Chapter 13

Nasa loob na sila ng mall nang tanungin niya ang lalaki sa kaniyang tabi. Hindi niya kasi alam kung ano ang ginagawa nila sa loob ng mall. Alangan namang strolling lang ang magiging date nila ngayon?

“Ano ba kasing gagawin natin dito sa mall?”

“Uy, excited na siya!” sa halip na sagutin ay nakuha pa nitong tuksuhin siya.

“Tigilan mo ako, Adonis, ha. Baka iwanan kita rito,” pagbabanta niya rito.

“Wala namang ganyanan, aking Irog. Sabi ko naman kasi sa‘yo kanina, ‘di ba? Dadalhin kita sa isang malamig na lugar kung saan puwede kitang painitin? So, tah dah! Manonood tayo ng horror movie ngayon,” nagniningning pa ang mga mata nitong turan sa kaniya.

Bigla naman siyang nakaramdam ng excitement sa sinabi nitong iyon. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapanonood ng horror movie. Kaya naman ngayon ay para siyang batang tuwang-tuwa sa narinig mula sa lalaki.

“Ano’ng movie? Latest ba iyan? Gusto ko iyong nakakatakot nang bongga, ha?” sunod-sunod pa niyang tanong dito habang nangingislap ang kaniyang mga matang nakatingala sa lalaki.

“Hindi ka takot?” kunot-noong tanong naman nito sa kaniya.

“Saan? Sa horror movie? Hindi! Mas nakatatakot ka pa nga roon, e,” tugon naman niya rito na binuntutan pa niya ng pagtawa.

“Ah, gano’n? So, nakakatakot pala ako, ha. Pang- suspense kaya ako. Lalo na kapag gumapang na ako sa kama. Tiyak na mapapatili ka!” kagat-labing turan nito sa kaniya.

“Ayan ka na naman, manyakis!” aniya rito sabay kurot sa tagiliran nito.

“Aray! Totoo naman iyong sinabi ko, a! Gusto mong subukan?” pilyong tanong pa nito sa kaniya.

“Heh! Tantanan mo ako ng kamanyakan mo, Adonis, ha. Kung ayaw mong manood ng sine mag-isa!” masungit niyang turan dito at humalukipkip sa tabi nito habang naglalakad sila.

“Hindi na. Ito naman, napakasungit. Sagutin mo na kaya ako para mahawa ka na ng kamanyakan ko—este, ka- sweet-an pala,” nakangisi pang turan nito sa kaniya.

Inirapan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sinehan. Sa totoo lang ay gusto na nga niyang sagutin si Adonis. Ang kaso ay alam naman niyang hindi seryosohan ang pagliligawan nila. Ibig niyang sabihin ay for writing purposes lang kaya siya pumayag na makipaglapit at magpaligaw sa lalaking kasama niya ngayon.

Once she’s done with her manuscript, tapos na rin ang pakikipaglapit at pakikipagligawan niya sa kapitbahay. Ayaw na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya rito. Kaya mabuti na rin na huwag na lang niyang sagutin ito.

Matapos nilang bumili ng ticket ay dumiretso naman sila sa bilihan ng popcorn at tubig na kanilang babaunin sa loob ng sinehan. Nang makapagbayad ay pumasok na sila sa cinema at mabilis na naghanap ng puwesto sa bandang gitna ng sinehan.

“Okay ka na ba riyan?” halos pabulong pang tanong nito sa kaniya nang makaupo na sila sa kanilang napiling puwesto.

“Oo. Maupo ka na rin diyan,” sagot naman niya rito at excited na hinintay ang pagsisimula ng palabas.

“Ayesha, hindi ka ba nilalamig?” mayamaya’y tanong ni Adonis sa kaniya.

“Hindi. Naka-jacket naman ako, e. Bakit?” balik-tanong niya rito.

“Baka lang ginawin ka. Available ang mga bisig ko para sa iyo,” nakalolokong tugon nito habang bumubulong ito sa kaniyang tainga. Para naman siyang nakiliti sa ginawa nitong iyon kaya bigla ang paghagikhik niya.

“Shhh! Ang ingay!” narinig niyang sita ng isang babaeng nakaupo sa kanilang likuran.

Kinurot niya tuloy si Adonis na ikinatawa lang naman nito. Mayamaya pa ay nag-umpisa na ang kanilang panonoorin kaya naman pareho na silang nanahimik ng lalaki sa kaniyang tabi. Naramdaman pa niya ang paggapang ng kamay nito sa kaniyang balikat upang akbayan siya nito.

“Adonis, iyang kamay mo, mapuputol ko iyan sinasabi ko sa iyo!” mariing bulong niya sa lalaki.

“Akbay lang, e. Promise, hindi iyan gagapang kung saan pa,” ganting bulong nito sa kaniya.

Hinayaan na lang niya ito dahil baka masita na naman sila ng mga nanonood. Lulong na rin naman siya sa kaniyang panonood nang magtilian ang mga kasama nilang nanonood ng palabas. Napataas na lang ang isang kilay niya nang sulyapan ang mga kababaihan na nakasubsob sa mga kasama nitong mga lalaking enjoy na enjoy naman sa pagyakap sa mga ito.

“Hindi ka ba gagaya sa kanila?” bulong ni Adonis sa kaniya.

“Bakit naman ako gagaya sa kanila? Ang o-oa lang nila! Effects lang e natatakot na,” naartehang sagot niya sa lalaki.

“Hindi ka natatakot sa palabas?”

“Ano namang nakakatakot diyan?”

“Grabe ka. Babae ka ba talaga?” napapakamot na lang sa ulong tanong ni Adonis sa kaniya.

“Hoy, Adonis. Kung sa tingin mo ay maka-i-score ka sa akin dahil sa panonood natin ng horror movie. Puwes, nagkakamali ka! Paborito ko ang mga ganitong palabas,” mataray niyang pahayag dito.

“Ano ba iyan? Akala ko pa naman mayayakap na kita. Hindi pala,” nakangusong saad nito na kaniya namang ikinatawa.

“Ayan ang napapala ng mga manyak na kagaya mo! O, ikain mo na lang iyan,” nakangisi niyang turan dito sabay alok ng popcorn.

“Ayaw ko niyan. Iba ang gusto kong kainin. Gusto ko iyong fresh talaba. Iyong masabaw-sabaw pa!” tugon naman ng lalaki sabay dila pa sa mga labi nito.

“Manyakis ka talagang siraulo ka!” Nanggigigil niya itong hinampas na dumapo sa ibabang gitna nito.

Mabilis siya nitong nahawakan at nagkatitigan sila. Napalunok pa siya nang makita kung saan iyon dumapo. Mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay sa lalaking tatawa-tawa na ngayon. Nagpapasalamat siyang madilim sa loob ng sinehan dahil kung hindi ay malamang na makita nito kung gaano kapula ang kaniyang mukha sa mga oras na ito.

“Ikaw, Irog ko, ha. Napaka-wild mo pala! Hmm, I like that!” pilyong bulong pa nito sa kaniya.

“Tumigil ka na, Adonis. Kung hindi ay tutuluyan ko iyang alaga mo!” naiinis na namang sambit niya rito. Tatawa-tawa lang naman ito sa kaniyang tabi bago umayos ng upo. Bigla siyang pinagpawisan dahil sa nangyaring iyon kani-kanina lang. Dahil sa kaharutan nito ay nadama tuloy niya ang hindi dapat madama ng isang inosenteng babaeng kagaya niya.

My virgin hands, na-devirginized na ng manyakis na lalaking ito! Waahhh! hiyaw ng kaniyang isip. Kaya naman buong durasyon ng palabas ay mas naging aware na siya sa bawat kilos ni Adonis. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kanina. Kaya hangga’t kaya niyang tiisin ang kapilyuhan nito ay magtitimpi na lang siya.

Matapos ang panonood nila ng sine ay dinala siya nito sa isang seafood resturant. In fairness naman sa lalaking ito ay hindi siya tinitipid sa tuwing mag-de-date sila.

“Ano’ng gusto mong kainin?” tanong nito sa kaniya nang nasa harapan na sila ng mesang pinagdalhan sa kanila ng isang crew.

“Kahit ano. Mukhang masasarap naman lahat ng mga pagkain nila rito, e,” sagot niya kay Adonis dahil wala siyang mapili sa mga putaheng nandoon. Lahat ay nakatatakam sa kaniyang paningin.

“Okay,” maikling tugon nito sa kaniya saka ito tumawag ng waiter.

“Please, serve us the Chef’s special for two, and fresh talaba platter.”

“Okay, Sir. You ordered, one Chef’s special for two and fresh talaba platter. How about your drinks, Ma’am, Sir?” tanong ng waiter sa kanila.

“Ahm, water lang ako, please,” maagap na tugon ni Ayesha sa waiter.

“How about you, Sir?”

“Water na lang din kagaya ng sa girlfriend ko,” nakangising tugon ni Adonis sa server.

“Okay, Sir,” nakangiting saad naman ng waiter saka nito kinuha ang mga menu mula sa kanila at naglakad na palayo sa kanilang table.

Nang makaalis na ang waiter sa kanilang mesa ay saka naman niya pinanlakihan ng mga mata si Adonis. Hindi kasi siya nakapag-react kanina nang sabihin nitong girlfriend siya nito sa waiter na kumuha ng mga orders nila.

“Ano na namang ginawa ko, Irog ko?” tatawa-tawang tanong nito sa kaniyang harapan.

“Bakit sinabi mo kay kuyang waiter na girlfriend mo ako? Siraulo ka!”

“O, relax. Sooner or later, magiging girlfriend na rin naman kita, e. In-advance ko lang.” Taas-baba pa ang mga kilay nitong tumingin sa kaniya.

“Naku, naku, naku ka talagang lalaki ka!” naiinis na lang niyang turan dito dahil tiyak namang siya pa rin ang talo sa diskusyunan nila.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga pagkaing in- order nito para sa kanila.

Tama nga siya na lahat ng pagkain sa restaurant na iyon ay masasarap at katakam-takam. Kaya naman nang matapos na silang kumain ay halos hindi na siya makatayo mula sa kinauupuan dahil sa kabusugan.

“Nagustuhan mo ba ang mga pagkain nila?” tanong pa nito sa kaniya.

“Super! Hindi na nga yata ako makatatayo pa rito, e,” tugon naman niya rito.

“Nako, paano ba iyan? Kailangan na nating umalis bago pa tayo singilin ng mga tao rito,” pabulong pang saad nito sa kaniya. Nanlalaki naman ang mga mata niyang sinipa ito sa ilalim ng mesa. Matapos nilang magpakabusog, magwa-one, two, three lang pala sila?

“Aw! Ito naman, masyadong seryoso. Biro lang! Ano’ng palagay mo sa akin, poor?” napapasinghap pa nitong wika sa kaniya.

“Ang sakit, Irog ko, a!” napapakagat labi pa nitong saad muli.

“Kasalanan mo iyan! Magbayad ka na nga nang makauwi na tayo,” masungit niyang utos sa lalaki.

Sinunod naman siya nito at tumawag na nga ng waiter. Pagkatapos magbayad ay inalalayan siya nitong makatayo, at magkahawak ng kamay na naglakad palabas ng kainang iyon. Hindi na niya binawi ang kamay sa lalaki dahil nakatatamad na makipagtalo sa isang taong maraming palusot sa buhay.

Isa pa, she loves the feeling of being held by his hand.