Chapter 16 Change

Ilang araw na ang lumipas napapansin ko na may pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Boss Hayes.

Medyo hindi na ito ilag nabawasan na din ang pagiging parang may regla nito.

Nag umpisa lang ito nung binilihan ko ito ng pagkain susko kung alam ko lang

na ganun sana noon ko pa binilhan , pero kidding aside medyo mas ok s’ya pero

natatakot ako baka may balak o baka sinaniban na o di kaya baka na diagnose

na matetegibels na s’ya aba dapat makpagpadilig na sayang ang lahi…

Naging routine ko na rin na paalalahanan ito ng oras ng pagkain at parang may sanib na talaga s’ya tumatawag na lang s’ya sa baba sa cafeteria at nagpapa akyat ng pagkain at take note para sa amin ang pagkain.

Tatlong araw na ganun ng ganon llang kain kami sabay wala lang imikan ako din ang nag iimis ng pinagkainan namin.

Ika apat na araw na ngayon pero parang hindi s’ya tumawag sa baba baka hindi bet ng lalaking ito na makasabay ako kumain, baba na lang ako mamalya.

Esakatong alas dose na ng tanghali patayo na sana ako ng makita ko na mas nauna pang tumayo si boss at bahagyang inaayos pa ang mga gamit sa table n’ya.

Maya maya tumingin ito sa akin at seryoso ito, hindi naman ako umimik napansin ko ang bahagyang paglakad nito papunta aking gawi at sa ilang saglit lang nasa harapan ko na ito at nagsalita.

“Sharina let’s go sa labas tayo kakain, may lunch meeting ako kay Ms. Salsedo”.

“Ah Boss kasama ba talaga ako?”

“Yeah yayain ba kita kung hindi! It's a business meeting so I’m pretty sure that I definitely need my secretary. Do you get it?”.

“Yes Boss! Loud and clear. Tara na po gutom na din ako”.

Sa isang Filipino cuisine restaurant kami nagpunta at ng dumating na kami nadatnan na namin yung si Ms. Salsedo.

At mukhang simple ito tumirada pero na aamoy ko ang lansa mukhang bet na bet ang boss ko.

Itong lalaki naman wala lang parang walang nahahalata.

May mga pagkain na sa lamesa mukhang nag insist ang lokaoka na mag order na at mukhang nahalata nito kaya nagsalita ito.

“I’m sorry Hayes if i already ordered a food! If you ever want anything we can order it” pabebeng sabi nito.

“It’s ok, May be my secretary. Sharina

do want anything or are you ok with the

food? We can call the waiter to add on…” si boss.

“Ok na po ito marami na nga po ito,

tapos tatlo lang tayong kakain gayong maraming tao ang nagugutom…” sabi ko.

“Nakakatuwa itong secretary mo Hayes, imagine iniisip pa iba bago sarili n’ya.

You must be thankful and grateful na naging secretary ka ni Hayes makakain ka ng mga masarap.

And Hayes dear why did you bring your secretary hindi naman pure business ito di ba?” maarting sabi nito akala mo kinaganda n’ya king’ina n’ya.

“Well if this is not about the business

maybe we should go! you know that I

don't mix business and pleasure Ms. Salsedo…” sabi ni boss.

Mukhang na kinabahan ang chararat na to. Lihim akong na tawa ng baragin ni boss ang bruha .

Ganda ba s’ya? E pwet ko lang s’ya saka maka thankful at grateful ang gaga na ito para bang hinamak ako lalo na ang beauty ko.

Buti nga sa kanya tatayo na sana si boss nat susunod ko ng magsalita muli ang tipaklong nato.

Sorry lord masyado akong judgemental sa ulikba na to karapatdapat naman kasi.

“Hey! Hayes ok let’s talk about the

business proposal, But before that let’s

eat first ang daming pagkain awa mo na

din sa secretary mo para makakain ng

masarap” malumanay pero tumirada pa rin sa akin.

Tumango lang si Boss pero na papansin ko pag parang inuuyam ako ng ulikba na to nagbabago ang expression ng mukha ni boss.

Nagsimula na kaming kumain hindi naman talaga nag paawat ang ulikba at panay ang lagay ng pagkain sa plato ni boss.

Sa mga una hindi nag react si Boss hinayaan lang, napansin siguro nito na nakatingin ako doon ito umalma sa gingawa ng babaeng ulikba.

“Charie that’s enough I can handle

myself, just eat up so we can talk about the proposal”.

“Oh sorry Hayes, nasanay lang ako

noon pag magkasama tayo bago naging kayo ng gail na yun,”sabi pa nito.

Bumalik naman na sa ayos kumakain pa rin kami pero naiinis na ako, First name basis na sila kanina tapos parang may the past pa. Pero wala akong nabasa about sa babaeng ito. Natapos na ang pagkain inumpisahan naman ang topic about sa business proposal ng hitad na to.

Infairness sa kanya maganda ang business idea n’ya ewan lang kung s’ya ang gumawa mabilis lang ang usapan agad na tumayo si Boss at tumingin sa akin bago nag paalam sa babaeng mukhang bitin na bitin, amin n’ya nga baka bonding moments ang habol nya.

“Charie now that we close the deal you can contact my secretary in any concern

you have!, And if ever you need to go in

the company you need to find her, s’ya

ang aasist sayo! Are we good with that?, Just drop a call if you need anything. We need to go. Let’s go Sharina..”

Hindi na nakasagot ang babae dahil nagderedertso na boss kaya sumunod na ako, nilingon ko pa ang babae at binigyan ng matamis na ngiti bago nagbelat ako sa kanya. Landi landi kasi ayan.

Nahinto ako ng maumpog ako sa matigas na bagay dyos ko ang shaket pero ang sarap sa dibdib lang naman pala ko ni Hayes na bangga.

At dahil chance na yun hagya ko pa hinimas ang abs nito at shemayyy walo talaga.

Natauhan lang ako ng pitikin nito ang noo ko bago ako hinila palabas ng restaurant..

Nang makalabas na kami malapit na kami sa parking lot ng magsalita si boss.

“ What do you think with Charie is she ok with you?”

“Ha?, s’ya ok naman bukod sa medyo

maganda, medyo makinis ilong ay pina

enhance at mukhang may lahing higad, Ok na Ok s’ya boss papasa ng B*tches of the year..”

Nagulat ata ito sa sinabi ko at maya maya narinig ko itong tumawa na very rare talaga tumagal ang tawa n’ya parang namahika ako pero nabalik ako ng magsalita ito.

“Oh yan ba napansin mo? What I mean

is about her para maging ka work natin yun ang ibig kong sabihin sharina..”

Pinamulahan naman ako lintk kasing utak na to kung ano naman ang naiisip, ayan parang lumabas pa kong ampalaya at pulaera agad din naman ako sumagot..

“Sorry Boss yun pala ang tanong n’yo,

e bakit po pala ako ang tinatanong n’yo

about that kayo po ang magkakilala? ” medyo inis kong sabi.

“Well kaya ko sayo tinatanong kasi

this will be the last time na kakausapin

ko s’ya sa mga susunod ikaw na at make

sure she can’t come near me . Is that clear?”

“ Ah Eh sge boss ok po noted, check na check.

“Let’s go! And by the way clear your schedule by saturday may pupuntahan tayo..”

“Saan kaya punta namin off na yun e,? Pero bakit parang na excite ako?”..

Hayes short pov…

Habang kumakain napapansin ko si Charie na parang gusto muling ilapit ang sarili sa akin ang kinagulat ko ay ng makita na masama ang tingin ni Sharina kaya inawat ko na ang babae.

Hindi na nga sana itutuloy ang pag uusap napapansin ko kasi si Charie na parang minemenus si sharina ayuko ng ganon ayuko na mababa ang tingin ng iba sa kanya.

Natapos ang pagkain namin pinilit kong umpisahan na rin agad ang meeting, ayoko man sana na maktrabaho ulit si Charie. Ilang beses ito noon nagpakita ng mitibo pero ayuko simple lang wala akong maramdaman na kakaiba sa kanya naganap naman yun bago pa si Gail.

Masasabing mahusay naman ang proposal kaya sayang isang ideya ang na isip ko na lahat ng may kaugnayan sa business with her ay si sharina na ang kakausapin beside kita ko na mahusay talaga si sharina.

After ng paguusap agaran akong tumayo at inaya na ang secretary ko nawalan ito ng imik kanina mukhang nakikiramdam at nag oobserb lang.

Dumaretso agad ako pero natawa ako ng makita ang ginawa nito kay Charie hindi tuloy napansin na nasa harapan na pala ako at nabangga s’ya kinagulat ko ay imbes na lumayo aba hinaplos pa ang abs ko maloko talaga ito.

Hinila ko na palabas aawinin ko may nabuhay sa mga ugat ko sa simpleng halpos palang n’ya.

Nang makarating sa parking lot, tinanong ko ito at doon hindi na ko nakapagpigil pinakawalan ko ang aking tawa ang sarap pala sa pakiramdam na bukod sa mga kaibigan ko may ibang btao na kaya pa akong mapatawa ng ganon.

Grabe ilarawan si charie ng mahimasmasan sinabi ko rin sa kanya ang pag alis namin sa sabado, matagal na itong plano ko doon ko s’ya kakauspin at sana makapagsimula kami ng maayos pa.

Pinaka ayaw ko pa naman sa babae ang makulit feeling ko noong una allergy ako kay sharina but now i felt so immune…

“Hindi na ata buo ang araw ko kung wala s’ya” bulong ko.

Tagaytay bagong lakbay…….