Chapter 15 Guilt

Iniwan ko ang Boss , ngiting tagumpay ako masyado s’yang mayabang akala n’ya papayagan ko na ganun na lang yon.

Nagtungo ako sa cafeteria kaagad akong pumila nagugutom na kasi ako, hindi din ako nakapag almusal dahil na hulaan ko sa galawan ni Hayes na para bang plano n’ya na unahan talaga ako.

Hindi pa kasi maamin na apektado sa mga pinaggagawa sa akin. Kaya ako eto tomjones ang peg ko.

Mahaba talaga ang pila nakabay ko ata ang bugso ng karamihan. Sadyang gutom na gutom na ko kaya sabak na talaga sa pila.

Mula sa unahan ng pili siguro mga tatlo na lang ay s’ya na nakilala si Hance

pataas naman akong tao pero gutom na talaga ko inubos pa ni Hayes ang natitira

kong lakas kaya walang pag dalawang isip na nilapitan ko ito.

“Sir Hnace andito din po pala kayo.”

“Oh Ms. Abejuela, dito ka rin may kasama ka ba o may nabili kana na pagkain?.”

“Wala po Sir at wala din akong kasabay.”

“Good! sabay na tayo ako na din ang bibili ng pagkain, just tell me want you want!.”

“Really! Thank you Sir “

“So anong sayo? Then find a table for us!”.

“Ahmm, isang kare-kare po, isang pritong manok at tatlong kanin lang sir!”.

Dinig ko ang singhapan ng karamihan, e bakit ba? gutom ako sobra.

“Kaya mo bang ubusin yon Ms. Abejuela?”

“Sir ipapa-order ko po ba kung hindi,? heto po ang bayad ko sir sabay abot ng 500..”

“Keep that! Ako na hanap ka na ng pwesto..”

Hindi ko na ipinilit pa ang bayad ko dahil s’ya naman ang nag insist.

Napatingin ako sa harapan at kita ko na turn na pala ni sir Hance kaya nagpaalam na ko at humanap ng table namin.

Agaran din naman akong nakita pinakadulo ito at pang dalawahan lang rin.

Naghintay pa ko saglit ng matanaw ko si sir Hance, yes Sir ang tawag ko dito dahil nasa opisina kami at makaraming magtatanong pag first name basis gayong boss ito rito.

Naringgang ko pa nga ang ibang hurong hurong na kesyo bago lang daw ako pa close daw agad ako at pihado daw na pag nalaman ni boss hayes sisante agad ako.

Pero dahil aralado ako ng isa kong nakilala at naging kaibigan na practice the word “Deadma” ay hindi ko na sila inintindi.

Nahinto ako sa pag iisip ng maupo na si Sir Hance mataman ko itong pinagmamasdan habang mabilis pero pulido ang pag lalapag nito ng mga pagkain.

Matapos nitong mailapag lahat sinabihn s’ya nito na maglead ng prayer kaya ginawa ko naman.

“Lord thank you for the food and I hope

everyone could also eat in time, and lord

kayo na bahala sa bos kong busabos, Amen.”

Nang magmulat ako ng mata manghang mukha ni Hance ang nakita ko

at mukhang tatawa naman pero hinayaan ko na gutom na ako haler. Nag

umpisa na akong kumain at hindi ko muna inimikan si Hance , masyado akong

gutom tapos masarap pa ang pagkain, siguro naguguluhan si Hance sa akto kaya di na nakatiis nagsalita na.

“Bakit parang kain kargador ka?, Kelan

ba ang huling kain mo? O stress eating ka gawa ng boss mong sinto sinto?”

“Paano hindi ako nag almusal, tapos

stress talaga ako sa kanya,” Sinong hindi

ma iistress sa lalaking yun panay

patimpla ng kape tapos laging may pula, wala na kong nagawa na iba.

“So that’s explain why ganyan ka kumain, Ano kaya pa?.”

“Syempre kaya pa!, Kaya nga kumakain ng marami para maraming baon na energy.”

Natapos ang tanghalian agad akong nag paalam ito rin at , marami daw ring tambak na trabaho.

Malapit na ako sa pintuan na may siwang ng marinig ko na parang may

kausap si boss mukhang sa telepono kasabay noon narinig kong binanggit ang

pangalan ko, kaya walang katok akong pumasok ng hindi s’ya sinusulyapan at agad dumaretso sa table ko.

Lumipas ang ilang minuto nakarinig ako ng yabag palapit sa akin, kaagad din naman dumagundong sa kaba ang aking dibdib.

Wala naman ibang tao dito ako at si Hayes lang kaya alam ko s’ya yun at mukhang malapit na s’ya at ngayon nga nakalapit na.

Hinihintay ko s’yang mag silat tatlong minuto wala pa rin eksaktong walong minuto ng magsalita ito hindi din kasi ako kumibo o maging tignan ito ay di ko ginawa.

“Did you enjoy your lunch with Hance!!” Hindi iyon tanong kundi statement.

Hindi ako sumagot at nanahimik pa lalo at ko rin ito nilingon hanggang magsalita muli.

“Hanggang dito ba sa Company

kailangan sabay kayo kumain?, Hindi ko

alam kung usapan n’yo ba o dikaya

sadyang aksidente na sabay kayo?.”

Parang kriminal ako na imbestigahan

nito pero bago ako tanungin may hinuha na agad kaka piko.

“Nagkataon lang boss sadyang Gentle

man at lalaking lalaki kasi si Sir Hance

kay naginsist s’ya na sabay kami at s’ya

na ang bibili ng pagkain ko. Happy na sa sagot ko?.”

Pagdidiinan ko.

“Go back to work, and render two hours of overtime.”

Mahusay talaga yun lang at lumarga na ulit ang boss ko.

Simpleng maritess din ang lolo n’yo ayaw pang sabihin kung inggit aba di ayain n’ya ko na sabay kami hindi naman ako tatanggi marupok kaya ako.

Nag Focus ako sa trabaho ko dahil busog ako ginanahan ako sa mga paper works nato.

Nabaling ang tingin ko sa lalaki sa di kalayuan ang table ng makita ko na halos mag alas tres ng hapon hindi ata ito kumain, kaya di ako nakatiis tumayo ako at iginaya ang sarili sa cafeteria ibibili ko muna ng sandwich o kung ano ang available.

Nakita kong may carbonara, at sandwich kaya bumili ako ng dalawang

order bawat isa at para sa panulak isang bottled water at virgin cola, feeling

ko bagay na bagay sa akin ang drinks na ito.

Virgin na virgin lahat ay hindi na pala kasi mata ko na deverginized na ng mala ulala body ni hayes.

Patawa tawa pa ko ng makarating sa harap ng pintuan kaya inayos ko ang sarili ko, pero bako ko mabuksan ang pinto bumukas na yon at iritable ng mukha ni Hayes ang bumungad sa akin, bubulyawan siguro sana ako kaso nakita ang dala ko na pagkain.

Na gets siguro na dalawa at tag isa kami walang salita na inagaw nito ang isang carbonara, sandwich maging ang bottled water. Nagulat ako sa ultok na ito basta na lang hablot, nakaka dalawang hakbang palang ito ng magsalita.

“Uso mag paalam Ms. Abejuela, sa uulitin magpapaalam ka! By the way y

our drinks soothes you… Virgin”

Nagdere-diretso na itong maglakad pero ng makabawi s’ya sumagot agad s’ya dito.

“Yes Boss, next time paalam ako

atsaka uso din magpasalamat!, Saka

boss wag basta hablot ng hablot baka iba ang makuha mo baka…. puso ko”

“CHAROT LANG” Bawi ko sa sinabi.

“Enjoy your meal Boss, huwag ugaliin ang pag papapagutom kaya nababaliw..”

Kanina during lunch……

30 minutes na nawala si Sharina, medyo naiinis talaga ko sa kablbalan n’ya na ginawa sa akin.

I admit kasalanan ko din peo boss ako kaya dapat sinusunod n’ya ako.

15 minutes ang lumipas tinawagan ko ang hotline ng cafeteria just to confirm kung doon s’ya kumain.

Malinaw na doon s’ya kumain at ang nakakainit ng ulo kasama na naman si hance at mukhang enjoy na enjoy.

Kababa ko lang ng telepono ng pumasok ang babae at , mas tumaas ang inis ko dahil kahit sulyap di nito ginawa o kahit simpleng bati.

Hindi ako nakatiis kaya ako ang lumapit pero hindi ko alam saan mag uumpisa.

Umabot ng walong minuto baka ako nag urirat pero agad din akong natauhan kaya sinabihan ko na lang magrender ng overtime.

Bumalik na ako at pinilit ang sarili magtrabaho wala akong maramdaman na gutom dahil sa inis at panibugho.

Lumipas ang ora….

Gulat ako ng makita ko na tumayo si sharina at walang paalam na umalis, nahulaan ko naman ng makita ko ang oras meryenda na.

Muling nanumbalik ang inis ko kaagad akong tumawag muli sa cafeteria to confirm.

Pikon na pikon ako ng malaman kong 2 orders ang binili nito ano hahatiran nito si Hance?, kinalam ko ang sarili ko bago nagdesisyon na puntahan sa opisina nito ang lalaki.

Pero nagulat ako ng makita ko si Sharina bitbit ang mga binili, bubugahan ko pa sana ito ng sermon kaso mukhang sa akin pala ang pagkain lihim akong natuwa.

Hindi ko alam paano mag intro kaya hinablot ko na lang agad ding tumalikod , pero sinabihan ko din na uso magpaalam , aba kung ano na naiisip ko kaso hindi nga ito si sharina kung di sasagot.

Hindi ko na lang pinansin pero sa kaibuturan ko parang nakakapa ko muli ang dating koneksyon ko sa kanya at ang dating si Hayes. Kinain ko na ang pagkain at para bagang ito na ang pinaka masarap na pagkain na nakain ko buong buhay ko.

Nang hapon na iyon , na buo sa isipan ko na ibahin o baguhin na ang pakikitungo sa babae .

Kikilalanin ko ito at kung paano nagbago ang nag iisang KABABATA KO……..