KITY'S POINT OF VIEW
"Ikumusta niyo na lang ako sa magulang niyo doon ha," ani Mamita pagkatapos niya kaming yakapin isa-isa.
"We will Mamita," Kuya Kendrick said.
Mamita turned to me, "Kity mag-aaral ka nang mabuti doon ha, mamimiss ka nang Mamita."
Pilit akong ngumiti, "Opo Mamita, I'll miss you too," paos kong turan.
For the last time, she hugged us again bago kami tuluyang umalis pasakay sa eroplano. Kumaway ako sa kanilang dalawa ni Margarita bago sila tuluyang mawala sa paningn ko. Pinasama namin si Margarita dito para may kasamang umuwi si Mamita sa mansion.
Ang plano ni Kuya ay ihahatid lang nila ako sa Manila pero hindi agad sila babalik dito sa Bicol dahil aasikasuhin muna nila ang flight ko papuntang Germany para doon na 'ko tumira kasama sina Tita Emilia at Tito Julius. Habang sinan Kuya Gideon naman at Kuya Desmond ay maiiwan dito sa Pilipinas gaya ng plano nila.
Nabago ang plano nina Tita Emilia nang mabalitaan nila ang nangyari sa akin kahapon. Ang plano kasi nila ay dito sila sa Pilipinas magpapasko pero kanina pagkagising ko ay kinausap niya ko sa phone at sinabi nila sa'kin na isasama daw nila ko sa Germany para doon na tumira. Pabor naman 'yun kina Mama at lalong lalo na sa mga kapatid ko.
Sa loob ng isang oras at sampung minutong flight namin ay ang tanging ginawa ko lang ay matulog. Binibigyan ako nina Kuya ng pagkain pero tumanggi ako. Matapos ko kasing mapadesisyunan kagabi na pumayag na umalis na lang dito ay para akong nawalan nang gana sa lahat ng bagay.
Nawalan ako ng ganang kumain, wala akong ganang maligo, at wala akong ganang magsalita as in nawalan talaga ako ng gana sa lahat. Ang tanging ginawa ko lang kagabi ay ang umiyak hindi na nga nakatulog si Margarita kakabantay niya sa akin mag-damag. Kinakabahan daw siya dahil baka may gawin akong hindi dapat gawin.
Sinukbit ko ang Gucci bag ko sa balikat ko at saka inayos ang ray-ban sunglass ko. Kakaflashdown lang ng sinasakyan naming eroplano.
Pagka-open ko ng phone ko ay sunod-sunod na nagdatingan ang mga text messages galing sa mga kaibigan ko. Wala sa sarili akong nagscroll sa inbox ko dahil baka may message din siya sa akin. Pero nang marealize ko ang ginawa ko ay gusto ko na lang kutusan ang sarili ko.
Paulit-ulit kong pinaalala sa sarili ko na hindi ko na siya iisipin pero hindi ko magawa dahil kahit ipilit ko ang mata ko ay siya pa rin ang nakikita ko. Kahit saan ako tumingin ay parang nandiyan lang siya lagi sa tabi ko. Kahit nasasaktan na ko ay paulit-ulit pa ring pumapasok sa isip ko ang ala-ala naming dalawa.
Alam ko namang hindi ko agad siya makakalimutan. Alam ko namang imposibleng hindi ko siya isipin. At man lalong alam ko namang hindi ko agad makakalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero ang hindi ko maintindihan ay umaasa pa rin ako kahit na kitang-kita ko naman wala na talaga.
Seeing River kissing Yolan makes me question his love towards me and worth of myself. Talaga bang mahal niya ko o akala niya lang mahal niya 'ko? Kasi kung mahal niya ko bakit nakahanap agad siya ng iba? Bakit pinatulan niya kaagad si Yolan? Wala pang isang araw ng mag-hiwalay kami pero may kahalikan na kaagad siya? Ganon na ba 'ko kabilis palitan?
*****
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko dito sa bahay namin sa Manila. Kakatapos lang naming mag lunch. I'm thankful that Mama and Dad didn't ask me anything about what happened yesterday when we saw each other earlier. They just asked how am I doing and then I told them that I'm good even though I am really not.
I know that they wouldn't believe me yet they didn't ask either.
Ni-lock ko ang kwarto ko dahil gusto kong magpahinga ng walang umiistorbo sa'kin. I feel exhausted and all I want to do is to rest whole day. Ayaw kong mag-isip nang mga bagay na alam kong makakasakit lang sa akin.
I went to my bed dog-tired and closed my eyes to rest. Pero natigilan ako nang paghawak ko sa bandang dibdib ko ay nahawakan ko isang bagay na tinuring kong lucky charm.
Daglian kong binuksan ang mata ko at umupo sa ibabaw ng kama ko. Hinawak ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni River nang araw na maging kami. Hinubad ko ito at tinitigan.
Mapakla akong ngumiti. Sabi ko sa sarili ko na ito ang magiging lucky charm ko pero hindi ko alam na ito pa pala ang magpapahamak sa'kin. Dahil sa kwintas na 'to ay mas lumakas ang theory ni River na ako talaga 'yung nasa scandal video. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya sa'kin na pinasadya niya pa ang kwintas na 'to sa ibang bansa para wala akong kaparehas.
Binuksan ko ang drawer ko at saka maayos na nilagay doon ang kwintas na ibinigay ni River. Kinuha ko ang bag ko at kinalkal doon ang ireregalo ko sana sa kaniya kahapon.
Nilagay ko doon kasama ng kwintas ang CD na nilagyan ko ng mga recorded na kinakanta niya sa'kin sa phone. Nakagawian ko na kasi na magrecord kapag kakantahan niya ako kapag tumatawag niya.
Sinara ko ang drawer at saka humiga sa kama ko bago muling ipinikit ang mata ko. I'm tired physically and emotionally and all I wanted to do at the moment is to sleep. I want to gain strength para maayos ako kapag tuluyan na akong umalis dito sa Pilipinas.
"GOOD morning anak," bati ni Mama sa akin pagpasok ko sa kusina.
Pilit akong ngumiti, "Morning po."
"Hindi ka na namin ginising kagabi para mag-dinner Kity alam naming pagod ka at gustong magpahinga kaya damihan mo na lang ang kainin mo ngayon para mabusog ka," ani Mama.
"Okay lang po."
Umupo ako sa usual kong pwesto kapag kumakain kami dito sa bahay namin. Pinagigitnaan ulit ako ng dalawang kapatid ko. Napaka-awkward lang ng atmosphere ngayon dito sa dinning unlike before. Walang nagtatangkang magsalita. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang natatanging ingay dito sa hapag.
Sa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan ay binasag ito ni Daddy.
"So, how's school?" Daddy asked.
"It's fine Dad. We're done with our OJT but the head recommended us to do a part-time job and they said that they'll give us a salary because they liked our performance," Kuya Kyrus uttered.
"That's good, how about you Kity?" they all turned to me.
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, "I did well, I guess."
Mama and Dad both nodded, "Good to hear that, pag butihin mo pa lalo na kapag pumunta ka na ng Germany."
"Yes, Dad."
Natapos ang breakfast namin ng maayos naman ang lahat. Ang gagawin ko ngayong araw ay mag-iimpake ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Germany. Masyadong marami ang mga gamit ko doon sa probinsiya na inimpake ni Margarita kaya ang gusto ko ay iwan ko na lang dito ang iba dahil sigurado naman ako na hindi ko magagamit ang lahat ng 'yun doon sa ibang bansa dahil iba ang temperature doon compared dito sa Pilipinas.
Tomorrow is my flight to Germany with Tita Emilia and Tito Julius. Mama told me that we have an early flight so I should wake up early. Kagabi pa sila nakapagbook ng ticket namin pero bukas pa kami aalis dahil nirurush pa ng secretary ni Daddy ang mga naiwan kong school requirements sa St. Laurent College para tanggapin ako na makapag-transfer sa ibang bansa.
Natapos akong mag empake ng alas-dose ng tanghali. Tinawag ulit ako ni Mama dahil mag-lulunch na daw. Pagkatapos naming mag-lunch ay maligo na 'ko dahil kahapon pa 'ko hindi naliligo due to tiredness that I felt yesterday.
Pagkatapos kong maligo ay inayos ko ang sarili ko. Hindi ko napapansin na masyado na palang lubog at maga ang mata ko dahil sa kakaiyak ko. Medyo namayat na rin ako hindi kagaya ng dati na tama lang ang pagkakapayat ng katawan ko. Napapabayaan ko na ang sarili ko dahil paulit-ulit kong iniisip ang ibang tao.
Kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng dresser balak ko na kasing ideactivate ang lahat ng social media accounts ko. Hanggat maaari ay gusto kong maging private muna ang buhay ko habang binubuo ko ulit ang sarili ko sa ibang bansa. I want to forget all the pain and heart breaks that I'd experienced in the Province. I want to think of myself naman muna.
Pakatapos kong mag deactivate ay pinindot ko ang gallery application ng phone ko at saka denelete ang lahat ng pictures naming dalawaa ni River. Kagabi ko pa pinagisipan ang bagay na 'to. Mahirap mag desisyon syempre pero mas pinairal ko ang utak ko ngayon kaysa sa puso ko sa kagustuhan kong makalimot.
Kung pwede ko nga lang sanang iuntog ang ulo ko sa pader ng paulit-ulit para sigurado na makakakalimot talaga 'ko pero ayaw ko namang umabot ako sa puntong sasaktan ko na ang sarili ko para lang makalimutan ang taong nanakit sa akin husto.
Ito ang una kong karanasan sa pagibig pero ganon lang ang kinalabasan. Sobra na agad akong sinaktan.
Kakababa ko pa lang ng phone ko ng bigla naman itong nag vibrate. Kinuha ko ito at saka tiningnan kung sinong nag text.
From: Ibon
Hey Kity, how are you na? I noticed that you deactivated your accounts. I miss you na, sayang kung nandiyan lang sana ako sa Pinas eh 'di sana magkasama tayo ngayon :(
I genuinely smiled upon reading her message. Agad naman akong nagreply sa kaniya. Nasa Morocco kasi ngayon si Maya dahil doon siya magpapasko kasama ang Lola niya sa mother side. Nasabi ko na rin sa kaniya ang nangyari sa akin sa probinsya. After telling her what happened she cursed River and Yolan non-stop.
Paulit-ulit rin siyang nag-sorry sakin dahil kinunsinti niya pa daw ako na patulan ko si River. But the truth was wala naman siyang kasalanan. That was my decision and it was my fault that I'd been hurt because I trusted to much. At 'yun ang natutunan kong lesson sa nagyari sa relasyon namin ni River.
Wag agad mag titiwala dahil hindi natin alam kung talaga bang pinagkakatiwalaan tayo ng mga taong pinagkakatiwalaan natin.
Kinabukasan ay alas-kwarto pa lang ay gising na 'ko. Mamayang alas-singko y media kasi ang flight namin. Dito na sa bahay natulog sina Tita Emilia at Tito Julius maging sina Kuya Desmond at Kuya Gideon. Mabuti na lang talaga ay mayroon kaming anim na guess room dito sa bahay.
Bandang 4:45 am ay tapos na akong mag-ayos ng sarili ko. Nakasabit sa braso ko ang mahaba kong coat dahil malamig pa ang hangin ngayon dahil madaling araw pa lang. Hinila ko ang dalawa kong maleta palabas ng kwarto ko. Bago 'yun ay sinara at tinanggal ko muna ang lahat ng mga ilaw at iba pang appliances sa kwarto ko gaya ng nakasanayan ko.
Pagbaba ko ay dinig na dinig ko na ang mga boses nina Mama. Ready na siguro sila.
"Eto na pala si Kity," ani Tito Julius ng mapansin niya akong bumababa sa hagdan. Sabay-sabay naman silang tumingin sa gawi ko.
"Ang ganda talaga ng pamangkin ko," puna ni Tita Emilia nang mag-beso kaming dalawa.
"Thank you po Tita," I said.
"Desmond kunin mo nga 'yung mga bagahe ng pinsan mo ilagay mo na sa sasakyan," utos ni Tito Julius.
"Yes Dad," Kuya Desmond replied in his German baritone accent voice.
"Mabuti pang umalis na tayo Emilia dahil baka malate pa kayo sa flight niyo," sabi ni Mama.
"Mabuti pa nga Kennedy, Julius sabihan mo si Gideon na ilabas na ang sasakyan."
Agad naman tumalima si Tito sa utos ni Tita. Sabay-sabay kaming lumabas sa bahay ni-lock muna ito ni Kuya Kendrick bago sumunod sa amin.
"Kuya Kyrus..." tawag ko kay Kuya na nasa unahan kong naglalakad patungo sa sasakyan.
"Hmm?"
"Aalis na 'ko hindi mo pa rin ba ako papansinin?"
Natigilan siya dahil sa tanong ko. Lumingon siya sa akin at saka tinitigan ako pagkatapos ay ngumiti niya.
"I'm sorry..." sinserong sabi niya at saka niyakap ako.
Hindi ko naman mapigilang mapaluha dahil doon.
"Nakakainis ka naman Kuya e, si Kuya Kendrick pinansin na ko tapos ikaw kung hindi ko pa sinabi wala ka talaga sigurong balak na pansinin ako hanggang sa umalis ako," sumbat ko sa kaniya.
He chuckled and messed up my hair, "I'm sorry okay? Akala mo ba talaga matitiis ka ng Kuya mo?"
"Tsk, whatever," I rolled my eyes, "Pero gusto ko ring mag-sorry Kuya kasi hindi ako nakinig sainyo."
"It's fine at least you learned kahit na tumakas ka pa rin just to come to that asshole."
Nanlaki ang mga mata ko, "You knew?"
"Yes of course, akala mo ba talaga ay ganon ka na lang kabilis na matatakas at makakabalik sa mansion? Alam ko pero pinabayaan ka lang namin para magising ka diyan sa panaginip mo."
Hindi ako nakapagsalita dahil doon. Kaya pala wala nang guard doon sa gate nung umuwi ako galing sa Bar. Ang sabi naman sakin ni Margarita ay naglibot daw kasi ang mga ito sa palibot ng mansion.
Sumakay na kami ng van. Katabi ko si Mama at Tita habang ang mga lalaki naman ay nasa likod. Si Daddy ang nagdadrive habang si Tito Julius naman ay nasa passenger seat.
Mabilis kaming nakarating sa Air Planet Airport dahil wala namang traffic. Sina Kuya Kendrick na ang nagdala ng mga gamit ko.
"Julius kayo na ang bahala sa anak ko ha. Tawagan niyo kami kung may prolema," sabi ni Daddy.
"Makakaasa ka Kuya kami na ang bahala dito kay Kity habang nasa poder namin siya," turan ni Tito.
"Maraming salamat talaga kung pwede lang sana kaming sumama ginawa na namin pero kailangang nandito pa kami lalo na't kakalipat pa lang ng pagiging CEO dito kay Gideon," ani Mama.
"Ano ka ba Kennedy kami na ang bahala dito sa anak niyo dahil alam naman naming hindi niyo din papabayaan ang mga anak namin dito."
Mama smiled and looked at me, "Anak aalagaan mo ang sarili mo doon ha. At wag kang mag-alala bibisitahin ka namin doon."
"Yes Ma," I uttered and hugged her tight. Maging sina Daddy, Kuya at mga pnsan ko din ay niyakap ko.
"Take care of yourself Kits. Maraming gago doon sa Germany ibang bansa," biro ni Kuya Kendrick.
I chortled, "Yeah I will Kuya."
"Bye Kity, take care," Kuya Gideon said.
I nodded, "Opo Kuya Gideon."
"Please let us know if you have a German boyfriend already, Kity," Kuya Desmond teased, "Ouch! What was that for?" daing niya dahil nakatnggap siya ng tatlong batok galing sa tatlo.
"For being stupid!" they said in chorus.
Umiling-iling na lang ako.
Mga baliw talaga. Though I know that I'll miss them all.