Chapter 20: Cheerleader/Girlfriend
Rumored 20:
( Cheerleader/Girlfriend )
"Kaylle!" Tawag sa akin ni Connor, kaya agad naman akong napangiti noong makita ko siya. Sadyang nakakahawa kasi talaga yung mga ngiti niya, yung malalaking ngipin niya at yung dimples! Jusmiyo!
"Connor..." Masayang sambit ko sa pangalan niya. My heart beats a little bit faster at hindi na siguro magbabago 'yon? Kasi nga I used to liked him for YEARS. Napangiwi na lang ako dahil sa naalala ko.
"Sana ako na lang ulit..." Turan niya kaya napatitig ako sa mga mata niyang nangungusap.
"Connor..."
"It's okay... Promise me, you'll be happy," mapait akong ngumiti sa kanya. Kasi sa totoo lang hindi ko alam kung magiging masaya nga ba ako na si Chase yung pinili ko.
I was going to say something noong mag-dilim yung paligid ko at napunta na lang ako sa kung saan...
Noong lumiwanag ang paligid nakita ko naman si Chase, na busy magluto sa kung kaninong kusina, at ang loko naka-apron pa! It's not his condo, at lalong hindi rin naman namin kusina 'to. Atsaka anong ginagawa ko dito? Hindi ba kausap ko lang kanina si Connor sa campus ng eskwelahan namin? Bakit nasa kusina naman ako ngayon? At si Chase talaga ang nagluluto? Yung totoo nilalagnat ba siya? Atsaka marunong ba siyang magluto?
Noong nag-angat si Chase ng tingin sa may direksyon ko, halos mamilog ang mga mata ng salubungin niya ako ng isang napaka-lapad at matamis na ngiti and I swear! Halos lumundag nanaman yung puso ko sa mga ngiti niyang 'yan.
Napasapo ako sa may dibdib ko dahil sa pag-hysteria nito. His eyes smile is so cute. Kasi nagiging guhit ang mga mata niya na nagmimistulang parang rainbow.
"Hi, love, I thought you weren't coming. But I'm glad you are here now." Malambing na pagkakasabi niya. Ano? Anong tinawag niya sa akin? Love? Makakarating? Kami na ba? My goodness! Anong nangyari? U-mo-o ba ako sa kanya?
"Love, can you taste this? I made this for you." Sabi niya at halos manigas ako sa kinatatayuan ko, noong lumapit siya sa akin para ipatikim yung niluto niya. Totoo at seryoso ba 'to? Kasi kung panaginip 'to, grabe dito na lang ako. Ibang-iba kasi siya sa Chase na nakilala ko.
" I make some of your favorite dish which is adobong baboy. I hope it tastes good, I'll just started learning it, because Yaya Emily told me that this is one of your favorite." Nakangiting kwento niya. Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Bakit... Bakit parang may mali? Pero parang tama pa rin?
Hinipan niya yung kutsara na may sabaw ng adobo na niluto niya para ipatikim sa akin hanggang sa titikman ko na sana 'yon nang...
Napadilat ako nang may isang kapitbahay namin ang nagsimulang mag pa-ingay ng videoke nila. Kaya agad akong napabangon sa kinahihigaan ko at napasapo ng ulo dahil feeling ko pinupukpok ito ngayon. I was about to stand up ng bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko.
Kumaripas ako ng takbo sa banyo, at inuluwa yung kinain ko kagabi. Doon ko lang naalala na uminom nga pala ako kagabi. Napatingin ako sa salamin, maayos ang mukha ko at wala na akong ka-make-up, make-up.
Taka akong napatingin sa suot ko. Hindi naman kasi ganito yung suot ko kagabi e', saka nandito na rin ako sa bahay namin siguro inuwi ako ni Zeah? At si Yaya Ems yung nagpalit ng damit ko?
Naligo muna ako bago ako kumain, hindi ko maalis sa isip ko yung panaginip ko. Nakakakilig man pero napaka-impossible mangyari.
"Love," Iling na sabi ko.
Noong makababa ako nakita ko and rebulto ng likod ni Chase na kasalukuyang nasa dining area namin at nakatayo roon. Hapon na akong nagising pero masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hang-over.
"Ala ay kumain kana hija," Si Yaya Emily kaya naman nginitian ko siya.
Bumaling si Chase sa direksyon ko noong maramdaman niya ang presensiya ko sa likuran niya. Namilog ang mga mata niya at napakurap ng ilang beses bago tumikhim at umayos ng tindig na parang isang Prinsipe.
"I think you're sober now. Let's talk about last night pag natapos ka nang kumain." Seryosong saad niya bago siya lumabas ng bahay at tumambay sa may garahe namin. Napalunok ako at biglang kinabahan. Parang ayoko na tuloy matapos kumain.
Noong natapos ako ay sinundan ko siya sa garahe ng bahay namin. Aatras na nga sana ako kaso bigla naman siyang bumaling sa direksyon ko. "A-ano bang ginagawa mo rito? Sila kuya?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
He shrugged his shoulder, "may laro kami ni Kris mamaya ng basketball," napatango ako noong maalala ko na ngayon pala 'yon.
He sighed heavily bago siya magsalita, "You were drunk last night." Paalala niya habang nasa ibang direksyon ang tingin.
Napakamot ako sa batok ko, "Ah, Oo! Hinatid naman ako ni Zeah pauwi." Nginitian ko siya noong binalingan niya ako ng tingin. Naningkit ang mga mata niyang tumingin sa mga mata ko na parang nairita siya sa sinabi ko.
"I am the one who brought you home, in case you didn't know." Nakataas ang dalawang kilay na sabi niya. Kaya napakurap ako dahil doon.
"Huwag ka na ulit iinom kung hindi mo 'ko kasama," Ma-awtoridad na saad niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Kaya halos mag-hysteria puso ko dahil doon. Ito yung mga napapanuod ko sa mga drama e', pero ayoko umasa! Masakit.
Napasapo ako sa sentido ng ulo ko noong may pumasok sa isip ko na iba pa, kung si Chase nga yung nag-uwi sa akin kagabi... Ibig sabihin siya rin ang nag palit ng damit ko? Aba namimihasa na siya ha! Hindi pa nga kami e'!
"Chase," tawag ko sa kanya kaya napalingon ulit siya sa akin.
He's wearing a black hoodie at naka-black Nike linen short siya with high-cut black rubber shoes. Bagsak ang itim na buhok at medyo natatakpan ang mga kilay niya pero hindi talaga makakaila na isa siyang magandang lalaki.
Tinaasan niya lang ako ng kilay niya habang hinihintay yung susunod kong sasabihin sa kanya. "Ano kasi... I-Ikaw ba ulit nagpalit ng damit ko?" Namilog ang mga mata niya sa tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinihintay ko ang sagot niya.
"And what's the matter of that? Nakita ko naman na 'yan." Sabi niya bago mag-iwas ng tingin. Nag-init magkabilang pisngi ko sa tugon niya. At hinampas ang braso niya.
"Walang hiya ka! Manyak ka talaga!" Inis na asik ko sa kanya. Napapitlag siya sa kinatatayuan niya at hinuli mga kamay ko.
"Can't you just be thankful? Ako na nga ang nag-alaga sayo while you're drunk," kunot noong sabi niya kaya napa-iwas ako ng tingin bago ko bawiin yung kamay ko.
"Dapat pinabayaan mo na lang ako! Hindi naman tayo tapos kung hubaran mo 'ko parang boyfriend kita!" Pag-hysteria na sabi ko. Namilog mata niyang lumingon sa akin at napamura na lang ako sa isip ko na mapag-tanto na parang may mali sa sinabi ko.
"I-I mean..." I said nervously while gesturing my hands a lot na lintikan na talaga ako.
"So, pag boyfriend mo pwede kana hubaran? Is that it?" Nakangising usal niya. Kaya mas lalong uminit pisngi ko dahil doon.
"Timang hindi!" Bulyaw na saad ko sa kanya kaya napa-iling siya.
Natahimik kami ng ilang segundo bago siya magsalita ulit kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo ba naalala yung sinabi mo sa akin?" Agad akong kinabahan dahil doon. Sinabi?
"Na ano?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"That you like me," bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Bumuka bibig ko pero wala naman akong masabi. Kasi hindi ko alam yung sasabihin ko. Sinabi ko ba talaga 'yon sa kanya? Hindi ba 'yon panaginip lang?
"You're mad at me because hindi na si Connor ang gusto mo," he paused a seconds bago niya ituloy 'yon at tumingin sa mga mata ko.
"You're mad at me kasi ako na ang gusto mo at hindi na yung long time crush mo," nakangising saad niya sa akin habang nakapmulsa ang dalawang kamay niya sa hoodie niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya, "h-hindi kaya!" Tanggi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin sa mapanuri niyang mga mata.
"You're bad at lying, you suck at that." Ngisi niya sa akin.
"E' ano naman sayo ngayon? Hayaan mo makakalimutan din kita," akmang papasok na ako sa loob ng bahay pero hinarangan niya ako at ikulong niya ako sa mga braso niya na nasa may pader na ngayon. His eyes met mine at napaka-aliwas no'n ngayon.
Umiling siya habang seryoso na nakatingin sa mga mata ko, "hindi ka magmo-move-on." Ma- awtoridad na sabi niya kaya napa-kunot ang noo ko dahil doon. "I won't let you," dagdag niya kaya kumunot lalo ang noo ko habang nakatingin pa rin sa namumungay niyang mata.
"S-sino kaba sa inaakala mo?" asik ko sa kanya. Trying to act mad kahit na deep inside grabe na mag-wala puso ko.
"I'm Chase Mikael Monteverde, your future boyfriend." Napalunok ako sa naging tugon niya.
"Paano ka nakakasiguro na-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko noong dampian niya ako ng halik sa gilid ng labi ko na kinalaki ng mata ko at kinahina ng magkabilang tuhod ko dahil sa boltaheng kuryente na naramdaman ko sa ginawa niya. Aba ang lakas naman nito. Para magnakaw ng halik sa akin!
"I like you," sinserong saad niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi totally mag sync-in sa utak ko yung mga sinabi niya. Pumikit ako saglit para pakalmahin puso ko pero noong dumilat ako, agad nanaman nag tama ang mga mata namin.
"I like you," sobrang bilis mag-palpitate ng puso ko. Bakit ganito? Parang kinikiliti yung puso ko sa sinabi niya.
Pumirmi ako, "huwag mo nga ako ginu-good tim-"
"Gusto kita. Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" Tanong niya sa akin.
"W-wala... Umatras k-kana nga baka makita pa tayo nila kuya b-baka kung ano pa ang isipin no'n," he chuckled.
"Sabihin mo muna na gusto mo rin ako," sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala na lang 'yon sa kanya.
"I like you," si Chase ulit.
Napasinghap ako, "bakit ba kailangan mo marinig 'yon? Hindi ba sinabi ko na kagabi?" iritang sabi ko.
"I want to hear it now that you're sober," ani niya.
"I-I like y-you," mahina na saad ko kaya napangiti siya dahil doon. "B-bilis na atras kana," utos ko sa kanya pero umiling-iling siya habang may matamis na ngiti sa labi.
"One more! Can't feel the sincerity in your voice," utos niya.
"Ang arte mo!" Singhal ko sa kanya kaya natawa siya. Damn that sexy laugh, ngayon ko lang 'yan narinig sa kanya. Is this for real?
"Pinag-ti-tripan mo na ako e'!" Napatakip yung dalawang palad ko sa mukha ko habang tumatawa naman siya.
"Come on, say it." Malambing na utos niya.
"I like y-"
"Tara na roon sa court Chase?" aya ni kuya Kris sa kanya kaya ma-agap na napa-atras si Chase, buti na lang na nasa cellphone niya yung atensyon niya kaya hindi niya kami nakita sa gano'ng position.
"O'? Mali ba pasok ko? May LQ ba kayo? Pulang-pula ka Kaylle ah?" Kunot noong tanong ni Kuya sa akin noong makita niya ako. Kaya napahalukipkip na lang ako at umiling.
"Tara Chase!" Aya ni Kuya Kris sa kanya at akbayan siya kaya napangisi siya noong balingan niya ako ng tingin.
"Are you going to come with us? Would you be my cheerleader?" Tanong ni Chase sa akin. Kaya natawa naman doon si kuya Kris.
"Iba tama mo sa kapatid ko, pero alam mo bibigyan kita ng chance para umurong pa," asar na biro ni kuya Kris kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Uhh, titingnan ko?"
"Luuh? Inarte pa 'to? Ganda ka?" Si kuya Kris kaya naman sinamaan ko ulit siya ng tingin at natawa nanaman.
"I'll wait for you there then," huling sabi niya bago siya hatakin ni kuya Kris papunta ng court. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinag mamasadan sila mag lakad paalis. Inaamin ko kasi na kinilig ako roon, kahit na medyo panira si Kuya Kris.
Nasa may kwarto ako at panay ang paglalakad ko dahil sa nangyari kanina. Napasapo ako sa may pisngi ko at umupo sa kama.
"Kumalma ka, Kaylle!" ani ko sa sarili bago hawakan yung dibdib ko na panay sa pagtibok ng mabilis.
"Ako? Ako yung gusto ni Chase!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang humandusay sa kilig.
"My goodness!" sabi ko na kinikilig-kilig pa rin. Habang nakahiga at nakatingin sa kisame, hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwa!
Inaamin ko medyo choosy pa ako kanina noong sinasama ako nila Chase doon sa court. Paano ba naman kasi, gusto ko pa mag-moment at kiligin kahit minutes lang. 'to namang si Yaya Ems kung maka-gatong parang ewan...
"Ala ay maraming babae ang didikit doon gayoong wala ka di-ne."
"Alay dapat sumama ka a."
"Dapat la-ang binabakuran mo nobyo mo-o daming may gusto di-ne kay Chase, ala ay nakita ko sila Riley at Shiela na nagpapapansin kay Chase pagbaba ng kotse," napasinghap na lang ako at iling. Kung hindi lang talaga niya ako ginatungan ng mga ganyan hindi talaga ako pupunta sa may court ngayon.
Noong makapunta ako sa court saktong naaninag ko si Chase na tumatakbo papalapit sa direksyon kung nasaan ako. Hindi ko tuloy maiwasan hindi kiligin dahil ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo man tingnan.
"Single kaya 'yon?" Turo ng babaeng 'yon kay Chase.
"Nag-aaral pa kaya siya? Saang school siya nag-aaral?"
"I heard taga Helix siya dati at lumipat sa AU?" At kung anu-ano pang mga chika nila about doon kay Chase, hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapa-irap. My goodness! Nagseselos ba ako?
Ang haharot naman kasi! Mga High school lang siguro 'to? Pero hindi rin. Medyo may mga edad na rin yung iba. Napa-halukipkip na lang ako sa may sulok hindi kalayuan doon sa mga babaeng nandoon at pinag uusapan si Chase, dahil nga napaka-face genius nga niya talaga. Napatingin naman ako sa mga nag-lalaro doon sa court at nahagilap ng mga mata ko si Chase.
"Ang gwapo talaga niya!"
"Aaah, ang fafa niya oh! Wet look!"
"Taga rito ba 'yan? Anong street niya?"
"Dayo ba 'yan?"
"Sana single na lang siya."
"Nakausap ko 'yan kanina, ang bango niya sis! He so easy to approach." Wow ha, naka-usap niya? Talaga ba? At ano? Easy to approach? Ang sungit kaya niyan!
Hindi ko maiwasan ang hindi mapa-irap for the nth time. Hindi ko kasi talaga maiwasan ang hindi mainis sa mga naririnig ko. Kinausap siya ni Chase? Hindi nga? Seryoso?
Naiinis ako kasi una may mga boyfriend yung iba na nandito. Pangalawa porket gwapo si Chase, nagkakaganyan na sila? Atsaka why don't they stick to their boyfriend at i-cheer na lang 'yong mga yun? Doon na lang sila wag na nilang naisin pa si Chase!
"Go, love cake!" Sigaw ko doon kay Chase kaya naman natahimik yung mga babae hindi kalayuan sa tabi ko. Hinanap naman ni Chase agad yung boses ko at noong nagkatinginan kami halatang gulat siya sa pag-cheer ko pero naka-recover naman din at nginitian niya pa ako, boom panis! Sorry, girls...
Hindi ko maalis ang pag ngisi ko noong napatingin ako sa mga babaeng pinag-uusapan si Chase kani-kanina lang na nakatingin sa akin ngayon. Halatang gulat na kilala at boyfriend kuno ko yung pinag-uusapan nila. "Ang galing ng boyfriend ko. Kaya love na love ko 'yon eh." Mapang-asar na sabi ko sa kanila habang naka-ngisi ng nakakaloko.
Boyfriend? Seryoso ka d'yan self? Self-proclaimed? Makabakod wagas-wagasan?
Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin na bawat na kay Chase yung bola, todo cheer ako sa kanya, na halos ikapaos pa nang boses ko. Si Kuya Kris, naman nginingisian ako kaya naman napa-cheer na din ako sa kanya para iwas tukso na rin mamaya.
Parang proud girlfriend lang talaga ako na nag-chi-cheer dito. Jusme! Bawat cheer ko naman sa kanya walang palya laging shoot! Ang galing niyang magbasketball! Nakaka-inlove!
"Go, hubby shoot that! Yes!!" Cheer ko pa rin sa kanya. Nag-two-thumbs-up pa ako sa kanya noong tumingin siya kung nasaan man ako at napa-iling habang ang lapad ng mga ngiti niya sa labi.
Lahat na ng endearment natawag ko na sa kanya kahit nga mga jeje na 'ikaw lang sapat na, bente uno walang titibag' nasabi ko na rin. At alam kong kakatyawan ako ni kuya Kris nito pagkatapos. Kaya susulitin ko na.
"What's with that cheer? Akala ko ba ayaw mo?" Kunot-noong tanong niya sa akin noong matapos ang laro nila at tabihan niya ako rito sa may bench. Nag-cheer lang naman ako pero ako ata ang mas napagod kesa sa kanya. Natambakan nila ng 30 points yung kalaban nila.
"Hindi ko sinabing ayoko. Sabi ko pag-iisipan ko. Pero uy, Chase ang galing galing mo pala mag basketball," hindi makapaniwalang saad ko. Noong maiabot ko sa kanya yung towel para mapunasan niya yung pawis na pawis niyang katawan at mukha, he's sweaty and all pero ang bango-bango niya pa rin my goodness! Actually nga pag pawis pa nga siya parang doon nangangamoy yung pabango niya.
"How come na hindi ka naging varsity player sa school? Hindi ka nag try-out?" Kuryosong tanong ko sa kanya.
"Don't like."Ikling tugon niya matapos uminom sa tumblr na dala ko.
"Sayang naman yung skill mo," sabi ko noong tumayo ako sa pagkakaupo ko at humarap sa kanya.
Iinom na nga lang ng tubig ang gwapo niya pa rin. Seriously? Wala na bang pangit dito sa lalaking 'to? Hindi ko maiwasan itanong 'yan sa isip ko habang tinititigan siya. Ang unfair lang kasi talaga. Nagtampisaw ba siya noong nagpaulan ng kakisigan, kakinisan at katalinuhan?
"Sana all may cheerleader," ngisi ni Kuya Kris.
"You will have yours too," tugon ni Chase kay Kuya Kris.
"Nako! Kawawa mauumpog niyan," bara ko.
"Whooy! Maka-kawawa ka! Si Chase nga kawawa nga na nauntog sa'yo, sinabihan ko na nga siya na pag nag back-out siya hindi ko siya masisisi." He fired back kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Natawa si Chase at inakbayan ako, "Chase sigurado kana ba d'yan pikunin 'yan." Dagdag niya pa.
"Chase o' nagagalit!" Turo sa mukha ko ni Kuya Kris kaya inirapan ko siya.
"Bwisit ka talaga kuya!" Inis na asik ko sa kanya kaya tinawan niya lang ako. Siya talaga yung magaling mang-asar na kuya ko. Buti pa si kuya Kenzo strict lang pero hindi niya naman ako inaasar ng ganito.
Noong makauwi kami agad na hinatak ni Chase yung pulsohan ko at pinaharap niya ako sa kanya, "what did you call me again? Is that our endearment?" Nakangising sabi niya.
"Chase..." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ito nanaman yung puso ko sa pag-tibok na nakakabingi.
"I love that."
"A-ano k-kasi..." Binawi ko sa kanya kamay ko at nag-iwas ng tingin pero mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya. Napakurap pa ako ng ilang beses bago matauhan sa ginawa niya.
"If you want to be selfish with me then go I will let you. You have me," seryosong saad niya kaya napalunok ako. Not knowing what to say basta ang alam ko lang napaka-bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
"Be my girlfriend, Kaylle," maingat na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko na para hini-hypnotized ako. Hindi ko inaasahang na tumango pala ako. Kaya kumunot ang noo niya.
"Anong," Sabi niya sabay tango. "Say it, that you want me too. And I'll be yours," nakangisi na ani niya. Grabe naman kailangan torture-in talaga heart ko?
"I'm waiting," si Chase na nakatingin sa akin kaya napangiwi ako.
"Sige, pero tumalikod ka!" Utos ko sa kanya dahilan kung bakit nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"For what?" Kuryusong tanong niya.
"Basta!" In the end tumalikod din siya kaya napasinghab ako.
"I like you too Chase, and uhm.." napakagat ako sa may lower lip ko, while I gesture my hands a lot.
"Oo, na sige na!" Sabi ko ko kaya napapikit ako ng mariin. Bahala na talaga!
"Payag na akong maging girlfriend mo!" Napasapo ko yung dalawang palad ko sa mukha ko para takpan 'yon, noong humarap siya. Dahil yung puso ko grabe na ang nararamdaman na para bang sasasbog na 'to while I'm confessing my feelings to him.
Ito ang first time ko at grabe pala talaga yung feeling!
Grabe hindi ko akalain na sobrang rupok ko pala talaga!