Chapter 31 Takot kay Joshua, Pananabik kay Jeremy
PARANG nangangati na ang mga daliri ni Katrina na i-text si Jeremy ngunit hindi niya magagawa. Natatakot kasi siya sa maaaring mangyari kapag nagpabigla-bigla siya sa pagdedesisyon. Saka, baka naman nang-aasar lang si Joshua. Dahil matapos nitong titigan ang kanyang tiyan ay umalis na. Gayunman, ang takot na naramdaman niya sa tingin at sinabi nito'y hindi pa rin mawala.
Hindi niya tuloy napigilang tutupin ang kanyang dibdib na patuloy sa pagtibok. Sobra kasi siyang natakot. Gayunpaman, kailangan niyang magpakahinahon dahil alam niyang mas maaapektuhan ang kanyang anak kapag masyado siyang nagpadala sa takot na nararamdaman.
Ayaw niyang isipin na may laman ang pagbabanta nito ngunit nakakaramdam siya ng takot sa titig nito. Alam niya kung gaano nito kinamumuhian si Jeremy kaya hindi imposible pati ang anak nila ay madamay. At tiyak niyang hindi hahayaan ni Jeremy na may mananakot sa kanya dahil sinabi niya sa asawa na bawal siyang ma-stress.
Kaya nga kapag mainit ang ulo niya'y hindi siya pinapatulan. Kahit na pagsungitan niya ito ay nilalambing pa rin siya nito. Iniisip na lang daw nito na pinaglilihihan niya ito. Well, totoo naman iyon dahil wala naman siya gustong makita kundi si Jeremy. Kaya nga ngayon ay miss na miss na niya ito.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan bago niya hinagilap ang kanyang cellphone para i-text ito. Pinaalala na lang niya sa sarili na hindi siya dapat na magsumbong dito dahil malaking gulo lang iyon.
I miss you.
Agad naman tumunog ang cellphone niya at napangiti siya nang makitang kay Jeremy galing iyon. Talaga ba? Hindi ka nagbibiro? Baka naman may gusto ka lang ipabili. Don't worry may dala akong ice cream -- pandan flavor.
Bakit, sinungaling ba ako? Ibig niyang matawa nang ma-send na niya ang mensahe na iyon. Talagang hindi niya maalis na tarayan ito. Para kasing ang cute-cute nito kapag nahihiya. Alam niyang ganoon ang hitsura ni Jeremy nang sabihin niyang nami-miss niya ito.
Ang taray mo naman. Akala ko ba miss mo na ko? Bakit ganyan ka? Inaaway mo pa rin ako.
Miss nga kitang tarayan. Ayaw mo lang yata akong ka-text.
Pwede bang makahingi ng kiss?
Kung nandito ka sa harapan ko within five minutes.
Hindi man ito sumagot ay napangiti siya. Alam naman niyang imposibleng mangyari iyon dahil wala pa naman ito. Kung nasaan ito ay ayaw na niyang alamin dahil baka masaktan lang siya kapag nalaman niyang si Veronica ang kasama nito.
Nang maisip niya ang bestfriend nito, may bigat na naman siyang nararamdaman sa kanyang puso. Masakit kasi kapag alam mong hindi lang ikaw ang nasa puso niya. Ibig na nga sana niyang umiyak kundi lang bumukas bigla ang pinto.
Nang una ay natakot siya dahil biglang sumuot sa isipan niya ang pagbabanta ni Joshua. Baka bigla nitong maisipang pasukin siya ngunit si Jeremy ang kanyang nakita kaya naman nakaramdam ng kasiyahan ang puso niya. Bigla tuloy siyang napabalikwas nang bangon at tinakbo ito para yakapin niya nang mahigpit na mahigpit.
Talaga naman kasing miss niya ito. Hindi lang ang presensiya nito kundi ang amoy nito. Gustung-gusto niyang sumisiksik sa leeg nito dahil nakakampante ang kanyang kalooban. Para kasing protektadung-protektado siya sa piling nito. Alam niyang hindi siya mapapahamak kapag kasama niya ito.
"Ma-miss mo nga ako ng todo," natatawang sabi ni Jeremy. Bahagya siya nitong nilayo sa katawan nito para mapagmasdan siya.
Hindi naman siya nagpakipot. "Miss na miss. Teka nga pala, bakit nandito ka agad?"
"Nagiging mataray na naman ang misis kong maganda. Nasa garahe na ang sasakyan ko ng mag-text ka kaya nung sabihin mong iki-kiss mo ako kapag nakarating ako rito within five minutes, dali-dali na akong bumaba ng sasakyan para lang mapuntahan ka," natatawang sabi nito.
Siyempre, isa siyang taong may isang salita kaya ibinigay niya kay Jeremy ang halik na sinabi niya. Dahil sa miss na miss na niya ito kahit ilang oras lang itong nawala, ipinadama niya iyon sa kanyang halik.
Hindi lang simpleng halik ang ibinigay niya rito. Halik na nagsasabi kung gaano niya ito nami-miss at minamahal.
"As I promised," wika niya habang hindi inilalayo sa labi nito ang kanyang labi.
Ang bango-bango kasi ng hininga ni Jeremy kaya gusto niyang laging naaamoy. Ibig niyang laging matikman ang labi nito ngunit may pagkakataon naman na nahihiya siyang humalik dito. Ngunit, nang mga oras na iyon ay gusto niyang tanggalin ang kanyang inhibisyon. Masarap kasing ipadama sa kanyang minamahal ang kanyang pag-ibig.
Kung talaga ngang may iba itong minamahal ay wala siyang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay ang nararamdaman niya para rito.
"Ako, miss mo ba?" Hindi agad sumagot si Jeremy kaya naman kinabahan siya. May takot din siyang naramdaman. Maaari kasin hindi naman siya nito na-miss dahil kapiling nito kanina si Veronica. Kung mahal nito ang bestfriend, bakit pa siya nito hahangarin na ma-miss? Sa takot na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon parang gusto niyang umiyak. Sobra rin siyang nasasaktan.
"Tinatanong pa ba iyon? Siyempre, miss kita. Miss na miss actually," wika nitong nakatitig sa kanyang mga mata kaya naman hindi niya napigilan ang mangiti. Sa titig kasi nito ay parang sinasabi nitong nagsasabi ito ng totoo at dapat niya iyong paniwalaan.
"Patunayan mo nga," naghahamon niyang sabi rito saka ngumuso pa. Kung magmukha man siyang manyak sa paningin ni Jeremy ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay maipakita rito kung gaano niya ito pinananabikan.
"Sure," wika nito bago tuluyang inangkin ang kanyang labi at nang gumala na sa katawan niya ang kamay nito, hindi na siya tumutol pa. Bakit ba naman kasi niya tututulan ang pinananabikan din niyang mangyari kaya naman maging ang kamay niya ay naging mapangahas na rin. Inis pa nga siyang tinanggal ang tshirt nito dahil talagang nananabik na siyang maramdaman ang hubad nitong katawan.
"Easy."
"Masyado kitang na-miss kaya ayoko ng magpa-easy-easy pa," wika niya ng sibasibin niya ng halik ang leeg nito na siyang paborito niyang bahagi ng katawan nito dahil amoy na amoy nga niya ang bango nito. Kung may lahi nga siyang bampira, sigurado niyang nakagat na niya ito sa sobrang pananabik.