Chapter 28: My Everything
SENRI'S POV:
--
It's been a year since the incident happened and Sinji is still in the hospital. Luther decided to bring her to France for her recovery.
Malaki pala ang impact na nagagawa ng tattoo na inilagay sa batok ni Sinji, Flame at Barbara.
Flame confess everything he knows about the tattoo, all of the consequences and how to remove it permanently.
Pero sa estado ng katawan ng anak ko ay hindi siya basta-basta maiaalis agad dahil delikado ang tattoo na nailagay sa batok ni Seiji. The tattoo that implanted on Seiji is rarest one beside Sinji's tattoo. It will activate anytime if the person needed it.
Ayun sa paliwanag ni Flame, ang tattoo na ginawa niya ay isang proteksyon sa taong pinagtaniman nito pero hindi niya alam ang magiging epekto dahil sa libo-libong bata na pinagtaniman nila ng tattoo tanging si Seiji lang ang nakasurvive sa loob ng capsule.
"May nakikita ka na bang posibleng maging sagot kung paano matanggal ang tattoo sa batok ni Seiji?" tanong ko kay Gun.
Kasalukuyan kaming nasa laboratoryo ng HuPoFEL at pinag-aaralan ang dugo ni Seiji. Wala naman kaming nakikitang kakaiba sa dugo ng anak ko at sa tattoo sa batok nito.
"Negative, pare. Ang magagawa lang natin ay imonitor ang dugo ni Seiji. Maybe I can build some gadgets for Seiji and his siblings para mamonitor sila araw-araw."
"Parang kinulong mo naman ang anak ko sa gagawin mong 'yan."
"Yun lang ang tanging solusyon na alam ko. Anong gusto mo, matulad siya kay Sinji?"
Natameme ako sa sinabi ni Gun.
One year na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Sinji. Ayun kay Gun, nasa coma si Sinji at hindi namin alam kung kelan siya magigising.
Nasa France ngayon ang katawan ni Sinji at minomonitor siya ni Boss doon. Hindi ko pwedeng iwan ang HuPoFEL kahit gustong-gusto kong makita si Sinji. Maging ang mga anak ko ay hindi ko maiwan dito sa Pilipinas.
"Hindi mo pa ba susunduin ang mga bata?" untag sa akin ni Gun.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ko tinalikuran si Gun at tinungo ang pinto palabas ng laboratoryo.
Sa isang buong taon, wala akong ginawa kundi ang alagaan ang mga anak ko, pagsabayin ang trabaho sa HuPoFEL at gitarista ng banda. Noong una nahirapan ako lalo na sa mga anak ko pero dahil na rin sa suporta ng mga kaibigan ko ay nalagpasan namin ang lahat ng ito.
May mga panahong naging target si Seiji ng pumutok ang balita na anak ko siya, at nalaman sa under ground society na meron akong tagapagmana at nasa ilalim ito ng pangangalaga ng Bloodfist.
Hindi nila kayang pabagsakin ang Bloodfist kaya ang anak ko ang tinitira nila pero nagkamali sila ng binangga.
Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot yon paalis sa balwarte ng HuPoFEL. Kailangan kong sunduin ang mga anak ko na nag-aaral sa L. A University.
Ilang minuto pa ang nakalipas narating ko ang L. A University. Ipinarke ko ang dala kong sasakyan sa harap ng I. T building at ng bumaba ako ay tinitignan ako ng mga estudyante.
"Hindi ba si Senri 'yan ng BlackHand?"
"Oh my god. Ang hot niya ang ang gwapo."
"Papicture tayo?"
Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nagbubulungan, bagkus tinungo ko ang Primary school nitong university at naghintay sa mga anak ko sa waiting area ng kindergarten. May mga magulang rin na naghihintay roon pero hindi ako umimik at hinayaan silang pag-tsismisan ako.
Mula ng maipundar ni Luther ang L. A University, nagpalagay na siya ng Primary at Secondary school para sa mga tulad kong pamilyado. Dapat sa myembro lang ito ng HuPoFEL pero binuksan namin ito sa publiko para maghanap ng panibagong myembro at mabusisi ang mga ito ng maayos.
Hindi rin namin kinukulong ang mga myembro ng HuPoFEL, hinahayaan namin silang makihalubilo sa mga ordinaryong tao. Nag-aaral sila dito sa L. A University pero ang laman ng kanilang bangko ay hindi biro.
Tahimik lang akong naghihintay sa mga anak ko ng tumunog ang bell, hudyat na uwian na ang mga bata.
Tumayo ako mula sa kinauupuan kong bench at taimtim na hinihintay ang triplets ko. Maraming bata ang nagsilabasan na at sinalubong ng kani-kanilang magulang.
Napangiti naman ako ng makita si Seiji, Serin at Shin na magkakahawak kamay habang papalabas sila sa kanilang classroom.
"Daddy.." tili ni Serin ng makita ako.
Nginitian ko silang tatlo at sinalubong ng yakap.
"How's your day in school?" pangangamusta ko.
"We had a lots of friends po Daddy, then Kuya Seiji and Shin has already lots of girlfriends with s po kasi more of our schoolmate has a crush on both of them." sumbong ng anak kong babae dahilan para matawa ako.
"That's not true, Dad. Our girl classmates claiming their selves as girlfriend of mine and Shin even our schoolmates." paliwanag naman ni Seiji.
"But the other day, I saw you kissing one of our classmate."
"It was an accident."
"Enough of that, kids. You're too young for that."
"I was just kidding, Dad. Mapang-asar kasi si Kuya."
Inaya ko na ang tatlo patungo sa kung saan nakapark ang kotse ko. Nakangiting pinagmamasdan ko lang ang tatlo na nag-aasaran pa habang binabaybay namin ang pasilyo patungong college department.
"Hey, dude?" bati sa akin ni Thud ng makasalubong ko sa pasilyo ng High School Dept.
"Hello, Tito Thud."
"What's up, Tito?"
"Hello."
Bati ng mga anak ko.
"What are you doing here, Thud? I thought you were with Boss in France?" kunot-noong tanong ko.
"Babalik din naman ako sa France, may kailangan lang akong tapusin dito sa university. Pauwi na ba kayo?"
"Yeah."
"Sakto. Pwede bang makisabay? Wala akong dalang sasakyan, eh."
"Mangbuburaot ka na naman? Baka nakakalimutan mo sinira mo ang Aventador ko."
"Pare naman matagal na 'yon tsaka inayos ko na 'yon eh, upgraded pa."
Ang sarap bigwasan sa mukha si Thud dahil sa mga pinaggagagawa niya sa kotse kong napagkakamalan niyang pagmamay-ari ni Boss.
I love collecting cars, especially sports car. At yung mga latest pa ang kinukuha ko.
"Pwede kang sumabay, pero dun ka sa compartment."
"Tangina mo, Kuruzaki hindi ako kakasya dun."
Napapailing na iniwan ko si Thud pero sumunod naman ito hanggang sa marating namin ang parking lot. Naunang pumasok sa passenger seat si Thud habang ang mga anak ko ay sa likuran pumasok. Inayos ko muna ang mga bata at sinuot sa kanila ang seatbelt. Safety first for my babies.
Nang masiguro kong maayos na ang tatlong bata, pumasok na ako sa driver seat at sinuot ang seatbelt matapos kong maupo. Agad kong pinaandar ang sasakyan at minaneho ito paalis sa grounds ng L. A University.
Gusto ko sanang tanungin si Thud kung kamusta si Sinji pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Parusa sa akin ang hindi pagpunta sa France dahil na rin sa pagbabanta ni Boss Luther. Ang sabi niya sa akin noon, pwede kong makita si Sinji kung gugustuhin ng kapatid niya. Alam ko naman na ginagawa ni Boss ang lahat para sa kaligtasan ng kapatid niya kaya hindi na ako umangal pa ng dalhin niya si Sinji sa France.
Pagkarating namin sa HuPoFEL ay agad akong bumaba at pinagbuksan ng pinto ang mga bata. Sila na mismo ang nagtanggal ng kanilang seatbelt at nagsitakbuhan papasok ng HuPoFEL at iniwan ang mga school bags nila sa kotse ko.
Napatingin na lang ako sa mga anak kong nasobrahan sa kakulitan bago binitbit ang mga bag nila papasok ng HuPoFEL.
"Anong feeling magkaroon ng triplets na hinati sa mukha niyong dalawa ni Sinji?" untag sa akin ni Thud.
Akala ko pumasok na siya sa loob ng building kaya napatingin ako dito bago ko muling ibinaling ang atensyon ko sa mga batang nag-uunahan para makapasok sa elevator. Nakasalubong pa nila si Cold na kakababa lang mula sa control room ni Rent at may dala itong folder.
"Ayos lang naman. Kahit namimiss ko si Sinji, araw-araw ko namang nakikita ang mukha niya dahil sa triplets."
"Paano kung hindi ka na balikan ni Sinji? Kung ako 'yan di kita gaganunin."
Binatukan ko si Thud dahil sa kalokohan niya.
"Gagu! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!"
Umalingawngaw sa ground floor ang halakhak ni Thud hanggang sa makapasok kami ng elevator.
Minsan talaga sinasapian ng kasaltikan si Thud.
"Maghanap ka na rin kasi ng girlfriend para naman may mapaglibangan ka." sabi ko matapos kong pindutin ang 8th floor kung saan naroon ang opisina ni Luther.
"Basted nga ako kay Sinji at Kastiel, sa tingin mo maghahanap pa ako kung dalawang beses na akong nasaktan?"
Si Kastiel ay kasal na kay Reiden Grei at may isa silang anak. Grabe rin yong pinagdaanan ni Kastiel at Reiden.
Si Perth naman ay abala sa paghahanap kay Ernaline ng malaman naming buntis ito. Wala na rin akong balita sa kanila, maging ang BlackHand ay nanatili muna sa likod ng spotlight at camera.
Ang bilis lang ng panahon, hindi ko akalain na ang trabaho namin bilang assassin at mafia ay mauuwi sa matiwasay at masayang pamilya.
"Ulul. Maling babae kasi tinitignan mo."
"Whatever. Wala pa sa utak ko ang magkaroon ng girlfriend. Isa pa marami akong kailangang gawin sa France at kailangang maunang mag-asawa ni Gun bago ako. At nga pala plano kong gumawa ng booth camp."
Kumunot ang noo ko.
"Booth camp para saan?"
"Hindi ka kasi updated, sikat ngayon ang mobile game na ginawa ko at nakarating na 'yon sa iba't-ibang panig ng mundo bilang e-sport. Binubuo 'yon ng limang tao para idepensa ang tower sa base nila. Magkakaroon nga ng kompetisyon sa Bali, Indonesia sa susunod na buwan at balak kong sumali dun."
Umangat ang kaliwang kilay ko dahil hindi ko masundan ang sinasabi ni Thud. Hindi rin naman ako mahilig sa mobile games dahil mas adik ako sa pangongolekta ng kotse.
"Goodluck for that." yon na lamang ang nasabi ko ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa 8th floor na kami.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nagsitakbuhan ang mga bata at nagulat ako sa sinigaw nila.
"Mommy..." malakas na sigaw ni Serin, Seiji at Shin.
Umangat ang paningin ko mula sa pinto ng elevator at nakita ko ang isang bulto ng babaeng matagal kong hinintay.
Humakbang ang mga paa ko palabas ng elevator, ang tanging nakikita ko lang ay ang nakangiting mukha ni Sinji nang salubungin niya ang mga anak namin.
"Hello, babies."
Tila isang musika sa aking pandinig ang boses ni Sinji na isang taon kong hindi narinig. Lalong gumanda ang kutis niya at lalong humaba ang buhok. Pero ang mga mata niya ay hindi na nagbago - nanatili itong golden yellow na parang sa pusa.
"W... wife." mahinang tawag ko.
Umangat ang mukha ni Sin sa akin at bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa anak namin at tumayo mula sa pagkakaluhod para harapin ako.
"Hindi ka ba masaya na bumalik ako?" aniya.
Umangat ang kamay ko at dumapo yon sa pisngi ni Sin. Ramdam ko ang init ng kanyang mukha. Hindi ako nananaginip lang.
Dahan-dahan kong inilapat ang aking noo sa noo ni Sin at hinila ang bewang nito para mayakap ko.
"I am not dreaming right? You're here."
"Picture ko lang 'tu, Love."
Tuluyan ko ng niyakap ang katawan ni Sin at isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. I missed her so much.
I missed her voice.
I missed her scent.
I missed everything about her.
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Sin pinakatitigan ko ang mukha at katawan nito. She's wearing a backless black dress - walang kahit anong bahid ng peklat mula sa balang natamo nya mula sa kamay ng tauhan ni Flame.
"Picture ko nga lang tu, Love. Huwag mo masyadong pakatitigan at baka matunaw."
Natawa ako dahil bumalik ang dating Sin na pilya at palabiro.
Natinag ako ng may tumikhim sa likuran ni Sin kaya napatingin ako dito at nakita ko ang bulto ni Boss Luther na nakatitig sa amin.
"What a surprise, Kuruzaki."
Napangiwi ako sa inaasta ni Boss.
"Ano na naman bang trip mo sa buhay? Sinunod ko naman ang gusto mo." mapaklang wika ko kay Boss.
Nagkibit-balikat lang si Boss at nakapamulsang nilagpasan kami ni Sinji pero agad itong huminto ng nasa tapat na ito ng mga bata.
"You can have her all you want, Kuruzaki but let me keep this kids after your marriage."
Nagkatinginan kami ni Sin.
"Kailangan pa ba 'yun, Kuya?"
"Everything is set, Princess. You'll both decide for it or I will make Hyuga destroy them. Choose?"
Nagulat ako ng biglang tumili si Sinji at tinalon ang distansya nilang magkapatid at dinamba ng yakap si Boss Luther at kulang na lang ay magpakarga si Sinji.
"Oh my god, for real Kuya? Akala ko ba magbabakasyon lang kami dito?"
"Nah. You'll stay here with your Husband and your kids. Also, I want your assistance to manage HuPoFEL and other stuff around my territory."
"OMG. I love you, Kuya."
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang magkapatid.
Sa tagal naming magkakilala at magkasama ni Luther, hindi ko nakita ang ngiti sa mga mata niya kahit kailan. Pero dahil sa presensya ni Sinji at ng mga anak ko, unti-unting nabibigyan ng kulay ang madilim na mundo ni Boss.
Wala na akong mahihiling pa bukod sa buo at masaya naming pamilya. Ang gusto ko lang ay sana mahanap ni Boss ang katahamikan at masaganang buhay kasama ang sarili niyang pamilya. Pero sa tingin ki nagsisimula pa lang ang totoong istorya ni Boss.
"Tumabi nga kayo, hahara-hara kayo sa daan." basag ni Sav mula sa opisina ni Boss. May dala itong malaking karton na naglalaman ng mga dokumento.
"Where do you think you are going, Hyuga?" usisa ni Boss matapos humiwalay sa yakap kay Sinji.
"Uuwi na ako, tutal tapos na ang trabaho ko dito." akmang hahakbang na si Sav paalis nang pigilan ito ni Boss Luther sa braso.
"This is your home."
"Feeling mo naman. May sarili akong bahay, kaya bitawan mo ako."
Kumunot ang noo ni Boss na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sav.
"Sa tingin ko may kalalagyan si Kuya Luther pag pinatulan niya ang bespren ko." bulong sa akin ni Sin kaya napatingin ako dito bago ko ibinalik ang atensyon ko kay Boss at Sav na nag-aaway na.
"Mukhang may kalalagyan nga."
Iniwan na namin ang dalawa at inaya ang mga anak namin para makakain na kami ng tanghalian. Wala na akong pakialam sa paligid ko, basta ang alam ko lang masaya ako dahil bumalik na si Sinji sa piling ko at sa mga bata.
The missing piece in heart already found it and the missing melody of my own song already found its rhythm with love of Sinji, Seiji, Serin and Shin - my family, my everything.