Chapter 9: Wedding Day
Rumored 9:
( Wedding Day )
Ngayon ang araw ang kasal ni Chance at Ysabelle, rito sa Hill Creek Garden dito sa Tagaytay. Everyone seems so happy maliban sa isa. S'yempre sino nga ba ang magiging masaya, kung yung ka isa-isang taong minahal mo ikakasal na sa iba?
Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak na nasa gilid ko. Nakakaburyo dahil wala akong makasama o makausap man lang. Simula kasi nang makarating kami rito ni Chase, noong Biyernes ng gabi lagi niyang kasama yung mga kaibigan niya na sina Moon, Rocky at Kaven.
Hindi ko alam kung tungkol saan ba yung pinag-uusapan nila tuwing magkasama silang apat. Pero sa tingin ko naman, sinasabihan na nila yung kaibigan nila na mag-move-on na. Dahil kinabukasan kasal na ni Ysabelle at ng kapatid niya.
Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ng maayos 'yong si Chase, dahil hindi ko siya naramdaman kagabi na pumunta sa kwarto namin at tumabi sa akin. Napangiwi ako habang pinagmamasdan yung mga ilang staffs na nasa paligid ko. Halos kasi hindi sila magkandaugaga sa pag-aayos ng event.
Garden wedding ang kasal dahil ito ang pangarap ng bride simula dati pa. Napangiti ako ng mapait at marahang umiling habang hindi ko mapigalan ang sarili ko ang hindi pumitas ng bulaklak at amuyin 'yon.
Matutupad nga ang grand wedding na pinangarap niya. Pero masaya kaya siya sa matatali na lalaki sa kanya? Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga na-i-isip ko ngayon.
Napatingin ako sa mga nagdadatingan na bisita. Mga kilala at mayayaman din gaya nila ang mga panauhin. En-grande ngunit bibilang ang mga panauhin na imbitado sa kasal na ipagdiriwang mamaya, at tanging malalapit na kaibigan at pamilya lang halos ang imbitado ngayon.
May mga-i-ilang paparazzi rin na nandito ngayon. Para siguro mag hayag ng mga nangyari para sa life style magazine next motnh issue kung saan lagi silang na fi-featured. Napalingon ako sa isang babaeng staff na kumalabit sa akin.
"Excuse me, ma'am?" Nakataas yung dalawang kilay ko nang balingan ko siya ng tingin kaya ngumiti ito at halatang kinakabahan na kausapin ako.
"Ma'am ikaw ba si, Kaylle?" Tanong niya sa akin. Naguguluhan man ako ngunit tumango ako.
"Pinapatawag kayo ng Bride, gusto ka raw niya makausap saglit," agad akong kinabahan sa sinabi niya.
Ako? Gusto makausap ni Ysabelle? Para saan? Hala! Ano ba ang ginawa ko? Gusto niya ba tumakas? What the... Ano bang pinag-iisip ko?
"B-bakit raw?" Kunot-noong tanong ko sa babae pero nagkibit-balikat lang ito bilang sagot.
Kinakabahan at naguguluhan man pinuntahan ko pa rin siya doon sa kwarto niya. Kumatok ako ng dalawang beses bago pihitin yung door knob. Sumalubong sa akin yung tatlong nag-aayos kay Ysabelle, at lumabas nang pinto noong makapasok ako sa kwarto na pinagbibihisan niya.
"Hi, gusto mo raw ako makausap?" Nakangiting tanong ko sa kanya noong makapasok ako sa silid niya.
Ang ganda talaga niya. Babae siguro anak niya?
Mukha talaga siyang Diyosa sa paningin ko. Napaka-simple lang kasi yung ayos niya at bagay na bagay sa kanya ang light make-up na nilagay sa kanya.
She is now wearing her white wedding gown, nakalugay ang kayumanggi at mahaba nitong kinulot na buhok. She's also wearing a necklace na feeling ko mamahalin.
Ngumiti ito sa may harap nitong salamin at tumango, bago lumingon sa direksyon ko.
"Ikakasal na ako," sabi niya kaya marahan akong tumango.
"Uhm, congrats and best wishes-" sabi ko dahil hindi ko talaga alam ang itutugon ko sa tinuran niya.
"I don't want to feel this way. And I don't want to be a selfish but I envy you." Diretso na pag-amin nito na kinalaki ng mata ko. Habang nakatingin sa kanya.
B-bakit naman?
"Kung hindi lang sana ako nag loko ng mga panahon na wala siya sa tabi ko, siguro kami pa rin? Siguro kami dapat ang ikakasal ngayon?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya noong makaramdam ako ng kirot banda sa may dibdib ko nang sabihin niya iyon. Gusto ko mainis sa kanya dahil sa sinabi niya pero pinakinggan ko na lamang siya.
Knowing Chase, na mailap sa mga babae? Marahil nga na siya lang ang babae niya.
Si Chase kasi yung tipo na kahit patayuin mo lang sa isang tabi, para siyang isang modelo at Prinsipe kung titingnan. Pero siya rin yung tipo na namba-busted sa mga nagkakagusto sa kanya harap-harapan. Wala siyang pakielam kung mala-Diyosa na ang kaharap niya.
He's giving you a chance naman para aminin mo yung feelings mo para sa kanya. Pero pagkatapos no'n tatalikod na siya. Sabay sabing 'I don't like you.' Or kaya naman 'leave me alone and never bother me again.'
Muli akong napatingin kay Ysabelle noong magsalita siya, "masyadong akong na-stress sa Parents ko noon. Gusto na nila akong maging isang ganap na Monteverde, lalo na at alam nila na kami ni Chase. They think na pag naging isa na akong Monteverde, mas magiging madali ang pagkuha namin ng mga clients dahil nga merged na ang kompanya namin. But then ayoko madaliin si Chase, kasi I trust him. Alam kong mahal niya ako at aabot din kami doon, pero dahil sa greed ng Parents ko sa Business, nakagawa ako ng kasalanan na pinag sisisihan ko... Dahil sa araw-araw lagi nila akong pi-ni-pressure..." This time hindi niya na napigilan ang hindi mapaluha habang nagku-kwento ng mga saloobin niya sa Parents niyang napaka-manipulative.
"Hindi ko 'to masabi kay Chase, dahil ayokong madaliin siya. Dahil tulad ko may mga pangarap din siya. Kaya 'yon, inakit ko si Chance, alam kong mali. Pero that time siya lang yung alam kong makakatulong sa akin..." Halos mag-loading din ang utak ko sa mga nalaman ko sa kanya.
"And now look magiging Monteverde nga ako pero hindi bilang asawa niya. Magiging Mommy nga ako pero hindi siya yung Daddy ng magiging anak ko. We've been dreaming about this in the past too." Kwento niya bago tumalikod sa akin para muling humarap sa malaking salamin sa harapan niya at ayusin yung mukha niya.
Napahawak ako sa may leeg ko habang pinagmamasdan siyang nakatalikod sa akin. "Hindi ko alam kung bakit mo 'to sinasabi sa akin ngayon-" napatigil siya sa pag-aayos at muli niya akong binalingan ng tingin mula sa repleksyon ng salamin.
She give me a genuine smile, yung masasabi kong sincere talaga kesa noong una naming pagkikita. "Because I want you to take care of him," Madamdaming saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nagulat ako ng lingunin niya ako at lapitan.
"Gusto ko siya ipagdamot sa iba but I know hindi naman tama 'yon. Hindi naman ako selfish eh. I want him to be happy too, because he deserves it. Kasi kahit papaano natutunan ko na rin mahalin si Chance, kaya nga pinapunta kita rito kasi gusto kita kausapin about this matter and let go." Ngumiti siya sa akin bago hawakan ang kanang kamay ko at marahang pisilin 'yon.
"Alagaan mo siya Kaylle, masakit man para sa akin na mag-let go sa lalaking tunay na mahal ko, pero siguro nga hindi talaga ako para sa kanya..." Iling na sabi niya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago muling magsalita at tumingin sa mga mata ko, "pinag kakatiwala ko na siya sayo." She added and smiled sincerely at me. Habang ako hindi ko alam ang sasabihin ko. Napatango ako sinabi niya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at pasalamatan dahil doon.
Matapos namin mag-usap ni Ysabelle, agad akong bumalik sa venue at nahagilap ng mga mata ko si Chase, na may-iilang pirasong hawak na bulaklak sa kamay niya at pinag mamasdan habang nakatayo siya rito sa may garden.
His wearing a color beige suit while I'm wearing a rose gold chiffon slit dress na binili pa ni Chase para makasama niya ako rito ngayon.
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya sa hindi kalayuan kung nasaan man ako.
He look so soft and peaceful. Pag nilapitan at kinausap mo lang talaga roon mo malalaman na he's a cold and a snob dude.
Hindi ko maalis-alis paningin ko sa kanya dahil he really do looks like a Disney Prince. Yung buhok naman niya medyo parang i-ni-straight dahil bagsak na bagsak 'to.
While his lips... Is medyo redish? Agad akong nakaramdam ng pag-init ng dalawang pisngi ko at nag-iwas ng tingin sa kinaroroonan ni Chase, nang maalala ko yung sinabi ni Zeah sa akin noong mga nakaraang araw. Pilit kong inalis sa utak ko yung mga pinagsasabi ng kaibigan kong iyon sa akin. Dahil hindi iyon nakakatulong ngayon.
Binalik ko muli yung tingin ko sa kanya at ngumiti ng pilit. Hindi ko kasi maiwasan na hindi itanong sa isip ko na bakit sa dinami-rami ng papakasalan ng kapatid niya bakit yung babaeng una niya pang minahal? Puwede namang iba 'di ba?
Kaylle, naawa ka ba sa kanya?
Oo, slight. Ang sakit kasi talaga no'n. Parang hindi ko ata kakayanin pag ganyan yung nangyari sa akin. Mahirap tanggapin.
Napapikit ako ng mariin bakit ko ba iniisip yung mga bagay na ganito? Bumuntong hininga ako bago muli imulat mata ko.
Sana in future mahanap niya yung babaeng mamahalin niya ng mas higit pa sa babaeng minahal niya ngayon at hopefully gano'n din sana sa babae na magugustuhan ni Chase.
Ilang minuto na lang magsisimula na yung kasal, kaya hindi na magkanda ugaga yung mga taong nandito ngayon.
Set na lahat at I think bride na lang yung kulang. Maganda ang naging preparation ng wedding simula sa tema na color white and pink hanggang sa mga uupuan ng mga bisita.
Puro bulaklak rin ang bawat sulok ng venue at mayroon din mga fairy lights na nandito na nakalagay sa tree branches. Samahan pa nang napaka tingkad na kulay berde na mga puno, at mabulaklak na paligid at napaka presko din dahil sa lakas nang ihip ng hangin.
The aisle is already set, walang red carpet na madadaan dahil landscape ang dadaanan ng bride at may iilan na mga petals na nagkalat rin dito ngayon.
Napapangiti na lang ako pag naiisip kong si Ysabelle, yung namili ng kulay dito sa theme ng wedding niya. She obviously loves color pink, I think? Lahat halos kasi ng klase na kulay pink makikita mo na rito sa wedding nila.
Habang inaayos na ang pila namin dahil ilang minuto na lang mag sisimula na ang kasal, agad nahagilap ng mata ko ulit si Chase na hawak-hawak pa rin yung kanina pa niyang hawak na bulaklak agad siyang naglakad patungo sa akin noong nakita niya ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang biglang nag-slow-mo noong maglakad siya papunta sa akin. Lagi na lang ako nakakaranas ng slow-mo pag lalapit siya sa akin. Hindi na talaga normal 'to,
"Kaylle," tawag ni Chase sa akin.
Napakurap pa ako ng mga ilang beses hanggang sa matauhan ako nang nasa harapan ko na ang magandang lalaking 'to.
"Can you help me to put this on me?" Sabi niya sa akin at inabot sa akin yung kulay pink na bulaklak na hawak niya. Ilang beses pa akong napakurap bago ako matauhan sa sinabi niya. Agad ko rin na amoy ang mamahaling pabango niya noong lumapit ako ng konti sa kanya.
Halos manginig kamay ko habang kinakabit sa suit niya yung bulaklak na hawak niya kanina, ano bang nangyayari sa akin? Okay naman ako kanina noong tinitignan ko siya sa malayuan, pero noong lumapit na siya doon na ako na lintekan.
Napabuga ako ng hangin noong natapos din ako sa pagkabit no'n sa kanya at agad niyang hinawakan yung dalawang nanlalamig kong mga kamay, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
"Are you alright?" Tanong niya sa akin kaya napalunok ako habang nakatingin siya sa mga mata ko.
Ano ba talagang nangyayari sa akin ngayon? Bakit hindi ko maintindihan sarili ko? Bakit parang may mali? Yung puso ko ang bilis ng tibok na kulang na lang lumipad na ito papunta sa kanya.
"I'm fine."
Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa mga kamay ko at nag-iwas na rin ng tingin sa kanya. Dahil grabe siya makatitig sa akin. Natutunaw na ako.
"You look like... A person," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ano ba tingin niya sa akin alien? Lagi na lang niya ako sinasabihan ng ganyan pag naka-ayos ako. Ang ganda ko kaya ngayon. Ang ganda ko kaya pag nakaayos ako.
Napabaling ako saglit ng tingin sa kanya na nakatingin pa rin sa akin, kaya agad kong iniwasan ang tingin niyang iyon.
"Ang gwapo mo kasi," sarkastikong puna ko sa kanya habang sa iba nakatingin. Ramdam ko ang pag-angat ng dulo ng labi nito kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"Nothing new. I'll always look good." Pag mamayabang na sabi niya. Kaya napa-iling na lang ako at hindi na siya kinontra pa, dahil totoo naman na gwapo nga siya.
Noong magsimula na ang kasal, everyone is in awe sa ganda ni Ysabelle, sa kanyang very simple yet elegant na wedding dress na suot niya ngayon. Nakita ko na siya kanina pero I still can't help to awe her beauty. Kahit na medyo malaki na tiyan niya, okay lang kasi bawi naman sa mukha.
Sana maging masaya siya.
Habang naglalakad siya sa gitna, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa katabi kong si Chase. Kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot at bigat na nararamdaman niya ngayon dahil hindi sa kanya ikakasal ang taong mahal niya.
At by that... Habang tinitingnan ko si Chase na nakatingin lang kay Ysabelle, papunta roon sa harapan parang naramdaman ko yung nararamdaman niya ngayon?
Ang sakit. Parang binibiyak puso ko sa gitna.
Noong magpapalitan naman si Chance at Ysabelle, ng mga I do's and vows agad umalis sa tabi ko si Chase kaya naman hindi na ako nag dalawang-isip pa at sinundan ko siya nang hindi niya namamalayan.
Everyone is busy watching them kaya naman hindi kami napansin ng kung sino noong umalis kami roon sa upuan namin.
Napunta kami sa may tulay na hindi gaano kalayuan doon sa garden kung saan ikinasal si Chance at Ysabelle.
Huminto ito sa paglakad at sinandal ang mga braso sa mga railings habang ang mata niya naman ay nakatingin doon sa may fishpond sa ibabaw ng tulay kung nasaan man siya ngayon nakasandal.
Nagulat ako ng hampasin niya 'yon ng kamay niya bago niya pasadahan ang itim niyang buhok. Hindi pa siya move-on at nasasaktan siya sa na saksihan niya kanina. Bakit pa kasi umattend pa siya? Pwede naman na hindi.
Kitang-kita ko rin ang malalalim na paghinga niya na para bang kung titingnan mo siya maari na siyang sumabog na kahit anong oras. He clasped his both hands, while his head are down. Alam kong suplado siya pero never kong nakita na naging ganito si Chase sa harap ko. Ngayon lang.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng lapitan ko siya kung nasaan siya at tabihan siya roon.
"Chase," matamlay niya akong binalingan ng tingin. I smiled at him but he did not do the same.
His eyes are blood shot pero hindi naman gaano. Paiyak pa lang siguro siya?
"Do you want a friendly hug?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya.
"No, I'm fine." Masungit na sabi niya. Pero dinedma ko na lang 'yon at niyakap ko pa rin siya. Alam kong natigilan siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Ako rin eh.
"The hell... You are doing?" He said in almost a whisper. And he sound like he's about to cry.
"Hindi ko nga rin alam eh, pero pwede bang wag ka na maraming reklamo?" Sabi ko habang yakap pa rin siya. Amoy na amoy ko ang bango ng perfume na ginamit niya.
"It still hurt me. Akala ko... Akala ko okay na ako, pero akala ko lang pala," he said in almost a whisper kaya mas lalo kong hinigpitan ang pag-yakap ko sa kanya.
Hindi pa nag tatagal ang pag kakayakap ko sa kanya ng bigla kong naramdaman ang mga braso niyang pumulupot din sa akin.
"Makaka-move-on ka rin, ikaw pa ba?" Pag-cheer up ko sa kanya.
I can even feel his chin on top of my head at I can feel his hot and heavy breathing too. Dahilan kung bakit ako nakaramdam ng kakaiba...
Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita habang magkayakap kami.
I can't even explain kung ano ang kakaiba na nararamdaman ko ngayon pero.... Parang... Parang may kung anong kuryente ang biglang nabuhay at dumaloy sa dugo at katawan ko?
Yung yakap niya napaka-warm at parang safe na safe ako pag nandito ako? Itong kakaibang nararamdaman ko... Parang alam ko na kung ano ito. Ayoko lang siyang kilalanin pa ngayon.
Hindi pa ako handa sa ganito. Ayoko. At alam ko na maski siya rin.
"Thank you, Kaylle, I feel much better now." Sabi niya sa napapaos na boses kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at gano'n din siya. Napa-angat ako ng tingin sa kanya at marahang ngumiti.
"You're welcome. Isn't my role here, right? Kaya ikaw dapat ikaw rin May usapan pa tayo 'di ba?"
He shrugged. "You're doing it good and about that, what if I break our agreement at hindi na kita ibigay kay Anderson?" Natigilan ako sa sinabi niya. Yung puso ko nagsisimula nanaman mag wala dahil sa narinig ko. Alam kong biro lang niya 'yon pero bakit grabe yung epekto na dulot no'n sa akin?
Agad kong pinirmi ang sarili ko. Hindi ba sabi ko kay Connor lang ako? Ano 'to self bakit ka lumilihis?
Umiling ako habang nakangisi sa kanya, "Is that a joke? A pick-up-line o ano? Baka mamaya crush mo na ako ha?" Pabiro kong saad sa kanya.
Agad naman siyang napangiti habang nakapamulsa sa pants niya at sumandal doon sa may railings ng tulay habang nakatingin sa akin.
"Bakit bawal ba? What if I am just this moment?" Seryosong tanong niya kaya hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumawa ito ng pagak. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na makita siyang tumawa ng ganyan. Ako kasi yung tinatawanan niya kaya nakakainis.
"I'm just kidding. Speechless much?" Dagdag niya kaya nakahinga ako ng maluwag doon. Pero in another side of me na na-di-disappoint?
Tumabi ako sa bandang gilid niya at humalukipkip, "bagay talaga sa'yo ang nakangiti." Puna ko habang tinitingnan siya. Kaya agad nanaman itong nagpoker-face.
"No, it didn't suit me."
"Promise. Bagay sayo," ani ko kaya binalingan niya ako ng isang seryosong tingin at humalukipkip.
"How can you say so? Ano ba itsura ko pag nakangiti ako?" Napalunok ako nang bigla niya ibaba mukha niya para maging mag kapantay mukha namin. Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa mukha niya na nakaharap sa akin.
Should I say na nawawalan siya ng mata pag ngumingiti? No, baka mabad-trip pa 'to sa akin.
Tumaas ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya, "Cute?" Hindi siguradong sabi ko kaya napa-iling siya at ilayo mukha niya.
Ilang minuto rin kaming nag-stay dito. Tahimik man kaming dalawa pero hindi naman awkward at kung mag-uusap man kami tungkol lang sa mga kung anu-anong bagay.
Hindi na rin kami bumalik pa at naki-kain sa reception kahit na gusto ko. Dahil nilibre naman ako ni Chase pagka-alis namin doon. Naiintindihan ko naman siya kung bakit. Pero sayang yung pagkain na hindi ko man lang natikman.