Chapter 53 Mommy advice
Kasama ngayon ni Sandra si Clara sa Rainbow Corner. Nakipagkita ito dahil miss na raw siya, pero ang totoo makikitsismis lang. Three days from now ay ikakasal na ito. Ang bilis mag-aasawa na ang kanyang Maria Clara.
"So, daks nga beshie? Grabe hindi naman ako na ospital, ah. Ibig sabihin mas malaki," nanlalaki pa ang mata nitong tanong sa kanya.
Inirapan niya ito. "Ikaw, makuntento ka na sa groom mo. Huwag mo ng i-imagine ang sa iba."
Tumawa naman ito nang pakalakas-lakas.
Nakakahiya, pinagtitinginan na sila ng mga katabing mesa.
"Beshie, 'yung bunganga mo, please! My gosh!" sita niya rito.
Tumigil naman ito. "Ang arte. Mas malakas ka pa nga tumawa sa akin, noh. Dont worry sayong-sayo lang si fafa Andrew at akin lang si fafa Anthony," wika nito.
"Possessive lang ang lagay?... Pero beshie, congratulations. I can't really believe that after three days your going to be Mrs. Villaflor. I'm really happy for you," buong puso niyang pahayag rito.
"Naiiyak na ako beshie." Pinahid pa nito ang mga mata ng tissue na akala naman talaga ay may mga luha. Baliw din, eh!
"You need more tissue? Baka bahain ang buong resto?" sarkarmo niyang tanong.
Inirapan naman siya nito. "Ako din masaya para sayo. Sa wakas nakalabas ka na din sa lungga mo at may gwapong fafa Andrew pa." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at tiningnan siya sa mata. "Tulad nga ng sabi ng kambal. You deserved to be happy after all your sacrifices. Forget him and face the future with Andrew, "nakangiti nitong wika.
Sasagutin niya sana ito nang masilayan ang dalawang lalaking kakapasok lang sa resto at naglalakad patungo sa kanila.
"Hi hon."
"HI baby girl," sabay pang bati ng dalawang lalaki at kanya-kanyang halik sa kanilang pisngi.
"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Clara kay Anthony.
"Nagkita lang kami sa parking," wika ni Anthony na tila 'di mapakali.
Umupo naman sa tabi niya sa Aj at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.
His really such a sweet boyfriend. Malulunod na talaga siya.
"Hon, nasaan ang pinapabili ko?" rinig niyang tanong ni Clara. Tiningnan niya si Anthony na napapakamot sa kilay.
"Hon naman, wala naman ako makita. Naikot ko na ang buong Pilipinas," natawa siya sa sinabi nito.
"Ano na naman pinapahanap mo beshie?" singit niya sa mga ito. Napakahaba ng nguso ni Clara na pwede ng sabitan, nagpapadyak pa ito.
"Kainis ka naman, eh! Sabi mo maghahanap ka ilang beses mo na hindi nabibili ang gusto ko," bulalas nito kay Anthony.
"Ano ba kasi nga hinahanap mo?" pakikisali niya sa usapan ng mga ito, 'di kasi siya pinapansin. Sarap sipain eh.
Panay halik naman ni Aj sa kamay niya.
"Ubas na oblong," nakasimangot na sagot ni Clara.
Napailing na lang siya sa gusto na naman nito.
"Iba na lang nga kasi, hon," pag-aalo ni Anthony rito.
"Oh, sige sabihin mo sa anak mo na iba na lang!" Tumayo na ito, akala niya ay aalis na pero humarap sa kanya para magpaalam. "Uuwi na ako, ikaw Sandra kung hindi kayang maghirap ni Andrew, huwag mo na rin bigyan ng sarap!" pagkasabi no'n ay tumalikod na ito at naglakad palabas na sinundan naman ni Anthony.
Naiwan naman siyang napapailing. Habang ang ibang malapit sa table nila ay napapangiti sa sinabi nito.
Naramdaman niya ang paglapit ng mukha ni Aj sa kanya.
"Parang natatakot na tuloy akong mabuntis ka?"
Tiningnan niya ito ng nakataas kilay. "Pwes, gumamit ka ng condom o kaya mas better huwag ka na rin pumasok sa butas." Inagaw niya ang kamay rito at tumayo diretso naglakad palabas.
"Baby girl, wait!" tawag nito sa kanya. Grabe hindi man lang nahiya sa tinawag sa kanya. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa kotse nito.
"Bilis mo naman maglakad, baby girl." Pinagbuksan siya ng pintuan nito. Diretso siyang pumasok at pagkasara nito sa pinto ay diretso na rin ito nagtungo sa driver's seat.
Binuksan na nito ang makina pero hindi pa pinapaandar ang sasakyan. Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi upang iharap dito.
"Baby girl, I was kidding. Isa sa mga pangarap ko ngayon ay ang mabuntis ka," malambing na wika nito at hinalikan siya nang mabilisan sa labi.
"Sigurado ka," taas kilay niya pang tanong.
"Oo naman! One hundred one percent sure ball, gusto mo umpisahan na natin, eh," nakangisi nitong wika habang ang isang kamay ay naglalakbay na sa kanyang hita.
Hahalikan sana siya ulit nang tumunog ang phone nito.
"F*ck! Istorbo!" inis nitong turan.
"Shut up! Baka parents mo 'yan." Bumalik ito sa pagkakaupo bago sinagot ang tawag.
"Yes mom," bati nito pagkasagot sa tawag.
See! Mommy pala nito ang tumatawag!
"Yes mom, I'm with her... OK mom, we are coming." Bumaling ito sa kanya at mabilis siyang ninakawan ng halik.
"Daan raw tayo sa bahay, may ibibigay raw si Mommy sayo. Dumating na sila kagabi," imporma nito at pinaandar na ang sasakyan.
Napapaisip naman siya kung ano ang ibibigay ng mommy nito.
Pagkarating sa mansion nila Aj ay diretso sila sa napakalaking living room.
"Your here, iha." Napalingon siya nang marinig ang boses ng mommy ni Aj. Napakasimple lang nito sa kulay pulang bestida.
Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi."How are you, iha?"
Sasagot pa lang siya nang magsalita si Aj.
"So, siya lang may hug at kiss? Ako anak mo mommy," reklamo ni Aj na ikinatawa nila. Para kasing tanga, ang laki-laki na.
Tiningnan naman sila nito nang masama.
"Seloso mo anak! Come here give mommy hug and kiss." Ibinuka ng mommy nito ang mga braso. Lumapit naman si Aj at niyakap ang mommy nito.
"Ayos na ba, anak? Ngayon pwede ba mag-usap muna kami ni Sandra?" wika ng mommy niya nang maghiwalay ang mga ito.
"Ok mommy, akyat lang po muna ako sa kwarto magpapalit lang po ako ng damit," paalam nito bago siya ninakawan ng halik. Pinanlakihan niya ito ng mata pero kinindatan lamang siya at mabilis nabg naglakad palayo.
"I'm so happy seeing my son is happy too." Napalingon siya sa sinabi ng mommy ni Aj.
Inakay siya nitong maupo sa napakagandang sofa na tila mahihiya kang upuan.
Tinawag nito ang isang kasambahay at inutusan na kunin ang mga pasalubong raw nito para sa kanya.
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "I'm really happy at ikaw ang naging girlfriend ng anak ko," nakangiting wika nito.
Nahihiya pa rin siya rito. Sino ba naman siya isang hamak na secretary.
"Ok lang po ba talaga sa inyo? I mean, I'm just his secretary. I don't have anything to-" pinutol nito ang kanyang ibang sasabihin.
"Don't belittle yourself, iha. What's wrong being a secretary? It is a decent job and what do you mean you don't have what? Because as I can see, you have everything that could make a man fall in love. Kelan pa naging sukatan ang pera sa pagmamahalan?"
Tila siya nakaramdam ng hiya sa sinabi nito.
Kailan nga ba naging sukatan ang katayuan sa pagmamahal?
Madalas kasi ganun naman talaga ang scenario, sadyang mabubuting tao lamang ang pamilya ni Aj na sobrang pinagpapasalamat niya.
"Pero minsan po wala naman po silang pagpipilian lalo na kung ayaw ng magulang nang mayaman sa mahirap," naibulalas niya.
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay. "We all have a choice, iha. But we can't also blame those who are afraid to fight specially if it is against with their family. They said blood is thicker than water. The best thing to do is let your heart choose whom to love if the person cannot take responsibility to you. Dont ever try to force your heart to heal or to love another. You will regret it. Instead, let your heart heal by it's own. Feel the pain, until you don't feel it anymore," mahaba nitong paliwanag.
"Then why do we need to meet them and love them if they are not the one for us?" Kusa talaga lumalabas ang mga tanong sa kanyang bibig na tila may gustong malaman na di niya matukoy.
"Some are lesson to be learned. To make you stronger. May mga tao talagang pinagtagpo pero hindi itinadhana. Meron din namang pinaglayo pero pinagtagpo muli. We are the one who will make our destiny.
"Kayo ni Andrew, nagsisimula pa lang kayo. Marami pa kayong pagsubok na pagdadaanan. Pagsubok na pwedeng magpatibay sa inyo o tuluyang sisira sa inyo." Natigilan siya sa sinabi nito. Isipin pa lang niyang hindi sila ni Aj ay tila dinudurog na ang kanyang puso.
"Iha, one advice from me. Once your heart doubt about what you feel, don't make a decision to make someone happy instead make sure that your heart really choose it. Nasa huli lagi ang pagsisisi but we can avoid it by controlling our emotion and decision making, mahirap pero worth it." Napatango na lang siya sa sinabi ni tita Clarissa.
"Mam, heto na po," wika ng kakarating na maid. May tatlong paper bag itong dala. Kinuha ni tita Clarissa iyon at iniabot sa kanya.
"Pasalubong ko sayo at sa kambal. Gustong-gusto ko talaga ang kambal, sana kambal ang apo ko," nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Ah wait, iha, gusto mo ba makita 'yung picture ni Aj nung bagong tuli siya. Ang cute-cute niya, wait kukunin ko lang." Patayo na ito nang dumating si Aj.
"Mom, we're going. Naghihintay ang kambal sa kanya. Nagpapa good points pa man din ako sa mga 'yun," wika ni Aj na lumapit sa kanya at kinuha ang mga paper bag.
"Wait lang, iho. Ipapakita ko lang 'yung picture mo nung bagong tuli ka."
"Mom!" asik ni Aj na ikinatawa niya dahil nakasimangot ang gwapong mukha nito.
Narinig niya rin ang paghagikhik ni tita Clarissa.
"Alis na po kami mommy," paalam ni Aj dito.
"Thank you po pala sa pasalubong," wika niya bago siya inakay palabas ni Aj. Naiiling na lang siya.
"Bye! I want twins, son. Goodluck!" rinig niya pang habol na sigaw ni tita Clarissa.
Nang nasa daan na sila ay di niya maiwasan lingunin ito na nakabusangot pa rin.
"Bakit ayaw mong makita ko ang picture mo nung bagong tuli ka?" pagbasag niya sa katahimikan.
Inirapan siya nito.
Feeling gwapo ang mokong.
"Huwag mo ko irapan, Aj! Hindi mo ikinagwapo!" inirapan niya rin ito.
Naramdaman niyang kinuha nito ang kamay niya at pinagsalikop, isang kamay na lang ang gamit nito sa pagmamaneho.
"Huwag ka nga masyado nagpapaniwala kay mommy. Nakakahiya!" nakasimangot pa rin nitong saad.
Napatawa tuloy siya kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"I can't imagine how you look like." Inilagay niya pa ang hintuturo sa baba na tila ini-imagine ang hitsura nito.
"Baby girl, stop it! Kapag di ka tumigil sa condo kita iuuwi," rinig niyang banta nito.
Tinawanan niya lang ito.
Sarap kasi asarin ng baby boy niya.