?
Nag-try akong mag girlfriend pero si Kaylle yung iniisip ko, I don't know but she always crossed my mind every midnight. Tuwing nagsasalubong man kami sa daan nginingitian niya ako. But I know that is a forced smile pero tae! Ang bigat sa pakiramdam na feeling ko araw-araw biyernes santo.
Puppy love lang kaya yung nararamdaman sa akin ni Kaylle? Paulit-ulit ko talagang tinatanong 'yan sa sarili ko. Medyo matagal-tagal niya na rin akong crush. Pero alam niyo yung feeling na kahit walang label ang relasyon naming dalawa inspired ako? It might me sounds gay pero kasi parang gano'n. Normal pa ba 'to?
Like you know being inspired to her and makes my every morning worth getting up for? Kaya nga hindi ko magawang umabsent kasi doon ko lang siya tanging nakikita. Hindi dahil sa girlfriend ko, I know I'm being unfair pero wala e'. I and my girlfriend dated for almost 8 months. But she cheated on me sa kalaban ng team namin sa soccer noon.
Inaamin ko na masakit din 'yon para sa akin. Kahit hindi naman ako masyadong seryoso.
Days and weeks passed at doon ko lang napag-tanto sa sarili ko na gusto ko rin siya. I even told Ivan na gusto ko ligawan si Kaylle, kaya 'yon sinuportahan ako ng loko. Masyado lang siguro ako naging in-denial.
I, unintentionally followed her way home pero may humigit ng kwelyo ko.
"Sino ka?" Tanong ni Kenzo sa akin which is her older brother habang pina-pasadahan ako ng matatalim na titig. Hindi ko pinakita na I was intimidated by him, dahil sadyang gusto ko talaga yung kapatid nila na si Kaylle.
"May balak ka sa kapatid namin no'?" Nakapamewang na saad naman ng isa niya pang kuya kaya maagap akong umiling.
"May gusto ako sa kapatid niyo. Gusto ko siya ligawan, pwede ba?" Lakas loob na tanong ko sa mga kuya niya na halatang nagulat sa sinabi ko. Marahas na binitawan ni Kenzo yung kwelyo ng damit ko dahilan kaya napaatras ako ng ilang hakbang.
Naningkit ang mga mata nito, "Ano?"
"Sabi niya gusto niya lig-"
"I'm not asking you Kris!" Putol ni Kenzo sa isa niyang kuya.
"Gusto ko ligawan kapatid niyo. Pwede ba?" Lakas loob kong tanong sa kanila napangisi yung isa niyang kuya na si Kris.
"Sino ka nga pala?"
"Connor. Connor Anderson," tugon ko sa kanilang dalawa. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Habang tumatango-tango.
"Pag-iisipan na lang namin kung pasado ka," dagdag nito kaya napakunot ako ng noo.
"Stop it, Kris, hindi. Bawal mo pa siyang ligawan mga 18. 18 years old mo siya ligawan iyon kung gusto mo pa rin ang kapatid namin," ani Kenzo kaya tumango ako.
"I will," wait for her then...
Kaylle
[ Point of View ]
"You like him don't you?" Napabuka ang bibig ko ngunit wala akong masabi sa kanya. Kasi nga totoo naman. Pero nahihirapan akong aminin 'yon sa harapan mismo ng unang lalaking minahal ko na pagkatagal-tagal. Tapos sa isang iglap si Chase na gusto ko.
"C-connor kasi..."
"Huwag mo na itanggi halata ko naman," his smiled pero halatang pilit lang 'yon. Pumamulsa ito habang nakatingin din sa direksyon nila Chase at Loraine at sa mga iba pang barkada nila kagaya nila Moon, Kaven and Rocky.
"I see the way you looked at him." He paused noong tapunan niya muli ako ng tingin.
"And to believe it or not you used to look at me like that," He muttered. Kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapahikbi. Bakit ba niya ako pinapaiyak ng ganito?
He chuckled as he wet his lower lip using his tongue. He wiped my tears away using his thumb kaya naman ngumiti ako sa kanya at ako na ang nag punas no'n.
"Nakakapagsisi pala talaga no' at nakakapanghinayang din. Hindi pa nga ako nakakapag simula pero alam ko rejected na ako," he said in almost a whisper noong pagdikitin niya ang noo naming dalawa. He even closed his eyes. Kung siguro siya pa rin ang gusto ko, napaka-romantic nito para sa akin. Pero ngayon bakit nasasaktan lang ako sa mga sinasabi niya?
"I like you, sorry if I took years to confessed."
"You don't need to say anything kasi alam ko naman na kung sino na ang nandiyan," lumayo siya para tingnan ang mukha ko,. Habang sapo pa rin niya ang magkabilang pisngi ko.
Marahan akong napa-iling noong maalala ko yung sinabi sa akin kuya Kris about kay Connor so hindi niya ako ginu-goodtime no'n?
"Connor naman eh..."
"Siguro kung ako pa rin gusto mo hindi ako matatakot mag-confess ngayon. Kasi ako pa rin. But you know fate is such a crazy thing. Maybe we're meant to fall in love with each other but not meant to be together, yeah?"
Halos mag-unahan na ang mga luha ko sa pagpatak, hindi ko alam sasabihin ko. Alam ko pa naman feeling na ma-reject . Ang sakit kaya no'n. Loko kasi yung si Chase! Mang-aagaw. Hindi naman ako sa kanya dati e' pero bakit nagkaganito? Sabi ko hindi ako papa-agaw pero ano na nangyari? Months pa nga lang kami magkakilala kung tutuusin pero bakit naging ganito?
"Alam mo naman na gusto kita bakit ngayon ka lang umamin? Pwede naman last year 18 na ako!" Garalgal boses ko kaya nginitian niya ako bago ako yakapin ng sobrang higpit. Is this the last hug na matatanggap ko sa kanya? I think so.
"Hey, it's alright," mukha niya ayos. Sa totoo lang nakakainis siya. Bakit ngayon niya lang 'to sinabi sa akin? Ang unfair niya!
Napakalas siya sa yakap noong may tumawag sa kanya na team mates niya.
"Gonna talk to you later huh?" Ani niya bago ako halikan sa noo at bigyan ng isang malapad na ngiti bago niya ako iwan sa kinatatayuan ko.
Napabaling ako sa direksyon nila Chase at sakto naman na kasalukyan siyang nakatingin sa akin habang tinatapunan niya ako ng matatalim niyang titig. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa at bumalik sa pwesto namin nila Zeah at Jam pero sa pagbalik ko sa kinauupuan namin wala na sila doon.
Napadako yung tingin ko sa may dance floor kaya napangiwi ako habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan kong masayang sumasayaw.
Napasinghap ako at napasandal sa inuupuan ko habang nakahalukipkip. Parang ako yung leron-leron sinta na kanta kasi pagdating sa dulo naghanap ng iba. Buti sana kung trustworthy yung pinagkatiwalaan ko ng heart ko pero wala. Baka paasahin lang ako no'n.
Napangiwi ako noong may nakita akong isang bote ng alak dito sa kinauupuan namin kaya binuksan ko 'yon at nagsimulang uminom mag-isa.
Halos uminit lalamunan ko sa uang paglagok ko. Isang shot pa lang 'yon pero yuck! Ang pait at ang pangit ng lasa. Napatingin pa ako sa bote habang hindi mapinta yung mukha kong nakatingin doon.
Hindi ko na inalintana yung lasa dahil sa pangalawang lagok ko e', parang wala na lang 'yon para sa akin. Dahil parang nagmanhid na yung labi at dila ko sa ininom kong 'to. Hindi ko ma-take pag mabagal yung pag-inom.
Hanggang sa hindi ko na nabilang yung paglagok ko kasi bawat refill sa shot glass ko hala sige inom.
"Problema nito?" Turo sa akin ni Jam noong makarating sila sa pwesto ko. Noong mag-angat paningin ko halos umikot mundo ko sa kanya. Este umikot paningin ko. I'm still conscious at dinig ko pa rin yung lakas ng tugtog at usapan ng ilan. Uminom ulit ako at hindi inalintana ang nakatingin na kaibigan kong si Jam.
"Alam mo mabuti pa, mag-usap kayo ni Chase hindi yung ganyan," Si Kazzeah but I mimicked her kaya sinamaan niya ako ng tingin. Tumayo siya at iginala sa paligid ang tingin like she's looking for someone hanggang sa namilog mga mata niya at ngisian ako.
"Namumula kanang gaga ka! Inom pa kasi! Saka kailan pa naging mataas ang tolerance mo sa pag-inom ng alcohol?" Ani niya.
Pero hindi ko na siya pinansin dahil ang bigat na ng talukap ng mata ko. Napatingin ulit ako kay Zeah, na kasalukuyang kausap si Chase na kinalamig ng buong katawan ko. Ano nanaman sinabing kagagahan ng kaibigan ko sa kanya? Nilaglag niya ba ako?
Noong tumayo ako parang biglang umikot paningin ko. "Jam!" Natatawang tawag ko sa kanya. "Paalalay nga! Nahihilo ako gusto ko umihi."
"Yan inom pa kasi!" Turan niya. Habang pagewang-gewang ako sa paglalakad. Pilit kong inaayos pag lalakad ko pero grabe yung hilo ko. Kung hindi ako aalalayan ni Jam siguro nasubsob na mukha ko sa sahig.
"Grabe, Kaylle parang noong highschool lang iilang shots lang iniinom mo noon para hindi ka malasing pero wow ha! Ang wild mo na ngayon," Si Jamie.
Noong makalabas kami sa banyo may humigit sa magkabilang braso ko at sumubsob sa kanyang matipunong dibdib. Hilong-hilo talaga ako. Grabe. But the manly scent. The perfume. Parang alam ko na kung sino ang umaalalay sa akin. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari noong bigla na lang nag black-out paningin ko pero ramdam kong may bumuhat sa akin.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Napahawak ako sa may leeg ni Chase buhat niya ako na naka bridal style. "Ibaba mo 'ko hindi pa tapos ang party ni Connor!"
"Hindi. Iuuwi na kita. You're drunk," Matigas na sabi niya. Kunot-noo itong tumingin sa akin. Ngayon ko lang na-realized na naka-brush up pala siya. At kitang-kita ko yung napaka-ganda niyang mukha. Na mala-anghel sa sobrang amo. Pero agad ko rin naalala na naiinis pala ako sa kanya kaya napabusangot ulit ako.
"No! Ano 'yon? Si Loraine kasama mo 'di ba?! Dapat siya rin pag-uwi!"
"She have Moon. Now stop talking nonsense."
"Hindi pa ako lasing! Ibaba mo'ko" Pagpupumiglas ko. Nakaka-ilang shots pa lang ako kaya panigurado akong hindi pa ako lasing. Pero biglang akong nahilo dahil sa kakulitan ko. Kaya natahimik ako ng ilang minuto.
"Alam mo bang nakakainis ka?" Sinamangutan ko siya. His jaw is clenched.
"... I should be happy na umamin si Connor sa akin na gusto niya ako," maingat na sabi ko pero hindi pa rin siya kumikibo. Naramdaman ko ang pagtunog ng kotse niya at maingat akong pinasok sa passenger seat. Noong makabitan niya ako ng seatbelt tinapunan niya ako ng tingin. His face is unreadable. Parang noong una kaming nagkita?
"Then great," malamig na tugon niya. Kaya uminit magkabilang pisngi ko.
"Great? Great lang masasabi mo?" Asar na sagot ko sa kanya. Tinulak ko siya at pilit na lumabas sa kotse niya. Inalis ko pa nga ulit yung seat belt na kinabit niya sa akin.
"What do you want me to say then? Na masaya ako para sa inyo? When I actually feel the opposite?" He fired back tumaas na rin ang boses niya.
Kaya napasapo ako sa ulo ko habang umiling-iling, "Si Connor naman kasi talaga ang gusto ko! Siya ang gusto ko dati pa!"
"You need to sobber up," sabi niya pero umiling ako.
"Hindi ko maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit isang araw gumising ako na iba na ang gusto ko," my voice is shaking. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at yumuko.
I didn't know that I'm crying. Ewan ko ba. Basta halo-halong emosyon yung nararamdaman ko dulot ng alcohol na ininom ko. Ngayon ko lang nalaman na may pagka-sensitive pala ako pag nakakainom. Pero kasi hindi ko pa rin tanggap. Na itong lalaki na nasa harapan ko mismo ang taong gusto ko.
Marahan kong idinilat ulit yung mata ko para makita ang napaka-perpekto niyang mukha at ngumiti ng mapait. "Bakit kailangan maging ikaw pa iyon Chase..." Madamdaming saad ko noong bigla ako nakaramdam ng hilo. Lumapit siya sa akin para alalayan ako.
His eyes met mine, "bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa yung taong nagugustuhan ko?" Sabi ko sa napapaos na boses. His eyes were twinkling.
"Bakit ikaw pa yung taong na gustohan ko?" His right thumb wiped my tears while looking straight to my eyes. My hands were on his chest. I can now feel his heart beating so fast. Is it because of me? Natawa na lang ako sa isip ko.
"Gusto kita, Chase..." Pag-amin ko.
"Tell me this when you're sobber, I can't reciprocate your feelings when you are not in your right state of mind." Maingat na sabi niya. Pero umiling lang ako bago ko siya yakapin.
"Chase gusto kita..." Ulit ko hanggang sa unti-unti na akong mawala sa wisyo ko at mapasubsob sa kanyang dibdib.