Chapter 3
Tapos na ang vacant namin kaya balik sa room na naman, ang pinag aaralan naman namin ngayon ay, direct task and indirect task.
Direct taxes include tax varieties such as income tax, corporate tax, wealth tax, gift tax, expenditure tax etc. Some examples of indirect taxes are sales tax, excise duty, VAT, service tax, entertainment tax, custom duty etc.
A direct tax is a tax that a person or organization pays directly to the entity that imposed it. Examples include income tax, real property tax, personal property tax, and taxes on assets, all of which are paid by an individual taxpayer directly to the government.
Indirect tax is a tax that can be passed on to another individual or entity. Indirect tax is generally imposed on suppliers or manufacturers who pass it on to the final consumer. Excise duty, customs duty, and Value-Added Tax (VAT) are examples of Indirect taxes.
Hindi ko ba alam kung bakit ito ang pinakuhang course sa akin ni daddy eh wala naman akong maiintindihan pero umabot ako ng 2nd year, buti na lang nan'yan si mareng google at pareng brainly.
Napatayo na lamang ako ng makita kong tumatakbo si Justice papunta rito sa direksyon ko, salamat sa mahiwagang bintana.
"Mr. Withlock anong ginagawa mo rito?"imbis na sagutin n'ya ang tanong ng guro namin, bigla na lamang s'yang pumasok sa room namin at hinila ako palabas.
"Ano ba yon Justice bakit bigla kang nang hihila."hindi n'ya ako sinagot at dinala n'ya ako rito sa covered court. Nakita kong msy nag kukumpulan sa gitna at mukhang msy nag aaway dahil may naririnig pa akong nsg sasabing 'awatin n'yo!'
"Gwendolyn, awatin mo si Apollo nakikipag suntukan ro'n ayaw mag paawat--"hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin ni Justice dahil kaagad kong pinuntahan si Apollo. Nakipag siksikan pa ako para lang makalapit ka'y Apollo.
Nakita ko si Apollo na pinag tutulungan ng limang lalaki pero kokonti lang ang mga sugat n'ya kay'sa sa mga limang lalaki na yon.
"You motherfucker!"Napasigaw lahat ng mga kababaihan dito, kung maka tili parang sila yong sinusuntok.
Dahil sa sobrang kaba para kay Apollo na baka s'ya ay masuntok sayang naman yong gwapo n'yang mukha kung mababangasan lang.
"Woi mga tol bakit nanunugod kayo rito sa eskwelahan namin?"Akmang susuntukin nung panget si Apollo pero nahawakan ko ang kamao n'ya kaya hindi n'ya natuloy ang pag suntok.
"Gago sino ka naman!"sigaw niya mismo sa pag mumukha ko kaya natalsikan ako ng laway.
Kadiri naman.
"Hindi mo ba ako kilala? Ako si darna."dahil sa sinabi kong iyon nag tawanan ang mga estudyanteng naka palibot sa amin.
"Atsaka bakit mo susuntukin si Apollo? Hindi mo ba nakikita na mas guwapo to sa'yo? Inaalagaan ko yang mukha n'ya tapos susuntukin mo lang, nag iisip kaba."pagkatapos kong sabihin yon sinugod ko s'ya para masuntok at mukhang hindi naman n'ya inaasahan kaya hindi s'ya naka iwas.
Ayon patay.
Umatras yung apat pa n'yang kasama at kumaripas na ng takbo. Hah! Mga duwag. Napa aray na lang ako ng may bumatok sa akin. Nang tingnan ko kung sino iyon, si Apollo lang pala.
"Bakit ka nangbabatok."sigaw ko mismo sa pag mumukha n'ya kaya lalo n'ya akong sinamaan ng tingin.
"Bakit mo inaaway yon? Kita mo namang kalalaking tao non."Shet ang hot minsan lang mag tagalog si Apollo kaya hindi pa mas'yadong ayos.
"Woi Apollo'ng bulol nag eenjoy kapa talaga sa lagay na yan? Tingnan mo yang mukha mo o puro pasa na."tinuro-turo ko pa ang mga pasa n'ya sa mukha na mas lalong kumunot ang noo n'ya.
"Apollo baka nakakalimutan mo grabe ang pag aalaga ko sa mukha mong yan tapos pagagasgasan mo lang sa isang panget. Kung ano ano na ang nilagay ko riyan, ma pa eskinol man yan o hindi--"natigil lang ako sa pag sasalita nang kaladkarin ako palabas ni Apollo sa court.
Makahila to wagas. Pag patuloy mo yan hindi mapuputol ang braso ko.
Nakalabas na kami ng covered court kaya binitawan na n'ya ang pag kapit ng mahigpit sa akin.
"Gwendolyn! What do you think you're doing?"pabulong na sigaw n'ya sa akin. Napayuko na lamang ako dahil alam kong galit na galit na s'ya ngayon.
"Sa tingin mo hindi ka papatulan ng mga iyon."Tama nga naman s'ya, lalaki sila habang babae ako kaya hindi ko sila kaya.
"S-sorry na Apollo hindi ko na uulitin promise mamatay man si Buck."Dahil sa sinabi ko nawala ang pag ka simangot ng mukha ni Apollo at napalitan ito ng isang matamis na ngiti.
"Oh ngumiti kana naman, ilang beses na yan ha."Napailing na lamang si Apollo sa kakulitan ko buti na lang talaga sanay na s'ya. Ikaw ba namang kulitin ng six years tingnan ko lang kung hindi ka masasanay.
"Oo na ngumiti nga."pagkatapos sabihin iyon ni Apollo ay ngumiti s'ya ulit na sobrang lapad at kita na ang pantay at mapuputi n'yang ngipin.
"Yan! Dapat lagi kang naka ngiti, guwapo ka na pag seryoso ka pero mas lalong guwapo pag ngumingiti ka. Pero kapag ngingiti ka dapat sakin lang pala huwag sa iba."Dahil doon nabalik ulit ang simangot sa guwapo n'yang mukha.
"Tigil tigilan mo ako Gwendolyn, atsaka tumakas ka sa klase mo no,"saad n'ya bago ako pingutin sa tenga.
"A-aray naman A-apollo galit ka ata sa'kin bitaw na pre masakit."Kahit anong pakiusap ko hindi n'ya pa rin tinigilan ang tenga ko. Tinigilan n'ya lang ang pag pingot sa akin nung namula na ang tenga ko.
Gago nito kung hindi pa namula yung tenga ko hindi pa n'ya titigilan.
"Sinasabi ko sayo Gwendolyn ayusin mo yang pag aaral mo."pagkatapos n'yang sabihin iyon ay umalis na s'ya.
Gusto n'yang mag walkout mga te dapat ako yun e gusto ko rin'g mag walkout.
Akmang mag wa-walk na rin ako ng may humawak sa braso ko, nang tingnan ko kung sino ito ay si Buck lang pala.
"Why are you acting like that?"naka kunot ang noong tanong sa akin ni Buck.
"Acting like what?"
"Sinaktan kana nga ni Apollo pero bakit parang wala lang sa iyo."Napa nganga na lang ako dahil sa sinabi ni Buck.
"Buck, ayaw mo ba na magkatuluyan kami ni Apollo? tanong ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako sinagot at umalis na lamang.
"Gwendolyn, sana hindi mo pag sisihan yan."huling saad n'ya bago tuluyang umalis.
May regla rin ata yon ngayon buti na lang ako tapos na. Napakibit balikat na lamang ako at bumalik na sa classroom.
Malapit na sana ako sa aming room ng may biglang bumangga sa akin. Nang tingnan ko kung sino yon isang panget na gaga lang pala.
Akala ko pang wattpad na ang scene yung magkakabungguan ang male at female lead buti na lang talaga hindi ako nerd at wala akong dalang libro ayoko s'yang maging girlfriend ang pangit eh.
"Woi bakit mo ako binunggo?"siga kong tanong sa kan'ya kaso inirapan lang ako ng pangit na to.
"Pwede ba, layuan mo ang Apollo ko pati na rin sina Buck at Justice babes."Putspa, nilahat na n'ya. Tibay mo pre.
"Gaga, gusto mo sa'yo yung tatlo ang siba mo naman kapanget panget mo tapos gusto mo yung tatlo, sabagay hindi ka naman nila gusto."Akmang aabutin n'ya ang buhok ko ng kumaripas ako ng takbo. Wala akong ganang makipag away sa isang panget na tulad n'ya.
After many years, nakarating na rin ako sa classroom namin pero putspa, wala na ang mga kaklasi ko. Luh! Iniwan ako ng mga gunggong, mga walang utang na loob sa nanay nila, kahit na iba-iba ang tatay nila mahal ko pa rin sila kase anak ko yung mga yon.
Ang gaga mo Gwendolyn, nag dadrama kana naman kinaganda mo yan?
Kahit na pagod na pagod na ako naglakad ulit ako pabalik sa- ano nga bang tawag do'n?
At dahil hindi pa ako pamilyar sa Howard University, nagkaligaw ligaw na ako. Napunta ako sa isang lugar na walang masyadong tao. Akmang aalis na ako sa lugar na iyon ng may humarang sa dinadaanan ko na mga lalaking dugong.
"Anong ginagawa ng girlfriend ni Apollo rito sa teritoryo ko."mayabang na saad no'ng pinaka payat na mukhang leader ata nila.
Koya, isang pitik ko lang sa'yo lilipad kana.
"Sure ka teritoryo mo ito? Mag tigil tigil ka nga tingting itong teritoryo mo ay kasapi pa ng university, o malalim yang kasapi ha pinag aaralan yan sa math baka hindi mo alam"mukhang napikon naman si tingting dahil ang sama na ng tingin n'ya sa akin.
Galit na galit, gusto manakit.
"Putsa dakpin n'yo ang pashneang yan upang maialay kay Imaw."Luh? Encantadia yarn? Uwehhhh! Uwehhhh!
"Huwag n'yo nang tangkain pang hulihin ako, hindi n'yo ba ako kilala? Ako lang naman di Lilasari! Mga gunggong." Nakita ko pang nan laki ang mga mata nila at mukhang natatakot na.
"Huwag n'yo nang tangkain pang kalabanin ako dahil hindi kayo mananalo laban sa akin. Hindi n'yo ba alam na nasa akin ang limang brilyante, mga pashnene kayo!"Akmang itataas ko ang kaliwang kaway ko upang ilabas ang mga brilyante ng bigla na lamang silang kumaripas ng takbo.
Napahalakhak na lamang ako sa sarili kong kalokohan. Ang galing no may brilyante ako tsaka ang tanga ko naman, ang tagal na nong mulawin na yon pero kilala ko pa rin yung may ari ng brilyanteng apoy si sanggre Alena.
Oh diba ang tanga ko talaga talent yan mga pre, TALENT.
Yan capslock para dama mo ang pag mamahal ko.