Chapter 27: Confrontation

SINJI'S POV:

--

NAGPUPUYOS ang dibdib ko sa galit ng makita ang bulto ni Flame sa tulay kung saan kami nagtatago noon. Hindi nga ako nagkamali na dito ko siya makikita.

"Na saan ang anak ko, Flame?" nanggagalaiting tanong ko at hindi ako nagdalawang-isip na ibato kay Flame ang helmet na hawak ko.

Hindi man lang umilag si Flame at buong puso nitong tinanggap ang helmet na hawak ko. Bumaba ako mula sa motor at nilapitan siya.

"Ganyan ba talaga ang pagbati mo sa akin bilang kapatid mo, Sinji?"

"Hindi kita kapatid kaya ibigay mo sa akin ang mga anak ko."

Flame burst into laughter.

"Isang bansot nga pala ang tingin mo sa akin noon, Sin. Bakit ko nga ba nakalimutan na puro salita lang ako sa paningin mo?"

Flame smirked at me and held my arms tightly. "Ito na ang bansot na minamaliit mo noon Sinji, ang bansot na nagawa ang lahat ng makakaya niya para lang mabigyan ng bahay ang mga batang inabandona mo noon. Ang bansot na minahal kang patago para lang mapanatiling kasama ka hanggang dulo. Ang bansot na gagawin ang lahat para sa ikaliligaya mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Flame at hindi ko inaasahan ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig.

Bago pa man ako makasagot, hinila ako ni Flame papunta sa ilalim ng tulay. Isang madilim na daanan ang aming tinahak. Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang kweba sa pinakasulok nitong tulay at nakita ko ang iba't-ibang aparato tulad ng kapsula na nakita ko noon sa bahay-amponan. Nagkalat rin ang mga tauhan niyang armado at ang mga bangkay ng mga bata na hindi nakayanan ang parusa sa loob ng kapsula.

"Ano ang ibig sabihin nito Flame?" bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Flame at binigyan ito ng mabagsik na tingin.

"Gaya ng ipinangako ko, binigyan ko ng pagsisilungan ang mga batang kasama natin noon. Binigay ko sa kanila ang malinis na tirahan, mga masasarap na pagkain, at isang bahay na masisilungan tuwing umuulan. Pero ang tulay na ito ang naging sandigan ko para mabuo ang mga pangarap na 'yon."

"Nakikita mo ang mga taong nakasuot ng puting lab gown? Lahat sila dinanas ang kapsula, ikaw, ako pati si Carmela. Ipinagpatuloy ko ang gawain na nasimulan ni Mother Elise sa ampunan. Noong mga panahong nawala kayo ni Carmela, bumalik ako sa amponan para pag-aralan ang pag gawa ng kapsula. Hindi naman ako nabigo ng makilala ko ang isa sa mga scientist na nagtrabaho noon sa basement. Nang maibigay niya sa akin ang tamang proseso ng kapsula, ang dahilan ng tattoo at kaugnayan nito sa atin, agad ko siyang pinatay dahil hindi ko kailangan ang isang tulad niya. Unti-unti kong binuo ang kapsula gamit ang pagnanakaw sa mga taong mayayaman. Dinungisan ko ang kamay ko para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga batang kasama natin sa ampunan at hindi naman ako nabigo. Napagtapos ko silang lahat sa malalaking antas ng edukasyon at heto sila ngayon, tinutulungan ako sa pagpapalawak ng eksperimento na sinimulan nina Mother Elise noon."

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Hindi na siya ang Flame na kilala ko noon. Mukhang nilamon na siya ng paghihiganti, galit at poot sa ampunan at kina Mother Elise na naging dahilan kung bakit nabubuhay pa rin kami dito sa mundo. Wala na rin ang bahid ng sunog sa kanyang mukha noong onse-anyos pa lang kami. Ibang-iba ang Flame sa ngayon kesa sa kasabay kong lumaki noon.

Lumabas mula sa isang kwarto ang isang babae na kilala ko na noon pa man. Pero hindi ko akalain na pagtatagpuin ang landas naming dalawa.

"Barbara?" wala sa sariling tanong ko.

"Carmela Barbara Sandoval, Sinji. Ako ang babaeng nangbully sayo sa school noon at ako rin ang babaeng naging dahilan kung bakit mo iniwan si Kuruzaki. Ang sakit diba?"

Ramdam ko ang lamig ng boses ni Carmela at ang hinanakit nito sa akin.

"Anong nagawa kong kasalanan para gawin niyo ito sa akin? Hinayaan ko kayo sa gusto niyong mangyari pero ang idamay ang mga anak ko ay ibang usapan na 'yon. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang pamilya ko!" Naikuyom ko ang sarili kong kamao at nagpipigil ng galit hanggat kaya ko.

Tinuring ko naman silang pamilya pero hindi ko akalain na sa hinaharap ay sila mismo ang makakasagupa ko.

"Nagawa mong kasalanan? Iniwan mo kami sa ere na dapat ay sama-sama nating haharapin pero sumama ka sa mga myembro ng HuPoFEL ng iligtas nila tayo mula sa auction na 'yon. Tuluyan mo na kaming kinalimutan, samantalang ako, hinanap ko si Flame para ipagpatuloy ang pangarap nating tatlo."

"Pangarap niyo lang 'yon--" naputol ang sasabihin ko ng dumapo ang palad ni Carmela sa pisngi ko.

Nawala ang emosyon sa mukha ko ng muli kong iharap ang mukha ko sa kanila.

Napaatras si Carmela ng makita ang mukha kong nagbabadya na ng dilubyo.

"Ito ba ang gusto niyo?" tanong ko kay Flame at Carmela na may halong diin at pagbabanta.

"B.. binabawi ka lang namin sa dapat mong paglagyan! Ano? Ikaw lang may karapatan ng tahimik na buhay? Gusto rin namin ng katahimikan pero itong letseng tattoo na ito ang nagdala dito sa amin Sinji kaya hindi mo kami masisisi kung nagawa man namin ito. Gusto lang namin na bawiin ka para mabuo ulit tayong tatlo." sagot ni Carmela.

"Mali ang sagot mo. Unang-una hindi ko pinangarap na mapabilang sa hinaharap na gusto niyong mabuo, pangalawa hindi ako kailanman sumang-ayon sa plano ninyo at pangatlo, walang nagmamay-ari sa buong pagkatao ko, kundi ako lang mismo!"

Pinakawalan ko ang isang suntok sa mukha ni Carmela at isang sipa sa tagiliran ni Flame dahilan para tumilapon ang dalawa sa dalawang kapsula na walang laman.

Naging alerto naman ang mga tauhan ni Flame at Carmela at agad itinutok sa akin ang hawak nilang baril, pero hindi yun dahilan para gumapang ang takot sa akin. Wala pa sa kalahati ang baril na itinututok nila sa akin kumpara sa pinagdaanan kong hirap sa HuPoFEL. Hindi isang baril ang magpapasindak sa issng Sinji Natividad na may dugong Bloodfist.

"Hindi ako nabuhay sa mundong ito para maging laruan ng mga taong tulad ninyo. Isa akong Bloodfist at ang dugo na 'yon ang dumadaloy sa akin. Nagkamali kayo ng binangga at sisiguraduhin kong habang buhay niyong pagsisisihan na ginulo ninyo ang tahimik kong mundo."

Humakbang ako palapit kay Flame at hinablot ito sa kwelyo bago ko itinayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

"Na saan ang mga anak ko?"

Flame smirked at me. "Hinding-hindi mo na makukuha pa ang mga anak mo!"

Inipon ko ang lahat ng lakas ko sa kamao ko at pinadapo yon sa matigas na mukha ni Flame. Muling tumilapon ang lalaki at bumangga ang likod nito sa mga aparato.

Yung mga nakaputing lab gown ay nanunuod lang sa pagwawasak ko sa laboratoryo nila na binuo ni Flame. Wala akong pakialam kung pagtulungan nila ako, ang gusto ko lang ay mabawi ang mga anak ko at siguraduhing nasa ligtas sila.

In just a split second, I can feel the heat from my tattoo on my nape. The wings beside the house is already evolving like they want to flap their wings.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, ang gusto ko lang ay mabawi ang mga anak ko mula sa kamay ng mga siraulong ito.

Ang tanging narinig ko na lamang ay isang malakas na pagsabog at ulan ng bala papunta sa pwesto ko.

SENRI'S POV:

--

AS what Luther said, I followed Sinji's motorcycle and I found it over the bridge. Pagdating ko doon ay tanging motor na lamang ang nakita ko sa tulay.

Bumaba ako sa kotseng kinalulunaran ko at napasipa sa kawalan ng halughugin ko ang paligid pero wala akong nakitang bulto ni Sinji.

"Damn it. Where are you, Sinji?" napasabunot ako sa sarili kong buhok.

I was about to go back inside my car when my phone rang. I immediately pick it up from my pocket and I saw Rent face on my screen. I tap the answer button and answer Rent's call.

But Saviel's face appear on the screen.

"Did you find her, Senri?" she asked.

"No. Motor na lang ang nakita ko dito sa ibabaw ng tulay at hindi ko makita ang bulto ni Sinji."

"Malapit na ang Elite members at Bloodfist, Senri. Hintayin mo na lang sila bago mo halughugin ang buong lugar. Papunta na rin ako dyan."

"Paano kung nasa panganib si Sin?"

"Kumalma ka muna Senri. Bloodfist ang dugo ng girlfriend mo kaya malamang hindi maiiwasan ang panganib na sinasabi mo. Hintayin mo ako at pupunta ako dyan."

Natinag ako ng makita ang sandamakmak na ilaw ng kotse at motor. Bumaba mula sa sarili nilang sasakyan si Thud, Gun, Calvin, Cassius, Trev, Reiden at Perth kasama ang iba pa naming Elite members.

"Na saan si Sinji, dude?" bungad sa akin ni Thud ng makalapit ito sa pwesto ko kung saan naroon ang motor ni Sinji.

"Halughugin niyo ang buong lugar Thud." rinig kong sabi ni Sav mula sa tawag.

Bago pa man ako makasagot ay isang kotse ulit ang humaharurot palapit sa lugar kung saan kami naroon. Nang huminto ang sasakyan, bumaba ang nagmamay-ari nun at bumulaga ang bulto ng taong nirerespeto naming lahat at kinikilalang Boss ng HuPoFEL at Bloodfist.

Si Luther Aqueros Bloodfist.

Ramdam ko ang mapanganib na awra sa bulto ni Luther at alam kung delikado ang mangyayari pag hinayaan naming magalit ng husto si Boss.

"B.. boss, kaya na namin tu." Gun said when he approach Luther pero tinignan lang ito ni Boss ng pailalim.

"Do you think I can sit freely inside my office when my sister and my niece are all in danger? Do you think I will let this slip in my fingers when I know I can end their lives?"

Natameme kaming lahat sa sinabi ni Boss.

"Lutlut, bumalik ka dito!" mariing utos ni Saviel kay Boss pero hindi nakinig ang lalaki.

"Halughugin niyo ang paligid at hanapin niyo si Sinji." mariing utos ni Boss Luther. Hindi na kaming nagdalawang-isip pa na halughugin ang buong area malapit sa tulay.

Gun and I follow Luther while the others are looking for Sinji.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng maramdaman naming umuga ang paligid at nakarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa ilalim ng tulay.

Nagkatinginan kami ni Gun at pinakiramdaman namin si Boss Luther.

Kunot noong sinilip ni Luther ang ilalim ng tulay pero madalim ang paligid. Walang isang salita na tinalon ni Luther ang tulay ng hindi man lang sinigurado kung tubig ba o bato ang babagsakan niya.

"Boss?" sabay naming sigaw ni Gun dahilan para mapunta ang atensyon sa amin ng iba pang myembro.

"What the fuck is he thinking?" naiiritang sabi ni Reiden bago sumunod kay Luther.

"Ay gagu, magkaibigan nga sila parehong wala sa hulog ang utak." komento naman ni Trev bago sumunod kay Luther at Reiden.

Napapailing na lamang kami ni Gun at binigyan ng insteuctions ang Elite members bago sumunod na rin kila Luther. Bumungad sa amin ang madilim na tunnel ng tulay kaya naman binuksan ni Gun ang dala niyang flashlight.

Nasa unahan namin sila Luther, Reiden at Trev na nakikiramdam sa paligid at nakapamulsa pang nagmamasid na parang gumagala lang sila sa isang museyo. Pero natinag kami ng muli kaming makarinig ng pagsabog at tunog ng baril kaya naman dali-dali naming tinungo ang hangganan ng tunnel.

At sa hindi inaasahan, nadatnan namin ang isang laboratoryo na wasak, mga batang wala ng buhay. Mga taong nasa loob ng isang kapsula na pilit ipinaglalaban ang kanilang buhay.

At si Sinji na hawak si Flame habang tumatawa at naliligo sa sariling dugo si Sinji dahil sa tama ng bala.

Sa galit ko, lumapit ako kay Flame at ako na mismo ang nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha nito hindi alintana ang mga armadong lalaki na nakapalibot kina Sinji at Flame.

"Gagu ka! Na saan ang mga anak ko!" sigaw ko dito matapos kong suntukin sa mukha si Flame.

Hinila ko si Sinji sa likuran ko para protektahan siya sa pwedeng gawin ni Flame.

Napahawak si Flame sa kanyang mukha na nasaktan mula sa pagkakasuntok ko.

"Sa tingin mo ba kilala ka pa ng babaeng inililigtas mo ha, Kuruzaki? She's already dead."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Flame at nilingon si Sinji.

Malayo siya sa Sinji na nakilala at minahal ko.

Sinji's shirt is torn apart and her face covered in blood. Her eyes turn into golden orb like a cat.

"W.. wife?"

Umalingawngaw ang halakhak ni Flame sa buong lugar.

"Sinji activated her own tattoo without noticing it, Kuruzaki. Any minute from now, she will be gone... forever."

Hindi ko pinansin si Flame, bagkus ay hinawakan ko ang mukha ni Sinji.

"Wife, si Senri tu. Kilala mo naman ako diba?" pagmamakaawa ko kay Sinji.

Her face is blank and her eyes covered in anger.

Suddenly, Luther approach us and smack Sinji's neck to let her sleep for awhile.

"Gagu! Anong ginawa mo sa kapatid mo?" bulalas ni Gun nang saluhin ko ang katawan ni Sinji nang mawalan ito ng malay.

Gusto kong murahin si Luther sa ginawa niya kay Sinji pero nakita ko sa mga mata nito ang awa at sakit dahil sa nangyayari sa kapatid niya. Nawala ang galit na namumuo sa loob ko ng makita ang emosyon sa mga mata ni Boss Luther. Napakahirap rin sa kanya na makita ang sitwasyon ng kapatid niya dahil sa katarantaduhan ni Flame.

"Where are the kids, Flame?" mahinahong tanong ni Boss kay Flame.

Flame's laughter covered all over the place.

Binigay ko kay Gun ang katawan ni Sinji para matignan ito bago hinarap si Flame at tumayo sa tabi ni Boss Luther.

Nakapamulsang umayos ng tayo si Luther at tinignan ng pailalim si Flame dahilan para matigil ito sa pagtawa.

"Do you think HuPoFEL is like a tiny ant you want to beat ang crash? You're wrong Flame Hutsenburg. I build HuPoFEL to protect those people who suffered from pain and agony and now I know the importance of my people because of what you've done." gumuhit ang ngisi sa mukha ni Luther dahilan para mawalan ng kulay ang mukha ni Flame.

Kahit na sinong baguhan sa Elite ay hindi nila nakitang magalit si Boss Luther sa mga taong bumabangga sa kaniya, sa HuPoFEL at sa Bloodfist. Ito ang unang beses na masasaksihan nila ang bangis ng isang Bloodfist.

Sa isang iglap, umigkas ang kamao ni Luther at dumapo ito sa panga ni Flame. Nakarinig kami ng malakas na pag crack mula sa buto ng mukha ni Flame dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

"I wanna hear you beg for your life if you won't let the kids out in five seconds, Hutsenburg."

Sabay-sabay kaming napangiwi ng tapakan ni Boss Luther ang braso ni Flame, panibagong tunog ng butong nabasag ang narinig namin.

Gusto ko sanang umalis mula sa kinatatayuan ko kaso isang Luther Aqueros Bloodfist ang nagpaparusa sa mga taong gumugulo sa tahimik naming mundo at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Pupusta ako ng isang milyon pag isinuko niya ang buhay niya kay Luther." rinig kong saad ni Trev kaya napalingon ako dito. Ngumunguya na ito ng bubble gum at naglabas ng tseke mula sa kanyang bulsa.

"I'll go with two million for his life ended." Reiden Grei.

"Tangina! Babaan niyo naman pusta niyo, hindi ako makaporma!" reklamo naman ni Thud.

"Wanna bet?" Reiden

"Simulan niyo sa fifty thousand bago kayo mapunta sa isang milyon. Mamumulubi ako niyan, ang duduga niyo porket may-ari kayo ng naglalakihang kompanya." Thud

"Mga gagu!" napapailing na lang si Calvin dahil sa kalolohan ng tatlo.

Hindi ko alam kung tama bang pagpustahan ang buhay ng isang tao mula sa kamay ni Luther, pero nagtitiwala ako kay Boss na hindi niya kayang patayin si Flame.

"Your life is on the bridge of hell, Hutsenburg. Where is Seiji and Serin?" sinipa ni Boss Luther ang dibdib ni Flame dahilan para sumuka ito ng dugo.

Pakiramdam ko ako 'yong nasasaktan sa ginagawa ni Boss. Kaya minsan kapag may misyon kami at siya mismo ang nagpaparusa, parusa rin sa akin ang makita ang mga taong dinadanas ang impyerno mula sa kamay ng isang Bloodfist.

Natigil kami ng makarinig kami ng putok ng baril. At sabay-sabay kaming napalingon sa isang babaeng nakataas ang kamay habang may hawak itong baril.

It was Barbara.

"Bitawan mo si Flame, Bloodfist o tatapusin ko ang buhay ng mga batang ito!" itinutok ni Barbara ang baril sa isang capsule na bumubula sa loob at may laman itong dalawang bata na hindi namin maaninag kung mga anak ko nga ba sila.

"Andito po sila Boss." sabay-sabay kaming napalingon kay Perth at Cassius na karga ang dalawang bata na carbon copy ng aking mukha.

Mula sa kinatatayuan ko, binaybay ko ang distansya nila Perth at kinuha sa bisig niya ang anak kong babae. Kitang-kita ang pamamaga ng kanyang mata dahil sa kakaiyak habang si Seiji naman ay walang malay at tila isinabak ito sa matinding parusa.

Sa isang iglap, biglang umulan ng bala dahilan para mapayuko kaming tatlo nina Perth at Cassius para protektahan ang mga bata.

"Shit! Wala tayong dalang armas." rinig kong reklamo ni Thud.

Pero ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang katawan ni Boss na tadtad ng bala pero nanatili itong nakatayo habang nakatitig ng pailalim kay Barbara na nakatutok ang baril sa kanya.

"Ay tarantado, hindi siya bullet proof." lumabas mula sa pinagtataguang capsule si Trev at lumapit kay Luther na nananatiling nakatayo sa harapan ni Flame at Barbara.

"Kailangan mo ng umalis, Boss. Hindi ka bullet proof." naiinis na sabi ni Trev kay Boss Luther. Maging ako ay naiinis dahil sa inasta niya.

Muli kong binalik ang anak ko sa bisig ni Perth para protektahan ito at lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at saka lumapit sa kinaroroonan nina Trev at Luther.

"Tsk! Are you out of your mind?" bulalas naman ni Reiden na naunahan pa akong makalapit.

"Boss." tawag ko pero hindi man lang natinag si Luther.

Sa isang iglap, hinugot ni Luther ang baril na nasa kanyang tagiliran at isa-isang pinaputukan ang mga armadong lalaki. Sa bilis ng pangyayari, hindi sila nakakilos agad. Maging kaming mga tauhan ni Luther ay hindi nakagalaw ng isa-isang bumagsak ang mga tauhan ni Flame.

Itinutok ni Luther ang baril na hawak niya ng muli niya itong palitan ng magasin sa mukha ni Flame.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Flame at Barbara sa mga titig na ibinibigay sa kanila ni Boss Luther.

"Tss. Bind them and bring them to the infinity room. Let my hyena welcome them when we go back to HuPoFEL." utos ni Boss Luther sa mga tauhan namin ng makita niyang ayos lang ang mga bata. Pero sa lagay niya ngayon, mukhang hindi siya maayos dahil dumadaloy ang dugo niya sa katawan na tadtad ng bala.

Dinakip nina Trev si Flame at dinala ito palabas ng laboratoryo kasama ang ibang mga taong nandoon sa facility. Maging ang mga bangkay ng bata ay isa-isa ng inilalabas mula sa impyernong yun.

Cassius and Perth silently approach Luther while holding the kids.

"Anong gagawin natin dito sa laboratoryo, Boss?" matapang na tanong ko kahit alam kong hindi pa humuhupa ang galit ni Luther.

"Burn them to ashes."

Nagkatinginan kami nina Cassius, at Perth bago niya ibinigay sa akin ang anak kong si Seiji na agad kinuha ni Luther para buhatin.

Si Gun naman ang bumuhat kay Sinji palabas ng laboratoryo na 'yon.

"Tangina hindi man lang ako pinagpawisan." rinig kong reklamo ni Thud habang ginagapos ang ibang mga natirang buhay sa loob ng laboratoryo.

"You owe me a million bucks, Montenegro." Trev.

"Whatever." Reiden Grei

"Balato mo sa akin, Blas huwag mong kalilimutan." Thud

"Wala kang pinusta, Thorndike kaya manahimik ka." Trev

"Aba! Gagung ito napaka-kuripot." Thud

Napahilamos na lang ako sa sarili kong mukha. Pero nagulat ako ng maramdamang gumalaw si Serin mula sa pagkakakarga ko.

"Papa?" tanong nito habang nakatitig kay Luther ng makalabas kami mula sa laboratoryo nitong tulay. Papasikat na rin ang araw kaya kailangan naming malinis agad ang area na ito bago pa may makakita sa aming sibilyan.

Luther reached Serin's head and patted her.

"You okay? Did something bad happen while you're inside that lab?" mahinang tanong ni Luther.

Iniupo ko ang bata sa ibabaw ng hood ng kotse ko at umupo sa tabi nito, maging si Luther ay umupo din sa hood ng kotse habang karga pa rin nito si Seiji.

"No. But they did something bad to Kuya Seiji. They entered him inside that capsule like coffin. Kuya Seiji fight back but he can't do anything about it." sumbong ng bata.

Niyakap naman ni Luther si Serin at inalo ito sa kanyang bisig.

"Papa will do everything to protect you, also your Daddy is here to protect you too."

Umalis mula sa pagkakayakap ni Luther si Serin st kunot noo nitong pinagmasdan ang Tito.

"But you are my Papa po and why are you covered in blood?" Serin.

Luther let out a giggle. Gusto kong bigwasan si Boss pero ayokong matulad kay Flame na durog lahat ng buto sa katawan sa isang suntok lang.

"I can be your Papa but your Dad will kill me if I'll snatch his reponsibility as your father. This blood? They're just a scratch from those asshole, don't mind me, Serin."

Marahang lumingon sa akin si Serin at pinakatitigan ang mukha ko pero nagulat ako ng tumili ito ng pagkalakas-lakas.

"Gagu! Senri, anong ginagawa mo sa bata?" sigaw ni Gun mula sa dala nitong ambulansya. Inaayos niya kasi si Sinji doon para gamutin.

"Taran-- sorry." natigil ang pagmumura ko ng tignan ako ni Boss Luther ng pailalim kaya napalunok ako.

"Quit screaming, Serin. My ears is hurting." reklamo ni Boss.

Hindi ko aakalain na makikita ko ang soft side ni Boss, at sa mga anak ko pa talaga. Siguro nga ganun niya kamahal si Sinji at ang mga anak ko. Umaabot sa puntong handa niya kaming mga tauhan niya na isabak sa gyera at handang isabak ni Boss ang sarili niya bilang front man naming lahat.

"Is he part of BlackHand Papa, right? His name is Senri?"

Ngumiwi si Luther. "Tsk! He's your Dad for goodness sake, Serin. Don't call him like that."

Muling umalingawngaw ang matinis na boses ni Serin at dinamba ako ng yakap at muntikan akong mahulog sa hood ng kotse na sinasandalan ko.

"Daddy..."

I let out a chuckle when I hear her sobbing while calling me her Dad.

"Yes, baby. Daddy is here. Daddy won't let this happen again."

Pang-aalo ko sa anak kong babae.

Napatingin ako sa ambulansyang kinalulunaran ni Sinji at napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niyang natutulog.

'I thought heaven wouldn't allow me to have you, but God gave more than anything in this world. I love you so much, Sinji, my wife. I promise I will make you happy and love you for the rest of my life."

Sumikat na si Haring Araw at unti-unti na ring nagsialisan ang myembro ng HuPoFEL dala ang mga bihag namin.

Hindi man lang alintana ni Boss Luther ang mga sugat na natamo niya mula sa engkwentro sa loob ng tunnel na 'yon. Pinaubay ni Boss ang kotse ko kay Trev samantalang kaming apat ay sumakay sa kotse niya kasama ang dalawang bata.

"Papa?" rinig kong mahinang sambit ni Seiji ng magmulat ito ng kanyang mga mata at makita si Boss na nasa driver seat.

Lumingon si Boss sa kinaroroonan ni Seiji at tinignan ito ng may pang-unawa.

"Everything will be fine, Seiji."

"You okay po, Kuya?" sabat naman ni Serin bago hinawakan ang kamay ng kanyang Kuya na nanghihina pa dahil sa sinapit ng kanyang katawan sa loob ng kapsula.

"I'm fine, Serin. How about you? They didn't hurt you, right?" kahit nanghihina, pinilit ni Seiji na makaupo ng maayos sa kotse ni Luther.

"I'm fine din po, Kuya. I was so scared when they put you inside that capsule."

"Forget it, Serin. Papa is here naman na to protect us, eh."

Nanlambot ako sa sinabi ni Seiji hindi dahil sa pinagkakatiwalaan niya ang kanyang Tito, kundi dahil sa proud ako na malakas ang loob niyang harapin ang mga delikadong bagay sa murang edad niya. Siguro nga dumadaloy rin sa kanya ang dugong Bloodfist at ang katapangan ng kanilang Ina.

"Sorry, I was so scared lang kasi. I thought you won't coming back for us. Shin is waiting and Tita Ninang, even Daddy." lumingon sa akin si Serin dahilan para mapalingon din sa akin si Seiji.

Nakaramdam ako ng hiya sa panganay ko.

"You're the one who bumped us outside the event hall, right?" tinignan ako ni Seiji ng pailalim. Pakiramdam ko si Boss Luther ang nakatitig sa akin.

"Y.. yeah. I'm sorry about that."

"Sit here."

"What?" natinag ako sa utos ng anak ko. Pinapalipat niya ako sa pwesto nila ni Serin.

"You will sit here with us, or I won't recognize as our father? Choose?"

Luther let out a chuckle because of what my son said.

"He's totally a badass like his mother, Kuruzaki. I told you to choose who you want to be with for the rest of your life and here is the result. Damn this is amazing."

Inambahan ko ng suntok si Luther pero ang gagu tinaas niya lang ang kanyang middle finger sa mukha ko. Padabog na lumabas ako mula sa passenger seat at lumipat sa pwesto ng mga anak ko. Umupo ako sa tabi ni Serin pero lumipat ang bata para mapagitnaan nila akong dalawa.

Natinag ako ng bigla akong yakapin ni Seiji, naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa damit ko at sa tingin ko umiiyak siya.

Napatingin ako kay Boss pero nginitian lang ako ng gagu bago niya pinaandar ang kotse palayo sa lugar na 'yon.

"I will remember this day, Kuruzaki. This will be your first and last privilege for me as your driver."

Binigyan ko na lang ng makahulugang ngisi si Boss bago niyakap ang mga anak ko at hinayaang umiiyak si Seiji sa dibdib ko.

Seiji is a strong kid and I am so proud of him.