Chapter 26: A memory

SINJI'S POV:

--

MATAPOS malinaw ang lahat sa pagitan namin ni Senri ay nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa natatapos ang laban.

"Wala pa bang tumatawag sayo Sinji tungkol doon sa mga dumukot sa kambal?" usisa ni Gun.

Kasalukuyan kaming nasa control room kung saan pinaghaharian ni Rent. Hating-gabi na rin at kahit sino man sa amin ay walang balak na matulog dahil sa nangyayari ngayon. Pinapakilos na ni Kuya Luther ang kanyang galamay mula sa under ground para hanapin ang mga anak ko.

"Wala pa." mahinang sagot ko.

Si Shin ay tulog na sa opisina ni Kuya na siyang binabantayan ni Sav ngayon. Ayaw niya akong kausapin dahil baka pagbuntunan ko raw siya ng galit. Hindi ko naman siya masisisi lalo na't hindi naman niya kasalanan pero ang gaga kung anu-ano ang pinagsasabi sa sarili niya kaya hinayaan ko muna.

Kailangan kong tumulong para hanapin ang mga anak ko at siguraduhing ligtas sila. Pero sa estado ng isip ko ngayon, hindi ko alam kung saan sila hahanapin.

"Check this out, Gun." sabay kaming napalingon ni Gun sa pwesto ni Rent na tutok ang mga mata sa monitor ng computer nito.

Isang simbolo ang nakita ni Rent na siyang ikinadamba ng kaba sa aking dibdib.

Ang simbolo na nakaukit sa aking batok ay siya mismong nakalatag sa pader ng isa sa mga myembro ng HuPoFEL. Ang tattoo na nasa aking batok ay isang bahay na umaapoy at dalawang pakpak na nakatiklop sa gilid nito. Sumisimbolo 'yon sa bahay-ampunan na pinagmulan ko.

"I-zoom mo ng mabuti Rent." utos ko.

Ginawa ng lalaki ang utos ko at laking gulat ko ng makita ang isang lalaki na pumasok sa kwartong iyon.

It was Flame.

Tumingin si Flame sa surveilance camera na siyang tinitignan namin at may inilahad itong isang papel kung saan nakalagay doon ang litrato ng anak ko na ngayon ay may tattoo na rin ang batok.

"Tangina mo Flame huwag ang mga anak ko!" sigaw ko na siyang ikinagulat nina Gun. Maging si Senri at Kuya Luther ay biglang pumasok sa control room dahil sa sigaw ko.

"What's happening?" Tanong ni Senri bago ito lumapit sa akin at pinapakalma ako.

Naikuyom ko ang sarili kong kamao habang nakatingin sa imahe ni Flame na hawak ang litrato ng anak kong si Seiji. Nasa loob ng isang kapsula si Seiji at wala itong malay habang si Serin ay pinipigilan ng isang lalaking nakaputi. Ngumisi ito sa camera bago nawala ang imahe nito. Sa tingin ko ay tinanggal nito ang camera na nasa kwarto na kanyang inuukopa.

"I think Flame knows where the kids are." sagot ni Gun.

Lumapit si Kuya Luther sa monitor at pinakatitigan nito si Flame.

"Damn this asshole. Why did they do this to a five year old kid?" ramdam ko ang inis ni Kuya pero mas nangingibabaw ang galit ko.

Pilit akong pinapakalma ni Senri pero ang sistema ko ang unti-unting napupuno dahil sa galit. Gusto kong patayin si Flame dahil sa ginawa niya sa anak ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Wala akong matandaan na may sinaktan o inapakan akong tao, pero bakit sa anak ko ibinaling ang parusang dapat na sa akin?

Umupo ako sa isang silya dito sa loob ng control room at huminga ng malalim. Nag-uusap sila pero hindi ko na 'yon pinansin.

Pilit kong hinahalukay sa isip ko kung bakit nagawa ni Flame ang ganitong bagay lalo na sa anak ko.

~Flashback~

"Hoy, bata. Bumaba ka nga dyan at baka mahulog ka." napatingin ako sa baba kung saan nakatayo ang isang batang lalaki. Nakatingala ito sa akin dahil nasa itaas ako ng puno ng mangga na nasa loob ng bakuran nitong bahay-ampunan.

"Ano bang pakialam mo kung mahulog ako dito?" mataray na wika ko.

Pinaka-ayoko sa lahat ay 'yong pinapakialaman ako sa mga bagay na ginagawa ko. Gusto ko lang naman magpahangin dito sa taas ng puno ng mangga kaso naunsyami dahil sa pakikialam ng batang ito.

"Bumaba ka kasi dyan."

Napairap ako sa kawalan bago tinalon ang lupa kung saan naroon ang bata. Napatakip pa ito ng kanyang mukha ng tumalon ako mula sa puno.

"Ang O. A mo naman, hindi ako mababalian eh ang baba lang naman ng puno."

"Hinahanap na tayo ni Mother Elise kaya halika na." sabi pa nito bago hinila ang aking braso.

Sa pagkakatanda ko ay baguhan pa lamang ang batang ito sa bahay-ampunan samantalang ako, lumaki na dito.

Ang pangalan niya ay Flame. Isa siya sa mga batang naglalakas ng loob na lumapit sa akin gayong hindi naman ako nakikipag-kaibigan sa kanya. Hindi na rin naman bago sa akin kung maraming bata ang dinadala sina Mother Elise dito sa ampunan.

Pero ang ipinagtataka ko ay hindi nila kami pinapaampon sa kahit na sinong dumadalaw sa ampunan. Ang rason nila ay babalikan kami ng mga magulang namin sa tamang panahon.

Pero nagkamali ako.

Isang gabi, nagising kami dahil sa ingay na ginawa ni Mother Elise. Ginising niya kami sa kalagitnaan ng gabi dahil magkakaroon daw kami ng drills na siyang ipinagtaka ko.

"Anong meron?" pupungas-pungas ang mga mata na lumapit si Flame sa akin kaya tinarayan ko ito.

"Mukha ba akong may nalalaman dyan sa tanong mo kung pareho tayong nagising dahil sa ingay. Nag-iisip ka ba?"

Ngumunot ang noo ni Flame sa akin. "Bakit ang sungit mo?"

"Ewan ko sayo. Huwag mo akong kausapin at baka masapak kita."

Lumayo ako kay Flame at nilapitan si Carmela na tahimik lang sa gilid. Inutusan kami ni Mother Elise na pumunta sa basement nitong ampunan. Kahit nagtataka ay sinunod pa rin namin siya.

Minsan ko ng nadaanan ang basement sa tuwing inuutusan ako ni Mother Elise na maglinis sa area na ito pero hindi ko kailanman pinasok ang kwarto na 'yon.

Ito ang unang beses na makakatuntong ako sa basement. Ayun sa mga naririnig ko sa matatanda, may ginagawa silang eksperimento at hindi ko alam kung ano 'yon.

Minsan ko na ring nakita na dinala doon si Carmela at tinanong ko siya kung ano ang ginawa sa kanya pero hindi ito umimik sa akin lalo na't hindi naman kami magkaibigan.

Sa gulat ko ng makita ang mga aparato sa basement na naglalaman ng mga bata sa loob ng kapsula. Naglakas loob akong magtanong kay Mother Elise.

"Mother ano po ang mga 'yan?" sabi ko habang pinagmamasdan ang mga batang kasing edad namin na nasa loob ng kapsula.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Mother Elise. Kung dati ay tinitignan kami nito na puno ng pagmamahal, ngayon ay puno ito ng mabagsik at nanlilisik na mga mata.

"Huwag ka ng magtanong Sinji at pumasok ka sa kapsula." itinulak ako ni Mother Elise sa isang kapsula na bakante. Pagkapasok ko ay agad na isinira ang aparato dahilan para dambahin ako ng takot.

Isa-isang pilit na pinasok sa kapsula ang mga batang kasama ko maging si Flame at Carmela ay hindi na nakaangal pa.

Nang makapasok ako sa kapsula ay napuno ito ng likido. Wala akong ibang naririnig bukod sa tibok ng puso ko at pilit na pagkalampag sa kapsulang kinaroroonan ko. Maging ang ibang bata ay pinipilit nilang makalabas mula sa kapsula pero dahil sa murang edad namin ay bigo kaming magawa 'yon.

Naramdaman ko na lang na unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata matapos akong ma-inject sa aking batok. At ang huli kong nakita ay ang pagwasak ni Flame sa kapsula.

Nagising na lamang ako sa isang malamig na sahig at mabahong amoy kaya agad akong bumangon mula sa kinahihigaan ko. Bumungad sa akin ang maruming imburnal na siyang kinalalagyan ko ngayon. Nakita ko rin ang ibang bata na kasama ko sa ampunan na nagkukwentuhan habang ang iba ay umiiyak.

"Gising ka na pala." untag sa akin ng isang batang lalaki. Nang masilayan ito ng ilaw mula sa labas ng imburnal, bumungad sa akin ang bulto ni Flame na madungis, sunog ang kalahati ng mukha at damit nito. May dala itong supot ng tinapay.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko na may halong pagtataka nang mapagmasdan ko ang itsura nito.

Umupo si Flame sa tabi ko. "Oh, kumain ka muna. Isang linggo ka ng tulog at sigurado akong gutom ka na."

Hindi ko kinuha ang iniabot ni Flame, bagkus ay tinitigan ko lang siya kaya naibaba nito sa harapan namin ang supot ng tinapay na hawak niya.

"Oo na. Magpapaliwanag ako." aniya. "Sisimulan ko sa gabing ginising tayo ni Mother Elise at pinapunta sa basement ng bahay. Bumungad sa atin ang naglalakihang kapsula na naglalaman ng tao at pwersahan tayong ipinasok doon. Noong una akala ko may gagawin lang sila sa atin pero ng maramdaman kung may tumusok sa batok ko, pakiramdam ko hindi na ako 'yon. Nagpumiglas ako mula sa kapsula na kinaroroonan ko hanggang sa mabasag ko ang aparato na 'yon. Narinig kong sinabi nila Mother Elise na palpak ang ginawa nila sa akin kaya sumabog ang kapsula na pinaglagyan sa akin. Pero nagkamali sila."

"Maraming bata ang namatay dahil sa proseso nila, ayun sa narinig ko kay Mother Elise, ang tattoo sa batok natin ang magsisimbolo bilang instrumento na wasakin ang mundo. Nang marinig ko 'yon ay agad kitang hinanap pero huli na ang lahat ng makita kong wala ka ng malay at nalagyan ka na ng tattoo sa batok mo."

"Anong tattoo?"

Tumalikod si Flame at iniharap sa akin ang kanyang batok. Isa yung bahay na may pakpak na nakatiklop sa magkabilang gilid nito.

"Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyan. Nang sunugin ko ang ampunan, uminit din ang pakiramdam ko at nakita ko sa bawat tattoo na nakalagay sa ating lahat ay sunog ang bahay na sumisimbolo sa ampunan na siyang tattoo natin. Lahat sila ay pilit kong niligtas mula sa basement. Nagising ka noong mga panahon na 'yon at pilit mong tinatawag si Mother Elise na unti-unti ng tinutupok ng apoy kasama ang ibang mga lalaking nakasuot ng puting lab gown."

"Nangako ako sa sarili ko hindi na ulit tayo makakaranas ng ganoong parusa, kung parusa man na matatawag 'yon. Bubuo ako ng bahay na para sa ating lahat, malaya at walang makakasakit na sino man."

Hindi ako umimik kay Flame.

Nang umalis kami sa imburnal na pinagtataguan namin, sama-sama kaming nagpalaboy-laboy sa kalsada. Halos dalawampu ang kasama namin ni Flame.

Natuto kaming magnakaw para lang may makain kaming lahat at mamuhay sa kalsada.

Habang nagtatago kami sa ilalim ng tulay, lumapit sa akin si Carmela.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito, Sin?" tanong niya sa akin ng biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata.

Dumapo ang paningin ko sa mga batang kasama namin. Konti lang kaming onse-anyos at ang iba ay lima hanggang walo ang edad.

Napapaisip na rin ako kung hanggang saan ang buhay namin dito sa kalsada, kung mabubuhay pa ba kami hanggang sa pagtanda.

"Hindi ko alam, Carmela." sabi ko na lamang.

Maging ako ay hindi sigurado sa magiging buhay ko sa hinaharap. Ang makita pa lamang ang mga batang kasama namin na lumalaban para mabuhay ay nahihirapan na akong magdesisyon paano pa kaya kung sa hinaharap mismo ay hindi malayong maghiwa-hiwalay kami.

"Hindi natin hawak ang kapalaran natin sa hinaharap Carmela. Malay mo bukas magkahiwa-hiwalay tayo."

"Walang maghihiwalay, Sin." putol ni Flame sa sinabi ko.

Mukhang kababalik niya lang galing sa pagnanakaw dahil may bitbit siyang isang sako ng pagkain at damit.

"Diba sabi ko naman sayo gagawa ako ng bahay na pwedeng pumrotekta sa atin, ulan man yan o araw? Darating ang araw na mamumuhay tayo ng tahimik at sama-sama."

"Pero hindi mo hawak ang tadhana, Flame."

"Hindi ka ba naniniwala na kaya kong gawin ang mga sinasabi ko? Inaamin ko napapagod din ako sa buhay na meron tayo Sin pero pinipilit ko maging malakas para sa inyo. Kasi nangako ako na poprotektahan ko kayong lahat."

"Ano bang magagawa ng isang bansot na tulad mo?"

Tinulak ko si Flame sa kanyang balikat dahilan para matumba ito. Napatingin din sa amin ang ibang bata na kasama namin.

"Tama na 'yan, Flame at Sin. Huwag kayong mag-away." awat sa amin ni Carmela pero hindi ako nagpatinag.

"Puro ka lang naman salita, Flame. Namamatay na ang ibang bata na kasama natin dahil sa kung saan-saan mo kaming tambakan dinadala. Mas mabuti pa sa ampunan, kahit magkandakuba ako kakalinis may matitirhan ako. Hindi tulad dito sa kalsada na kulang na lang ay kumain ako ng basura!"

"Kung gusto mong bumalik sa ampunan, edi bumalik ka!"

Hanggang sa dumating sa puntong nadukot ako at si Carmela. Dinala kami sa Spain at pina-auction sa matatanda. Hindi ko na rin nakita si Flame at iba pang bata na nakasama ko sa kalsada.

~ End of Flashback ~

Napatitig ako sa kawalan ng bumalik sa aking alaala ang mukha ni Flame. Bakit hindi ko siya nakilala agad noong mga panahong nandito siya sa HuPoFEL?

Tahimik na umalis ako mula sa control room at tinungo ang garahe kung saan naroon ang motor ko.

Pagkasuot ko ng helmet, agad kong isinuksok ang susi at pinaandar yon. Pinaharurot ko sa katahimikan ng gabi ang motor na kinalulunaran ko.

Alam ko na kung saan nagtatago si Flame kasama ang mga anak ko.

LUTHER AQUEROS'S POV:

--

"Where is Sinji?" I asked Kuruzaki when I notice my sister isn't inside the control room.

Kuruzaki roam his eyes and look for my sister but she's nowhere to be found until we heared a motorcycle drove out from my territory.

"Shit." Kuruzaki mumble before he flashed out from the control room and follow Sinji.

I close my eyes and massage my forehead.

Masyado na akong pagod sa mga nangyayari sa pamilya ko. Mula sa HuPoFEL, Bloodfist at under ground society.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon kong ipagpatuloy ang organisasyong binuo ko para lang mahanap ang kapatid ko.

Ngayong nandito na siya sa poder ko, lalong nagkanda-letse ang buhay namin dahil sa sinapit niya dito sa mundo.

Naramdaman ko na lang na may mainit na palad ang humihilot sa noo ko. Tumambad sa akin ang mukha ni Saviel na nag-aalala.

"Everything will be fine, Lutlut."

I heave a sigh and held her hand.

Hindi ko alam kung paano pa maisasaayos ang HuPoFEL gayong sunod-sunod na dagok ang dumadating sa amin.

Binuo ko ang HuPoFEL bilang proteksyon sa mga taong inaapi at inaabuso pero ako mismo na namumuno sa kanila ay hindi sila kayang protektahan.

"Sinisisi mo na naman ba ang sarili mo sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari? Nagsisimula ka pa lang Lutlut, hindi pa ito ang katapusan mo sa mundo. Hindi magiging hadlang ang problema ni Sinji sa pag-angat mo, sa pag-angat ng HuPoFEL at Bloodfist. Lagi kong sinasabi sayo na hindi ka nag-iisa sa laban na ito kaya iparamdam mo kay Sinji na hindi rin siya nag-iisa sa laban na kinakaharap niya. Pamilya kayo diba?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko hinarap si Saviel, Gun, at Rent.

A plan already build in my mind because of what Saviel said.

"Gun, gather all the men that are useful to invade Flame's hideout. Rent activate Sinji's motorcycle's GPS and find her immediately. Also connect me with Kuruzaki and the other who will go to the battle ground."

Saviel smiled at me as I commanded Gun and Rent na agad sinang-ayunan ng dalawa.

Bumitaw si Saviel mula sa pagkakahawak ko bago ito lumapit sa isang monitor na nasa tabi ni Rent.

Sav immediately manipulate the computer and connected me to Kuruzaki. I heard Kuruzaki's cursed under his breath. I can't blame him because of what happened. My sister is stubborn as I am.

"Kuruzaki." tawag ko kay Senri.

"Boss?"

"The fifth street on the right corner, you will see Sinji's motorcycle. Follow her." I commanded as I follow the red dot of Sinji's motor and Senri's car.

"Noted Boss."

Saviel also connected me to the speaker surrounded all over the place inside the HuPoFEL.

I saw everyone preparing their selves for the battle.

"Thunder Clyborne, Cassius, Trev and Calvin, gather your troupes and follow Kuruzaki. As for the others you will be the support if anything happens."

Isa-isang nagsialisan ang mga taong itinalaga ko sa misyon na ito.

Walang sinuman ang makakatibag sa HuPoFEL lalong-lalo na sa Bloodfist. Nagkamali sila ng binangga.

Kung gusto nila ng gulo, huwag nilang idadamay ang mga pamangkin at ang kapatid ko.

Matapos kong bigyan ng instructions ang mga tauhan ko. Lumabas ako mula sa control room at pumunta sa opisina ko.

Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Shin. Tahimik na pumasok ako sa aking opisina at mariing naglakad palapit sa aking mesa.

Kinuha ko ang isang kaha kung saan naglalaman ito ng baril na matagal ko ng itinago.

Hindi ako uupo lang dito para maghintay ng milagro, kailangan kong iligtas ang kapatid ko at ang mga pamangkin ko mula sa kamay ni Flame.

This will be a hell of a night with a blood shredded all over the place and Flame's head on my table.