Chapter 14
Halos wala akong maayos na tulog, hindi ako tinantanan ng pangyayari sa restaurant. Paulit ulit itong nag play sa utak ko.
Pangita naman na maling mali ako sa lahat pero talagang nakakanginig kasi ng
laman, kung anong dahilan simple pakiramdam ko pinagtaksilan nila ako ewan ko sobrang apektado ako.
Pagkaalis nilang dalawa sumunod na rin ako kita ako, dumaretso ako sa condo para makapag pahinga I feel so
exhausted sa mga ganap sa pagitan namin ni Sharina, dumagdag pa na parang interesado si Hance sa kanya..
Matagal ako na nakaupo sa sala ng makapag desisyon na kumuha ng pack of ice at ilagay sa pisngi na sinapak ng babaeng yun.
"Do I deserve this? Yeah I deserve it…" Tanong ko sagot ko nahahawa ata akk sa babaeng yun..
Bumalik sa sala ng masiguro na ayos na ang pag yeyelo ko sa na pinsala na
mukha tumayo na rin ako at nag umpisa na kong kalagin ang butones ng aking
polo something odd ba't parang ngayon wala akong madama na parang nanonood sa akin mabilis ko nakapag
hubad, naligo at nagpahinga siguro ay drain din ako nakatulog ako pero parang mababaw lang.
Maaga talaga akong gumising para maaga kong makapunta sa opisina.
Plano kong unahan si Sharina dahil wala pa akong planong kumibo sa kanya
hindi rin ako mag sosorry sa kanya bakit ba ako to si Hayes?..
Mabilis akong nag asikaso, naligo at nagbihis na rin saka umalis sa condo.
It's only seven in the morning bahala na kung ano mangyari basta kailangan ako ang batas ako ang boss..
Narating ko ang floor kung saan nag oopisina clear pa ang lugar walang bakas na may tao na nakahinga ng maluwag ano ba nangyayari Hayes bat affected ka sobra?.
Akmang pipihitin ko na ang doorknob ng bumukas ang pinto iniluwa noon ang sekretarya ko na may nakakalokang ngiti.
"Good Morning boss! masyado pa ata kayong maaga" atribidang bati at puna nito.
"Good Morning Ms. Abejuela, yeah
maaga ako kasi may mga tatapusin ako,
so get out of my way will…." mahinahon pero sarkastiko na sabi ko.
"Of Course boss lead your way,
nagtaka lang po ako sobrang aga n'yo
parang may iniiwasan po kayo," mapangasar na sabi ni sharina.
"Guni guni mo lang yun miss Abejuela, When did is your last check up sa doctor?
mukhang kailangan mo na yun kung anu-ano na kasi ang naiisip mo?, ganting pang iinis ko.
Pero ang huli ngumiti pa ng nakakaloko.
" I'am physically and emotionally fit boss.
How about a person who just bumps in and concludes something? di k'ya yun
ang kailangan magpatingin sa doctor sa pag iisip.. "kanchaw nito.
Sasagot pa sana ako sa kanya ng magsalita itong muli..
" Boss kanina pa maluwag ang daanan
pumasok ka na sa iyong kaharian, tutal
maaga pa naman boss mag kakape
muna ako, gusto niyo ba ng kape
pampagising sa tulog niyong damdamin
este isip at pampanerbyos na din
mukhang kailangn n'yo po sobrang confident kasi… "pag uuyam ng babae.
Well kung ganito ang gusto ng babae pagbibigyan ko s'ya sabayan na lang.
"Yes please Ms. Abejuela, black coffee ayoko ng matamis," sabi ko.
"Kaya pala apaka pait, ng taong ito walang katamis tamis," pabulong na sabi nito peeo sinadyang iparinig..
"Anong sabi mo Ms. Abejuela?, may sumpa ka bang binubulong d'yan" sabi ko naman.
"Wala Boss!, sabi ko apaka pogi n'yo" nandidilat pa at sarkastikang sabi nito.
"Hindi yun ang narinig ko Ms. Abejuela!" sabi ko.
"Yun naman pala boss bakit panay pa
ang tanong. Sige na po Boss
magkakanaw na ako ng kape n'yo baka
sakaling magkadiabetis po kayo at
tumamis ang buhay n'yo" pa darag na sabi nito.
At gaya ng lagi nitong ginagawa basta na lang akong iniwanan nito. Dyosko, sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito, paano ko kaya mapapaamo sa akin ito.
Pumasok na ako ng tuluyan sa loob ng opisina at bahagyang binisita ang mga paper works na naiwan ko kahapon.
Napapailing ako kapag naalala kung paano makiharap ang sekretarya ko sa
akin, parang hindi nito batid kung sino ba talaga ako, maaring alam nito na ako
ang kababata niya pero wala namang conformation, winaglit ko naman din
kaagad sa aking isip at nag patuloy na sa pagbabasa ng mga papeles..
Samantala sa pantry…..
Mukhang matindi na rin ang kaltok ni Hayes sinasabayan ata ako ng mokong.
Well let see nakita ko ang mga lagayan ng kape, creamer, at asukal sa kabilang bahagi naman ay mga condiments.
Kumuha ako ng dalawang tasa at nilagyan ko ng tubig na mainit saka sininod sunod ang paglalagay ng kape at asukal.
Sinunod koa ang sabi ni boss na konting asukal na lang matapos kong magtimpla ay agad na nilagay sa isang tray ginaya ko din agad ang sarili pabalik sa opisina..
Sa opisina….
Nakita ko si boss na nakaupo sa kanyang swivel chair at tutok sa ginagawa n'ya.
Kaagad akong lumapit at inilagay ang isang kape tinignan lang n'ya ako kaya umalis na ko at naupo sa pwesto ko ng marinig ko ang inis na bulyaw nito.
"Fvck anong klaseng kape ito?, Ms.
Abejuela kape lang di ka pa marunong magtimpla!?!" bulyaw nito.
"Boss sinunod ko lang po sinabi n'yo,
kung gusto n'yo po ipagtitimpla ko na lng po kayo ulit.." sabi nito.
"Make sure na tama na miss Abejuela ayusin mo ang trabaho mo!" sabi ko rito.
Nakita ko pang nailing ito habang palabas ng opisina.
Wala naman sanang mali sa kape niya kuha nga ang timpla gusto ko lang
bwisitin ang babae, tignan natin hanggang saan ka sharina.
Bumalik ito na mukhang puno ng kumpyansa at may ngiti pero gaya ng
ginawa ko kanina pinulaan ko ulit at muling pinagtimpla ng bago.
Kitang kita ang inis nito sa mukha nagdiriwang naman ako sa mga kalokohan kong ginawa sa babae..
Pagbalik ng babae isang masuyong ngiti ang binigay nito, ibayong kilabot
ang maramdaman ko parang ayaw ko ng inumin ang kape na dala n'ya..
"Boss ito na po yung kape sure ako magugustuhan po ninyo ito, here drink it
na boss para naman matauhan na po
kayo sa kalokohan n'yo" nakangiti nitong sabi pero kakaiba talaga siya.
"Iwan mo na lang mamaya ko iinumin, you may go back to your respected workplace.." mahinahon kong sabi..
Bumalik naman agad ang babae sa pwesto n'ya kaya nag patuloy na rin ako sa pagtatrabaho.
Sharina Pov..
Nahalata ko talagang pinagtitripan ako ni Hayes kaya ngayon itong huling timpla ko ganti ko ito sa kanya.
Paanong ganti instead of isang kutsarita tatlong kutsara na asukal ang
nilagay ko mabait pa nga ako dapat nga
asin ang ilalagay ko baka lang mahospital pa ang boss kong abno..
Nang makabalik ako sa aking table kakaibang excitement ang naramdaman
ko, para bang isang kaabang abang na panoorin ang dapat kong masaksihan.
Lumipas na naman ang ilang pang saglit bigla akong nakarinig ng sunod
sunod na mura at pagbuga kasabay ng paghiyaw ng pangalan ko..
"Sharina Ada Abejuela Fvck it, pasaway kang babae ka!?!" galit na hiyaw nito.
"Serve you right Boss!, you mess the
wrong person, and buong pangalan ko pa
binanggit mo hindi mo ba din ba i
acknowledge na ako ang kababata mo?!," mahabang sabi ko.
"Kung mainit ka masyado sa akin boss sa ibang paraan mo ilabas, huwag
sa ganito, dahil for sure di ako papatalo!" sabi ko pa..
"Oh heto Boss ang tubig baka maliwanagan ka!, tutal lunch break na
din kakain na ko boss, kakapatimpla mo inabot na ng tanghalian bwisit!?!" inis
kong sabi at iniwan ko na ang boss ko na para bang malaki ang kasalanan ko.
Bahala ka d'yan Hayes buset ka talaga…