Chapter 9: Compliment
Rumored 8:
( Compliment )
Mag-iisang linggo nang nakakalipas simula nung nagbirthday yung Daddy ni Chase, at isang linggo ko na rin siyang iniiwasan simula noong masukahan ko siya.
Nahihiya pa rin kasi talaga ako sa kanya sa ginawa kong 'yon. Napaka sukain ko kasi talaga pag umiinom. Nung uminom rin kami nila Zeah sumuka rin ako eh.
Sobrang kabado rin ako nung umuwi ako. Akala ko papagalitan ako ni Yaya Emily at isusumbong sa mga kuya ko! Pero so far... Hindi. Ang sabi niya lang sa akin pagka-uwi ko. She trusted me, malaki na raw ako at alam niyang responsible naman daw ako sa mga ginagawa ko.
Napa-iling ako habang inaalala ko iyon. Para naman kasi talagang may ginawa ako nung mga araw na iyon! Kaya nakaka-windang lang!
"Pang ilang iling mo na iyan ha, share mo na 'yan! Nag-away ba kayo ni Chase?" Napalingon ako sa kanya bago umiling.
Kasama ko kasi ngayon si Zeah, at hindi pa rin niya alam yung totoo. Na peke lang yung relasyon namin ni Chase. Na sinakyan lang namin yung kumakalat na tsismis sa amin noon. Kaya ito. Akala ng LAHAT may girlfriend na siya at ako iyon.
"H-hindi. Wala naman kaming pinag-awayan." Tipid na sagot ko. Wala naman talaga kaming pinag awayan bukod doon sa tinanong ko kung may nangyari ba sa amin noong gabing iyon. Windang pa rin kasi talaga ako sa ginawa ko sa kanya jusko! Plus pa yung mga pinag sasabi ko pa sa kanya!
Nakakahiya ako!
Nagkibit-balikat ito bago sumipsip sa milktea niya na binili namin. "Pero alam mo infairness ang sweet ni Chase ha! Nakita ko kaya kayo sa isang lifestyle magazine for this month issue!" Kinikilig na sabi nito bago muli kami mag simulang mag lakad.
Bumuntong hininga ako at ngumiwi, "gentleman naman talaga siya..." Hindi nga lang halata kasi mas nangingibabaw yung pagiging suplado.
"Dami na siguro naiingit sayo ngayon no'? Dami mo ng bashers? Pero pak! Ikaw gusto at mahal ni Chase kaya hayaan mo lang sila ma-insecure! Ganda mo e'." Sabi nito habang kunwari inaayos niya yung buhok ko kasi natatapakan niya.
Natawa ako para kasi siyang sira.
"Kaylle, may tanong ako!" Nakataas yung dalawang kilay kong napatingin sa kanya at natigilan sa sinabi ng kaibigan ko.
"Nag-kiss na ba kayo ni Chase? Ano? Good kisser ba? Malambot ba mga labi niya? Nang hihigop ba?" Agad nag-init magkabilang pisngi ko sa sunod-sunod na tanong niya. Bunganga talaga niya kahit kailan!
Seryoso ba siya? Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at binilisan ko yung lakad ko. Kaya binilisan niya rin ang pagsunod sa akin.
"Huuuy! Kuwento ka naman!" Sabi pa niya habang natatawang sumusunod sa akin. Pinandilatan niya ako ng mata nung nilingon ko siya.
Bumuka bibig ko pero naisarado ko rin. Wala naman kasing lumalabas na salita doon kahit na gugustuhin ko. Hindi ko naman din kasi alam ang isasagot ko kaya naman napatakip ng bibig si Zeah sa gilid ko habang nakatingin sa akin.
"O. M. G! Hindi ka pa niya nahahalikan!" Bulalas niya. Napatingin yung mga ibang tao dahil sa lakas ng boses ng kaibigan kong nakasunod sa akin kaya naman napayuko ako at napahinto sa paglalakad.
"Zeah, pwede bang hinaan mo boses mo!" Singhal ko pagkalingon ko sa kanya na kinatawa naman niya!
"So, hindi pa nga talaga?!" Natatawang tanong niya kaya naman sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Seryoso nga?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Habang tuwang-tuwa sa reaksyon ko.
"Tumigil ka nga sa mga ganyang tanong mo! Isa!" Naiinis na giit ko sa kanya at binalaan ko na tumigil pero tawa lang nang tawa sa gilid ko ang gaga!
"Weak naman nito!"
"Pero uyy, tell me! Kung masarap siya humalik at kung magaling ba!?" Dagdag niya na halos ika-init nang dalawang pisngi ko. Bakit ba ganito 'to ka-wild kaibigan ko?
"Kazzeah Mae Madrigal!" Saway ko sa buong pangalan niya. My goodness. Ang wild ng kaibigan ko. Jusko! Hindi ko tuloy maiwasan na isipin yung sa kanila ni Carlo!
"Ano? Normal lang naman 'yon! Ano ka ba! Virgin mo masyado," Sabi niya habang hinawi-hawi ang kamay niya na parang wala lang 'yon. Napa-iling na lang ako at napayuko hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko dito sa kaibigan ko.
"Pero kung ako sayo? Habang boyfriend ko yung tao, susulitin ko 'yong mga labi no'n pati na rin katawan no'n," malokong bulong niya sa akin. Kaya napabuga ako ng hangin at napahilot sa sentido ng ulo ko. Binibigyan niya ako ng idea! Ayoko! Hindi ko kailangan!
Napakunot-noo ako habang tinitignan yung mga ilang studyante na kumakaripas ng takbo papunta doon sa may canteen kaya naguguluhan akong napabaling kay Zeah ng tingin.
"Anong meron?" Tanong niya sa akin kaya nagkibit-balikat ako. Aba! Malay ko ba kung anong nangyari? Alam niya naman na magkasama kami bumili ng milktea tapos nagtatanong siya sa akin?
"Tara maki-usi tayo!" Sabi nito bago ako hatakin ng kaibigan ko papunta doon sa may canteen. Itong kaibigan ko talagang ito. Pag dating sa tsismis number one.
Nakipag gitgitan pa kami hanggang sa mapunta na kami sa pinaka harapan. Nanlaki mata ko sa nakita ko, noong nakita ko si Chase na tahimik na nakaupo habang kumakain. Yung lalaki naman pinandidilatan siya ng mata at sinasamaan siya ng tingin, na para bang susuntukin na siya nito ng kahit anong oras niya gugustuhin.
"Miss ano bang nangyari?" Kalabit ni Zeah sa katabi niya na babae kaya napalingon naman ako para pasimpleng makinig sa usapan nila.
"Tinisod kasi ni Chase yung si George."
"Bakit daw?" Usiserang tanong ng kaibigan ko sa babaeng katabi niya.
"Pinag-uusapan kasi ni George at ng mga kaibigan niya yung na iisyung girlfriend ni Chase! Kaya iyon tinisod siya ni Chase mukhang narinig sila." Napalunok ako sa sinabi noong babae na kinakausap ni Zeah.
Dahil sa akin kaya siya mapapaaway? Dapat dinedma na lang niya!
Agad nginuso ni Zeah si Chase para puntahan ko. Pero napapitlag ako nang hinampas ni George yung lamesa kung saan nakaupo si Chase.
"Wala akong pakielam kung Monteverde ka! Pinahiya mo ako! Ano ba problema mong hayop ka?!" Singhal nito kay Chase. Pero nanatili lang itong kalmado na nakaupo habang kumakain.
"I think I should be the one asking you that question. Ano problema mo sa girlfriend ko?" Kalmado ngunit malamig na tugon niya sa lalaking kausap niya.
Tapos na si Chase kumain at pinupunasan niya ang gilid ng labi niya gamit ang tissue na hawak niya, habang yung lalaki naman halatang irita na sa kanya sa pagiging cool at kalmado niya. Kinakabahan akong napalunok habang pinag mamasdan sila hindi ko alam gagawin ko! Naestatwa na lang kasi talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Napangisi itong lalaki sa inis. "Problema ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko kasi napaka-angas mong hayop ka! Akala mo, kung sino kang napaka gandang lalaki para i-reject mo yung si Vanessa!!! Tapos ano?! Sino ipapalit mo?" Kunot-noong sabi nito, habang titig na titig kay Chase.
"Hindi ko naman akalain na mababaw lang pala ang taste mo!" Dagdag na turan niya habang umiiling-iling sa pagka-dismaya. Everyone starts to gossips kaya tumayo na itong si Chase.
Tama nga naman 'yon. Maganda si Vanessa tapos ni-reject niya lang?
"Ano ba sa inyo kung may girlfriend ako at hindi 'yon yung babaeng pangarap niyo dito sa AU? I'm starting to wonder bakit ba nakikielam kayo?" Kalmado pa rin na sabi ni Chase sa taong kaharap niya. Ewan ko ba! Pero ang cool niya sa paningin ko ngayon.
"And don't you like it? Ni-reject ko na nga siya para may pag-asa ka na sa kanya. Sad to know kasi wala pa rin pala," pang-asar na dagdag ni Chase sa lalaki bago mag simula maglakad.
"Ang yabang mo talaga eh, no?! Gago ka!" Sabi nito at akmang susuntukin niya na si Chase pero noong lumingon si Chase si George yung nasubsob sa sahig kaya mas lalong nagbulong bulungan yung mga tao na nandito sa canteen.
Susugod pa sana yung lalaki pero biglang inawat siya ni Connor at nung kaibigan niya, doon lang ako naglakas ng loob para puntahan si Chase sa direksyon niya. Ayokong mapa-away si Chase ng dahil lang sa akin.
"Chase wag mo na patulan! Tara na?" Anyaya ko sa kanya nung mag tama mga mata namin.
"Ang swerte naman nung girlfriend ni Chase!"
"Sana all! May boyfriend na handa makipag-away para sa girlfriend!"
I mouthed Connor a thank you kaya naman marahan itong napatango bago ko hilahin si Chase paalis dito sa canteen.
Nandito kami ngayon sa may rooftop at ni-isa walang kumibo sa amin noong makarating kami dito. Halos liparin yung buhok ko sa lakas ng hangin at ganoon din yung sa kanya. Buti nga hindi siya na sapak nung lalaki.
"Ano bang nangyari?" Panimula ko habang nakatingin sa kanya na nakatayo at nakapamulsa sa harapan ko.
"Wala..." Masungit na tugon naman niya na nasa malayo yung tingin. Habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa pants niya.
"Dapat hindi mo na lang pinatulan kung ano man ang narinig mo tama naman yung sinabi niya na maganda si Vane-"
"I don't want to hear it. You're beautiful than her," halos tumigil sa pag pintig puso ko sa sinabi niyang iyon.
Pilit kong dinededma yung huling sinabi niya pero shit lang? Compliment ba iyon o ano? Napalunok at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Heart, kalma lang.
Napabaling muli ako sa kanya ng tingin noong magsalita siya, "Stop degrading yourself dahil sa tingin mo may nakaka-aangat sayo." Dagdag na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ito nanaman yung tingin niyang nakakapanghina ng mga tuhod ko...
"P-pero totoo n-naman kasi na m-maganda siya... Kaya nga ang dami non manliligaw dito sa AU tapos ikaw ni-reject mo lang-" Napamura na lang ako sa isip ko. Bakit ba ako nauutal? Eh, nakatingin lang naman siya sa akin?
"I don't care." Masungit na sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Kaya ako na ang unang umiwas sa mga tingin niyang iyon.
Maganda si Vanessa kaya niya pantayan yung kagandahan na meron si Ysabelle. Ewan ko ba dito kay Chase bakit ayaw niya doon?
Lumabo ata mga mata niya after noong kay Ysabelle?
"Eh, ano ba ang type mo sa iisang babae?" Tanong ko sa kanya. Pero iniwas niya yung tingin sa akin at huminga ng malalim.
"Why are you asking? Are you going to apply?" What? Pinagsasabi nito?! Tinanong ko lang ganyan na agad pinag iisip niya?!
"Forget it." Iling na sabi niya bago pa ako makapag salita. "Isang linggo kitang hindi nakita. Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.
Oo, iniiwasan ko siya. Kasi nahihiya pa rin talaga ako sa kanya. Alam kong mababaw na dahilan 'yon pero bakit ba!?
Bumaga ako ng hangin at umiling, "h-hindi no'! Atsaka bakit naman?" Napatingin ako sa wrist watch ko.
"Baba na ako ah? May klase pa ako." Pag dadahilan ko.
Marahan niya akong hinawakan sa braso bago ako makalakad. Ano 'to? Bakit may boltaheng kuryente akong nararamdaman sa paghawak niya sa braso ko?
"You're bad at lying, hindi pala iniiwasan huh? Anong tawag mo dito?" Pinaningkitan niya ako ng mata. Kaya naman napangiwi ako bago magbaba ng tingin sa kanya at inalis yung mainit niyang kamay na nakahawak sa braso ko. Napapaso na ako. Ano ba!
"Nahihiya kasi ako sayo nung sinukahan kita." Pag-amin ko.
"Gusto mo ba bumawi sa akin?" He asked kaya napaangat ulit ako ng tingin.
"Paano?" He smirked.
Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy! Kung anong binabalak mo easy-han mo lang! Saka kailan mo ba ako irereto kay Connor? Mag-aapat na buwan na tayo oh!" Maktol ko sa kanya.
"Soon." Tipid na sagot niya at sumungit ulit ang aura niya. Parang kanina ang playful ng aura niya tapos ngayon ang sungit nanaman.
"Weeh? Talkshit ka naman eh!" Pahabol ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Give me time, okay?" Inis na asik niya sa akin kaya inirapan ko siya habang nakahalukipkip ako.
Gaano pa kasi katagal iyon? Ilang segundo ulit kaming natahimik kaya naman napag desisyonan ko na pumunta na sa next class ko pero sakto naman na nagsalita siya, when I'm about to talk.
He wet his lower lip using his tongue, "Come with me at my brother's wedding this week..." Hindi iyon tanong pero parang inu-obliga niya talaga ako.
Makikipagtalo pa sana ako kaso nung nakita ko yung mga mata niyang malungkot na awa ako kaya naman pumayag na lang din ako.
"Tssk. May choice pa ba ako? Ako ang alam nila na girlfriend mo eh, saka sinabihan ako ni Tita na pumunta ako," sagot ko kaya nginitian niya ako na kina-gulat ko pa noong tumingin siya sa akin.
Pang ilang beses ko na nga ba uli nakita yung ngiti niyang iyan? Sana lagi-lagi ko na lang siya makitang masaya kasi ang gwapo niyang pagmasdan.
"That's great then," sabi niya bago pumamulsa sa pants niya.