Chapter 29: Beach Wedding
SINJI'S POV:
--
HINDI ko alam kung matutuwa ako sa pinaggagagawa ni Saviel. Beach wedding ang theme ng kasal namin at kasalukuyan kaming nasa resort na pagmamay-ari ni Trev.
"Bakit parang hindi ka masaya?" usisa sa akin ni Kastiel habang karga ang anak nitong si Kasreil Grei. Nakaupo ang mag-ina sa dulo ng kama na siyang tinutuluyan ko.
Napairap ako sa kawalan.
Sino ba naman kasing matutuwa kung sa kalagitnaan ng gabi ay dadalhin ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan tapos may piring pa ako sa mata? Hindi ako natutuwa sa kaganapan ngayon.
"Sinong matutuwa sa ginawa sa akin? Ramdam ko na 'yong excitement kaso naudlot."
"Ay ang arte. Ikaw lang ata ang kilala kong labag sa loob ang magpakasal. Ayaw mo na ba kay Senri?"
Hindi sa nag-iinarte ako o ayaw ko kay Senri. Ang sa akin lang ay huwag nilang gamitin ang anak ko para sa sorpresang ito. Halos mawalan ako ng malay sa sobrang pag-aalala ng itawag sa akin ni Saviel na nawawala ang mga anak ko, tapos pagdating ko dito sa resort na sinabi nung kumuha ay bigla akong piniringan at dinala sa kwartong ito. Nagising na lang ako na iba na ang damit ko.
"Hindi sa ayaw ko kay Senri, naiinis lang ako."
"Pwede ka pa namang umatras kung ayaw mo." segunda naman ni Ernaline habang nag-aayos ito ng sarili niyang mukha.
Inirapan ko ito at muli akong humiga sa kama.
Sa dami ng pinagdaanan namin, hindi ko aakalain na makikita ko ang sarili kong may pamilya na. Maging ang mga taong importante sa buhay ko ay may sarili na ring pamilya. Ang sarap lang isipin na sa dami ng dagok at pagsubok na dumating sa amin nanatili kaming matatag at pinagtibay ng panahon.
"Bumangon ka dyan, Sinji. Malapit na ang oras ng kasal mo." pamimilit sa akin ni Kastiel pero hindi ko pinansin ang babae bagkus ay nagtalukbong ako ng kumot.
Matutulog na lang ako kesa umattend sa kasal ko.
"Ano ba!?" reklamo ko ng biglang may humaklit sa kumot dahilan para mapabangon ako mula sa kinahihigaan kong kama.
Ang mga naniningkit na mga mata ni Saviel ang sumalubong sa akin.
"Anong kaartehan yan at hindi ka pa nag-aayos ng sarili mo, Sinji Natividad?"
Tumayo ako mula sa kama at hinarap si Sav. Ipinagkrus ko ang dalawa kong braso sa ibabaw ng dibdib ko at tinignan si Sav na parang nag-aamok.
"Kahit hindi ako mag-ayos ng sarili, maganda ako Saviel Hyuga."
"Aba! Lumalaban ka na?"
"Naman."
Sabay kaming napasigaw ni Sav ng tumama ang noo namin sa isa't-isa at tinignan kung sinong hampas-lupa ang nambatok sa aming dalawa.
"What the fuck... Kuya?" natameme ako ng makita ang bulto nito Kuya. Nakasuot ito ng hawaiian polo shirt at four pocket tokong shorts at naka-tsinelas pa. Habang ang sun-glasses nito ay nakasabit sa may bandang dibdib kung saan nakabukas ang dalawang butones ng suot nito.
"Kailan ba kayo titino na dalawa? Hanggang sa kasal ba naman puro kayo kalokohan?" komento ni Kastiel na naiiling pa bago tumayo mula sa kinauupuan nito ng makitang pumasok sa kwarto si Reiden Grei.
"Wala kasi akong supply ng bitamina kaya kinulang sa turnilyo ang aking utak." sagot naman ni Sav at hinawi pa si Kuya Luther para makalapit sa pwesto ni Ernaline.
"Kulang daw sa dilig, Kuya. Pano ba 'yan mukhang napag-iiwanan ka na." bulong ko naman kay Kuya Luther.
"Tss. Why am I included? Do I look like I'm a developer of her medicine?"
"Sungit."
Inirapan ko si Kuya at nilagpasan ito at naglakad ako papunta sa pwesto ni Ernaline. Tinulak ko si Sav dahilan para malaglag ito sa kinauupuan na agad sinalo ni Kuya Luther ang katawan ng babae.
"Oyy, nangangamoy wedding bells." banat naman ni Thud na kakapasok lang kasunod su Gun, Rent, Trev, Calvin, Cassius at Perth.
"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo, Thud." Sav.
"Ay dati ang lakas mo magpapansin kay Boss ah, anong nangyari Saviel Hyuga?" pang-aasar naman ni Kastiel habang nakangisi pa.
"Dati 'yon. Change of heart na ako tutal asawa mo na si Reiden Grei, ekis na siya sa listahan ko. Si Cassius na ang crush ko ngayon."
Natigil si Cassius sa pagtatangka niyang pag-upo sa isang silya ng marinig ang kanyang pangalan mula sa bibig ni Sav.
"I don't like you." mabilis na sagot naman ni Cassius dahilan para humalakhak kaming lahat.
"Wow. Big word?" banat naman ni Sav. "Si Cold na lang crush ko."
Lalong lumakas ang tawanan namin ng itulak ni Sav si Kuya Luther. Feel na feel ng gaga ang muscle ng Kuya ko.
Sinimulan akong ayusan ni Ernaline at lagyan ng kolorete sa mukha. Hindi ako sanay maglagay ng make-up pero dahil espesyal ang araw na ito, kailangan kong magpa-ganda.
"Ako na lang, Sav. Available pa." segunda naman ni Thud.
Tinignan ko ang mga kasamahan ko mula sa salamin. Hinawakan ni Gun ang balikat ni Thud bago ito kinausap.
"Sa lahat ng lalandiin mo, pare. Huwag ang isang Hyuga."
Kunot noo namang lumingon si Thud kay Gun.
"Bakit? Maganda naman si Sav, ah?" Thud.
"Sige pare, ako na bahala sa kabaong mo." Gun
"I'll provide the foods and drink for your wake." Reiden.
"Condolence, pare. Ako na bahala sa bulaklak mo." Trev.
"Mga tarantado!"
Napapailing na lang ako dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ni Kuya Luther. Nagpapasalamat naman ako dahil marami ang kaibigan ni Kuya at lahat sila ay handang tumulong.
Sa pagkakaalam ko lahat sila ay myembro ng Bloodfist at kapapasok pa lang ni Perth Dezrail sa organisasyon na 'yon. Ang HuPoFEL at Bloodfist ay may dalawang branch ayun sa sabi ni Gun. Kasama na rin pala ako sa Bloodfist maging si Sav at Kastiel.
Hindi ko alam kung paano ang proseso para mapabilang sa Bloodfist na pinapangalagaan ng mayayamang nilalang na ito. Bukod sa mga business minded, mga pinagpalang mukha ang mga myembro ni Kuya Luther kaya naman magsasawa talaga ang mga babaeng papasok sa HuPoFEL kung mala-adonis ang makikita mo araw-araw.
"Manahimik ka, Thunder Clyborne. Hindi ako pumapatol sa bata." saad ni Sav.
"Pero gumagawa ng bata, payag ka?" Gun.
"Oo naman."
"Boss, pwede na daw."
Humagalpak ng tawa ang mga lalaking kasama namin sa loob ng kwarto at mukhang tuwang tuwa na pagkaisahan si Kuya Luther at Sav.
Nakita kong gumuhit ang ngisi sa labi ni Kuya at mukhang makikisabayan sa kalokohan ng mga kaibigan niya.
"I can give her how many kids she wants." banat naman ni Kuya Luther.
"Gagu! Baog ka kaya."
Natahimik ang paligid dahil sa sinabi ni Sav. Maging ang make-up brush na hawak ni Ernaline ay nahulog mula sa kamay nito. Pakiramdam ko ni-isa sa amin walang humihinga at pinapakiramdaman ang magiging reaksyon ni Kuya.
"Bat natahimik kayo? Totoo naman sinabi ko?" Inosenteng wika ni Sav.
Napalunok ako habang nakatingin sa gawi ni Kuya Luther gamit ang salamin. Nawala ang ngisi sa labi nito at napalitan ng seryosong mukha.
"Mukhang sayo ko mabibili ang pinakamahal na kabaong, Sav." bulalas ni Gun na naiiling pa habang nagpipigil ng tawa.
Si Cassius na tahimik lang ay napapailing na din katabi si Perth na karge ang anak nito. Habang si Kastiel, Trev, Calvin, Reiden, ay pawang mga nakanganga ang bibig.
"Are you trying to pissed me off at times like this, Hyuga?"
"Bakit? Totoo naman na baog ka." pang-aasar pa ni Sav.
"Wanna try of having kids with me?"
Napatili si Sav ng bigla itong haklitin ni Kuya Luther sa bewang at inilagay sa balikat nito. Nagpumiglas si Sav pero si Kuya Luther parang wala lang sa kanya ang pagsuntok ni Sav sa likod nito.
"Call us if the wedding is not yet started. I will teach a lesson to someone who's trying my patience." utos ni Kuya Luther habang nakapamulsa pa.
"Ipinapanalangin ko ang kaluluwa ni Saviel Hyuga na maging matiwasay ang kanyang paglalakbay papuntang langit." sambit ni Gun na pinagdikit pa ang dalawang palad nito na ginaya ni Thud, Trev at Calvin na nag-sign of the cross pa sa ere.
"Amen." sabay-sabay na sabi namin nang makalabas si Kuya Luther dala si Saviel sa kanyang balikat.
Makalipas ang ilang minuto, suot ang puting bistida na binili ni Sav para sa akin, hawak ang bouquet ng bulaklak - natatanaw ko na ang bulto ni Senri na nakatayo sa isang gazebo dito sa beach resort.
Tanghaling tapat at sobrang init ng araw, pero hindi ko alintana dahil sa mga dekorasyong nakalagay sa paligid ng gazebo. Ang gusto ko kasi ay simple lang na kasal, ayoko ng mga abubot na hindi naman kailangan lalo na't kami lang naman ni Senri ang ikakasal. Hindi naman kami royalty kaya ang gusto ko mga kilalang tao lang ang pupunta sa kasal namin though maraming fans ng BlackHand ang nakiusap na pumunta sa kasal namin pero piling tao lang.
"Nervous?" napalingon ako kay Kuya na nakatayo na pala sa tabi ko habang si Sav naman ay hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa sobrang asim.
Sino ba naman kasing matutuwa na sa araw ng kasal ng kaibigan niga ay posas ang kanyang kamay na nakakabit sa braso ng kapatid ko? Syempre isang Saviel Hyuga lang ang hindi matutuwa sa set up na ito.
"Hindi naman, pero kakabahan yata ako sa pinagagagawa mo kay Sav, Kuya."
"She deserves it."
"Huwag niyo na lang kaya akong ihatid sa altar at maglabing-labing na lang kayo ni Sav sa gilid?"
"Pigilan mo ako mars, babalian ko ng buto ang kapatid mo." lantarang pagbabanta ni Sav kay Kuya kahit nasa harapan niya lang ito.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kakulitan nilang dalawa at hinayaan sa gusto nila lalo na't may sarili silang mundo.
Nang dumating hudyat ng wedding coordinator na kinuha ni Sav, naramdaman ko ang braso ni Sav at Kuya sa likuran ko para maitago nila ang posas na nakakabit sa kamay nilang dalawa.
"Hindi ba ako madadapa dahil sa ginagawa niyo?" kunot noong bulong ko kay Kuya Luther habang naglalakad kami palapit sa kinaroonan ni Senri.
Nakarinig ako ng tugtog at nakita ang buong banda. Si Ernaline na may hawak ng mikropono, si Perth na hawak ang gitara, si Jasper na nasa keyboard, at Kyle bilang drummer.
Nagsimulang kumanta si Ernaline.
MISSING MELODY
Verse 1:
There's a hole in my heart,
Where a melody used to reside,
I hear the echoes of the notes,
But I can't find them inside.
Napangiti ako ng marinig ang liriko na sa tingin ko ay sinulat niya para sa araw na ito. Ernaline is one of the famous singer-song writer in her generation, dahil sa galing niyang pagsulat at pagkanta, bonus na lang na naging mister niya ang isa sa mga myembro ng BlackHand at lider dati na si Perth Dezrail Fynrell.
Chorus:
I'm missing melody,
A sweet symphony,
That used to dance in my mind,
Where did it go,
Where did it hide,
Leaving me here behind?
Nasa harapan na kami ni Senri, at nakangiting tinanggap ni Senri ang kamay ko.
"Take care of her, Kuruzaki or I will dig your own grave if you'll make her cry." Kuya Luther.
"Kung ikaw kaya ang hukayin ko? Magbabanta pa, tatay ka ba?" Sav.
"I'm her guardian."
"I'm her bestfriend, kaya manahimik ka."
"Tama na. Kasal ko ito, inaagaw niyo ang eksena namin ni Senri." saway ko sa dalawa dahil naaagaw na namin ang atensyon ng mga bisita.
Humarap ako sa mga bisita na puro myembro lang naman ng HuPoFEL at Bloodfist para humingi ng pasensya pero ang mga loko chini-cheer pa si Sav at Kuya.
Verse 2:
The rhythm used to move my feet,
The lyrics spoke my heart,
But now the silence is deafening,
And it tears me apart.
Inalalayan ako ni Senri papunta sa harapan ng Pari. Ngumiti sa amin ang Pari na siyang ginantihan rin namin ng ngiti.
Chorus:
I'm missing melody,
A sweet symphony,
That used to dance in my mind,
Where did it go,
Where did it hide,
Leaving me here behind?
Ito na ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Senri. Ang matali sa isa't-isa at magmahalan habang buhay.
Bridge:
I long to find the music,
To hear the beat once more,
I'll keep searching for the notes,
Until I find what I'm looking for.
Wala na rin naman akong hihilingin pa bukod sa masaya at kontentong pamilya na meron ako ngayon.
Chorus:
I'm missing melody,
A sweet symphony,
That used to dance in my mind,
Where did it go,
Where did it hide,
Leaving me here behind?
"You're so lovely, and beautiful." bulong sa akin ni Senri ng humarap kami sa Pari.
"Bolero ka ha, matagal na akong maganda hindi ka pa ba sanay?"
"No. Hindi ako magsasawa na titigan ang maganda mong mukha at sabihin kung gaano kita kamahal."
"Anong konek nun?"
Outro:
I won't give up on the melody,
It's a part of who I am,
I'll wait and listen patiently,
Until it plays once again.
Natinag kami ng biglang tumikhim si Father kaya naman natigil kami sa pag-aasaran ni Senri.
"Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Senri Daeyl and Sinji. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgment of the next chapter in their lives together. Senri Daeyl and Sinji have spent years getting to know each other, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly."
Nagsimula na ang seremonya ni Father kaya naman tahimik na kaming nakikinig sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang hawak ang kamay ni Senri.
"Senei Daeyl and Sinji will mark their transition as a couple not only by celebrating the love between themselves, but by also celebrating the love between all of us-including the love of their parents, siblings, extended family, and best friends. Without that love, today would be far less joyous."
"Do you Senri Daeyl take Sinji to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?"
"I do," mabilis na sagot ni Senri kay Father.
"Do you Sinji take Senri Daeyl to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?"
"Syempre naman, Father. I do 'yan." natawa si Father dahil sa sagot ko.
"Oo na yan, Father. Tapusin niyo na para naman makakain na tayo." Sigaw naman ni Thud.
"A ring is an unbroken circle, with ends that have been joined together, and it represents your union. It is a symbol of infinity and your infinite love. When you look at these rings on your hands, be reminded of this moment, your commitment, and the love you now feel for each other."
Humarap kami ni Senri sa isa't-isa at hinintay sina Seiji, Serin at Shin na ring bearer namin. We kissed the triplets as they give us our wedding ring.
"You may take your vows." sabi ni Father sa amin habang nakangiti itong inalok sa amin ang singsing.
Huminga ako ng malalim dahil ako ang unang magsasalita sa aming dalawa ni Senri. Kaya naman hinawakan ko ang kamay nito para isuot ang singsing bago nagsalita.
"The first time I laid my eyes on you when you rescued me on that night together with my brother. I told myself that I already found the person I want to be with for the rest of my life at hindi nga ako nagkamali. Noong una hindi pa ako naniwala na mayroon pa pala akong pamilya sa katauhan ni Kuya Luther pero dahil sa tulong ninyo, nagkasama kaming dalawa." panimula ko.
Lumingon pa ako kay Kuya Luther pero ang loko abala sa pagsasaway kay Saviel na nakikipaglaro kay Serin.
"Alam kong tutol si Kuya noon sa mga desisyon ko sa buhay pero dahil sa matigas at consistent akong tao, hinayaan niyang mahalin ko ang isang Senri Daeyl Kuruzaki. Nasaktan man ako noong binabalewala mo ako, pero pinaglaban ko pa rin ang feelings ko para sayo. Dumating sa puntong umalis ako ng Pilipinas dala ang ipinagbubuntis ko at hindi ko man lang ipinaalam ang kalagayan ko. Sobrang sakit lang kasi na masaksihan ang ganoong tagpo. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti kitang napatawad at alam ko sa sarili kong wala ka namang talagang kasalanan. Hanggang sa pumasok ang isang trahedya at nadamay ang mga anak natin hindi mo kami pinabayaan. Sa tulong ng kapatid ko at ng mga kaibigan niya, nalagpasan natin ang malaking dagok sa pamilya na binubuo natin."
Nagiging emosyonal si Senri dahil sa mga sinabi ko pero hinayaan ko lang ito.
"Senri Daeyl Kuruzaki I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever."
Tuluyan ko ng isinuot ang singsing sa daliri ni Senri at siya naman ang magsasalita sa harap ng altar sa mga kaibigan namin.
"Sinji Natividad, my wife, my everything. When you came into my life, I told myself to protect you as my sister to any harm since our world is not the same as like you wanted. I worked on a dangerous organization, and I am always with your brother wherever he goes. When he said to me that he already found his sister, I didn't hesitate to help him and fly with him to go to Spain. And then I saw you from that spotlight who's already in the brink of danger - hindi ako nagdalawang isip na iligtas ka. Hindi dahil sa kapatid ka ng Boss ko, kundi dahil karapatan mo pa ring maging malaya sa mundong ito. Noong una akala ko nagbibiro ka lang na mahal mo ako at gusto mo akong pakasalan. Dahil sa pagkakaibigan na meron kami ni Luther ay binalewala ko lang ang feelings mo. Hanggang sa lumipas ang mga araw, mula sa nakakapagod na trabaho, ang ngiti mo ang bumubungad sa akin sa tuwing umuuwi ako galing sa isang misyon. Luther did warned about it if I'd hurt, I might kill him instead. Ayaw niyang masaktan ka ng dahil lang sa akin."
Nanlambot bigla ang tuhod ko dahil sa sinabi ni Senri. Mahal na mahal nga ako ng kapatid ko.
"Don't lump me in on your flowery words, Kuruzaki." komento naman ni Kuya Luther na tila nababagot na dahil hindi ito pinapansin ni Sav.
"It's my wedding today, dude. Don't ruin the moment."
"Oo nga naman, Boss. Tyaka huwag kang mag-alala gagantihan ka namin sa oras ng kasal mo." hunagalpak ng tawa ang mga myembro ng HuPoFEL dahil sa pang-aasar nila kay Kuya.
Binalik ko naman ang atensyon ko kay Senri habang isinusuot sa kamay ko ang singsing na hawak niya.
"Sinji Natividad I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever."
"Before these witnesses, you have pledged to be joined in marriage. You have now sealed this pledge with your wedding rings. By the authority vested in me by the great State of Matrimony. I now pronounce you husband and wife."
"You may now kiss the bride,"
Nagpalakpakan ang mga taong nakawitness sa kasal namin ni Senri ng magtagpo ang labi naming dalawa bilang hudyat na tapos na ang kasal naming dalawa.
"Sa wakas natapos rin ang kakornihan ni Kuruzaki." sigaw ni Thud.
"Yes! Makakakain na rin sa wakas." sigaw naman ni Tryke.
"Mga tarantado!"
Nauwi sa masayang pagtitipon-tipon ang kasal namin ni Senri kasama ang mga kakilala at kaibigan namin.
Nakangiting pinagmasdan namin ni Senri ang mga taong naging bahagi ng aming buhay. Hindi pa dito nagtatapos ang istorya naming dalawa, bagkus nagsisismula pa lamang ito para sa panibagonv yugto bilang Mrs. Kuruzaki kasama si Senri at ant triplets namin.