Chapter 14
HAILA’S POV
“Hoy, anong mag-date na sinasabi mo dyan?” Singhal ko sa kanya pagkarinig sa kanyang sagot. Napansin ko kung paano siya ngumisi at mukhang sinadya niyang sabihin iyon sa akin.”Niyaya lang kita na kumain ng street foods, okay?” Paglilinaw ko.
“Tsk! Ganoon na rin ‘yon,” depensa niya.
“Iba ‘yon, niyayaya kita dahil pansin kong malungkot ka. Walang ibang ibig sabihin ang sinabi ko,” asik ko at tinapunan siya ng tingin.
Iba kasi ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang yayain dahil matamlay siya. Para siya kasing ama na nawalan ng anak sa hitsura niya. Sino naman ang hindi maaawa. Kahit yata aso kakaawaan ang lagay niya. Psh!
“Kaya nga magdate tayo para sumigla ako,” wika niya sa seryosong tono. Hindi ko nakitaan iyon ng biro o kahit ano man. Ano bang problema ng taong ito?
Hindi na ako sumagot pa bagkus itinuro ang daan papunta sa kainan na gusto kong puntahan namin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sobrang seryoso ng aura niya. Natatakot tuloy akong magsalita.
Kaunti lamang ang tao na naabutan namin kaya kaagad kaming nakahanap ng table. Nagpaalam ako sa kanya na mag-oorder ako ng makakain namin. Hapon na kaya masarap tumambay dito kapag ganitong oras. Namiss ko rin ang pumunta dito at ito ang tambayan namin ni Criza noon. Masasarap kasi ang mga street foods na tinda rito.
Umorder ako ng fishball, kwek-kwek, isaw, kikiam, at ulo ng manok pati na rin softdrinks para may inumin kami. Gusto kong ipatikim lahat kay Sir ito. Alam kong hindi pa siya nakakatikim ng ganoon kaya excited akong makita ang reaksyon niya. Sanay kasi siyang kumain sa mga mamahaling kainan. Hindi uso sa kanya ang street foods. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang ibigay ang mga inorder ko. Marami iyon kaya tinulungan ako ng isang tindera na dalhin iyon sa table namin ni Sir.
Taas-kilay ang nagawa ni Sir habang pinagmamasdan nito ang mga pagkain na nakalapag sa mesa. Nandidiri ang reaksyon niya kaya natawa na lang ako. Nagpasalamat ako sa tumulong sa akin saka umupo na sa harap ni Sir.
“May balak ka bang patayin ako?” Singhal niya sa akin at tinutukoy ang mga pagkain na nakalapag sa mesa. Tuloy-tuloy lang ako sa paglamom dahil takam na takam ako.
“Huwag kang mag-alala, malinis mga ‘yan at hindi ka mamamatay. Tikman mo kasi bago mo ijudge, ang OA mo kasi e,” asik ko saka inusog ang ulo ng manok sa harap niya.
“Pati ‘to kakainin natin?” Duro niya sa ulo ng manok. Mabilis akong tumango bilang sagot.”This is so disgusting!” Pandidiri niya at muntik pa siyang masuka. Sus! Kaartehan.
“Ang arte mo. Edi, huwag mong kainin. Bahala ka dyan basta ako kakain na, gutom ako e,” ani ko at itinapon ang tingin sa mga street foods na inorder ko.
“Hindi pa ako pwedeng mamatay.” Ani niya at pinagtaasan ako ng kilay.”Hindi ko pa nasasabi sa iyo ang tungkol sa---.”
Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin. Tumigil siy saglit at sumulyap sa akin. Para siyang nagsisisi na sinabi ang katagang iyon kanina. Nakakapagtaka ang reaksyon niya.
“Tungkol saan, Sir?” Taas kilay kong tanong. Mukhang may gusto siyang sabihin kanina pero hindi niya tinuloy. Ano naman kaya iyon?
Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin. Umubo pa siya ng bahagya at humawak sa kanyang batok. Sa lagay niya ay mukhang naiilang siyang tumingin ng diretso sa akin. Napakawirdo niya.
“W-wala. Don’t mind it. Kumain ka na lang.” Usal niya. Hindi ko na siya pinilit na sabihin kung ano man ang naudlot niyang sasabihin kanina. Sasabihin rin naman niya iyon kapag gusto niyang ishare sa akin.
Nagdadalawang-isip pa siya noong una kung kakainin niya ba ang mga alok kong pagkain o hindi. Kinailangan pa niyang makipagtalo sa akin bago kinain ang mga iyon. Nang matikman niya ang mga ito daig niya pa ang aso na nagugutom. Tsk!
“Nga pala, kailan mo balak makipag-usap kay Tito?” Pambabasag niya sa katahimikan. Kasalukuyan siyang kumakain ng kwek-kwek habang ako na sinisipsip ang ulo ng manok na isinawsaw ko sa suka.
Natahimik ako ng ilang minuto bago siya sinagot. Hindi ko alam kung pansin niya rin ang pagwawalang kibo ko sa tatay ko. Kahit na sino sa kanila ay nakakapansin, hindi man nila sabihin.
“Hindi ko alam,” nagkibit-balikat ako.”Naiilang ako sa kanya ng sobra at hindi alam ang gagawin para harapin siya. Siguro, hindi pa ito ang tamang oras para sa amin.”
“You know what, pansin kong sabik na sabik siyang mayakap ka. Ikaw ba hindi?” Tanong niya saka uminom ng softdrinks.
“Medyo, hindi ako sure. Tsaka, nahihiya ako sa kanya e,” sagot ko. Napatingin ako sa malayo at inalala ang cold treatment ko sa kanya. Naratapat bang ganoon ang gawin ko? Hayts!
“Sus! Malapit na ang Christmas, kahit iyon na lang ang iregalo mo sa kanya. For sure matutuwa si Tito,” giit niya. Mas excited pa yata siya kesa kina Kuya. Alam kong inaabangan niya ang pagkakataon na makakapag-usap kami ng mansinsinan ni Papa.
Malakas makapansin si Sir ng kakaiba sa paligid niya at hindi na ako magtataka kung bakit siya ganito. Alam kong concern siya sa amin ni Papa. Talagang inaabangan niya ang pagbabati namin. Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang problema kong ito. Masyado kasing seryoso at kinakailangang pag-isipan ng maayos.
“Bahala na,” usal ko. Pinagpatuloy ko ang paglamon pero napansin kong hindi niya inalis ang tingin sa akin. Sinulyapan ko siya at pinagdilatan. Mukhang may gusto siyang sabihin.”Bakit?”
“Napatawad mo na ba siya?” Tanong niya na nakapagpatahimik sa akin.”Huwag ka sanang maooffend, ah, I’m just asking. It’s up to you kung sasagutin mo o hindi.”
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Iyon ang tanong na wala akong kasiguraduhang sagot. Sa totoo lang, iyong mga pinapakita niya sa akin ay malaking epekto iyon sa sistema ko. Ganoon pala siya mag-effort para paamuhin ako. Natutuwa naman ako at syempre hindi ko maiwasang isipin ang mga pinagdaanan ko noong iniwan niya kami.
“Kung ikaw ba, Sir, mapapatawad mo siya sa lahat ng ginawa niya? Kunwari, ikaw ang nasa sitwasyon ko, tatanggapin mo ba siya base lamang sa mga pinapakita niya?” Tinignan ko siya ng diretso.
“Why not. Kapansin-pansin naman na talagang nagbago na siya. Sa tingin mo ba magsasayang siya ng effort para paamuhin ka? Tatay mo iyon, gagawin at gagawin niya lahat para sa iyo. Gusto niyang bumawi at iparamdam sa iyong nagsisisi na siya.” Seryosong sagot niya.
Natahimik ako at nag-isip kung ano ba dapat ang nararapat kong gawin. Sa katunayan, wala akong plano. Hinihintay ko na mabigyan kami ng pagkakataon para makapag-usap ng masinsinan. Ayokong bumalik ng Manila nang hindi kami nagkakaayos. Siguro, ito na rin ang tamang panahon para patawarin siya.
“Ako naman ang magtatanong,” pagkuha ko sa kanyang atensyon. Sarap na sarap kasi siyang kumakain ng fishball.”Bakit hindi ka uuwi sa mansyon para sa darating na pasko? Hindi ba magagalit ang parents mo kung hindi ka magcecebrate kasama sila?” Tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya pagkabato ko ng tanong na iyon. Walang mali sa tanong ko kaya bakit parang nakakita siya ng multo? Ang wirdo niya talaga ngayon.
Umiwas siya ng tingin na ipinagtaka ko ng sobra. Napakagat ako sa aking labi dahil mukhang personala ng naitanong ko sa kanya. Curious lang naman ako. Wala namang masama kung itatanong ko iyon since nagtanong siya sa akin kanina.
“Sorry. Hindi ko ba dapat tinanong ‘yon?” Aligagang ani ko. Pakiramdam ko tuloy ay malaking kasalanan na tinanong ko iyon sa kanya. Potek!
“It’s okay, Haila,” tugon niya at ipinatong sa mesa ang kanyang braso. Pinanood ko siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.”Mom and Dad are not going home for Christmas eve.”
Para bang may tumusok sa puso ko pagkarinig ko sa sinabi niya. Pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagsisisi tuloy akong iopen ang topic na iyon dahil mukhang sensitibo masyado. Kaya ba ganoon ang reaksyon niya pagkarinig sa tanong ko? Shet!
“Hmmmm.” Hindi ko na alam ang sasabihin at ako na mismo ang umiwas ng tingin. Naawa ako bigla sa kanya. Bihira siyang magsabi ng problema sa akin. Hindi ko man alam ang totoo niyang nararamdaman pero pansin ko ang lungkot sa mata niya.
“Eversince nagwork sila parehas, hindi na sila nagcecelebrate ng Christmas ng kasama kami ni Rhaivee. Christmas day is a normal day for them. Kaya, naiiwan kami ni Rhaivee sa bahay at kanya-kanya kami ng paraan para magcelebrate. Ako, pumupunta kina Luis o kahit na sino sa kanila at si Rhaivee naman she will celebrate with her friends. Sanay naman na kami kaya hindi kami nagrereklamo. Minsan lumalabas kaming dalawa kapag nasa mood. Nakahiga lang ako maghapon at hinihintay matapos ang araw. I always understand my parents even if it is hard for us not to celebrate Christmas with them. Wala pang pasko ang memorable sa utak ko.” Paliwanag niya at tumawa siya ng bahagya.
Naaawa ako sa kanya. The way na magkwento siya ay alam ko ang sakit non. Mayaman nga sila pero simpleng salo-salo ay hindi nila magawa. Napakaimportante pa naman ang pasko. Hindi ko yata maimagine na walang ganap sa ganoong araw. Nagkaroon tuloy ako ng ideya kung paano siya pasayahin. Heto na ang time para bumawi sa lahat ng tulong niya sa akin.
“Sorry.”
“It’s okay. Kaya nga hindi ako umuwi baka dito ko maranasan ang christmas eve na pangarap ko.” Sagot niya.”Tsaka, bigyan mo ako ng regalo para mas dama ko talaga.” Biro niya kaya natawa nalang kami parehas. Sobrang galing niya magtago ng totoo niyang nararamdaman. Bilib na ako sa kanya.
Madilim na ng makauwi kami sa bahay. Nasarapan siya sa mga street foods kaya natagalan kami. Sulit din naman dahil nanlibre siya. Syempre ako, kinain lahat ng gusto ko tutal siya ang nagbayad. Busog na busog ako at muntik pang hindi makatayo.
Papasok sana kami sa kabahayan ng makita namin si Papa sa ‘di kalayuan. May kausap siya sa telepono at napatigil kaming dalawa ng kasama ko. Hindi ko alam kung tama bang isipin ko na baka iyong babae niya ang tumawag. Nang mapansin niya kami ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. Hindi naman ako nakaligtas sa mga mata ni Sir.
“Ahhh..’yong boss ko lamang ‘yon, anak,” paliwanag niya habang nakaturo sa selpon na hawak. Humarap siya sa amin ni Sir pagkatapos silang mag-usap ng boss niya raw.
Tumango ako bilang sagot. Alam niyang pag-iisipan ko siya ng masama. Halata naman na at madalinhg basahin ang mukha ko. Maski si Sir ay naunawaan niya kaagad. Nagtungo ako sa gawi niya’t nagbigay galang, gayundin si Sir. Pagkatapos ay nagpaalam kami na papasok na.
“Boss niya lang daw.”
“Psh! Rinig ko,” pagsusungit ko sa kanya habang nakasunod ito sa akin.
“Malay ko bang pag-iisipan mo ‘yong tao,”
“Tumahimik ka nalang, pwede?”
“Ang sungit. Ganda ka?”
Inirapan ko lang siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Dumating ang araw na pinakahihintay naming lahat. Kaliwa’t kanan ang mga paghahanda na ginagawa ng sitio namin para sa Christmas party mamayang gabi. Oo, ilang oras na lang ay pasko na kaya naisipan naming mamalengke ni Criza para sa munting salo-salo na gagawin namin.
“Lala, nalista ko na lahat dyan ng kakailanganin natin sa pagluluto,” ani Ate Marie at may inilapag siyang papel sa mesa habang abala ako sa pagsusuklay ng aking buhok. Nakakahiya kung dugyot akong pupunta ng palengke.
“Sige, Ate.”
Kinuha ko ang basket na gagamitin ko sa pamamalengke. Wala pa naman si Criza kaya may oras pa ako para makapag-isip ng bibilhing regalo kay Sir. Nabilhan ko na sina Lola noong nakaraan dahil madali lang naman mag-isip ng ibibigay sa kanila kumpara sa amo ko. Lahat na yata kasi nasa kanya e.
Wala sina Papa at Kuya dahil tumulong sila sa basketball court na kung saan gaganapin ang Christmas Party mamayang gabi. Naexcite tuloy ako para kay Sir. For sure mag-eenjoy siya dahil firstime niyang makaattend ng ganoong party. Cheap man pero masaya.
“Uy, sasama ako, ha,” naramdaman kong tinapik ako ni sir sa aking balikat. May nakapulupot na tuwalya sa leeg niya. Mukhang kakatapos niya lang maligo at amoy na amoy ko ang ginamit niyang shampoo saka sabon.
“Hindi na, Sir. Kasama ko naman si Criza na mamalengke, e, kaya na namin,” giit ko. Inilagay ko na sa bulsa ko ang papel na kung saan inilista ni Ate ang mga dapat bilhin. Sinundan niya lang ako ng tingin.
“Sasama na ako. Gagamitin nalang natin iyong kotse ko. Kailangan kong magpagas para may gamitin tayo sa pag-uwi natin,”depensa niya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri. Sumandal siya sa pader malapit sa akin.
“Sure ka? Mainit doon baka hindi mo kayanin,” giit ko. Binitbit ko na ang basket na dadalhin ko.
“Tsk! Kinaya ko nga sa bukid, sa palengke pa kaya,” tugon niya ng may pagmamayabang sa kanyang boses.
“Sige. Ikaw bahala.”
Nagpaalam na ako kay Lola at saktong palabas kami ng bahay ay dumating na rin si Criza. Nakaleggings lang siya at nakatshirt gaya ko. Hindi naman kasi kami pupunta ng mall para magsuot ng garbo. Papapasukin naman kami siguro sa palengke kahit ganito lang ang suot namin. Simple lang din ang suot ni Sir pero nakakaakit tignan. Gosh!
“Hi, Pogi, sasama ka pala?” Usal ni Criza at ngiting-ngiti siya sa amo kong pinaglalaruan ang susi sa kanyang mga kamay.
“Yeah,” tipid na sagot ni Sir.
Hindi ko na sila pinansin at tuluyan ng lumabas ng bahay. Gaya ng sinabi ni Sir ay iyong sasakyan niya ang ginamit namin papunta sa bayan. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao na bawat makakakasalubong namin. Si Criza naman masyadong halata na ignorante, lahat ba naman ng sulok ng kotse ay hinawakan na niya. Napapasapo nalang ako dahil napansin kong pinagtatawanan siya ni Sir. Pinapanood niya pala si Criza sa rear mirror.
“Psh! Tawang-tawa, ha?” Singhal ko sa kanya.
“Ganyan na ganyan ka noong una kang sumakay ng kotse ko,’diba?” Sarkastimong usal niya at nagpakawala ng halakhak. Ang tawa niya ay nakakapikon talaga. Psh!
“Hindi ko tinatanong,” pagsusungit ko. Itinapon ko nalang ang tingin sa labas ng bintana. Ayokong makipagtalo sa kanya ngayon lalo na wala ako sa mood. Aminado naman akong ganoon ako noon hindi na dapat niya pinapamukha. Potek!
Pahirapan pa ang sasakyan na makalabas ng sitio namin dahil ang ilang parte ng kalsada ay lubak-lubak. Hindi ko nakitaan si Sir ng inis o kahit ano man. Parang okay lang sa kanya lahat. Weird. Hindi ba siya nag-aalala sa sasakyan niya? Mukhang mahal pa naman ito.
“Anong meron doon?” Tanong niya ng mapansin ang basketball court sa ‘di kalayuan. Abala ang mga tao na nagdedecorate sa lugar na iyon dahil gagamitin mamayang gabi.
Napatingin naman kami ni Criza sa tinutukoy niya.”Ay, diyan gaganapin iyong Christmas Party mamayang gabi. Taon-taon kasi naming ginagawa iyon e. May palaro at pasayaw na gagawin kaya for sure mag-eenjoy ka.” Masiglang paliwanag ko sa kanya.
“Pogi, sigurado akong pagtitinginan ka ng mga tao mamaya,” kinikilig na asik ng kaibigan ko. Pinagdilatan ko naman siya dahil ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya.
Ngumiti lang si sir at pinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa palengke. Binili namin lahat ng nakalista sa papel na binigay ni Ate. Pahirapan pa kaming bumili dahil maraming tao. Kinailangan ko pang hatakin si Sir nang magsiksikan ang mga tao, baka kasi mawala siya.
“Bes, may bibilhin lang ako doon, mabilis lang ako,” paalam ni Criza. Tumango na lang ako at mabilis na siyang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Sir dito sa bilihan ng regalo. Wala na iyong basket na dala ko dahil nilagay namin sa sasakyan dahil iyon ang gusto ni Sir. Mahihirapan daw ako kung dala-dala ko iyon.
Nagtingin-tingin kami sa mga damit at iba pang stuff na pwedeng iregalo. Malamang binibilhan niya sina Lola dahil seryoso siyang pumipili doon. Nakabili na ako ng ireregalo kay Sir. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang damit na binili ko. Mabuti na lang nasa malayo siya kaninang pinili ko iyon. Ayokong mabuking at baka pagtawanan niya lang ako. Hindi ko na siya pinansin at nagtungo sa pwesto ng teddy bear at mga keychain. Mahilig kasi ako roon at nangongolekta ako.
May nakakuha ng atensyon ko. Isang stuff toy iyon ni Doraemon na paborito ko. Hindi ko namalayan na nakangiti ako habang hawak ko iyon sa aking mga kamay. Wala pa akong ganito kaya gusto ko siyang bilhin. Human size sya kaya noong tignan ko ang presyo ay naglaho bigla ang mga ngiti ko sa labi. Shit! Ang mahal pala.
“You want that? Kunin mo na, I’ll pay for it,” sulpot ni Sir sa likod ko at nakaduro sa stuff toy na hawak ko kanina. May hawak siya at hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Mukhang mga ireregalo niya.
Umiwas ako ng tingin at bahagyang kumamot sa ulo. Ayokong mag-abala siyang bilhin iyon sa akin. Nahihiya ako lalo na may kamahalan pala ang stuff toy na iyon. Ang dami na niyang nagastos dahil sa akin no. Ayoko ng dagdagan pa lalo na hindi pa ako nakakabayad ng utang ko sa kanya.
“Naku! Sir, huwag na. Tara na,” giit ko. Nagpauna na akong lumabas ng tindahan na iyon. Hindi siya kaagad sumunod sa akin dahil sumenyas siyang babayaran niya lang ang kanyang mga napili.
Kumain pa kami bago umuwi. Nahiya pa ako dahil si Sir ang nang libre sa amin. Sinabi ko naman sa kanya na ako na ang magbabayad ng kinain namin pero pinigilan niya ako. Napakabungangera kasi ng kaibigan ko e, sabing sa bahay na siya kumain kaso nagpumilit. Tsk! Sana pala hindi ko na siya isinama.
Gaya ng sabi ni Sir kanina ay nagpagas siya para may gamitin kami sa pag-uwi namin. Umuwi na kami kaagad at pagsapit ng gabi ay tinulungan ko si Ate na magluto. Sina Lola at Sir naman ang nag-abalang ayusin ang mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree. Ayoko sana dahil baka silipin niya ang lamab ng regalo ko sa kanya. Hindi pa naman iyon kagandahan.
Kaunting salo-salo lamang ang gagawin namin mamaya. Naligo na rin ako at nagsuot ng simpleng bestida dahil magsisimba kami. Kaliwa’t kanan naman ang mga nangangaroling at tuwang-tuwa si sir habang pinapanood sila.
“First time?” Tanong ko habang nakasandal siya sa bintana namin. Pinapanood niya ang mga batang nangangaroling sa kapitbahay namin. Doon ko nakita ang mga ngiti niyang minsan ko lang masilayan.
“Yeah,” sagot niya pero hindi ako tinapunan ng tingin. Parang siyang bata na nakulong sa kwarto sa matagal na panahon habang nanonood. Nawiwili siya at kasiyahan ang makikita sa kanyang mga mata.”Grabe! Ang saya pala dito. You know, what hindi ganito sa bahay.”
Nakaramdam ako bigla ng lungkot sinabi niya. Nadadala ako sa mga sinasabi niya at hindi ko maiwasan ang malungkot. Hindi ko alam na hindi sila nagcecebrate ng Christmas.
Iyon ang pinakamasayang ganap pero para sa kanila wala lang, normal na araw lang. Gosh!
“Kaya mag-enjoy ka lang, walang pumipigil sa’yo,” at tumawa kami parehas. Naghanda na rin siya dahil sasama siya sa akin para magsimba. Nagulat ako noong una dahil akala ko nagbibiro siya. Kahit simple lang ang kanyang damit, napakagwapo niya pa ring tignan.
Hindi pa nagsisimula ang misa ng makarating kami sa simbahan. Naupo kami sa medyo harap kaya pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Hindi naman ako ganoon kaassumera para sabihin kong ako ang tinitignan nila. Obvious naman na itong kasama ko.
Gusto man na sumama ni Lola ay hindi pinayagan ni Papa. Nahihirapan kasi siyang maglakad kaya baka mapano pa siya. Kami tuloy ni Sir ang nagsimba. Tinukso tuloy kami nina Kuya kanina. Psh! Ayaw kasing sumama ng kaibigan ko e, alam ko naman kung bakit umayaw siya.
Hindi ko maiwasan na tignan siya habang nanenermon ang pari. Sa itsura niya ay talagang interesado siya. Hindi ko akalain na may ganoon siyang pagkatao. Relihiyoso rin pala ang loko at konti na lang madadala na ako sa mga inaasta niya. Gosh! Napapangiti nalang ako at mabuti na lang hindi niya ako nahuhuli. Baka mamaya bigyan niya kasi ng malisya.
“Anong ipinagdasal mo?” Tanong ko sa kanya ng makalabas na kami sa simbahan. Tapos na ang misa at kaliwa’t kanan ang pagbati na ginagawa ng tao sa paligid namin.
Nakapamulsa ito habang patungo kami sa kanyang sasakyan. Diretso ang titig at mukhang nasa mood siya. Ngiting-ngiti ba naman siya kaninang tapos na ang misa. Nahahawa tuloy ako.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Iyon ang ngiti na nagpakabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bibigyan ko ha ng malisya ang ngiti na iyon na pinakawalan niya. Iba sa pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag.
“Ipinagdasal ko na sana ibigay niya lahat ng panalangin mo,” ngumiti siya sa akin at bahagya niya pang pinisil ang pisngi ko.
Pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko sa naging sagot niya. Bakit? Bakit iyon ang ipinagdasal niya? May nararamdaman ba siya sa akin o sadyang mabait siya? Gosh! Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nagkakagusto na ako sa kanya.