Chapter 54 Wedding
Sumapit na ang araw na pinakahihintay ng beshie ni Sandra–ang kasal nito.
Nandito na sila ngayon sa may reception na ginanap sa Villaflor Hotel.
Kanina sa simbahan ay talagang ramdam ang pagmamahal ng dalawa. Napakaganda ng kanyang kaibigan sa suot nitong wedding gown na talagang pinag-ukulan ng oras sa paghabi.
Napaiyak din siya habang pinagmamasdan itong naglalakad papunta sa lalaking mahal nito.
She was really happy that her bestfriend already found her partner in life. Alam niya na panibagong yugto iyon sa buhay ni Clara. And she promise to herself that she will stay by her side no matter what happen.
Napukaw siya sa pag-iisip ng magsalita ang emcee sa stage.
"We are now requesting our bride to throw her bouquet, so, all the single ladies, come forward and ready your own wedding." Nakita niyang lumapit si Clara sa emcee kasabay nang pagtayo ng mga dalaga at nagsipunta sa harapan.
"You don't want to join them?" mahinang bulong ni Aj na nasa kanyang tabi. Kanina ng makita siya nito sa simbahan ay ayaw na nitong humiwalay sa kanya. Napaka possessive!
Umiling lamang siya. Ewan niya pero wala siya sa mood makipag-agawan. Mas gusto niya manatili sa tabi ni Aj.
Hinawakan naman nito ang kanyang kamay at pinagsalikop.
Nakita niyang kinuha ni Clara ang mic sa emcee kapagkuwan ay bumaling sa direksyon niya.
"I want to say sorry to all the ladies in front, but this bouquet of mine is already owned by someone." Napakalapad ng ngiti nitong nakatingin sa kanya.
Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya.
Binigyan niya ito ng tingin na nagsasabing huwag nito ituloy ang kalokohan.
But Clara just laugh. "Please my dear beshie, come here and claim your bouquet," anunsyo nito na ikinatingin ng lahat sa gawi niya.
Napapikit na lang siya dahil sa nahihiya siya sa ginawa nito. Naramdaman niya ang pagpisil ni Aj sa kamay niya.
"Go and get it. Dont worry, I will make sure I will be the one to get the garter." Inalalayan na siya ni Aj na tumayo at inihatid sa stage. Naghiyawan naman at palakpakan ang mga bisita.
Pagkarating sa stage ay pinandilatan niya ang kaibigan na sinuklian lamang siya ng nakakalokong ngiti.
Inabot nito ang bouquet sa kanya na wala naman siyang choice kungdi tanggapin.
Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Clara at bumulong, "Wait here, let's see what your fafa Andrew do after Anthony announce his own little game." Nagtataka niya itong tinignan. Nais niya pa sana itong usisain nang magsalita na si Anthony.
"Good evening everyone. Thank you for coming in our very special day. Now, let's do a small game. Masyado na kasi luma 'yung hagisan ng garter," panimula nito na nakangisi habang may tinitignan. Sinundan niya ang mga mata nito at napako sa gawi ni Aj na ngayon ay nakahalukipkip na tila hinihintay ang susunod na sasabihin.
"Our soon to be bride here is so gorgeous, right?" Nakarinig siya ng pag sang-ayon mula sa mga bisita lalo na sa mga kalalakihan. Dahil nakatingin siya kay Aj ay nakita niyang dumilim ang awra ng mukha nito. Napalunok tuloy siya ng magtama ang kanilang mga mata.
Ano na naman kalokohan kasi naiisip ng mag-asawang ito.
"Now, let's do it. I hide the garter somewhere..... and the guy who could find it will be her man."
"F*ck you, Anthony!" malakas na mura ni Aj na ikinatawa naman ng halos lahat ng bisita.
Nakita niyang nagsitayuan na ang mga kalalakihan at nagsimula ng maghanap habang ang kambal ay nakita niyang prenteng nakaupo habang pinagmamasdan si Aj na natataranta na rin maghanap.
Rinig niya ang mahihinang mura nito. Habang ang mga kaibigan nito ay tuwang-tuwa sa kalokohang ginawa. Ang pamilya naman ni Aj ay napapailing.
Napatingin lahat sila sa taong sumigaw, "Babe, sabi ko na tayo talaga ang met to each other!" Si Dominic na tila may inaabot sa may sulok.
"Fuck you, Dominic!!" malakas na mura ni Aj na ikinatawa muli ng lahat.
Nagulat na lang siya ng kumaripas ito nang takbo papunta sa kanya at hinila siya palabas.
"Hoy! Andrew, huwag mong itakas ang bride to be ni Dominic," rinig niyang sigaw ni Kenneth.
"Lumaban ka ng patas Villaflor!" sigaw rin ni Dominic.
Pero tanging middle finger ang isinagot ni Aj sa mga ito na mas lalong ikinatawa ng lahat. Patuloy pa rin siyang hinila nito hanggang sa makalabas sila ng hotel.
"Wait, dahan-dahan 'yung gown ko!" malakas na sita niya rito.
Tumigil naman ito pero kinarga lamang siya ni Aj na pabridal style, napakapit tuloy siya sa leeg nito. Hawak-hawak pa rin niya ang bouquet.
Maingat siya nitong ipinasok sa loob ng kotse at ito pa ang naglagay ng seabelt niya. Napakalapit ng mukha nito sa kanya kaya kitang-kita niya ang nakabusangot nitong mukha.
Nang maikabit ang seatbelt niya ay mabilis rin itong nagtungo sa driver seat.
Nakasunod lamang siya sa lahat ng galaw nito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa inakto nito.
Bago pa nito mapaandar ang kotse ay nakita niyang kumatok si Samuel sa bintana nito habang nasa likod din si Sammy na kapwa nakangisi.
Nakita niya huminga ng malalim si Aj bago binuksan ang bintana.
"I will send her home, don't worry," wika nito agad sa kambal.
Walang sagot sa kambal bagkus ay ipinakita nito ang kamay na may hawak-hawak na garter.
Hinagis ni Samuel ang hawak kay Aj.
"Ayan na, sayong-sayo na. Ingat kayo iuwi mo 'yan kung ayaw mong ibaon ka namin ng buhay," banta ni Samuel na tumingin pa sa kanya at kinindatan siya bago naglakad palayo. Maging si Sammy ay nakangising tumingin sa kanila bago sumunod kay Samuel.
"F*ck them!" mura ni Aj na hawak-hawak na ang inihagis ni Samuel na garter.
"Hey! Kapatid ko minumura mo," kunwari ay inis niyang sita rito.
"So-sorry baby girl, that's not really for them," natataranta nitong sambit at humarap sa kanya na ngayon ay ang lapad na ng ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Para kang tanga! Kanina napakabusangot ng mukha mo ngayon sobrang saya na, baliw ka na!"
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Oo, baby girl baliw na baliw na ako sayo!"
Ay! Kinikilig ang pempem niya.
Pinipigilan niyang kiligin baka isipin pa nito marupok siya!
"Huwag mo ng pigilan kiligin baby girl," pinandilatan niya ito sa sinabi.
Masyado bang halata?
"Pinapatawad ko na sila dahil binigay nila ito," sabay wagayway nito ng garter sa kanyang mukha. Parang bata lang na binilhan ng bagong laruan. "Now, you are totally mine and mine!" pagkasabi nito ay sabay sakop sa kanyang mga labi na siyempre tinugon niya.
.....
Dinala ni Aj si Sandra sa isang park kung saan mangilan-ngilan na lamang ang tao.
Ayaw pa mga nitong bumaba dahil nakakahiya daw sa suot nito.
Hindi yata nito alam kung gaano ito kaganda sa light blue na gown na suot nito. Tube style ito kaya kitang-kita ang mapuputing balikat maging ang cleavage nito kaya simula ng makita niya ito sa simbahan ay ayaw na niyang iwanan.
Napansin niya rin kasi ang pasimpleng tingin na ipinupukol dito ng mga kalalakihan. They can't blame them because Sandra is really a headturner. 'Yung tipong mapapalingon ka muli dito.
Pagdating sa reception ay isinuot niya agad ang suit rito upang takpan ito. At hindi na nga siya humiwalay rito.
"Baka matunaw ako, baby boy," nabalik siya sa sarili nang marinig ang tinig nito.
Nakatingin na rin ito sa kanya. Kapwa sila nakaupo sa bench.
Hindi niya napigilan haplusin ang mukha nito na ikinagulat nito.
"You really make me calm by just looking at your beautiful face. I'm so thankful that God gave me someone like you." Nakita niyang kumislap ang mga mata nito.
"Can I dance my baby girl?" tanong niya rito sabay lahad sa kanyang kamay.
She chuckled. "Like seriously? Here? We don't have music," nakakunot noo nitong tanong.
Tumayo siya at at inalalayan itong tumayo rin. Nasa may bandang sulok sila kaya wala makakakita sa kanila at kung meron man, wala siyang pakialam.
Inilagay niya ang dalawang kamay nito sa kanyang balikat habang ang kanyang mga kamay naman ay sa bewang nito humawak.
Inilapit niya ang mukha sa tainga nito at bumulong, "Then let me sing a song for my baby girl."
Umatras ito ng bahagya at pinakatitigan siya. "Do you know how to sing?" Amusement showed on her face.
Hinapit niya lang ito palapit sa kanya. Isinandal niya ang ulo nito sa may leeg niya dahil halos magkasingtangkad lang sila.
Nagsimula siyang igalaw ng dahan-dahan ang kanilang katawan ng sabay.
He started humming to start singing for her.
"I will sing what my heart want to say."
I remember so well
the day that you came into my life
you asked for my name
you had the most beautiful smile
my life started to change
I wake each day
feeling alright with you
right by my side
makes me feel thing will work
out just fine
Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang leeg at pag-alis nito sa pagkakasandal ng ulo sa kanya.
Now they are looking at each other while their body still moving slowly side by side.
how did you know
I needed someone like you in my life
that there's an empty space in my heart
you came at the right time in my life
I never forget
how you brought the sun to shine
In my life and took all the worries and fears that I had
The song really fit to what his heart feels at the moment
I guess what I'm really trying to say is not everyday that someone like you comes my way
No words can express how much
I love you.
Pagkabigkas sa huling linya ay hinalikan niya ito. Isang halik na puno ng pagmamahal.
He will do everything just to make her his. He can't afford to lose her.