Chapter 25: Mine?
SENRI'S POV:
--
I silently looking at Saviel's kid while holding it in her arms. After our mall show I decided to go back to HuPoFEL. I was so curious whose child it is. Nang makita ko si Sav na karga ang bata at tahimik na nakaupo sa isang sulok, agad akong lumapit dito at tumabi sa kanila sa upuan.
"Quit staring at me, Mister." the kid said out of the blue. I didn't notice he's facing me directly.
We are gathered at HuPoFEL's convention hall. Years have passed, HuPoFEL have lots of members because of Gun's recruitment power.
Nagkatipon-tipon ang lahat ng Elite members sa isang round table sa loob ng convention hall samantalang ang ilang myembero ay nasa labas ng hall. Mayroon kasing kwarto na exclusive para sa Elite at Royalties. Hindi sila pwedeng pumasok kung hindi sila opisyal na elite members ng Bloodfist.
HuPoFEL and Bloodfist has two branches - Elite and Royalty. Mahirap makapasok sa Bloodfist bilang royalty dahil si Luther mismo ang susubok kung hanggang saan ang kakayahan mo. Swerte ko na lang at maaga akong napabilang sa Royalty hindi dahil sa kaibigan at kanang-kamay ako ni Luther, kundi dahil sa kakayahan kong maisalba ang pagsubok na hinarap namin nang buohin ni Luther ang Bloodfist royalties. Samantalang ang Elite naman ay isang stepping stone lamang para makapasok sa Royalty.
"I'm sorry. You remind me of someone." mahinang sagot ko.
Napayuko ako sa mga kamay kong nakapatong sa mesa. Gusto kong tanungin si Sav kung kaninong anak ang hawak niya gayong matagal siyang nawala sa poder ni Luther, maging si Sinji ay hindi ko alam kung na saan.
Mula ng umalis si Sinji ay kinulit ko ng kinulit si Luther kung alam niya ba kung saan nagpunta si Sinji pero nabigo ako dahil ang mismong kapatid ni Sin ay hindi alam kung saan siya nagpunta.
Noong mga panahon na 'yon pakiramdam ko nawalan ako ng buhay. Kung may nagawa man akong kasalanan kay Sinji handa akong humingi ng tawad at magpaliwanag kung sakali. Pero kahit anino niya ay hindi ko na nasilayan hanggang sa hindi ko namalayan na lumipas na ang mga taon.
Maraming babae ang nagkakandarapa na mapansin ko lalo na noong binuo ni Perth Dezrail ang banda na pinangalanan naming BlackHand. Korni man sa pandinig pero malaki ang naging epekto sa akin ng pagbabanda. Ibinuhos ko sa kanta lahat ng sakit na dinadanas ko dahil sa pangungulila kay Sinji.
Aminado naman ako na wala akong oras sa kanya noong mga panahong nandito pa siya sa poder ng HuPoFEL pero pinagsisihan ko ang lahat ng yun. Noong mga panahong iniligtas namin siya sa auction, noong mga panahong nag-confess siya ng pagmamahal sa akin - Luther did warned me about it na kung papatusin ko si Sinji, hinding-hindi na ako makakatuntong sa HuPoFEL at Bloodfist kailanman.
Pero tadhana na mismo ang naglalapit sa aming dalawa, hanggang sa mahulog ang loob ko kay Sinji. Hindi ako nagsisi na minahal ko si Sinji, ang pinagsisihan ko lang ay ang mga panahong ginugol ko sa pagtatrabaho para mapatatag ang Bloodfist kaysa sa makasama si Sinji araw-araw.
Natinag ako sa kinauupuan ko ng sabay-sabay na tumayo sila Perth, Thud, Calvin, Trev, Cassius, Reiden Grei at Saviel ng dumating si Luther kasama si Rent at Gun.
Pero mas lalo akong nagulat ng bumulaga ang bulto ni Sinji sa likuran nina Rent at Gun.
"Sinji." tawag ko.
Sinji laid her eyes on me but its just a split seconds because her eyes landed where Saviel is.
"Mommy."
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig ng bumaba mula sa pagkakarga ni Sav yung bata at sinalubong ng yakap si Sinji.
Agad namang niyakap ni Sin ang bata at nginitian pa ito ng maghiwalay sila.
"You okay?" aniya.
"Yes, Mom. But why Papa is here and who are this people?" kunot-noong tanong ng bata kay Sin.
Ginulo ni Sin ang buhok ng bata tyaka ito hinawakan sa kamay at lumapit kay Saviel. Nagtagpo ang mga mata namin ni Sin. Kitang-kita ang panlalamig niya sa akin.
"Sin--"
"Mag-uusap tayo mamaya, Senri. Pero sa ngayon kailangan kong iligtas ang mga anak ko."
Kahit naguguluhan at tumango na lang ako kay Sinji bilang tugon sa kanyang pakiusap.
Nang makaupo na si Luther sa pinaka sentro nitong round table ay agad na rin silang umupo habang ako ay nanatiling nakatayo sa likuran ni Luther bilang kanyang kanang kamay.
"State your report, Hyuga." panimula ni Luther.
Saviel heaves a sigh before she laid her eyes towards Sinji where sitting beside her.
"Hindi ba't pinagpaalam ko kay Sin na isasama ko sa mall ang mga bata? Pagkahatid mo pa lang sa amin pagkapasok namin sa isang fast food chain, sinabi ko na sa guard doon na bantayan mula sa security room ang mga batang kasama ko. Akala ko okay na lahat nang yayain ko ang tatlong bata sa toy store dahil kampante na ako na magiging ligtas sila kung maraming nakabantay. Pero nagkamali ako nang makalabas si Seiji at Serin sa mall, hindi ko napansin na may nakasunod na pala sa amin."
"The kids you were saying, is that a kid who's wearing the same shirt?" putol ko sa sinasabi ni Saviel. Naalala ko kasi yong dalawang bata na nabangga ko.
"Triplets sila kaya malamang pare-pareho ang suot. Isa pa kakauwi lang namin galing sa Hawaii--"
"Sav, ako na."
Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Sinji. Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nilalaro ang kamay ng bata na nakaupo sa kanyang kandungan.
"Kilala ko kung sino ang nasa likod nitong pagdukot sa mga anak ko. Umpisahan natin noong unang nilusob ang hideout ng HuPoFEL, konektado 'yon sa nangyayari ngayon, pati ang pagkawasak ko sa opisina ni Kuya Luther."
Kumunot ang noo ko.
Maging ang atensyon ng lahat ay tutok sa sinasabi ni Sinji.
"Ang tattoo na nasa batok ko ay isang time bomb. Napansin niyo na kapag tulog ako ng mahimbing tapos bigla-bigla na ay akala niyo may lumusob sa hideout natin? Kagagawan ko 'yun."
"I am a living bomb at any minute from now muling maa-activate ang tattoo na nasa batok ko. Tumanggi ako noon na tanggalin ni Kuya Luther ang tattoo dahil buhay ko mismo ang nakasalalay pero hindi ko naman pwedeng idamay ang libo-libong tao sa loob ng HuPoFEL. Umalis ako para hanapin ang sagot kung paano matatanggal ang tattoo sa batok ko. Sa tulong ni Rent at Gun nakagawa kami ng antidote kung paano ito mawawalan ng bisa."
Dumapo ang atensyon namin kay Rent at Gun.
Nilabas ni Rent ang dala niyang laptop at walang atubiling nagflash sa pader ang sandamakmak na pictures ng tao.
"What the hell?"
"Shit!"
Ang nakapaskil ngayon sa projector ay mga biktima ng isang hindi malamang trahedya.
"These people is one of the victim of the said tattoo on their nape. Sa pagbubusisi namin ni Gun, nalaman namin na hindi lang si Sinji ang merong tattoo sa batok kundi lahat ng babaeng ni-rescue noon sa Spain. Ilan sa kanila ay tuluyang binawian ng buhay nang ma-activate ang tattoo. Base sa naalalang kwento ni Sin, ang tattoo ay maa-activate kapag ang biktima nito ay tutuntong sa edad na dese-otso. Sinji did survive that dahil ang tattoo na meron kay Sin ay isang eternal tattoo na kung saan hawak ng naglagay nito ang kontrol sa tattoo ni Sin. Nasa kamay ng kung sino man ang buhay ni Sinji, kaya gumagawa sila ng paraan para mabawi siya dahil hindi lang living bomb si Sinji kundi isang instrumento para sa pagwasak ng isang planeta - in short they are planning to destroy the earth where every living things are lying. Hindi ko alam kung anong pinaplano nila pero ang magagawa lang natin ay puksain ang mga nilalang na ito."
Napatingin ako kay Sinji. Hindi ko alam na ganito kahirap ang sitwasyon na pinagdadaanan niya.
Hindi ko namalayan na naglakad pala ako palapit sa kinauupuan ni Sin. Lumuhod ako dito at hinawakan ang kamay ni Sinji. Saviel left her chair for me at lumipat siya ng upuan pero hindi ko ito pinansin.
Sinji looked at me. Her eyes is full of emotions, regret and understanding.
"That kid, is he my child?"
Marahang tumango si Sin bilang sagot sa tanong ko. Bumigat ang pakiramdam ko at tila namamasa ang aking mata habang tinititigan ang batang nasa kandungan ni Sin.
He really looks like me when I was five years old.
"Sorry kung umalis ako noon sa condo mo, sorry kung ipinagkait ko sayo ang karapatan bilang Ama ng mga bata. Noong mga panahong naghihinala ako sa pagbubuntis ko, pumunta ako sa isang hospital at nalaman kong nagtatrabaho doon si Gun. He knows my situation but I asked him not to tell it to anyone even my brother and you." A single tear fell on Sinji's cheek.
Narinig kong tumikhim si Gun pero hinayaan ko lang 'yon.
"Pag-uwi ko sa condo, nadatnan kong nagkalat ang mga damit mo at dumiretso ako sa kwarto mo pero nakita kitang natutulog kasama ang isang babae."
Kumunot ang noo ko.
"What?"
"Si Barbara ang kasama mo sa kama. Nasaktan ako nun kaya hindi ako nagdalawang-isip na umalis sa condo mo at pumunta sa Japan kung saan naroon si Saviel. Kuya Luther didn't know about it, pero dahil sa inifinity card na gamit ko na pagmamay-ari niya, nalalaman ni Kuya lahat ng pinag-gagagawa ko nang pumunta kami sa Hawaii, pati ang panganganak ko ay alam niya."
Pumasok sa isipan ko ang isang alaala na nawala sa isip ko dahil sa paghahanap ko noon kay Sinji.
"Pero walang nangyari sa amin. Pagod lang ako nun at natutulog sa kwarto natin. I was helping her that time dahil natyempuhan ko na pinagtitripan siya pauwi sa kanila at umuulan pa nun kaya dinala ko muna siya sa condo para magpalit. I swear to God walang nangyari sa amin."
"Babaero ka kasi Kuruzaki." rinig kong sabi ni Gun na siyang ikinatawa ng ibang nakasaksi sa amin.
"Inggit ka lang Gun kasi si Senri may triplets. Samantalang ikaw, tumatanda kang tigang."
Lalong umalingawngaw ang tawanan sa loob ng meeting room.
"Enough with nonsense." naputol ang tawanan ng magsalita si Luther. "Gun and Rent will find where their hideout and check if the kids is fine. Perth and Cassius, gather all Elite members that are available, Trev, Reiden and Calvin, come with me. And lastly, Senri." dumapo ang paningin ni Luther sa akin. "Protect your family."
Tumango ako kay Luther.
"Dismiss."
Nang magsi-alisan ang mga taong itinalaga ni Boss, naiwan kami sa loob nina Sinji at Saviel kasama ang bata.
Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko akalain na magkakaroon kami ng anak ni Sinji.
"Gusto niyo bang mag-usap muna ni Senri? Pwede ko namang kunin si Shin at iwan kayo rito." basag ni Saviel sa katahimikan namin.
Lumingon ako kay Sinji at sa bata.
"Go with your Tita Ninang anak, mag-uusap lang si Mommy at Daddy. Okay lang ba?" tanong ni Sin sa anak nito.
The kid nodded as he stand up from his seat. Lumapit ang bata kay Sav at iginiya ito palabas ng meeting room.
Nang makalabas ang dalawa ay agad kong hinarap si Sin at umupo ako sa upuang iniwan ni Sav kanina.
"I'm sorry." panimula ko.
"Naiintindihan ko naman, eh. Nasaktan lang ako nung makita kong may kasama kang ibang babae sa kwarto mo. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkakandarapang babae sayo lalo na si Barbara, pero ang mukhang grasa na yon pa ang pinatulan mo." ramdam ko ang pagtatampo ni Sin kaya hinila ko ito sa kamay at pinaupo sa kandungan ko.
Hinawi ko ang buhok na nagtatabing sa mukha ni Sin at inipit yon sa kanyang tenga. Limang taon ang lumipas at tila lalong gumanda ang taong mahal ko.
"Ikaw lang ang nakikita ng puso ko mula noong umamin ka sa akin na mahal mo ako. Noong una ayoko sana dahil masasaktan ka lang sa akin lalo na at binantaan na ako ni Luther tungkol dito, pero tadhana na mismo ang naglapit sa ating dalawa. Kaya naman humihingi ako ng tawad sa mga panahong nasasaktan kita. Hindi ko naman intensyon 'yon, ang akin lang .. kapatid ka ng Boss ko at isa sa bro-code namin ang huwag patusin ang kung sino mang babae na mapapabilang sa HuPoFEL o Bloodfist kaso nananadya ata si Gun dahil hindi biro ang mga babaeng ipinapasok niya. Tulad na lang ni Kastiel na girlfriend ni Reiden Grei, si Perth na girlfriend ang kapatid ni Reiden. Hindi namin mapipigilan kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para mahalin namin ang mga babaeng unang masisilayan ng aming mata."
"Ang korni mo."
Natawa ako. "But to be honest, I'm so sorry for everything."
"Kapag nakita ko si Barbara tatanggalan ko siya ng mukha. Nanggigigil ako sa kanya, ang lakas ng loob niyang pumasok sa balwarte ko."
"Come on, wife. Wala ngang nangyari sa amin, at kahit kailan hindi ako pumatol sa babae. Sa'yo lang."
Sinji pinch my cheek at pinanggigilan nito na para akong bata.
"Parusa din sa akin na makita ang mukha mo araw-araw, partida tatlo pa."
Napatikhim ko dahil sa sinabi niya. Wala naman kaming lahi ng kambal dahil ako mismo ay nag-iisang anak lang. Siguro sa side ng Mommy ni Sin since mag-isa lang din si Tito na Daddy nila ni Luther.
"Feeling ko nga hindi ako tatanggapin ng anak natin."
"Kasalanan ko naman kung bakit hindi ka nila kilala."
Hinalikan ko na lang ang noo ni Sin bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko. Kailangan pa naming iligtas ang mga bata sa kamay ng mga dumukot sa kanila. Habang nakakapag-pigil pa ako, kailangan namin silang makuha sa lalong madaling panahon.
Magkahawak-kamay na lumabas kami ni Sin mula sa meeting room at nadatnan namin si Saviel at Shin na naghihintay sa amin.
Sinalubong ng bata ang kanyang Mommy at agad na nagpakarga dito. Gusto ko sanang yakapin ang bata kaso nahihiya ako sa kanya.
"Mom, why are you holding his hand?" usyuso ng bata.
Nagkatinginan pa kami ni Sin bago nito binaba ang bata gamit ang kanyang isang kamay. Hawak ko kasi ang kamay ni Sin.
"Shin, this is Senri. Senri this is Shin. This man is your Dad, baby."
Tumingala sa akin ang bata na nakakunot pa ang noo.
"But Papa is my Dad." aniya.
"Papa?" sabi ko.
"Si Kuya Luther kasi kinikilala nilang Papa, eh." bulong sa akin ni Sinji kaya ngumiti ako dito bago hinarap ang anak namin. Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa ni Shin.
"Hey, kid. I know its hard to believe it but I am your real father. Your Mom and I loves each other that's why you came here in this world to be with us. And your Papa is my Boss and your Mom's big brother."
"So, I have two father?"
"Yes."
Nagulat ako ng bigla akong dinamba ng yakap ni Shin, naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa balikat ko.
"Daddy." sabi ni Shin habang humihikbi.
Hindi ko namalayan na niyayakap ko na pala ang bata. Ang sarap lang sa pakiramdam na yong pinangarap kong pamilya ay sobra-sobra pa ang ibinigay sa akin ng Maykapal.
"Hush now, Shin. Babawi si Daddy sa mga panahong wala siya sa tabi niyo. Okay lang ba kung sa bahay ko na kayo uuwi once na mailigtas natin ang kakambal mo?"
"Please bring them back alive. I love Seiji and Serin."
Tumingala ako kay Sinji na ngayon ay umiiyak na din pati si Sav na nakayakap sa kanya.
Malaki ang pasasalamat ko kay Saviel dahil hindi niya iniwan ang mag-ina ko noong mga panahong wala ako sa tabi nila.
Tumayo ako at kinarga ng tuluyan si Shin. Inilahad ko ang kamay ko kay Sinji na agad naman nitong inabot at hinila ko ito para yakapin.
"It feels like home." aniya.
"Hindi mo naman na ako iiwan diba?"
"No. Not until my last breath."
I kissed Sinji and Shin's forehead.
Haharapin muna namin ang dilubyo ng sama-sama bago kami mabuo bilang pamilya. Hindi ako papayag na muli kaming magkakahiwalay. Limang taon ang tiniis ko para lang mahanap si Sinji.
Hindi hadlang ang tattoo sa batok ni Sinji, at hindi ang tattoo nito ang tatapos sa istoryang nagsisimula pa lamang para aming dalawa ni Sinji.
Bloodfist won't let this slip in our hands, kung hanggang impyerno ay susuyurin ko para mabawi ang mga anak ko, gagawin ko.
Kung ang tahimik na buhay ni Sinji at ng mga anak ko ang kailangan. Handa akong ibuwis ang buhay ko.
Pero dumating sa puntong kailangan kong magdesisyon. Kung ang buhay ng anak ko kapalit ng mapapayapang buhay kasama sila.
THIRD PERSON'S POV:
--
"Handa na ang lahat, Boss."
Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng building na kinaroroonan ko.
Hindi ako makakapayag na ang HuPoFEL ang mamumuno sa mundo ng mafia.
"Flame, ano pang hinihintay mo? Kailangan nating tapusin ang laban na sinimulan mo."
Lumingon ako sa taong nasa loob ng opisina ko. At ang bulto ni Barbara ang bumuluga sa akin.
Barbara Sandoval is my cousin and I use her to lure down Sinji.
Sinji is my treasure and no one can take them away from me.
Ang tattoo ang sumisimbolo ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko man siya nakuha sa auction pero sa pagkakataon na ito alam kong makukuha ko na siya.
Naglakad ako palapit kay Barbara at sabay kaming lumabas ng opisina. Tahimik na binaybay namin ang elevator patungo kung saan naroon ang mga batang nakuha nila.
Pagdating namin sa underground facility, nadatnan namin ang mga batang nagsisi-iyakan. Ang iba sa kanila ay hinihimatay na. Pero may dalawang bata ang nakakuha ng atensyon ko kaya agad ko itong nilapitan na siyang ipinagtaka ni Barbara.
"What's your name, kid?" walang emosyong tanong ko.
Matapang na tumitig sa akin ang batang lalaki habang ang batang babaeng kasama nito ay nahihintakotang sumiksik dito.
"What do you want from us?" matapang na tanong nito.
Napangisi ako.
"Kunin ang batang ito at ilagay mo sa kapsula." utos ko sa tauhan kong scientist.
Namumutlang lumapit ang lalaking nakasuot ng lab gown at hinaklit sa braso ang batang lalaki dahilan para mabitawan ito ng batang babaeng nakayakap dito kanina.
"Let go of my brother!"
"Let go of me!"
Pinagmasdan ko lang ang dalawang bata na nagpupumiglas sa mga taong pilit silang pinaghihiwalay. Dahil sa murang edad ay wala silang nagawa sa mga taong nandito.
Naipasok ang batang lalaki sa isang malaking kapsula. Agad akong lumapit sa isang makina at minaniobra yun.
Pilit na kinakalampag ng batang lalaki ang salamin ng kapsula pero wala siyang magagawa dahil nasa loob ng siya ng nasabing aparato.
I pushed the red button and a sharp object flash on the kids back. The machine flipped him and inject the tattoo on his nape.
Pang-dalawang daan ng sumabak ang batang lalaki sa eksperimento at kahit isa sa mga batang narito ay walang nakakasurvive sa proseso ng pag-implant ng tattoo sa kanilang batok.
Ilang minutong pinagmasdan namin ang pagpupumiglas ng batang lalaki sa loob ng machine.
"Let him go! Give it back my Kuya!" pagpupumiglas ng batang babae pero hinyaan ko lamang itong saksihan niya ang paghihirap ng kanyang kapatid.
Nang matapos ang paglalagay ng tattoo sa batok ng batang lalaki, napapailing ang mga doktor na narito sa facility.
"Failed again."
Akala namin ay palpak na eksperimento pero ng magmulat ng kanyang mga mata ang bata ay napangisi ako.
"He's really had a blood of a strong woman." I said.
Inalis mula sa capsule ang bata at agad itong sinalubong ng batang babae.
"Kuya Seiji, Kuya Seiji can you hear me?"
Suot ang ngisi sa aking mukha, umalis ako sa underground facility. Isa na namang instrumento ang nagawa ko para tapusin ang mga nilalang dito sa mundo.
Kung hindi ko mababawi si Sinji, ang anak niya mismo ang gagamitin ko bilang panlaban sa HuPoFEL.
"Nakahanda na ang lahat, Flame."
"Dalhin ang dalawang batang 'yun para sa nalalapit na digmaan. Nararamdaman kong pupunta sila dito para tapusin tayo. Alam ni Sinji kung saan ang lugar na ito kaya maghanda kayo sa pagbabalik ng inyong Reyna."
Tumango sa akin si Claude bilang tugon.
Lahat ng mga kasapi sa organisasyon ko ay naranasang makapasok sa sinumpang kapsula na 'yon dahil sa mga taong kumuha sa amin. Kaya ng masunog ang ampunan ay ako na mismo ang nagpatuloy sa naudlot na eksperimento ng amponan.
Dalawa lang kami ni Sinji ang nakasurvive sa mala-impyernong ampunan kaya ngayon babawiin ko na siya mula sa mga kamay ng HuPoFEL.