Prologue
May mga galos at pasa na akong natamo dahil biglaang pangyayari. Nakarinig ako ng kaluskos dahilan ng pagtigil ng mga naghahabulang hininga. They're my friends! I can't fight them.
"Kitty, kitty, kitty... I know where are you." Kasabay noon ang mahihina n'yang pagtawa.
Nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim. I waited this day for a long time. I can't waste time! Hindi 'to ang panahon para maging mahina. Hindi 'to ang panahon para ipakita sa kanila ang kahinaan ko.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at hinarap s'ya. Bahagya pa s'yang nagulat kasabay ng pag ngisi n'ya.
She is totally different Ivy that I knew.
"Oh... Bakit bigla kana lang naging punching bag?" Tumawa sya ng malakas at tiningnan ako ng masama.
I just remain my calm pose. Napatingin ako sa hawak nyang baseball bat. Nakangisi s'ya sa'kin habang kinakaladkad n'ya 'yon. May isang metro ang layo namin sa isa't isa bago sya huminto. Pinapaikot-ikot nya ang baseball bat at itinutok sa'kin.
"Anong plano mo?" tanong ko.
Ibinababa nito ang hawak nya mahinang hanampas-hampas sa palad n'ya. Tila nag iisip sya ng malalim.
"Well ano pa nga ba ang ginagawa ng isang inaapi?" Tumingin ako sa paanan ko habang sya ay iniikutan ako.
Huminto sya sa may tainga ko at bumulong, "Revenge..."
"Paki-numerate nga ang mga ginawa kong pang-aapi sa'yo? Para naman malinawagan ako." Sinipa ko ang mga paa n'ya at napahiga sya non.
Kinuha ko ang baseball bat na nahulog sa may uluhan n'ya at hinampas yon sa kaliwang paa n'ya. Nag echo pa ang sigaw nito sa loob ng kinaroroonan namin.
"Argh! M-mas sumama pa ang ugali mo, Colleen."
"Colleen? 'Diba ang tawag mo sa'kin noon. Cici? Eh bakit Colleen na ngayon?"
Hinihingal s'yang umupo habang nakahawak sa paa n'ya.
"Kaibigan kita. At 'yon ang tawag ko sa'yo."
Ako naman ang tumawa ng malakas.
"Itinuring ba kitang kaibigan?"
Lumaki ang mga mata n'ya. Yumuko siya at dahan-dahang bumaba at tumataas ang balikat nya.
"Sa ilang taon na 'yon? Ni hindi mo man lang ako tinuring na kaibigan? Sinunod kita, lahat ng utos mo ginagawa ko! Tinulungan kita sa lahat ng problema na kinaharap ng Verity! Ako ang natira sa tabi mo para mag isip ng mga plano pero ni isa don hindi mo tinanggap! Nag mumukha akong tanga habang sinisiksik ang sarili ko sayo! Daig ko pang na sawi sa pag-ibig! Anong klase kang tao?! Ni hindi mo man lang inalam ang nararamdaman ko!" sunod-sunod nyang sigaw habang umiiyak.
Nanatili lang akong nakatingin sa nakayuko nyang ulo. Umupo ako sa harap niya at inilapit ang kamay ko sa mukha nya. Itinaas ko ang ulo nya tiningnan sya sa mata.
"I've never ask for you to do that, Ivy... Ikaw ang kusang gumagawa non. Alam mo ba kung bakit malayo ang loob ko sa inyo? Alam mo ba kung bakit ko sinusolo ang mga problemang dumaan? Alam mo ba kung bakit paulit-ulit kitang binabaliwala?" Tumayo ako at tumalikod sa kanya. "Hindi 'diba?"
Narinig ko ang malalakas na hagulgol n'ya. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.
"Ginawa ko naman ang lahat para mapalapit sayo. Paano ko malalaman ang mga yon?"
" 'Diba may hinanakit ka sa'kin? Kase ako ang pinili ni Kuya Elrod at hindi ikaw? Akala mo ba madali lang kayong hawakan sa ganoong edad? Napaka liit na bagay 'yon, Ivy." Nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa pagpipigil.
"Oo. Noong una. Pero nung nalaman kong mas mabuti na ikaw nalang talaga kaysa ako ay mas pinili ko na lang na maging masaya para sayo. Kase Bestfriend ki—"
"Hindi na tayo ganon, Ivy... Naalala mo ba kung anong ginawa mo?"
May mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Ang sakit lang balik-balikan ang mga nakaraang magpapadurog sayo sa kasalukuyan.
"Tapos anong ginawa mo sa Verity? Saksi ka sa mga paghihirap ko non. Oo, nagsasabi ka ng mga pwedeng i-syoluyson. Pero alam mo at alam kong hindi pwede yon."
"I'm s-sorry, C-cici..." Umiiyak na sambit nito.
Forgiving is not easy. It takes time…