CHAPTER 7
***
Nakatanaw lang ako sa mga bulaklak at halaman dito sa garden. Iniisip ang lahat ng sinabi ng mga traydor kong kaibigan. Anong ginawa ko sa kanila para ganunin nila ako?
Nagbabadyang muli ang mga luha sa mata ko. Wala na akong nagawa kun'di ang magsimulang umiyak ulit.
"What's wrong?"
Napatigil ako sa pag-iyak at itinago ang mukha ko. "H-Ha? Wala 'to!" Suminghot-singhot pa ako at tumawa ng peke. Napatingin ako sa kaniya.
Si Itchan na naman.
Nag-init ulit ang sulok ng mga mata ko. "Don't try to drive me away. You can't escape from me." Nakita kong nag-igting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin.
"So tell me, why are you crying?" Umupo siya sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na dala-dala niya ang bag niya at ang bag ko.
Nanlaki ang mata ko. "T-Teka! Paanong napunta sa'yo ang bag ko? Nag-cutting ka rin ba?" Naguguluhan kong tanong.
Napa-iling siya. "Xia helped me to tell our professor that we have an emergency."
Nagulat ako. "Nagsinungaling kayo? P-Pero..."
"I was worried." Nakita ko ang pag-ka-sincere sa mga mata niya nang sabihin niya iyon. Hindi ko akalain na tutulungan pa talaga siya ni Xia. Eh president namin 'yon. Walang nakakalusot do'n. Nakakahiya naman 'to.
"Okay lang ako. Saka, 'di mo naman kailangang gawin ito." Malumanay ang boses ko habang nasinghot pa rin sa towel ko.
"Kailangan kong gawin 'to. Kailangan kitang protektahan." Seryoso niyang wika.
Napakunot noo pa ako. Anong ibig niyang sabihin? Teka! Naguguluhan na talaga ako sa ikinikilos niya.
"Do you remember the night when I told you that I'm willing to be your hope?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
What?!
"I-Ikaw 'yung... 'yung... gabi---" Nahihirapan ako sa pagsasalita at parang hindi makahinga.
Akala ko ba hindi siya 'yon?
"I don't really remember you when we met again that day. I only know my name, I lose my memory because... I lost my wings." Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang sinasabi niya 'yon. Parang hindi pa ako makapaniwala sa mga narinig.
"Now, I just regained my memory, but my wings can't still nowhere to be found." Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. S-so, he really is the angel on that night?
Omg!
"That's why I needed to protect you, Bratinella. I'm willing to be your hope while it lasts. I will be on your side until you prove to them that you are worth living for. That you deserve it. Until... you can stand up for yourself and learn how to fight." He murmured softly.
Pero... bakit nawala ang pakpak niya? Paanong...
"You're fallen now? I mean without your wings you---"
"No, I'm not. This is just a challenge from God." Pagpuputol niya sa akin.
Napatitig na lang ako sa mga halamanan sa harapan namin ni Itchan. Naguguluhan pa rin. Kung hindi siya dumating nung araw na iyon ay talagang wala na siguro ako.
"Thank you... Thank you for saving me that night." Maliit ang boses ko nang sinabi iyon. Ngayon, na alam ko na siya pala talaga ang angel na iyon. Wala na bang rason para iwasan ko uit siya? Kasi, ayoko na siyang iwasan pa.
Nasasaktan lang ako.
Ano ba talaga 'tong nararamdam ko?
"Let's go. I will take you home." Tumayo siya bigla at sinukbit sa kabilang balikat ang bag ko. "Don't worry, as long as I'm on your side, no one will hurt you. I promise." He whispered while softly staring at me.
Lumakas ang pintig ng puso ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung naririnig na ba niya ito ngayon dahil sa lakas. What is this?
Do I already like this angel?
***