Chapter 7

***

"Excuse me."

Napasimangot ako. Palagi na lang 'yun ang linyahan niya tuwing nakikita niya ako. Ilang araw na rin ang lumipas. Ako naman ang iniiwasan niya ngayon? What the?!

Sinamaan ko ng tingin si Itchan kahit na hindi naman niya 'yon nakikita. Nakikipag-usap na ito ngayon kay Rhia at sa iba niya pang mga kaibigan.

"Hala dhai! Anong mukha 'yan?" Pambabasag ni Adrian sa pagkabusangot ng mukha ko.

"Wala! 'Wag mo nga akong pansinin." Inis kong sabi rito.

Sabagay, ako naman ang nagtaboy kay Itchan. Ito nga ang gusto ko 'di ba? Ang iwasan niya ako! At iwasan ko siya!

"Sus! Kanina ka pa tingin ng tingin doon oh! Anong meron?" Pang-uusisa pa ni Adrian. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang sinusulyapan sina Rhia at Itchan.

Nagtatawanan na ito ngayon.

Hindi ba at iyan naman ang gusto ko? Na maglapit silang dalawa at dedmahin lang nila ako. Tsk!

"Kausapin mo na kasi. Napaghahalataan ka dhai!" I rolled my eyes.

"Hayaan mo na sila! Ako naman ang nagtaboy sa kaniya kaya siya naman ang umiiwas ngayon." Humalakhak si Adrian.

"Para ka kasing shunga! Itataboy mo tapos ngayon magagalit ka kapag iniiwasan ka na talaga." Nagkibit balikat ako. Ewan ko rin sa akin. Bakit nga ba ako naiinis kung iwasan niya ako? Wala namang mawawala sa akin.

***

Lunch namin ngayon. Kasabay ko sila Seph at Janna kumain. Mga common friends ko lang din sila dito sa school.

"Grabe 'yung teacher namin sa accounting. Ang hirap lagi ng pinapagawa!" Reklamo ni Janna. Sumangayon naman sa kaniya si Seph. Well, talagang mahirap ang subject na 'yon.

"Puro calculations ba naman!" Sabi ni Seph.

Nang matapos kaming mag-lunch ay umakyat na kami sa aming mga room. Magkaklase kasi silang dalawa at ako lang maiiwan na mag-isa maglakad papunta sa room namin.

"Bye, Bratinella! Ingat!" Kumaway sa akin si Janna at Seph bago kami naglandas ng direksyon.

Papasok na sana ako sa room namin nang mamataan ko roon sila Acky at Ann kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na busy ring kumakain. Napakunot noo pa ako sa pinaguusapan nila.

"Pabebe talaga 'yung bitch na 'yon!" Ramdam ko ang pait sa boses ni Ann.

Sino na naman ang pinag-uusapan nila?

"Ang kapal ng mukha ng Bratinella na 'yon na iwasan si Itchan. Tapos ngayon magda-drama sa amin kapag hindi na siya pinansin nung tao." Ngayon naman ay si Acky ang nagsalita.

"Hayaan niyo na! Kaya nga Bratinella ang ipinangalan sa kaniya, kasi brat." Pagkalma pa sa kanila ni Adrian at sabay-sabay silang nag-tawanan.

Napatakip na lang ako sa bibig ko sa mga naririnig ko. May bumaon sa puso ko na unti-unti kong nararamdaman ang mga sakit dito. Akala ko ba kaibigan ko sila? Pero bakit ganito?

Napatakbo ako paalis. Wala na akong pakialam kung mag-ditch ako sa klase ngayon. All this time ay wala pala akong totoong kaibigan sa kanila.

How can they do this to me?

Tumutulo na ang luha ko ngayon habang patakbo sa garden. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng pinagtitinginan ako sa ginagawa ko.

Paano na lang ako papasok sa mga susunod pang mga araw kung ganon naman pala ang tingin nila sa akin? Para akong sinaksak sa puso nang maalala ang mga sinabi nila Ann.

Habang umiiyak, nakasalubong ko pa sila Itchan at ang mga kaibigan niya kasama na doon si Rhia. Mukhang katatapos lang nilang mag-lunch at pabalik sila sa room. Nagsalubong ang mga tingin namin ni Itchan.

I saw how his eyes turned from blank to furious when he saw me.

Hindi ko na sila pinansin pa kahit na nagtataka sila sa akin. Umupo ako sa bench sa garden at doon iniiyak ang lahat.

I'm hurting.

Dahil sa mga kaibigan ko at kay Itchan na hindi ako pinapansin.

How should I live? I can't do it anymore. I'm losing hope again.

And then suddenly, I remember the night when I saw that handsome angel.

"Please come back. I need you..." I whispered as I cried harder.

***