CHAPTER 29
Hanggang nakasakay kami ng sasakyan ay tulala pa rin ako sa nalaman ko. Buntis? Ako? Ang bilis naman kumalat ang ano niya sa akin.
Ngayon ko lang din napansin na hanggang ngayon hindi ko pa pala nagagamit ang napkin ko na binili ko pa nung isang buwan. Wala sa isip ko. Wala rin akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba kundi ang takaw ko lang sa pagkain kahit ano pa yang klase na pagkain. Kaya siguro hindi na magkasya ang mga skirt ko dahil may baby na ako sa aking sinapupunan.
"May gusto ka bang kainin bago tayo pumunta ng office o uuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ni Ignacio sa akin habang inaayos ang seatbelt ko.
Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko sa mga oras na ito.
"Pupunta pa tayo ng office? O sa condo na tayo? You need to rest Mica. Yan ang sabi ng doctor at dapat nakainom ka ng mga gamot na ni resita ng doktora.
"Sa office tayo Ignacio, may tatapusin lang ako na project niyo na hindi ko pa natapos nung nakaraan. Ayokong tumatambak yon sa ibabaw ng lamesa at sa computer na hindi naka files," sabi ko sa kanya habang nakatingin ang mga mata sa labas.
Mabuti na lang hindi masyadong ma traffic ngayon kaya maaga lang kami nitong makarating sa opisina niya.
"Hindi kaba nahihilo? Nasusuka?" nilingon ko na siya dahil hindi ko alam kung saan niya nalaman ang mga iyan? Wala pa kami sa ospital ay yan na ang laging tinatanong sa akin.
"Hindi naman. Teka paano mo nalaman ang mga ganyan? Lagi mo yang tinatanong sa akin kanina pang umaga paggising ko." tanong ko sa kanya.
"Kay mommy then of course sa kapatid ko na masungit na si Shemaia na ngayon ay kabuwanan na? Yan ang mga kilanlan kapag buntis ang babae. Dahil sa mga mood swing nila at ma confirm ko yan sayo kaya… you know." Matalim ko s'yang tiningnan kahit nagmamaneho siya nang sasakyan at tutok ang mga mata sa kalsada.
"Kung akala mo ay hihingi ako ng sentento sayo para sa pagpapalaki ng mga anak ko ay wag kang mag-alala dahil hindi mangyayari yun." walang preno kung sabi sa kanya.
"What the heck, Michaella!" Gulat na sabi niya at agad niyang tinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "What do you mean by that!? Na hindi ko kayang maging ama sa mga magiging anak natin? For God's sake. Huwag mong ilayo sa akin ang anak ko, huwag na huwag mo na talagang gagawin yun Mica dahil saan ka man sa mundo maybe you can hide but you can't escape from me," galit na sabi ni Ignacio.
"Hindi naman talaga ako magtatago o aalis sa una naming tahanan kung hindi dahil sa inyong dalawa ah. Kung makapagsalita ka parang hindi ka sangkot sa nakaraan kung bakit ngayon mo lang nakilala si Saul!" Galit na sabi ko sa kanya.
Bigla niya akong hinarap habang nakakunot ng kanyang noo. "What do you mean? Will you please enlighten me. Hindi kita maintindihan!" pero imbis na sagutin siya ay napasigaw ako sa gulat dahil may malakas na busina akong narinig. Nagulat ako dahil may malaking truck na dumaan sa aming harapan at medyo malakas pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Gago yun ha.
"Sa bahay mo na lang ako iuwi. I need to rest. Doon kina mama!" Instead yan ang nasabi ko. Biglang sumakit yata ang ulo ko dahil sa biglaang usapan namin ng lalaking ito.
"No…I'm sorry.. hindi na ako magtatanong. Sa condo na lang kita ihahatid, hmm.. ayoko nag-aaway tayo Mica lalo at may baby ka na dinadala ngayon sa sinapupunan mo, hindi raw maganda iyon dahil mastestress ka lang." Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata na ngayon ay nagsusumamo. Matamlay akong tumango at hindi na nakipag argumento sa kanya gaya ng sinabi niya.
Hinayaan ko siya na dalhin ako sa condo niya ba o sa bahay namin pero dahil malapit lang ang sa kanya kaya siya na ang nanalo.
Kailangan ko lang siguro ngayon ng pahinga dahil sa mga nalalaman ko. Hinaplos ko ang tiyan ko kahit maliit pa lamang ito. Ngayon mas tuonan ko ng pansin ang sarili ko, ayaw ko ng matulad dati na pabaya ang mga kinikilos ko.
Kamuntikan ng mawala si Saul dati dahil bigla na lang akong nadulas sa banyo. Mabuti at nandoon lang ang kapatid ko sa bahay na si Kimmy kaya dali-dali akong nadala sa ospital. Dinudugo na kasi ako that time.
"Gusto ko ng mangga, yung hilaw pa mismo, yung maliit pa lang ang kanyang buto, okay!" sigaw ko sa kanya bago pumasok sa kwarto at nagtungo sa banyo para magbihis.
" Okay babe! What else do you want to eat?" Ikaw? gusto kong sabihin mabuti na lang hanggang sa isip ko lang isinigaw. Bad move Mica, bad move.
"Yan lang wala akong ibang maisip!" nitong linggo lang ako natatakam na kumain ng mangga pero dahil sa busy kaya hindi ako nakabili. Wala kasing harvest sa probinsya kaya hindi na ako nag-atubili pa na bumili sa palengke, ngayon alam ko na kung bakit panay hanap ko.
Hindi ko na siya hinintay na pumasok sa kwarto o what dahil ngayon ramdam ko ang antok lalo at nakita ko ang kama na walang tao kaya feeling ko malaya akong makahiga. Hanggang tuluyan na nga akong nakatulog na hindi man lang nakakain ng lunch.
Naramdaman ko na lang na may sumusuklay ng buhok ko kaya minulat ko ang mga mata ko at naabutan si Ignacio na nakadungaw sa akin.
"Hey! Kumain ka muna ng lunch, Mica. Mag-aalas tres na ng hapon. Ginising na lang kita para malagyan na ng pagkain ang tiyan mo para maging malakas kayo pareho. Dinala ko na sa kwarto ang pagkain mo!" saad niya at nilingon ko nga sa mini table sa may sofa ay naroon nga ang pagkain ko at nakikita ko pa na umuusok na sabaw at kanin.
Agad akong bumangon at pumunta sa lamesa para kumain na, dahil gutom na pala ako. Saka ko pa naalala na nakalimutan ko pala siyang itanong kung kumain na ba o hindi pa.
"Kumain ka na ba?"
"Nope.."
"What? Bakit hindi mo sinabi?'' tanong ko at sa bowl na konti na lang natira, paano ba naman kasi ang inorder niya ay bulalo kaya nasarapan ako.
'I'm okay Mica, kakain ako mamaya pagkatapos mo." aniya. Pero dahil naiinis ako kaya gamit ang kutsara ko ay nagscoop ako ng kanin at nilagyan ng ulam at inilagay malapit sa bunganga niya pero hindi niya inilapit ang bibig niya kaya na realize ko na baka nandidiri siya na galing na sa bibig ko itong kutsara na gamit ko kaya ng ibaba ko na sana ay hinawakan niya ako sa aking pulsuhan at inilipat sa kanyang bibig ang kutsara na may pagkain.
"Thank you, akala ko kasi na nagbibiro ka lang." inirapan ko siya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Salitan ang pagsubo ko at sa kanya.
"Ako na lang ang magsusundo ni Saul sa school, dito ka lang sa bahay para makapag pahinga ka pa ng maayos." sabi ni Ignacio.
Agad akong umiling dahil hindi ko gusto ang idea niya na kung saan nakasanayan na namin na sunduin si Saul na nasa grade three na.
Ang bilis talaga ng usad ng panahon, hindi ko man lang namamalayan na malapit na akong magkaroon ng binata.
"Pagkatapos nating sabihin sa mga magulang natin ang tungkol kay baby ay ihahanda na natin ang araw ng kasal nating dalawa babe." Kasal? Hindi ka pa nga nag propose at wala man lang akong narinig na I love you tapos ngayon gusto mo akong pakasalan?
Kasi Mica, may anak kayo…pakasalan ka lang niya dahil may anak kayong dalawa dahil ayaw niyang malayo sa kanya ang mga anak mo. Mas lalong kumikirot ang dibdib ko sa isipang nagpakasal lang kami sa bagay na yan. Bahala na baka mamaya niyan mas mailayo niya sa akin ang mga anak ko kapag pinipilit niya dahil sa ma impluwensya sila na tao. Maraming makakapitan kung gustohin niya para lang makuha ang anak ko.
"Nasabi ba sa'yo ni Eula na isasama niyang mamasyal si Saul kasama ang mga anak ng kaibigan niya?" bigla akong nagulat sa sinabi niya. Mapagkakatiwalaan ko ba si Eula? Pero maayos naman kami di ba?
"Pero kung ayaw mo, then that's okay."
"Itanong natin kay Saul kung gusto niyang sumama!" nilingon niya ako.
"Alright. We're here." tinanggal niya ang seatbelt ko bago ko pa yun magawa. Lumabas na kami ng sasakyan para doon na namin hihintayin si Saul sa loob ng paaralan niya.
As usual, may iilan na naman na nababali ang mga leeg kapag nakikita itong kasama ko na akala mo isang prinsipe o anak ng presidente kung maglakad.
Siniklop niya ang mga kamay naming dalawa para hindi ako mahuli sa paglalakad.
"Mama! Papa!" sigaw ni Saul na mahagip niya kami. Agad siyang tumakbo kung saan kami naglalakad sa may pasilyo, hinintay na lang namin siyang makarating at ng malapit na siya ay agad siyang kinarga ni Ignacio na akala mo naman isang baby pa.
"Hi mama!" bati ng anak ko bago ako hagkan sa noo. Lagi niya itong ginagawa na halikan ako sa noo kaysa lips daw dahil big boy na siya at hindi na bata kaya tuloy natatawa na lang ako kapag pinipilit ko na sa lips niya ako hahagkan.
"How's your school anak?". Tanong ni Ignacio kay Saul. Pabalik na kami ng sasakyan ngayon at hindi na nagpapakarga si Saul. Ako ang napapagitnaan ng mag-ama habang magkahawak-kamay kaming tatlo.
"I've got the highest score dad, almost perfect sa aming math exam."
"Really? That's good to hear, son. Nagmana ka talaga sa akin." pagmamalaki ni Ignacio na inilingan ko lang. Kung dati tamad sa pag-aaral ang lalaking ito, pero ewan ko na lang nung nag college at baka tumino at nagfocus sa pag-aaral.
Doon kami ngayon sa bahay pupunta dahil namimiss na kami ni mama at papa at mga kapatid ko.
Bumili na lang kami ng pagkain para sa dinner para hindi na magluto si mama. Dahil gusto ko ng pizza kaya isa iyon sa na take-out namin. Kaya habang nasa sasakyan pa lang panay kain na namin ni Saul at dahil nagdadrive si Ignacio kaya inaabutan ko na lang siya para naman makakain kahit ilang beses niya ng itanggi na ayaw niya. Limang box ang kanyang binili kaya marami pa.
"Ma, pa.. may sasabihin po sana kami sa inyo." panimula ko.
"Ano yun anak… Ignacio?" tanong ni mama habang nasa tabi ni papa at umiinom pareho ng tea. Ako naman ay ice cream na nasa maliit na container ang nilalantakan habang katabi si Ignacio.
"Papakasalan ko po si Mica sa lalong madaling panahon ma… pa… " sabi ni Ignacio pero ako nagpatuloy lang sa pagkain ng ice cream at halos nandoon lang ang attention ko.
"Dapat lang, kasi may Saul na kayo!"
"At may isa pa po na parating," walang hiya ko na sabi. Nag-angat ako ng tingin habang nakangiti sa mga magulang ko na nakanganga ngayon habang nakatuon ang mga mata sa tiyan ko." Okay lang po kayo?" tanong ko na.
" W-Wow naman. Congratulations sa inyong dalawa," si mama na pumapalakpak pa.
" Kaya dapat lang talaga na magpakasal na talaga kayong dalawa habang maliit pa ang tiyan mo Mica." Sabi naman ni papa ngayon sa akin kaya nagkatinginan kami ni Ignacio.
Kalmado lang ang mga magulang ko ewan ko nalang sa mommy ni Ignacio. Sa bahay narin natulog si Ignacio. May sariling kwarto ang mga kambal kaya si Saul ayaw tumabi sa amin dahil doon siya matutulog sa kwarto ni Keville. Hindi na kami umangal na dinala na ni Saul ang mga unan niya papunta sa Tito Keville niya na kwarto.
"Thank you!" aniya.
"Hmm.. thank you for what?"
"For everything, thank you for everything Mica!" hinayaan ko siya na haplusin ang buhok ko habang nakatagilid ako sa kanya at ang loko hindi na nakatiis kaya pinaharap niya ako sa kanya.
Walang nagsalita, nagkatitigan lang kami sa mata sa mata. Maya-maya hinapit niya ako lalo sa kanya lalong niyakap ako habang pinupulupot ang mga braso sa aking katawan.
"Anong ipangalan natin kay baby if if ever lalaki?" inangat ko ang katawan ko para makita ang mukha niya at agad ding binalik sa pagkayakap ang ulo ko nasa kanyang dibdib at naririnig ko ang tibok nito. Mahinahon lang at hindi malakas.
"Hindi ko pa alam, malay mo babae siya. Siguro this time ikaw na naman ang pumili na ipangalan niya, ayos lang sa akin." saad ko.
"Alright! Pag-isipan ko. I love you!" Tumigil yata ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Bigla ba akong nabingi at mali-mali na ang mga naririnig ko sa kanya o inaantok lang ako. "I said I love you, Michaella Gomeza, oh shit why are you crying? Nakakaiyak ba ang magsabi ng mahal kita?" natatawa niyang sabi kaya hinampas ko siya sa kanyang braso.
Inangat ko ulit ang katawan ko. Nakasimangot. "Kailan pa? Baka sinasabi mo lang yan dahil may baby tayo." Naiinis ako dahil alam mo talagang nag-eenjoy siyang makita niya akong nakasimangot.
"Such a cutie pie, mahal naman talaga kita, may pangyayari lang sa buhay na nagkamali tayo kaya I'm sorry for that and I want to start a new chapter with you. That's the most important thing right now," saad niya.
"Kayo kasi, bakit niyo iyun ginawa sa akin, pero dahil nagsorry ka kaya papatawarin kita agad-agad dahil ayokong ma stress tulad ng dati." wika ko. Tama na siguro, tama na ang salitang sorry para ibaon sa limot ang nakaraan, hindi naman ako saint pero alam ko ang salitang magpatawad.
Ayoko ko lang patagalin dahil kung hahantong lang kami sa away at alam ko na babalik ako sa dati na may trauma at depression, gusto kong alagaan ang anak ko na walang pinoproblema.
"Kayo?" pero bago niya pa dagdagan ay sinakop ko na ng halik ang ang mga labi niya. Namiss ko siya. Na miss ko ang crush ko dati, ang una ko sa lahat, ang tatay ng anak ko at magiging anak namin. Na miss ko ang pangalang Ignacio John Baltimoore.
"We're talking, but my soon to be wife…need something for my body, huh!"
"Nagsalita ang ilang araw ng pinipigilan ang sarili," ani ko sa mahinang boses habang nakangiti sa kanya.
"I won't deny it, sabi ko na sa'yo di ba, nagsusungit kaman o ngumingiti sa akin ay sa'yo lang ito tumatayo," kinurot ko siya ng mahina sa kanang braso dahil sa sinabi niya. Namumula yata ako lalo kapag sinasabi niya na sa akin lang ang ano niya. Grrr.
"Lower your voice baka may makarinig sa ating dalawa!" bulong niya habang hinahalikan ako sa iba't-ibang parte ng aking mga mukha pero bago pa niya mahubad ang pantulog ko na damit ay may kumatok sa pintuan namin.
"Shit!" mura niya. Alam kong si Saul na naman ito. Pagkatapos naming mag-ayos ng damit ay sinenyasan ko na siya na buksan ang pinto.
Napasuklay siya sa kanyang buhok habang nakabusangot.
"Next time aalis tayo na tayo lang dalawa ang magkasama, okay? O di kaya maiwan si Saul dito sa bahay at doon na lang tayo sa condo ko para malaya kang makasigaw. I want 10 rounds with you babe." Ano raw?
Binato ko sa kanya ang unan na agad naman niyang sinalo habang tumatawa at pinag buksan ang anak namin.
"Why baby?"
"Dito na lang po pala ako matutulog. Promise kapag tall na po ako, hindi na po ako sa tabi niyo matutulog," ani ng anak namin.
"No baby, you can always sleep with us.. Wala namang problema yun sa amin, right mama?" Tinaasan ko siya ng kilay habang umakyat na si Saul para tumabi sa amin sa pagtulog. Okay lang sa'yo yun? Wala kang 10 rounds na magaganap.
But then mas lalo siyang nakabusangot habang sinusuklay ang buhok. Natawa ako ng mahina kaya matalim niya akong binalingan. "Maligo muna ako, matulog na kayo!" aniya at lumabas na siya ng kwarto para maligo.
Sobrang saya ng mga magulang ni Ignacio na magkakaapo na naman sila ulit.
So far ang ganda ng takbo ng buhay namin. Minsan kapag busy ako o si Ignacio ay pinapasyal ni Eula si Saul kasama ang mga kaibigan din niya na may mga anak na na gusto naman ni Saul dahil nakakilala siya ng bagong kaibigan.
Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon may tumawag kay Ignacio dahil may nangyari kay Shemaia dahil sa kagagawan ng kaklase namin noong highschool na si Karen dahil sa patay na patay ito sa asawa ni Shemaia na isang half Italiano. Nag-alala si Ignacio dahil matagal na niya itong itinuturing na kapatid na babae.
Mabuti na lang at walang nangyari sa mga anak nila at kay Shemaia noong isinilang ang triplets pero sa masamang balita nagkaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang kanyang asawa. Kilala niya kami na kaibigan at kaklase pero hindi ang kanyang asawa at ilang buwan din ang tiniis naming lahat na bumalik lamang ang ala-ala niya na nangyari naman kaya masaya ako para kay Ignacio.
Baka next year ay diyan na talaga matutuloy ang kasal namin dahil okay na ang kaibigan namin. Hindi naman ako nagmamadali lalo at malapit na rin akong manganak, ilang buwan na lang ang hihintayin. Pwede nga naming gawing flower girl kung babae ang nasa sinapupunan ko.
Pero sa isang kasiyahan hindi talaga mawawala ang masamang balita.
Nasa opisina ako ni Ignacio at may ginagawa. Wala siya ngayon dito dahil nasa Maynila sila ni Eula para tingnan ang project nila na inumpisahan ng gawin. Uuwi din siya mamayang gabi. Kaya napigilan ko ang selos ko dahil sa minu-minuto ay nag-uupdate siya sa akin kung ano na ang ginagawa niya na may kasama pang photos. Kaya napangiti na lang ako
Next month uuwi si Tuko, galing daw ito ng Paris dahil may mission, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya kaya marami akong katanungan sa kaibigan ko na yun.
Inabot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table dahil may tumawag, ang teacher ni Saul. Sinagot ko ito at nilagay sa aking tenga para marinig ko.
"Hello po, napatawag po kayo?" Bungad ko sa kanya.
"M-miss G. gomeza," ani sa kabilang linya na parang takot at nanginginig na boses kaya nakakunot ang noo ko.
"Bakit po?" Medyo kinakabahan, bigla ko na lang naramdaman.
"M-miss miss si Saul miss!"
"Bakit po? Ano ang nangyari sa anak ko? May sakit ulit?". sunod-sunod na tanong ko. Agad kong pinulot ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng opisina at dumeretso sa elevator para makababa na ng lobby dahil nandun naghihintay ang driver namin.
"Ma'am may kumidnap po sa anak niyo. May mga armadong lalaki na may dala na malalaking armas ang bumaba sa sasakyan dito sa paaralan at ng nakita si Saul ay agad nila itong ipinasok sa van…" pagbukas ng elevator ay para akong estatwa na hindi na nakakilos, hindi pa ako nakahakbang ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.