Chapter 1 Eclipse

Since today is monday. Ang araw na ito ay nakalaan para pumili ng club na sasalihan. At dahil ngayon lang ako sasali sa buong buhay ko ay napunta ako sa filipino club. Napili namin ito dahil 'yon ang subject ng adviser namin.

Habang pumapasok ang ibang students na gustong sumali sa filipino club ay nakaupo kami sa harap. Ang room kasi namin ang inilaan para sa filipino club. At isa din yun sa dahilan kung bakit namin pinili ang filipino club. Para hindi na kami lumabas ng room.

Tamad kaming estudyante.

Nagsimula nang mag botohan para sa magiging officer. Bawat taong nakakakuha ng atensyon ko ay isinusulat ko ang mga pangalan nila sa notebook ko. Isa don ang lalaking payat di naman masama ang itsura niya. Para sa akin ay crush ko na siya nung araw na'yon.

Natapos iyon ng uwian. Hapon kasi nung nagsimula iyon kaya uuwi na kami. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung saan ang bahay ni Kye. Hindi din kasi kami sabay kung umuwi kaya 'di ko alam.

''Yuna! Hintayin mo'ko!" sigaw ng kung sino. Nilingon ko ito. Yung kapitbahay namin na schoolmate ko rin.

''Ang bagal mo kasing maglakad!" sigaw ko kay Luca. Boybest ko.

''Ikaw nga tong hinahabol yung babaeng lagi mong kasama tapos ako 'di mo pinapansin sa school,'' reklamo niya sa akin.

''Kaibigan ko 'yon, kailangan kong malaman kung saan ang bahay nila.''

''Kaibigan mo rin naman ako ah!" wika nya nang naka-nguso. Pa-cute na naman sya.

''Magkapitbahay tayo, Luca. Magkasunod lang bahay natin!'' sigaw ko sa kanya. Umaandar na naman ang pagka-childish nito.

Binilisan nito ang lakad at iniwan ako. Ayan na naman sya! Bakit ko ba naging kaibigan yun? Dumaan ako sa bilihan ng street foods. Bumili ako ng dynamite, pinatago ko pa kay kuya yung sili para hindi niya malaman na sili ang laman non.

Mahilig yan sa mga pagkaing may wrapper. Kaya binilhan ko sya. Pero out of ten, 0. 0% ang rate niya sa dynamite. Wala daw kasing lasa, bukod sa maanghang. Walang lasa daw pero maanghang? Ano yun?

Parang kasalanan ko pa tapos kailangan suyuin ko sya? Tingnan lang natin.

Pero syempre love ko yon. Binilhan ko sya ng lumpia at shanghai. Ang mahal ng mga nabili ko, sisingilin ko yun! Nagsimula na akong maglakad pauwi.

Nagpalit ako ng pambahay at pumunta sa kabilang bahay. Naabutan kong nag i-ihaw si Tita sa labas ng bahay nila. May tinda kasing ihaw-ihaw ang pamilya nila Luca. At the best ang sauce nila!

''Tita, si Luca po?" tanong ko.

''Nandoon siya sa kwarto nya. Nakasimangot noong dumating 'yon. Nag away ba kayo?" tanong ni tita sakin. Umiling lang ako.

''Tita, yung anak n'yo po umandar ang pagiging bata. Kaya ganyan," sabi ko na i-kinatawa nito.

''Puntahan mo na nga, Yuna. Kailangan n'on lambing mo,'' saad nito. Napatawa nalang ako.

They ship us!

Umakyat ako sa kwarto nito at binuksan ang pinto. Wala nang katok katok, pasok agad. Bumungad sakin ang nakahubad na katawan nito. Dali-dali kong tinakpan ang mga mata ko. Baby pa eyes ko.

"Ano ba, Yuna! Bakit ang hilig mong pumasok na lang bigla!" sigaw niya sakin habang naghihimakas.

"Dapat masanay kana, Luca. Lagi ko namang ginagawa yun ah," sambit ko habang nakatakip pa rin ang mata.

"Okay na. Nakadamit na'ko," rinig kong saad nito.

"Oh!" Parang may sama ng loob na sabi ko at naupo sa kama nya. Kinuha nito ang dala kong pagkain para sa kanya.

"Thank you, dapat pala lagi akong nagtatampo para lagi rin akong may pagkain," masayang sabi nya. Tiningnan ko lang s'ya. I evilly laugh at my head.

Sige, kainin mo...

Kinuha nito ang shanghai at naubos yon. Sunod ang lumpia at naubos din yon. Sunod naman ang dynamite. Ngumuya-nguya sya. Nag-iiba ang emosyon na dati ay siyang siya ngayon ay nakadila na.

"YUNA!" sigaw nito. Tawa lang ako nang tawa.

Tumakbo ito patungong banyo. Teka bakit sa banyo? Sabagay may tubig naman don. Madumi nga lang. Lumabas ito ng kwarto. Pupunta sigurong kusina. Hindi naman ganun ka anghang ang pulang sili ah. OA!

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Medyo malaki ito, sapat na ang dalawang tao. Kasama niya dati ang kuya nya sa kwartong 'to, pero nakatira na ito sa pinapasukan niyang school. Kaya sya nalang mag-isa dito.

May isang kama, study table, mga teddy bear na galing sa mga fangirls n'ya. May sariling banyo at dahil nasa ikalawang palapag ito ay mayroon ding veranda. Tanaw don ang napakaraming bituin tuwing gabi.

Mamaya may magaganap na isang lunar eclipse. Dito ako ta-tambay hanggang sa magpakita 'yon. Sabi nila red moon daw yun. 'Di ko sure.

Bumalik itong may dalang baso ng gatas. Sigurado ubos na naman ang gatas nila. Masama ang tingin niya sa akin. Parang 'yon lang eh.

''Umuwi kana don,'' pagtataboy nya sakin.

''Pero dito ko papanoorin ang buwan,'' malungkot na sabi ko.

''May bintana naman sa kwarto mo, d'on ka manood,'' malamig na saad nito.

''Sabay sana nating papanoorin ang buwan pero ayaw mo naman. Kaya kami na lang ng mga asawa ko,'' saad ko sabay tayo.

''Oo na! sabay na nating panoorin. Para kang baliw pati libro papanoorin mo ng buwan. May mga mata ba 'yon?'' reklamo nito.

4:47 ay nagsimula nang magtagpo ang buwan at ang araw. Napakagandang pagmasdan non! Nasa veranda kami habang sabay tinititigan ang dalawang nagtatagpo.

Hanggang 9 p. m 'yon kaya umuwi muna ako sa bahay para kumain. Wala si papa sa bahay dahil tuwing weekend lang sya nandito.

Naabutan kong nag-aaway ang dalawa kong kapatid. Ayan na naman sila. Nagsisigawan sila sa isa't isa. Parang mga tanga!

''Oh ayan si Ate. Itanong mo pa. 'Di ba ate yung moon tapos sun ay nagsama ay may magtatagpo ring mga puso,'' sabi niya tanungin daw ako. Pero siya na ang nagsabi. Ang corny pa ng sinabi.

''Hindi! sabi daw may ikakasal na mga tikbalang,'' saad ng bunso namin. Napailing nalang ako. Iniwan ko sila don at pumunta ng kusina.

Pero hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ng kapatid ko. May nagsabi na kapag nagtagpo ang araw at buwan ay may magtatagpo ring mga puso.

Saan ko ba 'yon narinig o nabasa? Baka sabi-sabi lang 'yon? Kakabasa ko'to, oo.