Chapter 8
HAILA’S POV
Hindi ko alam kung nababanlawan ko ba ng maayos ang mga hinuhugasan kong pinggan ngayon dahil sa pagiging tulala. Matik kasi ang nangyari kagabi sa kwarto. Gosh! Hindi ako makagetover. Nagmumukha tuloy akong sira na ngingiti at titili dito.
“Hoy!” Naramdaman ko na lang na tinapik ako ni Criza sa balikat kaya nabalik ako sa reyalidad.
“Ha? Ano? Bakit?” Aligagang tanong ko.
Tumawa ito ng malakas dahil sa inasta ko. Inirapan ko naman siya dahil hindi ko gusto ang paghalaklak na ginagawa nya. Alam ko naman na nakakatawa ang itsura ko. Psh! Kailangan talaga ipamukha?
“Anyare sa’yo, the? Kanina ka pa tulala dyan. Ilang beses mo na ring binabanlawan ‘yang mga hinuhugasan mo.” Dinuro pa ang mga pinggan na naroon sa palanggana. Iyon ang mga hinugasan ko.
“Hala! Sorry.” Mabilis kong inilagay ang mga pinggan sa tray para matuyuan. Nilinis ko pa ang lababo dahil marumi nito. Punyeta! Ano bang nangyayari sa’kin?
“Hoy!” Tawag ni Criza sa akin kaya napatingin ako sa kanya.”Umamin ka nga sa’kin, bakla ka. May ginawa ba si Rhaiven kagabi sa’yo? Hindi ba’t nag-inuman sila ni Kuya Gino? Imposibleng hindi ‘yon lasing at inano ka.”
“Luh! Wala kaming ginawa, ha? ‘Wag ka nga dyan.’Di ako ganon klase ng babae no.” Depensa ko at pinunasan ang aking mga braso gamit ang towel. Nakasandal ito sa pader sa gilid ng lababo kung saan ako nakatayo.
Siya dapat ang maghuhugas at ako ang maglilinis pero nakipagpalitan ako. Wala pa naman ako sa mood para maglinis ng bahay ngayon. Puro ganon ang ginagawa ko sa mansyon pati ba naman dito ganon pa rin? ‘Wag naman.
“Wala daw, sus.” Asik nya at inirapan ako.”E, ba’t tulala kanina pa? Lokohin mo na lahat ‘wag lang ako.”
Mabilis naman akong sumagot.”Wala naman talaga e, may sinabi lang siya na ‘diko makakalimutan.” Kinilig ako kaya nahampas ko siya sa braso. Ewan, nabaliw na yata ako kakaisip sa sinabi nya kagabi. Whoah! Why naman kasi ganon.
“Aray naman.” Reklamo nya habang hinihimas ang braso nitong hinampas ko.”At ano naman ang sinabi niya at kinikilig ka dyan? Apaka oa naman nito.”
“Ihhhhh! Bastaaaa!” Hindi ko mapigilan ang kiligin habang naaalala ‘yon. Halos hindi pa nga ako makatulog kagabi dahil sa sinabi nya. Ganon pala ang pakiramdam kapag sinabihan ka ng ganon. Wah! Kinikilig talaga ako potek!
“Ano nga! Ayaw pa sabihin e, para naman makarelate ako sa’yo, bruha ka.”singhal nya.
“Eto na, ikwekwento na nga.” Usal ko at lumapit sa kanya upang ikwento ang naging ganap sa amin ni Sir kagabi.
Flashback…..
Lakad ako ng lakad dito sa kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil nasa labas pa si Sir kasama si Kuya na nag-iinuman. Sumisilip pa ako sa bintana para makasigurado na hindi sila magrambulan mga lasing pa naman sila. Baka mamaya may mapikon sa asaran nilang dalawa.
Nakita ko pa na seryoso silang nag-uusap at kung ano man ang pinag-uusapan nila ay hindi ko na alam. Sobrang seryoso ni Sir kung ilalarawan ko. Loko-loko pa naman si Kuya kapag nakainom kaya naman lumabas ako ng kwarto ay pumaroon sa gawi nila. Sakto naman na papunta rin si Ate Marie upang awatin na si Kuya na sobrang lasing.
Naabutan ko na inaakay ni Sir at Ate Marie si Kuya na lasing na lasing. Ganyan kasi kapag naglasing, sinasagad na akala nya katapusan na ng mundo. Nagpaalam naman ako na ligpitin ang mga ginamit nila. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng alak kaya naman binilisan ko ang paghuhugas. Nang matapos ay bumalik na ako sa kwarto. Sakto na papasok na rin si Sir na mukhang may tama rin. Muntik pa siyang matumba kaya inalalayan ko na.
Dahan-dahan ko siyang pinahiga sa kama. Umayos naman siya at pinaharap sa kama namin ang electic fan. Pumaroon na rin ako sa pwesto ko para makatulog na. Hindi lang ako sure kung makakatulog pa ako ngayon dahil may katabi akong lasing. Iba tuloy ang naiiisip ko. May napanood kasi akong ginalaw siya ng lalaking lasing na katabi nya sa kama. Oh no!
Naramdaman ko na gumalaw ang kama dahil ginawang unan ni Sir ang braso nito. Hindi ako umimik at nagkumot na lang. Kahit naiinitan ako kay nagkumot pa rin ako para siguradong hindi nya ako mahahawakan. Kahit na sino yata na makakita sa akin ay matik na pagtatawanan ako. Nagmumukha akong bangkay rito na nakaunat ang katawan tapos nakakumot pa ako ng puti. Potek! Lasing pa naman siya baka ano gawin sa’kin. Jusmiyo!
“Haila, are you still awake?” Pambabasag nya sa katahimikan. Ayoko sanang sumagot para isipin nyang tulog ako pero hindi ko natiis.
“Oum, bakit?” Tanong ko. Takot na takot ako baka bigla siyang pumatong sa’kin. Jusko! Ano ba ‘tong iniisip ko.
“Hindi ka ba matulog dahil katabi mo ako ng ganito?” Asik nya kaya natigilan ako. Tinutukoy nya siguro ang kanyang kalasingan. Paano nya nalaman na hindi ako makatulog dahil katabi ko siyang lasing? Hala! Baka isipin niyang pinag-iisipan ko siya ng masama. Gosh!
Nagdadalawang-isip akong sumagot. Wala namang masama kung sasabihin ko ang totoo. Mas mabuti ng aware siya. Ito ba naman ang firstime ko na may katabing lasing.
“Uhmmm…’wag niyo na po intindihin ‘yon. Maya-maya dadalawin rin ako ng antok.” Palusot ko. Ayokong mag-isip ng mali baka masamain nya ako.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya napakagat ako sa aking labi. Gosh! Bakit iba ang epekto ng pagbuntong-hininga nya sa pandinig ko? Potek! Ano ba itong nangyayari sa’kin?
“I know what you are thinking..” usal niya kaya napapikit ako sa kahihiyan. Normal naman siguro na mag-isip ako ng ganon dahil babae ako at lalaki siya. Sabi nila, mahirap pigilan ang taong lasing. Kapag daw may alak, may balak. Phew! Ano ba itong naiisip ko kasi!
“Hi-hindi naman sa ganon, Sir.” Nauutal kong sabi.”Firstime ko lang kasi na may makatabing lasing e kaya ganon.” Pagpapaliwanag ko.
Hangga’t kaya kong idepensa ang sarili ko, gagawin ko. Ayokong masaktan siya dahil sa kaabnuyan ko. Alam ko naman na hindi nya ‘yon kayang gawin. Kapayanan ko lang naman ang iniisip ko.
“Hahaha!” Rinig kong tawa nya.”Kahit lasing ako, alam ko ang ginagawa ko. Kung iniisip mo na gagalawin kita, no, never. I respect you more than I respect your family. Kaya, matulog ka na, gigising ka bukas na walang labis, walang kulang. Goodnight, Haila.” Usal nya kaya hindi ko naiwasan ang mapangiti.
Shet! Don’t me! Kinilig ako sa sinabi niya He respect me more than He respect my family? Wah! Why ganon epekto sa’kin? Feel ko tuloy ang daming paruparo sa tyan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag sinabihan ka ng ganon! Gosh!
End of flashback….
“Wah! ‘Diba nakakakilig?” Tili ko habang napapatalon pa sa kilig. Hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko. Paano ba naman kasi ang lakas magpakilig ni Sir kagabi. Hindi ko lang siya amo baka ako na mismo pumaibabaw sa kanya. Char!
Umirap si Criza at lumayo sa gawi ko kaya napanguso ako. Ay! Hindi nya bet ang pampapakilig ni Sir kagabi sa’kin. Ediwag!
“Akala ko naman kung ano na. Hfmpt!” Singhal nya sa’kin. Alam ko naman na may krass siya kay Sir.”Baka mamaya nyan, magkagusto ka na sa kanya ha?”
“Luh! Ang oa mo naman! Kinilig lang may gusto na agad? Psh! Gusto kong kiligin no. Hahaha! Walang ibang meaning ‘yon, talagang iba lang ang epekto non sa sistema ko.” Depensa ko at nagfliphair.
Nagform na o ang kanyang nguso na nagpapahiwatig na ‘di siya naniniwala. Aba! Hindi ko na ‘yon kasalanan, no! Basta ako, nagsasabi ng totoo. Ngayon lang kasi ako kinilig ng ganito. Wah!
“Pero, seryoso, hindi mo siya krass? Never ka naattract sa kanya?” Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko inasahan ang kanyang itatanong.
Natawa ako ng mahina.”Syempre, hindi, no! Amo ko siya kaya ‘di pwede na magkagusto sa kanya. Sadyang natutuwa lang ako dahil sa mga pinapakita nya ngayon. Hindi kasi siya ganon sa mansyon e.” Paliwanag ko.
“Weh? ‘Di manlang ba niya napatibok ‘yang puso mo?” Tanong nya ulit.
“Napatibok naman pero, hindi ko pa naranasan ‘yang sinasabi mo na nagkagusto ako sa kanya. Ewan ko ba. Gwapo naman siya at attractive, kahit na sinong babae magkakagusto sa kanya, tulad mo.” Ani ko at dinuro pa siya.
Kung ako ang tatanungin, hindi ako nakakaramdam ng kakaiba kay Sir. Natutuwa lang talaga ako saka ‘yong about kagabi ay firstime ko lang kasi naranasan sa buong buhay ko. Basta iba ang epekto non sa’kin, walang ibig-sabihin ‘yon.
“Psh! Ewan ko lang ba kung nagsisinungaling ka!” Tugon nya at inirapan ako.
“Hindi kaya, sinasabi ko na sa’yo ang totoo. Tsaka, kilala mo’ko,’di ako agad nagkakagusto sa isang tao kapag hindi pasado sa standards ko.” Depensa ko. Syempre, may standards ako kapag usapang lalaki na. Ayokong maloko sa unang lalaki na mamahalin ko.
“So, hindi siya pasado sa standards mo, ganon?” Taas-kilay nyang tanong.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Maski ako ay hindi kayang sagutin ang tanong na ‘yon. Siguro ay hindi ko masyadong iniisip ang ganoong bagay sa ngayon. Gusto ko lang talaga mag-enjoy ngayon.
Nagpaalam na siya upang maglinis at ako naman ay naiwan na rito sa kusina. Nagluluto kasi ako ng baon ni Papa dahil pupunta siya ng bukid. Kumain siya ng breakfast kaninang kakauwi nya sa trabaho at nagpaalam para maligo. Maya-maya ay pupunta na sa bukid para dalawin ang mga tanim naming gulay.
Wala sina Kuya at Ate Marie, mukhang nagdate silang dalawa. Hindi na pa ako umangal dahil alam kong gusto nilang solohin ang isa’t isa. Kaya heto, naiwan kami nina Lola rito sa bahay. Gaya ng nakasanayan ko, inaasikaso ko lahat ng rito sa bahay. Maya-maya ay uuwi si Criza sa kanila.
“Uy!” Rinig kong tawag ng isang tao sa likod ko kaya napatingin ako roon. Bumungad sa’kin si Sir na pawis na pawis.
“Oh? May kailangan ka ba?” Tanong ko at tinapon ulit ang tingin sa paghahanda ng baon ni Papa. Nagluto ako ng sinigang dahil nagcracrave ako.
“Nothing.” Sagot nya at pinunasan ang pawis na naroon sa kanyang noo. Ano naman kaya ginawa nito at pinagpapawisan?” Hindi ba tayo pupunta sa bukid?” Tanong niya.
“Uhmm.. Hindi daw. Si Papa lang ang pumunta don, sina Kuya naman lumabas. Magpahinga daw muna tayo.” Sagot ko ng hindi manlang siya tinapunan ng tingin dahil abala ako sa paghahanda ng baon ni Papa.
Narinig ko na lumapit siya sa gawi ko at sumandal sa pader malapit sa refrigeratror. Pinagmamasdan niya ang ginagawa ko. Bigla akong nailang ng pagmasdan nya ang mukha ko. Nakita ko ang ginagawa nyang pagtingin kahit pa man nasa gilid ko siya. Pansin na pansin ng mata ko ang ginagawa nya.
“Mukhang blooming ka, ha? Ano meron?” Tanong nito at tumawa ng mahina. Sinulyapan ko siya saglit at inalis rin kaagad.
Ako blooming? Mukhang ‘di naman. Sadyang maganda lang talaga ang gising ko. Sabihin na natin epekto ito ng nangyari kagabi. Gosh! ‘Di talaga ako makaget over. Sana lang ‘wag nya ‘yon tanungin. Nakakahiya kasi.
“Ha? Wa-wala naman.” Nauutal kong sagot. Hindi ko siya matignan ng maayos kaya nagkunwari akong busy sa aking ginagawa. Matik na kung mabisto ako.
“Wala daw. Psh! E, ba’t ang lapad ng ngiti mo, para kang nanalo sa lotto, ha?” Tumawa ito at kinalabit ako sa balikat. Mukhang aasarin na naman niya ako.
“Maganda lang kasi ang gising ko kaya ganon.’Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan.” Sita ko. Nilagay ko na sa bag ang mga tupperware na pinaglagyan ko ng makakain ni Papa at itinabi.
Pumaroon na ako sa may lababo upang hugasan ang mga ginamit ko. Patuloy pa rin si Sir sa pagmamasid sa mga ginagawa ko. Hindi ko na lang siya pinansin.
“Baka may nasabi ako kagabi kaya ka ganyan. Hahahaha!” Asik nya kaya napatigil ako saglit sa paghuhugas. Potek!
“Wala no.” Mabilis kong sagot. Hindi ko alam pero nagpanik ako bigla. Paano na lang kapag nalaman niyang kinilig ako sa inasta nya kagabi. For sure tutuksuhin nya ako. Argh!
“Sure? Ba’t ka nagpanik bigla? May tinatago ka no?” Usal nya lumapit sa’kin para sundutin ang tagiliran ko pero kaagad akong umilag.
Sinimangutan upang tumigil pero pinagtawanan lang ako. Wow! Siya pa talaga may ganang tumawa. Psh! Gusto ko na tuloy maglamon sa lupa. Kinginang ‘yan.
“Wala nga. Ang kulit mo talaga!” Singhal ko. Matik kasi ang isang ‘to. Sana lang talaga hindi ako madulas.
“Sorry pala kagabi, hindi ko naman kayang iwan si Gino e. Pinilit niya lang ako na uminom kahit ayaw ko. Inisip kasi kita e.” Ani niya
Nagulat ako. Pinipigilan ko ang aking sarili na mapangiti dahil tyak mapapahiya ako sa kanya. Ewan, bigla akong kinilig dahil sa sinabi niyang inisio niya ako. Gosh!
“Inisip mo ako? Ba’t nadamay ako?” Kunwaring tanong ko para hindi mahalata na kinikilig ako.
“Oo naman,’di ka sanay na may katabing lasing e. Tsaka, kung may nasabi man ako na hindi maganda sa’yo o ‘di kaya naman ay nagawa, pasensiya na, lasing ako e.” Mahinahon niyang tugon saka ako nginitian.
Taenang ngiti na ‘yan. Bakit ba siya ganyan? Konti nalang malalaglag na ang panty ko dahil sa mga pagpapakilig nya. Wah! What’s happening to me?!
“Psh! Wala ka namang ginawa sa’kin. Natulog at nagising naman ako ng buhay e.” Biro ko kaya natawa kami parehas.
“Pero, seryoso, ba’t ka blooming ngayon?” Pagbabalik niya sa tanong na ikinais ko lalo. Nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ‘yon ng pagnguso. Badtrip!
Akma nyang susundutin ang aking tagiliran pero mabilis akong umiilag. Pinagbantaan ko pa siya ng aking kamao pero pinagtawanan pa rin ako. Sabi na e, tutuksuhin niya ako. Tsk! Pag ako nadulas, ewan ko nalang.
“Oo na, wala na.” Pasukong ani nya at ipinagpatuloy na lang ang pagpunas sa basa nyang mukha. Itinuon ko na lang din ang pansin sa paghuhugas.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Tanging tinig ng kubyertos na aking hinuhugasan ang maririnig. Pinapanood nya pa rin ako at natitiyak ko ‘yon.
“Nga pala, anong pinag-usapan niyo ni Kuya kagabi? For sure, may sinabi na naman siya tungkol sa’kin. Madaldal ang isang ‘yon kapag lasing e. Nagiging makapal ang mukha niya kapag ganon.” Pambabasag ko sa katahimikan. Napatingin naman ito sa’kin.
Sa itsura nya ay mukhang nagulat siya. Psh! Anong nakakagulat sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako. Psh! Oa.
“Ba’t mo natanong?” Seryosong usal niya.
“Wala naman, bawal na ba?” Taas kilay kong tugon.
Bakit ba ganyan ang reaksyon nya? Hindi na rin siya makatingin ng maayos sa’kin na para bang naiilang sa inopen kong topic. Nakakapagtaka talaga! Ano ba ang pinag-usapan nila?
“Sa’min na lang ni Gino ‘yon. Usapang lalaki ang ginawa namin.’Wag ka ng mangialam.” Usal nya.
Umirap ako sa kanya.”Psh! Nagtatanong lang naman e. Ano ba kasi ‘yon? Sabihin mo na.” Pagmamakaawa ko at linapitan siya saka hinawakan sa braso.
Gusto ko lang naman malaman kung ano ang pinag-usapan nila. Baka mamaya, sinabi na ni Kuya ang mga sikreto ko na ‘di dapat malaman ni Sir. Potek! Napakadaldal kasi ni Kuya kapag lasing e. Pahamak!
“Kung ako ang tatanungin, ba’t ko sasagutin? Hahahah!” Sa inis ko ay hinampas ko siya sa braso at tinignan siya ng masama. Tsk! Pilosopo!
“Psh! Bahala ka dyan!” Nakasimangot kong wika at itinuon na sa pagliligpit ang aking tingin. Naiinis ako sa kanya. Nagtanong ako ng maayos tapos sinagot nya ako ng pabalang? Napakagago!
“Pa! Teka lang,” ani ko ng makita si Papa na palabas ng bahay. Nakasuot na ito ng kajacket na manipis saka may hawak na sumbrero. Natigilan siya dahil sa pagtawag ko sa kanya. Napatingin rin si Rhaiven sa akin na mukhang gulat na gulat.
“Ba-bakit, anak?” Rinig kong tanong ni Papa. Kinuha ko na ang bag kung saan ko nilagay ang kanyang makakain. Nakakaramdam ko ng hiya pero ‘diko nalang pinansin.
“Baon mo po,” at inabot sa kanya ang bag. Kinuha nya ito sa’kin na gulat na gulat pa rin. Nagkatinginan sila ni Sir kaya sa hiya ay napayuko ako.
Nagtama ang tingin namin ni Sir. Sa lagay nya ay mukhang pinagtatawanan niya ako kaya mabilis ko siyang pinagdilatan. Pahamak! Bakit ba nawala sa isip ko na narito siya sa tabi ko at napapanood nya ang pag-uusap namin ni Papa. Gosh!