Chapter 15
HAILA’S POV
“Feel ko talaga may gusto na siya sa’yo, ayaw niya lang aminin,” pambubuyo ni Criza sa akin nang narito kami sa basketball court. Kasalukuyang ginanap ang Christmas Party. Pagkatapos ng misa ay nagtungo na kami rito. Tutal narito kanina sina Lola at sumunod na kami. Mukhang nagsimula na kanina ang party.
Simple ang dekorasyon na makikita sa paligid. Ang ilaw ay may iba’t ibang kulay. May mga upuan sa apat na sulok ng basketball court. May malaking Christmas Tree din at may ilang regalo ang makikita sa ilalim. Maraming tao ang pumunta at nagsasaya.
Napapatingin sila sa gawi namin dahil kay Sir. Sobrang gwapo naman talaga niya. Pati sa simbahan ay maraming nakatingin sa kanya. Lahat napapalingon na animo’y noon lang nakakita ng ganoong mukha. Gosh!
Kanina pa ako kinukulit ni Criza. Nakwento ko kasi sa kanya ang sinabi ni Sir sa akin kanina. Nagsisisi nga akong sinabi sa kanya dahil nakukulitan na ako ng sobra. Mabuti na lang nasa kabilang side ko si Sir na abalang pinapanood ang mga batang sumasayaw. Nakikita kong nag-eenjoy siya. Sobrang sarap makita na masaya siya ngayon.
“Shh! Criza, tumahimik ka nga baka mamaya marinig ka niya e,” sita ko sa kanya at siniko pa ng bahagya upang matauhan. Ayokong malaman ni Sir na pinag-uusapan namin siya. Baka mamaya hindi na naman maputol na pagtatanong ang gawin niya.
Mabuti na lang tumigil na si Criza. Itinuon ko nalang ang pansin sa mga batang sumasayaw sa gitna. Tuwang-tuwa ang lahat dahil magagaling ang mga bata na sumayaw. Napapalakpak ako sa tuwa. Namiss ko ang ganito at hindi ako magsasawang balik-balikan ang ganitong salo-salo ng aming sitio.
Pagkatapos sumayaw ng mga bata ay inanunsyo nilang bukas ang dancefloor para sa mga nais na sumayaw. Natuwa ang ilang mga kabataan at nagtungo sila sa dancefloor. Hindi ko naman ineexpect na may magyaya sa akin. Tamang nood na lang ang ginawa ko.
Nagulat ako ng bigla nalang tumayo si Sir sa harap ko inalok ang kamay. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa kanya dahil sa gulat. Napatingin tuloy sina Lola sa gawi namin at mukhang kinikilig sila sa inasta ni Sir.
“Can we dance?” Alok niya sa akin at ngumiti. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ang alok niya dahil bigla akong nakaramdam ng hiya.
“Bakit ako?” Muntik akong mautal sa sinabi ko. Nararapat bang ganoon ang reaksyon ko? Potek! Naiilang ako ng sobra sa kanya lalo na titig na titig ito sa akin at naghihintay ng sagot.
“Bakit naman hindi?” Giit niya.
Wala na akong nagawa pa kundi pagbigyan siya. Inalalayan niya akong tumayo at nagtungo kami sa dancefloor. Nakaramdam pa ako ng hiya dahil maraming mata ang nakatingin sa amin. Ang iba ay naghihiyawan na akala mo naman ay nakakita ng artista. Gusto ko tuloy umatras at bumalik sa upuan ko pero para akong nawala sa aking sarili ng maramdam ang mainit na paghawak ni Sir sa beywang ko.
Nakahawak ang isa nitong kamay sa beywang ko habang ang isa ay hawak ang kamay ko’t inilagay iyon sa kanyang leeg. Nahiya pa ako ng bahagya dahil ilant metro lamang ang layo ng mukha niya sa akin. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Halos hindi ko na rin maigalaw ang mga tuhod ko dahil sa presensya niya. Gosh!
“Relax, Haila,” asik niya at tumawa ng mahina. Pansin niya ang panginginig ko at pagiging aligaga. Napayuko ako dahil sa kahihiyan.”This is not the first time we dance together, right?”
Napalunok ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na niyaya niya akong sumayaw. Naaalala ko na noong birthday ng mama niya ang una. Doon niya rin inamin sa akin na first time niyang magyaya ng babae para makipagsayaw sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha ko. Shet! Ano ba itong nangyayari sa akin?
“Naks! Kinikilig,”asar niya sa akin. Nagsisimula na siyang gumalaw at sumasabay nalang ako. Baka kasi asarin niya ako at pagtawanan.
Ayokong magmukhang katawa-tawa sa harapan niya. Mahirap pa namang makalimot ng kahihiyan ang taong ‘to.
Napangiwi ako at nagkunwaring hindi apektado sa sinabi niya. Bakit ba ang bilis niyang makaramdam? Taena! Baka mamaya magtanong siya ng kung ano-ano sa akin. Hindi pa naman ako handa.
“Tsk! Ba’t naman ako kikiligin? Duh,” Pagtataray ko. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako ng sobra. Amoy na amoy ko ang pabango na ginamit niya. Iba ang epekto non sa sistema ko.
“Sus! Huwag ka nga, pansin kong namula ang pisngi mo,” nakangisi niyang usal. Titig na titig ito sa akin at mukhang napansin niya ang pamumula ng pisngi ko.
“Naiilang kasi ako, andaming tao na nakatingin sa’tin, no,” depensa ko. Noong yumuko ako ay inangat niya ang aking ulo. Mukhang wala siyang pakialam sa paligid namin.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil doon ay inirapan ko siya.”Pero, noong birthday ni Mommy hindi ka nahiya?”
Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko siya ng mahina. Hindi naman siya nagreklamo tutal mahina lang naman iyon ay walang epekto sa kanya. Tumahimik nalang ako at hinintay na matapos ang tugtog. Inaasar ako ni Sir habang sumasayaw kami. Hindi ako nag-abalang sumagot o kaya naman ay pumatol dahil magsasayang lang ako ng laway. Nakita ko sa sulok na kinukunan kami ng litrato ni Criza. Pinagdilatan ko siya pero hindi nadala.
“Do you know what’s more beautiful than moon and stars?” Tanong niya sa akin. Inismirkan niya pa ako kaya hindi ko mawari kung seryoso siya o nang-aasar na naman.
“Hindi. Ano ba iyon?” Inosenteng tanong ko. Wala akong ideya sa tanong niya. Psh!
“Your smile.” Nakangiting sagot niya.
Pigil ang ngiti na ginawa ko dahil sa banat niya. Muntik ko pang makagat ang dila ko at maihi sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko napakaraming buttetfly ang meron sa tyan ko Kinilig ako sa sinabi niya’t hindi ako makagetover. Gosh!
Paalis na sana kami ng lumapit si Papa sa gawi namin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko maintihan kung bakit iba ang epekto ng presensya niya sa akin. Halos tumigil ang mundo ko ng nasa harap ko na siya’t nakangiti. Nagplay ulit sila ng music at ang pamagat noon ay ‘Dance With My Father. Hindi ko alam kung sinadya nila iyon o hindi basta ang alam ko napako ako sa aking kinatatayuan.
“Maaari rin ba kitang maisayaw, anak?” Tanong niya. Nagkatinginan kami ni Sir at nakita ko ang malapad niyang pagngiti. Ang kamay kong hawak niya ay iniabot niya kay Papa. Tumango ito at naglakad na pabalik sa kanyang kinauupuan kanina. Naiwan ako kay Papa at hindi alam ang gagawin.
Ayokong maging awkward ang pagitan namin kaya naman ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Nagulat siya sa inasta ko kaya nakita ko ang pagngiti niya. Tulad ko, iba rin sa kanya ang presensya ko sa sistema niya. Hindi ako makatingin sa kanya ng direkta. Sumayaw nalang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
“Mas maganda ka pala sa malapitan, anak,” usal niya. Ngumiti nalang ako bilang sagot. Walang lakas ang bibig ko para magsalita. Pakiramdam ko, naghina pati dila ko.
Ramdam ko ang mainit niyang kamay sa beywang ko. Pansin ko rin na hindi niya maalis ang tingin sa akin kaya nailang ako. Sinusuri niya ang kabuuan ng mukha ko. Nararamdaman kong konti nalang ay babagsak na ang luha ko. Naalala ko kasi ang mga paalala ni Sir sa akin. Mukhang ito na ang tamang oras upang magkausap kami.
Namalayan ko nalang na niyakap ko siya ng mahigpit. Nagsisiunahan na rin ang mga luha kong bumagsak. Nagulat siya sa ginawa ko at ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi ko alam pero bigla akong nasabik sa mga yakap niya. Ito ang inaasam ko sa loob ng mahabang panahon.
“Ganito pala kasarap ang yakap ng isang ama,” usal ko habang nababasa ng luha ang mukha ko. Naramdaman ko na nakatingin ang maraming tao sa amin. Kasama na roon sina Lola na sigurado akong nagulat sa aking ginawa.
“Haila, anak ko,” tugon niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko kayang pigilan. Pakiramdam ko pa manghihina na ako.
“Sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko, Pa,” usal ko habang patuloy ako sa paghagulgol.”Nadala lang ako sa galit ko, naulila ako sa inyo ng maraming taon. Hindi ko akalain na babalikan mo kami ni Kuya. Buong-buhay ko lumaki akong wala ka, na wala kayo ni Mama. Sobrang sakit nong iniwan mo kami, Pa. Araw-araw ko hinihintay ang pagbabalik mo hanggang sa natuto na akong magtanin ng sama ng loob sa’yo. Inaasahan ko na uuwi ka sa mga espesyal na okasyon pero nabigo ako. Ilang birthday ko ang dumaan na wala ka. Ilang hirap, sakit, at pagkaulila ang nangyari sa akin na hindi ko manlang naramdaman ‘yong presensya mo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong maranasan iyon. Ang sakit lang sa part ko, Pa, na ang unang lalaki na nanakit sa akin ay mismong tatay ko pa.”
Ito na yata ang oras na matagal kong hinintay sa buong buhay ko. Matagal kong kinimkim ang galit dito sa puso ko sa kanya. Lumaki akong nagtanim ng galit sa kanya. Natuto ako sa mga bagay-bagay na inaasahan kong siya ang magtuturo sa akin. Ang dami kong pinangarap gawin na kasama siya pero sobrang damot ng tadhana. Hindi niya kamo binigyan ng pagkakataon para magkasama. Sobrang sakit balikan ang mga araw at oras na wala siya sa tabi ko. Sobrang sakit.
“Inggit na inggit ako noon sa mga batang kalaro ko na may tatay. Naranasan kong mabully dahil wala ka, dahil iniwan mo kami. Sinabi ko sa sarili ko na hihintayin kita. Iyon ang pangarap ko na gustong-gusto kong matupad sa lahat. Pero, bakit ngayong nandito ka na, nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa katotohanang ang dami mong sinayang na panahon bago ka natauhan, Pa.”
Basang-basa na ang pisngi ko dala ng pagbagsak ng aking mga luha. Inaalo niya ako at habol ko ang aking hininga. Gusto kong sabihin lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Napapagod na akong kimkimin lahat iyon sa dibdib ko. Ayoko ng pasanin iyon ng matagal. Ngayong nandito na siya, sasabihin ko na lahat upang matahimik na ako.
“Sobrang sakit ng pag-iwan mo sa’min, Pa,” halos hindi ko na maaninag ng maayos ang paligid dahil sa luhanh mayroon sa mata ko.
“Patawarin mo’ko, Lala.” Tugon niya at narinig ko ang kanyang paghindi. Napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akin. Mukhang sabik na sabik rin siya na gaya ko.
“Iniwan mo ba ako dahil ayaw mo sa’kin? Hindi ka masaya na dumating ako sa buhay mo, ganoon ba? Nagsisisi ka bang nabuhay ako, pa?” Halos makapusan ako ng hininga habang sinasabi iyon sa kanya.
Mabilis siyang umiling.”Kailanman hindi ako nagsisising dumating kayo ng kuya mo sa buhay ko. Noong araw na ipinanganak kayo at kinarga ko kayong dalawa, iyon na yata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Haila, anak, hinding-hindi ako magsisisi, hinding-hindi.”
“P-pero bakit iniwan mo pa rin kami?”
“Kasi naging duwag ako.” Pag-aamin niya. Masakit marinig iyon mula sa kanya.”Hinding-hindi ko na kayo iiwan ng Kuya mo. Pupunan ko na lahat ng pagkukulang ko noon sa inyo. Hindi na ako magiging duwag at aakuhin ko na ang responsibilidad ko ngayon bilang ama. Patawarin mo ang papa, anak.”
“Nakakapagod na pong magalit sa inyo, pagod na pagod na ho ako,” usal ko. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ako sa mukha. Pinunasan ang mga luha kong nagsisiunahang bumagsak gamit ang kanyang mga daliri.
“Babawi na si Papa, okay? Mahal na mahal kita.” Niyakap niya ulit ako habang umiiyak kami kasabay ng tugtog. Iyon na yata ang pinakamasayang oras sa buong buhay ko. Pakiramdam ko nawala iyong malaking nakabara sa dibdib ko. Sobrang luwag na sa pakiramdam.
Matapos ang emosyonal na pagsasayaw namin ni Papa ay bumalik na kami sa kinauupuan habang nakaakbay ito sa akin at pilit pinapatahan. Mabilis na tumakbo si kuya upang yakapin kami at ganoon rin si Lola. Naging emosyonal rin pala siya gaya namin. Natawa na lang ako ng asarin ako ni Kuya na ang pangit ko raw umiyak.
Nagsimula na ang pagames nila. Noong una ay kaming dalawa ni Papa ang sumali pero noong mga sumunod na games ay si Sir na ang kasama ko. Gustong gusto niya kasi at kahit hindi niya sabihin ay nahahalata ko sa mga mata niya. Nakikita ko kung paano siya mag-enjoy. Noon ko lang ulit siya nakita na ganoon kasigla. Sobrang sarap niyang panoorin
“I’m happy for you,” wika niya ng balingan ako ng tingin ni Sir. Sina Kuya at Ate Marie naman ang nakipaglaro. Napagod na kasi si Sir at gusto ng magpahinga. Narito kami sa isang gilid at nakaupo sa monobloc chair.
“Happy saan?”
“Because, You and Tito are okay now.” Sagot niya.”I told you, he’s going to do anything for you. You deserve it,” mungkahi niya. Nararamdaman ko na naman ang luha ko na namumuo. Ewan, ang bilis ko ng maging emosyonal.
Ngumiti lang ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Ayokong makita niya na umiyak ako. Hindi ko naramdaman na gumalaw siya o kahit na anong kilos. Ingat na ingat siya na baka masagi nito ang ulo kong nakasandal sa balikat niya. Naramdaman ko rin ang pag-akbay niya sa akin pero hindi ko iyon inalis. Komportable ako sa presensya niya. Aaminin ko iyon.
Masaya kaming lahat na umuwi sa bahay pagkatapos ng Christmas party ng sitio namin. Nagsiuwian na kami dahil malapit ng maghating gabi. Nakaakbay si Papa at mukhang ayaw niyang bumitaw. Mula kanina ay ayaw na niyang lumayo sa akin. Minsan pa nga ay hinahalikan nito ang buhok ko badya upang maging emosyonal ako.
“Oh, wala ng matutulog, malapit ng mag-alas-dose!” Pag-iingay ng kuya ko habang itinaas pa ng bahagya ang bote ng alak. Tuwang-tuwa ito at mukhang hindi na makapaghintay.
Narito kami sa hapag, inaayos namin ang mesa na puno ng pagkain. Tinulungan ko na si Ate habang sina Papa ay masayang nagkwekwentuhan sa sala. Nahuhuli kong tumitingin si Sir sa gawi ko. Hindi ko maintindihan ang mga ngiti niya. Napakatamis kasi ng mga iyon at mukhang may gusto siyang sabihin.
“3…. 2….. 1…Merry Christmas!” Hiyawan naming lahat habang nakatuon ang aming pansin sa wall clock.
Lalo pa kaming naghiyawan ng tuluyan ng mag-alas dose. Kanya kanyang pagbati ang ginawa namin sa isa’t isa. Halos ayaw bumitaw ni Papa sa yakapan naming dalawa. Kinailangan pa akong agawin ni Lola palayo sa kanya.
“Merry Christmas!” Bati ni Sir sa akin. Hindi ko napansin na lumapit ito sa akin. Abala ako sa panonood sa lambingan nina Kuya at Ate kanina.
“Merry Christmas din,” bati ko pabalik. Ngumiti ito sa akin at ganoon rin ako. Humakbang siya palapit sa gawi ko at ganoon na lang ang gulat ko ng mabilis siyang yumakap sa akin.
Napako ako sa aking kinatatayuan. Iba ang yakap na binigay niya sa akin. Naramdaman ko rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa presensya niya. May nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Napatingin sina Lola sa gawi namin ni Sir kaya dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap.
Masaya kaming nagsalo-salo sa munti naming handa. Maraming kinukwento sina Lola at Kuya ganoon rin si Sir. Lahat sila ay masiglang nagkwekwento. Napapangiti ako sa kadahilanang iyon na yata ang pinakamasayang pasko sa buong buhay ko. Makita ko lang na masaya at kumpleto kami ay masaya na ako.
Lahat ay excited sa bigayan ng regalo kaya naman pagkatapos kumain ay nagtakbuhan kami papunta sa sala. Pinagitnaan ako nina Sir at papa kaya nakikita ko kung paano ngumisi ang kuya ko sa akin. Syempre, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya.
Nakaakbay si Papa sa akin, kapag nagtatama ang tingin namin ay nginingitian niya ako. Hindi ko maipaliwanag iyong saya na mayroon dito sa puso ko. Pakiramdam ko pa ay nakuha ko na ang pinakamagandang regalo ngayong pasko.
Si Kuya ang unang tumayo upang ibigay ang kanyang regalo sa amin. Lahat kami ay binigyan niya kasama na roon si sir na gulat na gulat. Alam kong hindi niya aakalain na bibigyan siya ng abnormal kong Kuya. Sumunod naman si Ate na sinundan ni Lola. Lahat kami ay tuwang-tuwa sa mga natanggap na regalo. Hindi man iyon kamahalan, sobrang espesyal naman.
“Teka, wala kang ibibigay na regalo sa’kin, pa?” Nakangusong angil ko ng mapansing ako lang ang hindi niya binigyan ng regalo.
Natawa silang lahat maliban sa akin. Nagmumukha akong katawa-tawa dahil para akong bata na hindi nabigyan ng regalo. Nakanguso ako at konti nalang ay maiiyak na. Sobrang unfair naman kung hindi niya ako bibigyan. Nakakatampo!
Lumapit si Papa sa akin. Humawak ito sa magkabila kong balikat at inaayos-ayos nito ang buhok ko.”Hindi ba’t nabigay ko na ang regalo ko sa’yo?”
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Regalo? Pagkakaalam ko, wala pa siyang inaabot sa akin na kahit ano. Hindi nga ako sure kung bibigyan niya ako e.”Luh! Wala ka pang binibigay na regalo sa’kin, Pa!” Asik ko. Nagpapadyak na rin ako na parang bata.
“Pagkakaalam ko kasi kahit makita mo lang ako ay iyon na ang pinakagusto mong regalo sa lahat, hindi ba?”
“Ih! Iba ‘yon, syempre, oo yon ang pangarap ko noon pa man pero bigyan niyo naman ako ng materyal na bagay,” nakangusong ani ko.
Natawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko. Alam nila kuya na makita lang si papa ang gusto kong regalo noon pa man pero gusto ko rin makatanggap ng ibang regalo bukod doon. Jusko!
“Oo na,” suko niya at may kinuha sa kanyang bulsa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa may ipakita ito sa akin. Napatakip ako ng bibig ng makita ang napakagandang kuwintas sa kanyang mga kamay. Iyon ba ang ibibigay niyang regalo sa akin? Gosh!
“Pa, ang ganda,” usal ko nang kinuha ko ito sa kanya. May pendant iyon na maganda. Kumikinang rin at talagang nakakawiling tignan. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng ganoon. Ganoon rin ang pinabibili ko kay Kuya noong nasa abroad siya.
“Nasabi kasi ng Kuya mo na matagal mo ng gusto na magkaroon ng ganyang kwintas, kaya binilhan na kita. Wala rin kasi akong maisip na ibigay sa’yo. Sa katunayan, nagpatulong ako sa kuya mo.”
“Thank you, Pa,” at mabilis siyang niyakap. Pagkatapos ay pumaroon ito sa likod ko’t isinuot iyon sa akin. Namamangha pa rin ako sa ganda non hanggang sa tuluyan na itong maisuot sa leeg ko. Napayakap ulit ako kay Papa sa sobrang saya.
Ibinigay ko na rin ang mga binili kong regalo sa kanila. Inilagay ko sa gilid ang para kay Criza tutal wala siya dito dahil sa bahay siya nila nagdiwang ng pasko kasama ang pamilya niya. Ang mga ibigay ko ay syempre mga paborito nila. Hindi ko lang alam kung gusto ni Sir ang tshirt na binili ko para sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang mga tipo niyang damit. Bahala na.
“Thanks for this. I like it,” nakangiting usal niya.
“Sus! Huwag ka nga, okay lang naman sa’kin kung sabihin mong di mo nagustuhan ang niregalo ko sa’yo kesa pinupuri mo pa. Plastic amp!” Asik ko.
“Hahaha! Nagustuhan ko naman talaga e,”
“Weh? Mura lang yan no, baka mangati pa katawan mo dyan if magsusuot ka ng mumurahing damit,” biro ko sa kanya at sabay kaming natawa.
“Okay lang, atleast niregaluhan mo ako,” sabay kindat niya. Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Hayts! Kinilig ako doon, ah!
Si Sir ang sumunod na nagbigay ng regalo pagkabigay ng regalo sa kanila. Tuwang-tuwa sila ng makita kung gaano kamahal ang mga iniregalo nito. Shirt ang iniregalo niya kina Papa at kuya samantalang si Ate ay dress na may kasamang pabango. Sandals naman ang binigay niya kay lola na medyo may kamahalan. Nasabi ko kasi sa kanyang mahilig roon si Lola.
Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan. Ano kaya ang ibibigay niya sa akin? Hindi ko naman kasi nasabi sa kanya kung ano ang gusto ko. At isa pa, hindi niya ako tinanong. Gosh! I’m so nervous!
“Hey,”pagkuha niya sa aking atensyon. Nawili akong pinapanood sina Kuya na isuot ang mga natanggap na regalo. Mukhang wala na silang pakialam sa akin. Naks! Parang ‘di ako part ng family. Psh!
“Hmm?” Nakangiting ani ko pero sa kaloob-looban ay talagang nilalamon ako ng kaba at excitement. Hindi na ako magtataka kung mahal ang ibibigay niyang regalo sa akin. Lahat kasi ng binigay niya kina Kuya ay may kamahalan. Galante ba naman kasi ang taong ‘to. Hindi yata uso sa kanya ang salitang “mura”. Amp.
“Here’s my gift to you,” napatingin ako sa paper bag na sobrang laki. Teka, ano ang laman non? Refrigerator? Aircon?
“Luh! Ba’t ang laki naman yata. Niregaluhan mo ata ako ng aircon e,” biro ko sa kanya.
“Just open it. I hope you like it, Haila,” matamis niyang tugon kaya halos mabingi ako sa tinig ng boses niya. Gosh! Ano ba itong nangyayari sa akin?
Nagulat ako ng kuhanin ko ang paper bag na iniaabot sa akin. Sinundan niya lang ako ng tingin habang binubuksan iyon. At ganoon ang pagkagulat ko ng makita kung ano ang laman non. Totoo ba ito? No way!