Chapter 9
HAILA’S POV
“Uy! Anong ibig-sabihin non? Ha?” Asar sa akin ni Sir at sinusundot-sundot pa ang aking tagiliran. Pinagdilatan ko naman ito para tumigil.
Nakaalis na si Papa, nagpaalam siya sa amin ni Sir ng maayos. As usual, hindi ko siya tinugon at tanging si Sir ang kumausap sa kanya. Bigla kasi akong nahiya dahil sa ginawa ko. Potek! Kanina pa rin akong inaasar ni Sir, konti nalang masasapak ko na siya sa inis.
“Wala!” Mabilis kong sagot. Para sa kanya kasi ay may ibang ibig-sabihin ang ginawa ko. Tsk! Bawal na ba siyang ipaghanda ng pagkain? Alangan naman si Lola ang magluto ng baon ni Papa ‘diba? Gosh!
Narinig ko ang kanyang pagtawa. Dahil sa inis at tinignan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatinag. Talagang sinusubukan niya ako. Sa inis ay hinampas ko siya sa braso. Naririndi kasi ang teinga ko sa tawa niya. Badtrip!
“Aray naman! Ba’t nanghahampas ka?” Reklamo nya. Hinihimas nito ang braso na hinampas ko kanina. Sa katunayan, dalawang beses ko na siyang nahampas. Napakabwisit nya kasi e. May gana pa talaga siyang mang-asar. Psh!
“Nakakainis ka kasi e. Anong masama kung pinaghanda ko siya ng baon, aber?” Singhal ko at pinagtaasan siya ng kilay.
“Tinanong ko lang naman kung anong ibig-sabihin non, e. Napakamaldita mo naman. Sana pala ‘di na lang ako nagtanong.” Nakangusong usal ni Sir. Patuloy pa rin siya sa paghimas sa namumula niyang braso.
Nakaramdam ako ng guilt kaya naman linapitan ko siya at tinignan ang kanyang braso. Potek! Napalakas ata ako sa paghampas, namumula na kasi.
“Masakit?” Tanong ko habang sinusuri ang kanyang braso.
“Tsk! Malamang! Sa lakas ba naman ng pagkahampas mo! Gusto mo try natin sa’yo?” Singhal niya na napapaaray pa rin sa sakit.
Sumagot naman ako.”E, ikaw kasi e, nang-aasar.’Yan tuloy.”
“Wow! Kasalanan ko pa talaga ha!” Asik niya.
“Talaga.” Sagot ko. Sinuri ko ng mabuti ang kanyang braso. Mahirap na baka mamatay ‘to. Anak pa naman ito ng mayaman.
“Mukhang lumalambot na puso mo sa kanya.”Seryosong ani niya habang nakatingin sa’kin. Tinutukoy nya ay si Papa, hindi ako pwedeng magkamali. Nakatingin naman ako sa braso niya at bahagyang hinaplos upang mawala ang pamumula nito.
Napasinghal ako bago siya sinagot.”Psh! ‘Yan ka na naman. Baka gusto mong dagdagan ko ‘to, ha?” Duro ko sa kanyang braso. Sinulyapan ko siya saglit pero kalaunan ay inalis ko rin ang tingin.
“Tsk! Nagtatanong ako kaya sumagot ka ng maayos.” Singhal niya. Lumayo na ako sa gawi niya at pinagmasdan ko siya ng diretso. Nakakrus ang aking mga braso na humarap sa kanya.
“Okay, fine.” Usal ko.”Gusto ko lang naman itry na ilapit ang sarili ko sa kanya. Wala naman sigurong masama,’diba? Tsaka, walang mangyayari kung papairalin ko lagi ‘tong galit ko.”
Ngumiti siya ng malapad sa’kin.”Ikaw ha, mukhang nagbabago ka na. Talagang blooming ka ngayong araw.” Asar nya. Akma ko siyang hahampasin ulit ng mabilis siyang umilag. Loko-loko.
“Blooming na kung blooming. Sige na, may gagawin pa’ko.” Pagpapaalam ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagtungo sa garden.
Sumapit ang pananghalian, niyaya ko na sina Lola at Sir na kumain. Hindi namin kasama si Criza dahil mukhang busy sa kanila. Kaya tatlo lamang kami nina Lola ang nasa hapag. Wala pa sina Ate at Kuya, mukhang nag-enjoy na sila sa kanilang date.
Matapos kumain ay nagprisitang si Sir na maghugas ng plato. Nagkatinginan pa kami ni Lola at bahagyang natawa. Pipigilan ko sana siya pero hindi ko na ginawa. Alam ko naman na marunong na siyang maghugas ng plato. Mabilis din pala siyang matuto.
Naisipan ko na rin ang maligo kaya pumaroon ako sa balon para mag-igib. Marami rin ang taong naroon kaya natagalan ako. Ang ilan ay nagulat dahil nakita ako. Sa paghihintay nakipagkwentuhan pa ako sa kanila. Matagal-tagal na rin kasi noong nagsimula akong magtrabaho kina Sir.
“Naku! Lala, ang ganda mo pa rin talaga hanggang ngayon.” Komento ni Aling Guada at sumang-ayon naman ang kanyang mga kasama. Busy sila sa pagkwekwentuhan ng makita ako.
“Hindi naman po.” Napapahiyang ani ko.
“Nga pala, sino ‘yong kasama mo? ‘Yon ba ang nobyo mo, Lala?” Tanong ng kasama nilang isa. Hindi ko na nakilala kung sino basta tagarito ‘yon sa’min.
“Ay! Hindi po.’Yon po ang amo ko sa Manila. Sumama po sa’kin para makabisita raw ho dito.” Sagot ko naman.
Nagkukumpulan ang mga tao rito ngayon dahil gaya ko ay kailangan nila ng tubig. Kahit papaano ay may oras akong makipagkamustahan sa kanila.
“Akala namin nobyo mo.”
“’Yon din ang akala naming mag-asawa kasi nakita namin kayo sa bukid kahapon. Para kayong magkasintahan tsaka ang gwapo ng lalaking ‘yon.” Ani Aling Arlene na asawa ng isa sa mga tao roon sa bukid kahapon. Hindi ko alam na may nakapansin don sa’min.
“Hehehe! Hindi po, amo ko po ‘yon.” Sagot ko.
“Kung hindi mo ‘yon amo talagang iisipin namin na nobyo mo. Alam mo bang bagay na bagay kayong dalawa? ‘Diba mga kasama?” Ani Aling Guada at sumang-ayon ang kanyang mga kasama.
Natawa na lang ako.
Marami pa silang tinanong sa’kin at nasagot ko naman lahat. Sabi nila ay gumanda daw ako. Syempre, natutuwa naman ako sa mga sinasabi nila. Nang maigiban ko na ang dala kong dalawang timba ay nagpaalam na ako sa kanila.
Sobrang bigat ng dalawang timba na puno ng tubig. Kung alam ko lang na ganito kabigat, sana pala isang timba nalang ang inigiban ko. Potek! Sumasakit na ang braso ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba ako na uuwi sa bigat ng mga ‘yon. Buti nga hindi sila natatapon kaya bubuhatin ko. Dalawang braso ko pa naman ang may buhat na timba.
“Haila!” Narinig kong tawag ni Sir sa’kin. Medyo malapit na rin kasi ako sa bahay. Para akong lantang gulay na nagbuhat sa dalawang balde ng tubig.
“Ako na.” Prisinta niya ng makitang nahihirapan akong buhatin ang dalawang balde. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan na lang ito na tulungan ako. Siya na ang nagdala ng mga ‘yon habang ako ay habol ang hininga.
“Grabe! Nakakapagod. Sakit pa sa braso.” Usal ko at inuunat ang aking mga braso. Nakakaramdam ako ng konting kirot. Potek!
“Ba’t hindi mo’ko tinawag para ako na sana ang nag-igib..” usal nya. Nagpauna na siyang naglakad habang dala ang dalawang balde. Nakasunod naman ako sa kanya.
“Nagpapahinga ka e, alangan abalain kita.”sagot ko.
Nakita ko kasi siyang nakahiga sa may duyan na naroon sa may mangga sa likod bahay kanina. Nahihiya naman ako na magpatulong sa kanya. Nagpapahinga ‘yong tao alangan na gambalain ko’diba?
“Kahit na, dapat tinawag mo pa rin ako. Ayan tuloy sumakit ang braso mo sa pagbuhat.” Depensa niya. Sa tono ng kanyang boses ay talagang galit siya. Hindi ko alam pero kinilig ako sa inasta nya.
Palihim akong ngumiti. Pakiramdam ko namula bigla ang pisngi ko. Sino naman kasi ang hindi kikiligin. Sobrang concern nya sa’kin. Wah!
Tinanong nya kung saan nya ilalagay ang mga balde, sinabi ko na sa banyo dahil maliligo ako. Nagpaalam siya na pupunta muna sa sala at doon na ako hintayin. Tumango na lang ako at nagsimula ng maligo. Pagkatapos, pumunta na ako sa kwarto upang magbihis. Nagsuot ako ng pink tshirt na tinernohan ko ng short na hanggang tuhod. Kinuna ko ang suklay sa harap ng salamin saka inayos ang aking buhok.
Napatingin ako sa pintuan ng marinig na bumukas ‘yon. Iniluwa nya si Sir na mukhang nabuburyo. Napakamot pa kasi ito sa ulo na animo’y naiinis.
“Anong nangyari sa’yo? Ba’t nakabusangot ka?” Tanong ko sa kanya. Naupo siya sa may kama at ako ay nasa monobloc chair malapit sa salamin.
“E, nabobored ako. Wala bang mall, bar o pasyalan dito? Kanina pa ako nababagot e.” Asik nya.
“Mukha nga.” Ani ko.”Hoy! Nasa bukid ka, sa tingin mo may mall dito? Baliw!”
“Damn! Konti na lang mababaliw na ako dito. Mas boring pa dito kesa sa bahay e. There’s no wifi here, wala ring computer games o whatever. Fuck!” Reklamo nya at napahilamos sa kanyang mukha.
“Sino ba kasi maysabi sa’yo na sumama ka? Tapos ngayon magrereklamo ka? Psh! Umuwi ka lang para ‘di ka mabagot.” Depensa ko. Naglagay ako ng pulbo sa aking leeg at batok.
“Wow! Salamat sa concern ha? Tsk!” Asik nya. Halatang naiinis siya. E, anong magagawa ko kung talaga walang wifi, mall, at computer games dito? Alangan magpatayo ako? Gosh!
Nag-isip naman ako ng paraan para mawala ang bagot ng isang ‘to. Dahil sa inis ay nahiga na siya sa kama habang nakatakip ang isang braso sa mata. Para siyang bata na hindi pinayagang lumabas ng bahay. Hahaha!
“Hoy! Bumangon ka dyan, may pupuntahan tayo.” Usal ko sa kanya kaya napatingin ito agad sa’kin
“Where?” Taas-kilay nyang tanong.
“Basta!”
Kinuha ko ang payong na naroon sa kwarto ni Lola. Nagpaalam na rin ako sa kanya para ipasyal si Sir. Pumayag naman ito kaya lumakad na kami. Siya na ang humawak sa payong tutal siya itong matangkad sa’min. Napapatingin ang mga tao na nakakakita sa’min. Alam kong pansin ‘yon ni Sir kaya napapayuko ako sa hiya.
“Wow!” Namamangha na tugon niya pagkarating namin sa taas ng burol. Dinala ko siya rito dahil ito ang alam kong lugar na makakapagpawala ng kanyang inis. Dito rin ako pumupunta kapag ka malungkot ako.
Makikita sa baba ang lawak ng bukid. Malaparaiso kung titignan. Makikita rin dito sa taas ang mga daan papunta sa bayan. Pati na rin ang maraming bahay ay makikit. Napakaganda. Ang lamig pa ng simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha. Nakita ko si Sir na napapatalon pa sa tuwa. Para siyang bata na firstime lang makakita ng ganong tanawin. Talaga naman kasi na napakaganda. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon.
“Walang wifi, mall, bar, o computer games dito pero may ganito kaming tanawin.” Pagmamalaki ko. Napatingin siya sa’kin at ngumiti.
Ngumiti ako pabalik sa kanya. Alam kong nagustuhan nya ang ginawa ko. Akala ko kanina hindi nya magugustuhan e. Nagdadalawang-isip pa ako kanina kung dadalhin ko siya rito o hindi.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman kong mahigpit niya akong niyakap. Namilog ang aking mga mata at pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. Bigla kong naramdaman ang pagkabog ng aking puso dahil sa ginawa nyang pagyakap sa akin.
“Thank you so much.” Matamis niyang ani habang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig. Naistatwa ako na para bang hindi alam ang sasasabihin. Talagang nakakagulat.
“Bayad ko dahil tinulungan mo ‘ko kanina.” Biniro ko na lang siya para hindi maging akward ang aming pagitan.
Natawa siya sa sinabi ko. Umalis na siya sa pagkakayakap sa’kin at inayos ko naman ang aking sarili. Bigla akong nailang kaya hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Nagkunwari akong nakatingin sa lawak ng aming nayon.
“Grabe! Sobrang ganda dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito mula pagkabata ko.” Andon pa rin sa boses nya ang pagkamangha. Anak mayaman siya kaya natural na maging ignorante siya sa mga bagay-bagay.
“Syempre, ang alam mo lang kasi na maganda ay mall, bar, at iba pa. Sa amin, ganito ang totoong ibig-sabihin ng maganda.” Tugon ko.
Tumikhim siya bago ako sinagot.”Ngayon alam ko na ang true meaning ng maganda. Grabe! Ang ganda. Sobrang ganda” Rinig kong usal nya.
Hindi ko inaasahan na nasa akin ang kanyang tingin ng sulyapan ko ito. Nakangiti apa siya. Anong ibig-sabihin ng mga tingin na ‘yon? Ako ba ang tinutukoy niyang maganda? Potek! How to calm? Wah!
Dahil sa nailang ako ay ako na ang umiwas. Talagang pinapakilig niya ako, kagabi pa siya. Wala ba siyang ibang alam gawin kundi ang lunurin ako sa kilig? Gosh! This is too much. Baka saan pa mapunta ‘to.
“Nga pala, nag-uusap pa ba kayo ni Kenneth?” Pambabasag ko sa katahimikan. Nakakrus ang mga braso nito habang ginugulo ng hangin ang kanyang buhok. Kahit ganon ay gwapo pa rin siyang tignan. Pramis!
Sinulyapan niya ako saglit. Mukhang nagulat siya sa tanong ko.
“Nope.” Sagot niya.
“So, hindi pa kayo bati?” Tanong ko.
Umiling siya.”Kung may balak siyang makipag-ayos sa’kin, sana noon pa niya ginawa. Alam niya na hindi ko ugaling humingi ng sorry kaya siya lagi ang gumagawa. Sa case namin ngayon, talagang nagmamatigas siya.”
“Ano ba kasi ang pinag-aawayan niyo at talagang nadamay pa’ko?” Tanong ko.
Ilang beses ko ng tinatanong si Kenneth tungkol sa bagay na ‘yon pero umiiwas siya. Mukhang may alitan sila ni Sir at kung ano man ‘yon ay hindi ko na alam. Sa lagay nila ngayon ay mukhang malalim ang pinag-awayan nila. Maski sina Luis ay hindi masagot ang tanong ko. O baka naman nagbubulag-bulagan lang ang dalawang ‘yon? Psh!
“Wala,’wag mo ng isipin ‘yon. Matatauhan rin ‘yon at hihingi ng tawad sa’kin.” Usal nya habang diretso ang tingin sa tanawin.
“Kung ano man ang alitan niyo, sana pag-usapan niyo ng maayos. Kayo lang din ang makakapag-ayo sa bagay na ‘yon.” Sermon ko at tumango siya.
“E, kayo ba nag-uusap pa rin?” Tanong niya ng hindi manlang tumingin sa’kin. Ramdam ko pa na napilitan siyang iopen ang topic na ‘yon.
“Minsan lang, mukha busy siya kasi e kaya ganon.” Kagat labi kong sagot.
“Uhmm. Nililigawan ka pa rin ba niya?” Tanong niya ulit kaya nagulat ako.
“Oo naman, wala naman siyang sinabi na tumigil na siya.” Sagot ko.
“Mukha nga.”
“Na ano?” Naguguluhang tanong ko.
“Mukhang masaya ka na nililigawan ka nya. Siguro, malapit mo na siyang sagutin.” Sambit nya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya. Pansin ko kasi ang lungkot sa mata nya. Bakit ganito?
“Hindi ko alam.” Sagot ko.
Makalipas ang ilang oras na pananatili namin don ay naisipan na naming umuwi. Nadatnan namin sina Lola sa sala na nagtatawanan. Narinig ko ang boses ni Kuya kaya patakbo akong pumasok ng bahay.
“Ehem! Mukhang hindi lang kami ni Marie ang nagdate, ha?” Asar ni Kuya ng makitang magkasama kami ni Sir. Mukhang alam niya na lumabas kami dahil nakangisi si Lola. Sinabi nya kay Kuya.
“Kuyaa!” Sita ko at linapitan si Lola para magmano. Gayundin ang ginawa ni Sir saka kami umupo sa sofa.
“Kamusta naman ang lakad niyo, Apo.” Tanong ni Lola sa amin. Nakatingin ito sa gawi namin ni Sir.
“Maayos naman po, Lola.”masigla kong sagot.
“Tama po si Haila, ang ganda po pala sa tuktok ng burol. Sana makapunta ulit ako ron.” Sabat ni Sir at tuwang-tuwa.
Gulat na gulat naman sina Lola. Namilog ang kanilang mga mata kaya nagkatinginan kami ni Sir. Anong nakakagulat sa sinabi nya? Si Ate Marie naman ay nagpipigil sa kilig, hindi ko maintindihan kung bakit.
“Ba-bakit po? Bawal po ba kaming pumunta don?” Tanong ni Sir sa kanila. Nagkatinginan ang tatlo at sina Kuya ay hindi na napigilan ang ngumisi. Bakit?
Tumikhim muna si Lola bago kami sinagot.”Apo, alam niyo bang pinaniniwalaan nilang lahat ng pumupuntang dalaga at binata doon ay nagkakatuluyan?” Ani Lola.
Para akong nabingi sa aking narinig. Seryoso ba sila? Pero bakit? Kaya ba maraming pumupuntang magkasintahan doon? Totoo kaya ang paniniwala nilang ‘yon? Gosh!
Napansin ko na gulat na gulat si Sir at gayundin ako. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo sa aking narinig. Hindi ko inaasahan na may paniniwalang silang ganon. Wala silang basehan sa bagay na ‘yon.
“Si Lola naman kung ano-ano ang sinasabi. Naniniwala ka po sa mga sabi-sabi nilang ganon? Psh!” Asik ko. Hindi ako naniniwala hangga’t wala silang ebidensya na maipapakita.
Sinusubukan ko pang tumawa para mawala ang wirdo sa pagitan namin ni Sir. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na sumusulyap ito sa’kin. Ngayon pa lang ay wala na akong mukha na maiharap sa kanya. Bakit hindi muna ako nagtanong kay Lola bago siya niyaya papunta sa burol na ‘yon. Potek!
“Apo, marami ng nagpatunay kasama na doon ang Mama at Papa mo. Doon sila laging nagdadate nung kabataan nila. Hanggang sa naging mag-asawa na sila. Totoong may hiwaga ang burol na ‘yon, maniwala ka sa’kin.” Depensa ni Lola. Kahit pa man seryoso ang kanyang mukha ay ramdam ko ang pang-aasar niya.
Naririnig ko ang tukso nina Ate at Kuya. Gusto kong tumakbo pero ‘diko magawa. Baka isipin nila masyado akong affected. Malay ko ba kasi kung may ganoon silang paniniwala? Potek!
“So, ibig-sabihin po niyong sabihin, Lola, magkakatuluyan kami ng apo niyo?” Rinig ko na sambit ni Sir na gumulat sa aming lahat. Napahilamos ako ng mukha sa sinabi niya. Ano ba itong nangyayari? Bakit kailangan niya pang tanungin ‘yon kay Lola. Gosh!