Chapter 4
Uwehhhh, uwehhhh, awuuuu!
Gago, nababaliw na ata ako kasalanan to ng engcantadia e naaadik akong panoorin. Favorite ko run si Imaw, ang laki ng mata e.
Hindi ko alam kung may klase pa ako, hindi ko naman kasi memorize ang schedule ko mga mare. Nasa bag ko naman ang copy ng schedule ko kaso tinatamad akong mangalkal ng gamit ko.
Kanina pa ako palakad lakad kasi, trip ko lang huwag kayong makeelam. Mamaya nga kauwi try kong manood ng raffy tulfo in action. Yung uncle ko mahilig manood ng tulfo kaya hindi na n'ya maasikaso ang asawa n'ya.
'Ganito kasi yan kuya Raffy, kaya ko s'ya pinatulfo kase wala na s'yang oras sa akin lagi nalang s'ya nanonood ng tulfo. Minsan nga kuya Raffy nag seselos na ako sa inyo.'
Gagi, grabeng tawa ko ro'n panigurado, nag selos ba naman ka'y kuya Raffy.
Natatanga na talaga ako, pero sa tingin ko, mas maganda pang ganito ako kaysa naman na mag mukmok lang ako dahil na basted ako ni Apollo me loves.
Mag dadrama sana ako kaso huwag na lang hindi naman kase ako susuyuin ni Apollo me loves.
Sa susunod naman Ang probinsyano ang papanoorin ko magmula sa episode 1 natapos ko na kase yung encantadia kaya ang probinsyano naman. Hindi ko lang alam kung matatapos ko yon e ang dami kaya ng episode non.
Hanggang ngayon ay abala pa rin ako sa paglalakad sa university, pero sa totoo lang kanina pa ako naliligaw mula ng makilala ko ang mga pashnea na yon, sinumpa ata ako ni Gurna.
Habang busy ako sa pag lalakad nakita ko si Apollo na naninigarilyo. Sa wakas hindi na ako maliligaw.
Kaagad akong tumakbo papunta sa direksyon n'ya. Nang malapit na ako nakita n'ya ako kaagad kaya nag salubong na naman ang kilay n'ya.
Lagi na lang s'ya galit pag dating sa akin.
"Apollo! Bakit naninigarilyo ka rito, bawal dito ah," saad ko sa kan'ya pero inirapan n'ya lang ako.
"Alam mo bang masama sa kalusugan yan brother? Kung may problema ka lapitan mo lang ako dahil libreng libre ako-- aray! Putape naman Apollo bakit na nambabatok, gusto mo bang batukan din kita- on the second taught huwag na lang pala." Hindi n'ya ako pinansin at ipinagpatuloy n'ya na lang ang paninigarilyo at dahil curious ako kung anong lasa yon, kinuha ko mismo sa bibig n'ya ang sigarilyo at sinubo ito.
Napaubo na lamang ako dahil hindi ko alam gamitin yon tsaka ang panget ng lasa. Natigil lang ako sa pag ubo ng hilain ni Apollo ang sigarilyo na nasa bibig ko at walang pakundangang tinapon yon.
"Ang gaga mo kase alam mo namang hindi ka marunong," saad niya habang umiiling.
"Tigilan mo akong bulol ka." dahil sa sinabi ko mas lalong nag salubong ang kan'yang kilay. Sa mga hindi nakakaalam nung highschool kase kami hindi pa s'ya masyadong makapag salita ng tagalog, kapag sinusubukan niya naman ay nabubulol s'ya. Nagalit ata sa kabulolan n'ya kaya ayon nag aral ng tagalog si pogi.
"Gwendolyn bakit wala ka sa klase mo?" seryosong tanong sa akin ni Apollo me loves.
"Ganito kase yan Apollo babes, simula kanina pa ako naliligaw alam mo na baguhan pa lang kase ang magandang si ako rito sa university n'yo tapos ayaw mo pang i tour ang future girlfriend mo." napabuntong hininga ng sobrang lakas si Apollo dahil sa sinabi ko. Paktay tayo mga pare mukhang nagalit na ang oso.
"Puro ka kalokohan Gwendolyn, kailan kaba mag titino ha." napangiti na lamang ako ng makitang concern sa akin ang mokong. Maloko ko nga.
"Papunta pa lang tayo sa exciting part." napakunot ang noo ni Apollo dahil sa sinabi ko na mukhang hindi n'ya maintindihan.
"You're daughter is sleeping with my husband!" sigaw ko mismo sa pag mumukha niya para dama niya ang pag aacting ko.
Akmang mag sasalita pa ako ng binatukan na naman ulit ako ni Apollo, kanina ka pang mokong ka ha.
"Nakita mong may asawa na yong tao tapos kinikiringking mo, nasan ang utak mo!" mas lalong napakunot ang noo ni Apollo dahil sa sinabi ko.
"Apollo babes magaling ba akong umakting, pwede na akong pumalit kay Jodie sta. Maria no." tinaas taas ko pa ang kilay ko sa kaniya pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Hineadlock ako ng mokong. Napaubo ulit ako dahil nawawalan ako ng hininga. Kung dahilan kanina ng pag ubo ko ay ang sigarilyo ngayon naman dahil kay Apollo.
"Putang ina mo Apollo bitawan mo kong kumag ka!" Imbis na luwagan mas lalo niya pang sinikipan kaya hindi na talaga ako maka hinga.
Laking pasasalamat ko ng bitawan na niya ang leeg ko. Buti naman at tinigilan niya dahil hindi na ako makahinga yang mokong kase na yan. Sinamaan ko ng tingin si Apollo pero inirapan niya lang ako.
Gague mo bhie.
Kahit na nagtatampo lumapit ako kay Apollo upang yakapin siya. Naramdaman kong natigilan siya ng ilang minuto pero after that yumakap siya pabalik sa akin.
"Ikaw Apollo labs mo talaga ako." masayang saad ko.
"You wish," saad niya at kinalas niya ang pagkayakap niya sa akin. Napanguso na lang ako dahil kinalas na niya ang yakap niya sa akin nag eenjoy pa naman ako tapos ganon ganon lang.
Kinuha ko ulit ang kamay ni Apollo ay inakap iyon sa akin. Hindi na naman niya tinanggal kaya lalo akong natuwa. Lihim akong kinilig dahil ang sweet sweet sa akin ni Apollo ngayon.
Minsan lang ito kaya susulitin ko na baka sumumpong na naman yan mamaya mahirap na kase daig pa ako n'yan kapag nag susungit daig pa ako pag may regla.
"Apollo."
"Hmmm," saad niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"Apollo pahingi nga ng pera nag hihirap na kase ako ngayon." Nagulat ako bigla nang bigla niya akong tinulak ngunit mahina lang.
" Manghihingi ka sa akin? Baka nakakalimutan mo Gwendolyn mayaman ka," saad niya gamit ang mababa niyang boses.
Ang gwapo mga pare.
Ilang minuto rin akong nakayakap sa kaniya bago ako kumalas. Kahit na nag eenjoy pa ako kakailanganin ko nang bumitaw dahil pumunta ako rito sa school hindi para landiin si Apollo na half true nandito rin ako sa school upang makapag aral ng mabuti.
"Apollo kanina pa ako palakad lakad dito pero hindi ko na mahanap yung room ko, kaya pwede bang mag patulong sa'yo?" tanong ko sa kaniya habang nakanguso. Kanina pa kase ako napapagod kakalakad.
Hindi sumagot sa akin si Apollo pero kinaladkad niya ako. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa isang classroom, mukhang ito na ang classroom namin.
Magsasalita pa sana ako ng tinulak ako papasok ni Apollo kaya nabuksan ang pinto. Natigil ang ingay sa loob ng makita nila ako pero lumipat ang tingin nila kay Apollo na nasa tabi ko.
"Oh! Anong tinitingin-tingin n'yo dyan." sigaw ko sa kanila kaya napaiwas naman ang iba habang ang kalahati ng estudyante ay inirapan ako.
Kina guwapo at kina ganda niyo yan?
"Hi Apollo." bati ng isa sa mga estudyanteng nandito sa room na naka lip bite pa.
"Hi Apollo." Panggagaya ko sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Bhie kinaganda mo ba yang lipbite na yan? Ang kapal na nga ng labi mo." dahil don sa sinabi ko ay akmang susugurin ako pero humarang na lang bigla si Apollo kaya napahinto siya.
"Did I gave you a permission to hurt her?" seryosong saad ni Apollo kaya napa tahimik ang lahat ng tao na nandidito.
"B-brandt! That bitch insulted me!" sigaw nong panget na babae sa mismong mukha ni Apollo kaya mas lalong sumama ang tingin n'ya roon sa babae.
"Did I allow you to speak? Tsaka huwag ka ngang mag salita sa mismong harap ko yang laway mo kase ay napupunta sa mukha ko." Napahalakhak ako dahil sa sinabi ni Apollo. Apollo can be savage sometimes eh?
Dahil sa hiya, kumaripas ng takbo yong babaeng panget habang umiiyak.
Kawawa naman s'ya, sana madapa.
"Wala pang ilang kilometro ang layo niya sa amin ng madapa siya bigla. Napahalakhak na lamang ako dahil nagkatotoo yung sinabi ko.
Napatingin naman sa akin si Apollo kaya tinuro ko sa kan'ya iyong babaeng nadapa kaya natawa naman s'ya bago sumeryoso st humarap sa mga kaklase ko.
"Sa oras na malaman kong may nanakit kay Gwendolyn ay ako ang makakalaban niyo. Naiintindihan niyo ba ako?" Sunod sunod na tumanga ang mga pashnene. Takot pala sila kay Apollo, yan bagay sa kanila. Kung kanina iniirapan nila ako ngayon naman ay hindi sila makatingin sa mismong mata ko at lagi lang silang nakayuko.
"Gwendolyn, behave kapag nalaman kong nakikipag away kana naman ay mananagot ka sa akin. Naiintindihan mo ba ako?" tanong niya gamit ang kaniyang malalim na boses. Dahil doon parang nahihipnotismo akong napatango sa kaniya na dahilan ng pagka ngisi niya.
"Very good," saad niya habang tinatapik ang ulo ko. Napasimangot na lamang ako ng guluhin niya rin ang buhok ko.
Hinampas ko ang kamay niya pero tinawanan lang ako. Bipolar ata to, paiba iba eh.
"Alis na ako Gwendolyn," saad niya, pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi!
Omyghad pwede na akong mamatay!