CHAPTER 13 CONFUSED

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya knowing na hindi pa nga siya umalis. At ewan ko ba, naiinis na naman ako sa pagmumukha niya.

Parang kanina lang e nalulungkot ako pero ngayong kaharap ko na siya, gusto kong magalit kasi—naiinis ako sa kanya sa tuwing naaalala ko 'yong ginawa niya sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong ko habang nakatitig sa mga mapupungay niyang mga mata.

"Gusto lang kitang magkausap." sagot naman niya.

Napa-halukipkip ako, "Kung tungkol sa rankings ang pag-uusapan, ayoko nang pag-usapan pa 'yon." sagot ko.

"Hindi mo man lang ba ako hahayaang mag-explain?"

"Ano pa ba ang gusto mong sabihin sakin? Kasi mukhang nasabi mo na lahat, e. Isa pa, alam naman natin na kahit anong paliwanag ang gagawin mo, hindi na magbabago ang lahat."

Natahimik si Bright habang ako naman nakatitig lang sa mukha niya.

Biglang tumahimik ang buong paligid hanggang sa may magsalita sa likod ko at pagtingin ko, nakita kong si Callen 'yon.

Sabi na nga ba't siya ang dahilan kung bakit natuntun ni Bright 'yong bahay namin.

"Pero hindi mo pa siya pinapatawad." singit ni Callen. "Hindi naman pwedeng magalit ka sa kanya nang dahil lang do'n. Rankings lang 'yon, Deyn. Kung talagang matalino ka, maiintindihan mo 'yon."

Lumapit samin si Callen at tumabi siya kay Bright.

Nagsabwatan ang dalawa para lang sabihin sakin 'to.

Napa-irap ako sa sinabi ni Callen. Hindi kasi nila ako naiintindihan, e. Ang sakit kaya sa feeling na mabigo ka sa expectations mo.

"Para siguro sa'yo Callen rankings lang 'yon." inis kong sabi. "Hindi niyo kasi ako naiintindihan. At kung naiirita kayo sa ugali ko ngayon, umalis na kayo rito."

"Deyn, ikaw pa ba 'yan?" seryosong tanong sakin ni Callen dahilan para ma-tigilan ako. "Simula no'ng iniwan ka ng first love mong si Gab, hindi na namin kilala ang dating Deyn."

Napa-isip ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nagbago ako. Ni wala naman kasi akong makitang ipinag-bago ko. Siguro ako wala, pero sila meron.

"No'ng iwan ka ni Gab, wala kang ibang inisip kundi ang talunin si Colleen." dagdag pa niya.

Do'n ko lang na realized na parang tama siya. Ewan—pero nagalit ako lalo nang magkabalikan silang dalawa. Naisip ko kasi na baka mas worth it mahalin si Colleen kaysa sakin kaya ako iniwan ni Gab para balikan si Colleen. No'ng araw na 'yon, sinikap kong maging gaya ni Colleen at mas pinili kong lamangan siya para patunayan sa sarili ko na mas worth it ako kaysa sa kanya, na mas matalino ako, at hindi dapat iwan kasi sayang.

Pero heto ako, mukhang na sobrahan yata sa pakikipag-compete sa taong hindi naman alam na nakikipag-compete ako sa kanya.

"'Yong sinabi mo kay Colleen na ayaw niyang nalalamangan siya, mali ka Deyn, kasi mukhang ikaw 'yong ayaw malamangan."

Natigilan ulit ako.

Inaamin ko, natamaan ako ng husto sa sinabi ni Callen.

Pero hindi ko matanggap na gano'n ako. Masyado ba akong naging harsh dahil do'n?

"Hindi ka lang kay Colleen nakikipag-compete, kasi sa lahat. Pati sa taong gusto mo, gano'n ka rin."

No'ng binanggit niya 'yong salitang 'Taong gusto ko' mali siya ro'n. Kasi hindi ko naman gusto si Bright. Fake lang naman lahat, e. Wala naman talagang thing saming dalawa.

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig kay Bright saglit bago napatitig kay Callen.

"Sorry ha. Kung sa tingin niyo sumusobra na ako, gusto kong humingi ng tawad." saad ko, pero hindi ako totoong sincere. Kasi may halong pagiging sarcastic 'yong pagkasabi ko no'n. "At 'yong tungkol sa rankings, oo na. Sige na. Tanggap ko na na pangalawa lang ako at 'yon lang ang kaya ng utak ko kahit na binigay ko 'yong best ko." napabuntong hininga ulit ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero linawin ko lang, hindi niya ako manliligaw. Kaya tigilan niyo na kakasabi na gusto ko siya."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Callen nang marinig niya ang sinabi ko. Alam kong hindi siya makapaniwala sa narinig niya pero hindi ko na problema 'yon. 'Yong mukha ni Bright e parang nanghinayang. Nanghinayang kasi sinabi ko ang totoo kay Callen. Pero why not? 'yon naman talaga ang totoo, e. Isa pa, wala nang dahilan pa para mag-pretend ako na gusto ko siya, na gusto namin ang isa't isa at nililigawan niya ako.

Wala na akong pakialam.

Kahit pa malaman ni Gab na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko. Kahit malaman ng lahat na hanggang ngayon mahal ko pa ang taong iniwan ako at pinagpalit ako sa iba. At kahit pa sabihin nilang tanga ako, wala na akong pakialam do'n.

"Totoo 'yon." dagdag ko pa. "Hindi niya ako nililigawan. Walang gano'n. Laro lang 'yon para. . . para masabi kong okay na ako sa harap ninyo."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa labas ng bahay. 'Yong mga dahong nahuhulog nagsi-liparan sa paligid.

"Ang totoo kasi, hirap pa akong kalimutan siya. Mahal ko pa rin siya pero anong magagawa ko kung si Colleen na ang mahal niya, diba?"

Napatingin ako sa ibang lugar bago nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Nag decide kami na magpanggap na gusto namin ang isa't isa, para ipakitang okay na ako. Kasi nakakahiya sa part na iniwan niya ako, 'yong masaya na siya sa iba pero ako heto, siya pa rin ang gusto. Ang tanga, hindi ba?"

"Kung gano'n," nilingon ni Callen si Bright para si Bright mismo ang tanungin, "Hindi totoong gusto mo siya?"

Nagulat ako sa tanong ni Callen kay Bright. Bakit kasi gano'n? Kung pwedeng namang 'kung gano'n walang something sa inyo?' o 'di kaya 'Hindi mo siya totoong nililigawan?' pero itong tanong niya—parang ang weird. Tipong parang may pinag-usapan sila na hindi ko alam na sila lang nakakaalam. Parang gano'n. Pero baka ako lang nag-iisip nang gano'n.

Hay naku! Bahala na. Bakit ko ba pino-problema 'to? Paki ko ba sa kanila?

Napatingin muna sakin si Bright. 'Yong mga tingin niyang 'yon e 'yong tingin na para bang nagdadalawang isip sagutin 'yong tanong ni Callen.

Pero wala siyang choice.

Umiling siya sabay sabing, "Hindi." tapos lumunok ng laway bago muling nagsalita, "Totoo 'yong mga sinabi ni Deyn. Walang katotohanan lahat ng tungkol sa panliligaw ko sa kanya. Walang gano'n. Plano lang 'yon, laro lang."

Palipat-lipat kaming nilingon ni Callen pareho habang sinusubukang intindihin 'yong mga sinabi ko at ni Bright hanggang sa,

"Kung gano'n, mahal pa ni Deyn ang ex niya?" hindi makapaniwalang tanong niya pero hindi ko na siya sinagot.

No'ng time na 'yon, may kotseng paparating sa gawi ng bahay namin. Do'n ko lang napagtanto na si Papa na pala 'yon kaya nagsalita na ako para magpa-alam.

"Pasok na ako." malamig na sambit ko.

At sa huling pagkakataon bago ako pumasok sa loob ng gate, nagtama ang mga tingin namin ni Bright.

That time, bigla akong nalungkot.

Kasi naisip ko na baka ito na 'yong huling pagkakataon na mag-usap kami. Kasi bukas, baka hindi ko na siya kausapin pa kasi wala na. Tapos na itong kasunduan namin kasi alam na ni Callen ang totoo. And I'm sure, malalaman na rin siguro nina Ashley at Rhian ang tungkol dito.

                             ***

Maaga akong nagising at nakita ko 'yong chat ni Bright sakin. Ayoko sanang i-seen 'yon pero na curious ako kaya tiningnan ko kung ano 'yong mga 'yon.

Bright Navales

  active now•

Naiintindihan ko kung bakit galit na

galit ka. At kung ayaw mo na akong kausapin, naiintindihan ko.

Alam kong kailangan mo ng time para sa sarili mo, kaya hindi muna kita guguluhin.

Basta, kung sakaling okay ka na at gusto mo na ng kausap, nandito lang ako.

Tandaan mong lagi lang akong nakaabang sa message mo.

Napa-higop na lang ako sa napaka-init kong kape matapos basahin 'yong mga message niya. Napaso pa 'yong dila ko dahil masyadong mainit 'yong kape. Napindot ko tuloy 'yong like button at na send 'yon sa kanya.

I-re-remove ko sana kaso lang baka mag overthink siya at mag-assume pa sa kung ano itong in-unsend ko. Like lang pala. Mas okay na wag na lang at hayaan na lang 'yon.

Pumasok ako sa skwela nang malaman kong walang alam sina Rhian at Ashley tungkol sa pekeng panliligaw ni Bright sakin. Do'n ko nalaman na hindi sinabi ni Callen sa kanila.

At ewan ko ba sa sarili ko, para akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong hanggang ngayon e secret lang ang tungkol do'n. Pero siyempre, hindi ko pinansin si Bright buong magdamag. Minsan, nagtatama ang mga tingin namin sa isa't isa, hindi naman kasi maiwasan. Pero wala akong ginawa kundi ang umiwas agad ng tingin kahit na alam ko na ine-expect niyang ngi-ngitian ko siya or whatsoever.

No'ng uwian, kasama kong lumabas ng campus sina Rhian at Ashley. No'ng time na 'yon, si Callen at Bright 'yong magkasama. Tapos mukhang may pinag-uusapan sila pero 'di ko alam kung ano kasi 'di ko naman naririnig dahil ang layo ko sa kanila.

That time, nakasunod sila sa likod naming tatlo habang naglalakad. Hindi ko sila nililingon no'n kasi natakot ako na baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya o 'di kaya baka nakatitig pala siya sakin tapos paglingon ko e bigla kaming magkatitigan. Ang dami kong iniisip no'n pero puro lahat nagative. Sa madaling salita, natakot lang ako na magtama ang mga titig namin ni Bright.

The next day, ina-nounced ng teacher namin ang groupings sa research subject namin kung saan kailangan naming gumawa ng research paper. At oo, meron kaming elective subject which is research. Hinati kami sa dalawang groupo. Bale, 10 members kada groupo. Sa isang groupo magkasama sina Rhian, Callen, Bright at sina Colleen. Sa group naman kung nasaan ako ay tanging si Ashley lang ang kasama ko. Ang daya kasi silang lahat magkasama pero nakalimutan kong si Rhian e hindi natutuwa kasi magka-groupo sila ni Callen. Tapos kasama pa niya sina Colleen na kung saan siya mismo nag-presentang maging leader ng group nila tapos 'yong samin naman e si Richard.

So ayon, nag-plano muna kami kung ano 'yong research title namin tapos nag usap-usap kung sino gagawa ng Introduction etc... Mga gano'n.

No'ng matapos ang klase, nag-usap ulit kami tungkol sa research. Since next week 'yong deadline, kinailangan naming tapusin ng mas maaga para wala na kaming problemahin at para na rin marami kaming time para i re-read 'yong research paper namin once tapos na naming gawin.

Hindi naman sinabing mag defense kami pero—kailangan lang naming maghanda kasi baka meron palang defense at hindi lang sinabi ng mas maaga samin.

                              ***

The next day, busy pa rin kaming lahat sa pag-aaral lalong lalo na sa paggawa ng research paper.

Nagplano rin kami na mag-sleep over sa bahay nina Marielle para do'n tapusin 'yong research paper namin. Nagpaalam ako kay Mama at Papa at since valid 'yong reason ko sa kanila dahil tungkol 'yon sa pag-aaral, pumayag silang maki-sleep over ako.

So ayon na nga, pito lang kami ang pinayagan ng mga kanya-kanya naming mga magulang kasi 'yong tatlo hindi na talaga pinayagan kaya nag-plano na lang sila na mag video call mamaya habang ginagawa 'yong research paper.

'Yong kabilang group e may sleep over din kasi sinabi samin ni Rhian kanina. At sa place sila ni Callen. So ayon, nainis ako kasi sinabi ni Rhian sakin na si Colleen at Bright e laging magkausap. Tapos nagpa-plano sila sa research ng sila lang.

"My gosh, what if itong si Colleen e hindi lang si Gab ang inagaw sa'yo? What if pati si Bright?" biglang tanong ni Ashley sakin matapos i-chat ni Rhian sa GC namin 'yong tungkol kay Bright at Colleen.

Sa totoo lang, wala na dapat akong paki. Pero sa tuwing naiisip ko na nagkakamabutihan sila, natatakot ako na baka dumating ang oras na si Bright at Colleen e mas magiging malapit pa lalo sa isa't isa.

"Deyn, tingin mo? May gusto ba si Colleen kay Bright?"

"Hindi ko alam." sagot ko. "Tsaka, ano bang paki ko sa kanila? Magsama sila kung gusto nila." inis kong sabi.

"Teka, hindi mo na ba gusto si Bright? Akala ko ba nililigawan ka niya? Wala na bang chance na sagutin mo siya at maging official kayo?"

Napa-isip ako bigla. Bakit ba gano'n? Bakit ba hindi ko kayang sabihin sa mga kaibigan ko na fake lang ang lahat? Bakit parang natatakot akong ipa-alam ang totoo na walang ligaw-ligaw na nagaganap samin ni Bright?

Takot ba ako na kapag gano'n e, mawala sakin si Bright? Na kapag nalaman na ng mga friends ko ang totoo ay baka biglang mawala 'yong connection namin sa isa't isa. Tapos baka hindi na kami magiging magkaibigan.

Ayoko mang aminin sarili ko, pero totoong natatakot akong mawala siya sakin. Pero itong takot bang 'to ay takot na mawalan ako ng kaibigan o takot na baka mawala 'yong taong alam kong laging nand'yan para sakin?

Takot na baka makahanap siya ng ibang kaibigan at gagawin din niya sa iba 'yong bagay na ginagawa niya sakin lagi. 'Yong pinapalakas ang loob, 'yong pinapasaya, 'yong tinutulungan sa lahat ng bagay. Natatakot akong mawala 'yong taong minsan lang akong. . . niligtas sa isang mapanakit na mundo kung saan hirap na hirap akong labanan 'yon. Pero nang dahil sa kanya, nabawasan 'yong sakit na nararamdaman ko na kung tutuusin e ako dapat ang magpapakumbaba kasi ang dami niyang naitulong pero ako itong walang ibang inintindi kundi ang galit ko.

Nag-start kaming gumawa ng research paper pero ako itong hindi makapag-focus kasi kahit anong gawin ko hindi ko maalis sa isip ko si Bright. Naiinis na nga ako kasi hindi ko siya maalis sa isip ko. Tapos dumagdag pa si Colleen na naiisip ko na baka close na close na sila ngayon.

Ang dami kong what if's sa isip ko habang nag t-type ako sa laptop ni Richard kagaya ng, What if si Colleen na pala 'yong nagpapa-tawa sa kanya ngayon? What if na realize niya na mas mabait pala si Colleen kaysa sakin which is impossible pero pwede rin naman. What if mas masayang kasama si Colleen kaysa sakin? Tapos maisip niya na kaya ako iniwan ni Gab kasi mas better talaga si Colleen kaysa sakin.

Arg!

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis dahilan para magulat sina Ashley at ang iba naming kasama.

Sinabi ko na lang na sila muna mag-type at magpapahangin lang ako.

Lumabas ako saglit, sinamahan ako ni Ashley na hanggang ngayon e sadgirl pa rin. Nag-usap kami saglit hanggang sa may tumatawag sa phone ko at walang iba kundi si Rhian.

"Hello, Rhian."

"Kamusta kayo?"

"Hindi okay. Pero okay lang."

"Ang labo mo. Pero same. Ako rin. Di okay. Palit na kaya tayo, Deyn. Di ko kayang nakikita si Callen dito. Feeling ko e para niya akong lalamunin ng galit sa mga tingin niya."

"Wala namang sinabing pwedeng makipag-swap ng group, ano."

Tapos biglang nag react si Ashley na katabi ko, "Ah, so kung pwedeng makipag-swap, gagawin mo?" tanong niya na may kasamang panunukso.

"Hindi ah." sagot ko kay Ashley tsaka kinausap si Rhian sa kabilang linya, "Anong ganap d'yan?"

Muli akong tinukso ni Ashley, "Asus! Nakiki-update. Bakit? Miss mo na siya?"

At ginatungan naman ni Rhian sa kabilang linya 'yong panunukso ni Ashley sakin, "Naks! Bakit, nag o-overthink ka ba? Kung gusto mong malaman, makipag-swap kana sakin, please."

"Hindi pwede. Tsaka, 'di ako interesado sa kanila, 'no. Pag-untugin ko pa mga ulo nila, e."

"Naks! Nagseselos. Alam na alam ko 'yan kasi ganyan na ganyan din ako." panunukso ni Ashley.

"Tumigil ka, Ash. Kaya ka iniwan, e."

"Luh. Sakit mo naman."

"Teka, may ise-send ako sa GC na'tin. Tingnan niyo."

Tapos may sinend si Rhian sa GC kaya tiningnan namin 'yon ni Ashley para malaman kung ano 'yon.

Picture 'yon ni Bright at Colleen na magkatabi sila ngayon habang nakatitig sa laptop. Silang dalawa lang 'yong naka focus sa laptop samantalang ang iba nilang kasamahan e nag ce-celphone lang.

"Nakita niyo?" tanong ni Rhian sa kabilang linya.

"E, ano naman?" kunware hindi ako interesado.

"Ang sweet nila, ano?"

"Alin ang sweet do'n?" Inis kong tanong.

"Silang dalawa lang gumagawa ng research. 'Yong iba e nagpapaka-chill. Pero 'di sila nagagalit at mukhang nag e-enjoy yata sila na silang dalawa lang gumagawa. Mag overthink ka na Deyn, baka mamaya. . . " tapos biglang tumahimik si Rhian kaya na bitin ako.

"Baka mamaya, ano?" tanong ko.

"Baka mamaya hindi na ikaw."

Napa-irap ako, "Wala akong paki." tapos binabaan ko si Rhian.

Na guilty naman ako sa ginawa ko pero 'di ko kasi mapigilang mainis, e.

"Uy, ang bad mo. Bakit mo binabaan si Rhian?" nagtatakang tanong ni Ashley.

"Naiinis ako." sagot ko.

"Naiinis ba o nagseselos?" panunuksong tanong niya at napatanong naman ako sa sarili ko.

Alin nga ba sa dalawa?

Nagseselos ba ako?

Impossible.

Hindi naman siguro selos itong nararamdaman ko, ano?

Wala lang naman siguro 'to. Kumbaga, normal lang itong nararamdaman ko kasi. . . rare lang ang mga kaibigang gaya ni Bright kaya ako nagkakaganito. 'Yong parang nanghihinayang? Ewan ko ba.

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig sa kung saan.

"Hindi ako nagseselos." sabi ko kay Ashley.

"Deyn, kahit mag-selos ka, ayos lang naman 'yan. Normal lang 'yan kasi gusto mo 'yong tao."

Wala naman akong sinabing gusto ko siya. At higit sa lahat, hindi ko siya gusto. Walang gano'n.

Pero dahil wala nga silang alam tungkol do'n, much better kung sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Ashley at manahimik na lang pagkatapos.

Kinaumagahan, 5:00 pa lang gising na kami kasi kailangan pa naming umuwi sa kanya-kanya naming bahay para maligo at pumasok sa school. Di naman kasi namin dala ang mga uniforms namin dito sa bahay nina Marielle kaya kailangan naming umuwi.

Pag-uwi ko ng bahay, naligo agad ako at siyempre naghanda para pumunta ng school. Late pa ako ng 5 minutes no'n pero ayos lang kasi vacant naman namin 'yong first period. Pagdating ko sa classroom, wala sina Rhian at Ashley. Tinanong ko si Callen kung nasan sila since nandito naman 'yong bag nila at ang sabi nasa canteen daw silang dalawa. Susunod sana ako sa kanila nang bigla akong lapitan ni Bright. That time, nagtaka ako kung bakit papalapit siya sa gawi ko pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

"Mamaya, may sleep over tayo sa bahay nina Callen."

"Ha? Sleep over?" gulat kong tanong nang sabihin niya 'yon.

"I mean, tatapusin na'tin 'yong research paper na'tin. Inform lang kita, baka kasi wala pang may nagsabi sayo." tapos ngumiti siya. 'Yong maliit na ngiti lang tsaka tumalikod na at bumalik sa upuan niya.

Ako naman natulala lang do'n sa sinabi niya.

Ano raw?

Research paper namin? As in namin? E, 'di ko naman sila ka groupo, ah.

Nilingon ko si Callen na naglalaro ng video games sa phone niya tsaka ako napatanong, "Anong sinabi ng isang 'yon?"

"Lumipat ka sa group namin, diba? Palit kayo ni Rhian." sagot ni Callen nang hindi nakatingin sakin.

What the—wala naman akong sinabing lilipat ako.

"Hoy, hindi ko sinabing lumipat ako."

Tinigil ni Callen 'yong paglalaro niya at napatingin sakin, "'Yon 'yong sabi ni Rhian." sagot niya.

"Pero hindi ako sumang-ayon."

"Sumang-ayon ka na. Mas okay ngang palit na lang kayo."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. Wag niyo kong idamay sa problema niyo. Ayoko talagang mag swap kami."

"Parehas lang naman tayo." sagot niya. "Ayaw mo sa group namin kasi makakasama mo si Bright na. . ." tapos natahimik siya kasi dumaan 'yong kaibigan ni Colleen sa tabi niya kaya tumayo si Callen at hinila ako sa labas ng classroom at do'n tinuloy 'yong sasabihin niya, "Totoo bang walang something sa inyo? Laro lang ang lahat, gano'n?"

Napatingin muna ako sa kaliwa't kanan bago ko siya sinagot, "Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?"

"Kung gano'n mahal mo pa si Gab. Pero bakit mo dinamay si Bright?"

Natigilan ako sa tanong ni Callen.

Dinamay ko ba siya? Pero siya naman mismo ang nagsabing okay lang sa kanya na tulungan ako, e.

"Callen, siya mismo ang nagsabing okay lang sa kanya, okay?" paglilinaw ko.

"Pero tinanong mo ba siya kung hanggang ngayon e okay pa sa kanya?"

Napatingin ako sa loob ng classroom at napatingin kay Bright na natutulog sa armchair niya.

Parang gusto ko siyang lapitan at gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan sarili ko. Alam niyo 'yong feeling na gusto niyong magalit sa isang tao pero may times na parang nanlalambot 'yong puso mo sa tuwing nakikita mo siya tapos naiisip mo na parang gusto mo na lang mag sorry kasi alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang mawala 'yong taong 'yon.

Ang gulo.

Parang ewan.

Muli akong napatingin kay Callen tsaka siya sinagot, "Hindi. Hindi naman kasi kami nag-uusap. Tsaka, kung ayaw na niya, okay lang naman. Hindi ko na siya kailangan. Naisip ko na kaya ko rin namang mag-isa. Paki ko ba kay Colleen at Gab? Di ko na sila problema, ano."

Tapos binigyan ako ng panunuksong tingin ni Callen. Di ko alam kung bakit gano'n siya bigla.

"Sure ka? Di mo na siya kailangan?"

Tumango ako, kahit 'di pa ako gano'n ka sigurado, "Oo naman."

"Nice! Sige, sama ko siya mamaya, maghahanap kami ng cute girls sa ibang schools." tapos nakipag-apir sakin si Callen pero 'di ko ginawa. Sa halip ay umalis ako at dumeretchong canteen para puntahan sina Rhian at Ashley.

Nainis lang ako kasi aalis sila mamaya tapos maghahanap ng mga girls like, ang harot. Bakit kailangan pa nilang gawin 'yon? —at bakit ba ako nagkakaganito?

Nakakapagtaka na talaga. Bakit ba ako ganito? Na co-confused na talaga ako sa nararamdaman ko. Ano ba talaga? Galit ba ako o nagseselos o ano?

Arg!

I hate this kind of feeling.

Pagdating ko sa canteen, hinanap ko silang dalawa. Nakita ko sila sa may pinakadulong table kaya nakiupo ako ro'n para kausapin si Rhian.

"Uy, 'di ko sinabing magpalit tayo ng group."

'Yong mukha ni Rhian no'n e biglang sumimangot habang kumakain ng fries.

"Bakit naman?"

"Ayoko siyang kasama."

"Si Bright lang naman 'yon, e. Mabait naman siya. Okay lang 'yon. Payagan mo na ako." pagmamakaawa niya. "Tsaka, kagabi no'ng gumagawa kami ng research e silang dalawa lang ni Colleen 'yong nagkakaintindihan. Girl, hahayaan mo na lang ba na agawin siya sayo ng babaeng 'yon, ha?"

"Kung magpapa-agaw siya, edi okay." inis kong sagot.

"Hello? Sa panahon ngayon, kailangan mong ipaglaban 'yong taong gusto mo, wag mong hayaan sa iba. Naku, sinasabi ko sayo, pag 'yan, naging mas malapit lalo kay Colleen, hmm. . . ewan ko na lang. Ayusin mo desisyon mo sa buhay."

"E, kasi naman Rhian, hindi pa kami okay. Naiintindihan din naman kita kasi hindi ka kumportbleng kasama si Callen pero gano'n din ako kay Bright. Hindi rin ako kumportble."

"Alam ko 'yon. Pero 'yong sa inyo, pwede pang maayos. Nag-away lang naman kayo dahil mas lamang siya ng point five sa average ninyo."

Natahimik ako sa sinabi ni Rhian nang ma realized ko na ang babaw ng pinag-awayan namin ni Bright.

"Alam mo girl, wag mo nang patagalin pa 'to. Alam naman namin na gusto mo na siyang makausap at makasama. Alam naming gusto mo nang makipag bati sa kanya at pride mo na lang talaga ang problema."

Pride ko na nga lang ba ang problema?

Alam kong ma pride akong tao, at oo, gusto kong sila 'yong mag a-adjust para sakin. Pero ginawa naman ni Bright 'yon. Nag adjust naman siya pero, parang 'di ako satisfied? Ano pa ba ang gusto kong mangyare? Ano bang gusto kong gawin niya para mapatawad ko siya?

Tama si Rhian, pride ko na lang talaga ang problema.

Pero. . .

"Rhian, 'di ko talaga keri."

Napabuntong hininga si Rhian at para bang sinusubukan na lang niyang tanggapin na hindi talaga ako pumapayag. Pero for the last time, tinanong muna niya ako, "Sure ka na ba?"

"Oo naman." sagot ko na may kasamang tango.

Tapos napatingin si Rhian kay Ashley, that time, si Ashley na naman 'yong kinu-kumbinsi niya na makipag-swap pero hindi rin pumayag si Ashley.

Bumalik kami sa classroom, nilapitan ko si Bright para sabihin sa kanya na 'di kami mag s-swap ng group ni Rhian. Sa likod na ako dumaan kasi sa likod naman siya naka-upo at nang makalapit ako sa kanya, nakita kong ka-chat niya si Colleen. Absent si Colleen ngayon pero magka-chat sila. Di ko alam kung ano 'yong pinag-uusapan nila sa chat kasi ang liit ng mga letters at hindi ko naman pwedeng ilapit 'yong ulo ko kasi baka mapansin ako ng mga ka-klase ko na nakasilip sa phone ni Bright. Nakita ko lang 'yong pangalan ni Colleen.

Naisip ko lang na baka tungkol lang sa research pero nang maalala ko na may GC naman 'yong group nila e na confused na ako kung bakit sila nag p-private message.

Dahil do'n, lalo akong nainis knowing na magka-chat sila.

Ako naman kasi, sino ba naman kasing nagsabing ako lang ang babaeng pwede niyang i-chat? First of all, 'di naman niya ako girlfriend.

Pero bakit ganito?

Bakit parang nasasaktan ako?